Hugot #30
Mahal ko si Lord pero mas higit niya akong mahal kaysa sa pagmamahal ko sa kanya.
Ilang beses mo nabang sinabi na "MAHAL KO SI LORD"? siguro maraming beses na, pero alam mo ba na mas higit ka niyang mahal kaysa sa pagmamahal mo sa kanya?
We love because he first loved us. -1 John 4:19
Kung hindi dahil kay HESUS hindi rin natin matututunan ang word na LOVE o PAGMAMAHAL. Walang katumbas magmahal ang Panginoon sa atin. Pero minsan nakakalungkot isipin na karamihan sa atin hindi natin ma appreciate pagmamahal niya dahil bising busy sa wordly love. Bising busy sa paghahanap ng the one, ni hindi naman ipinapaubaya kay Hesus ang lahat. Minsan sa pag seseek natin ng pagmamahal sa iba, nakalimutan na natin na may Diyos tayong higit na mas nagmamahal sa atin. Kung feeling mo unloved ka, worthless, andiyan si Lord , mahal na mahal ka niya.
Nasasaktan siya kapag piniplease mo ang iba para mahalin ka lang. ANDIYAN SIYA, hindi mo kasi siya inaaceept ng buong buo, ano nga ba siya para sa iyo? ano klaseng relasyon meron ka kay Lord? iniechapwera mo lang ba siya? consistent kaba sa kanya o hindi?
Hindi biro ang ginawa niyang sakripisyo sa atin, sana makonsensiya karin sa mga pinagagawa mo sa kanya. Pero alam mo kahit ganyan ka, ganito ako, mahal na mahal niya parin tayo. O diba, Amazing love how can it be, that you my King would die for me. Huwag mong e ignore si Lord, hindi mo matututunan magmahal kung wala siya. Wala ka dito kung wala siya.
The LORD your God is in your midst, a mighty one who will save; he will rejoice over you with gladness; he will quiet you by his love; he will exult over you with loud singing. -Zephaniah 3:17
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro