Hugot #29
Kung may nanakit sa iyo, huwag kang gumanti, hayaan mo si Lord maghiganti para sa iyo.
Minsan kapag nasaktan tayo ng labis ng mga taong nakapaligid sa atin ay naiisip natin na sila'y paghigantihan, pero maling mali po ito.
Ano ang sabi ni Lord tungkol sa paghihiganti?
Dear friends, never take revenge. Leave that to the righteous anger of God. For the Scriptures say, "I will take revenge; I will pay them back," says the LORD. -Romans 12:19
Diba malina na malinaw na sinabi niya, siya na ang bahalang gumanti para sa atin, ganyan niya tayo kamahal. Hindi niya tayo papabayaan. Ipagdasal mo ang mga taong nanakit sa iyo na hindi na nila gagawin iyon sa iba at mabago ni Lord puso nila at ang puso mo. Huwag mong ipairal ang ganti gantihan effect, yung parinig rinig mo na naman sa social media, kakasawa na ang ganoong style, okay lang naman mag express pero sana imbes na nagparinig ka sa status mo, finace to face mo nalang sana ang may atraso sa yo, ganyan tayo eh, o tinamaan ka? tapos sa personal nganga walang masabi, diba sabi pa nga ni Lord sa James 5:20 Let him know, that he which converteth the sinner from the error of his way shall save a soul from death, and shall hide a multitude of sins.
Yes, kasalanan ang manakit pero kasalanan rin yung magpaparinig ka sa social media, naging judgemental tuloy ang labas mo, akala ko mahal mo si Lord? matuto karing magpatawad sa mga nanakit sa iyo. At sa mga nananakit, intentionally or unintentionally, humingi rin po kayo ng tawad sa mga nagawan ninyo ng pagkakamali pero higit sa lahat humingi kayo ng tawad sa Panginoon dahil may mga bagay na hindi na naibabalik ng salitang sorry, yung the damage has been done na sinasabi nila, pero kapag pinairal natin ang pag-ibig na galing kay Hesus, lahat ng scars, mga mapapait na alaala, mga bad memories, mga nanakit, sakit na di mawala wala, ipag paubaya natin kay Lord ang lahat ng mga pain sa buhay natin. Kasi nga in Heaven there will no person with scars, wanna know why? because JESUS have taken ours. O diba nakakiyak ang pagmamahal ni Lord. Kaya move on, liVe life according to God's will, learn to forgive, let go the things that hurt you, let go of anger, bitterness, tama na yang mga bitter status mo, e status mo nalang kabutihan ni Lord matuituwa pa siya. Let the LOVE of God reside in your heart.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro