Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Hugot #28

Huwag mong ikumpara ang sarili sa iba , may misyon si Lord sa buhay mo at pinili ka niya.

Minsan hindi natin maiiwasan na ikumpara ang ating sarili sa iba. Ang iba napakarami nilang achievements, ang iba ang dami na nilang narating sa buhay, pero huwag mong ikukumpara ang sarili mo sa iba dahil maraming plano sa iyo ang Panginoon.

May ibinibigay ang ating Panginoon sa ating mga buhay na ayon sa kanyang kalooban, sinasagot niya ang ating mga panalangin sa Tatlong ito: YES, NO, WAIT. Kapag sinabi niyang YES, gawin mo ito, pag NO huwag mong e push ang sarili, kapag WAIT ,matutunan mong maghintay sa timing niya para sa buhay mo, huwag mong madaliin ang lahat. Naalala mo ba mga disciples ni Lord sa Bible? Ilang taon din silang naghintay: Joseph waited 13 years, Abraham waited 25 years, Moses waited 40 years, Jesus waited 30 years. Kung ipinapahintay ka ni Lord, sundin mo kasi you are in a good company. Hindi mo pa time ngayon, pero parang araw makakamtan mo rin ang iyong minimithi, pero huwag mong kalimutan na sa iyong paglalakbay ang kaagapay mo ay si Hesus, gawin mo siyang inspirasyo. Marami pang magagandang bagay ang mang yayari sayo, maghintay ka lamang sa signal niya.

Huwag mo ring ipaibabaw ang inggit sa iyong kapwa, hindi pwede't sila ang nasa taas ngayon ngayon, hindi pwede't sila yung mga maraming nakalap na disciple ngayon, wala kang na invite sa fellowship niyo, wala ka naring pag-asa na bumangon, remember THE HIGHEST PLACE IN THE WORLD IS STILL DOWN AT THE LORDS FEET. Huwag mong ipairal ang self mo palagi, si Lord palagi unahin mo. Matutong maging mapagkumbaba sa lahat ng narating mo kasi hindi mo naman magagawa ang lahat ng iyan kung wala si Lord sa buhay mo.

Don't compare yourself to other Christians, compare your life to Christ, He is the one you are following. Kasalanan ang envy, kapag nagkasintomas ka nito, repent ka kay God, e pray mo na ma overcome mo yung sin na yan.

Each of you must examine your own actions. Then you can be proud of your own accomplishments without comparing yourself to others. Assume your own responsibility. -Galatians 6:4-5

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro