Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Hugot #26

Kristiyano ka nga pero nagpapariwara ka parin sa scam, horoscope, fortune cookie, manghuhula, ano bayan. Repent now.

Sino-sino sa inyo ang guilty diyan? sino-sino sa inyo ang iniaasa ang kanilang kapalaran sa mga manghuhula, mga horoscope, fortune cookie at scam? pwes panahon na upang gumising ka kaibigan.

Mas makapangyarihan ang ating Diyos kaysa sa mga nasabi sa itaas na mga halimbawa. Ayaw ni Lord na pangunahan ang gusto niya na siya namang taliwas sa sinasabi ng mga manghuhula. Kasalanan po ang manghula at magpahula, huwag na huwag mong iasa ang future mo sa mga taong hindi naman kayang higitan ang Panginoon. Repent now!

Sa mga horoscope naman, maling mali din ang mga ipinapahiwatig ng mga ito. Mas malakas, EFFECTIVE parin ang word ni LORD, proven and tested, may ebidensiya pa. Huwag mong iasa ang sarili sa mga sinasabi ng mga mapaglinlang na horoscope nayan, nililito kalang niyan at inilalayo sa katotohanan. Ang tanging katotohanan ay si Hesus, ang salita niya. Repent now.

Sa mga tao namang hilig sumali sa scam, itigil niyo na po yan. Aanhin mo naman ang kayamanan kung wala kang Panginoon? Kasalanan din ang pag-sca scam at sumasali sa mga scam. Alam niyo kung bakit? pera kasi ang involve, money is the root of all evil. Huwag kang padadala sa mga taong hinahatak ka sa grupo nila para sumali, magsikap ka na naayon sa loob ng Panginoon, diba nakakaganang panoorin kapag may nagpapatalastas sa social media, pay 2 thousand and in one week it will become 13 thousand, what a lame. Ang pera pinaghihirapan po yan, pero dapat gamitin sa mabuting paraan. Ang iba ang ending nadaya tuloy, hindi na nadala sa mga balita sa tv at sa radyo.

Tinatakpan ng mg ito ang katotohanan, makamundo ang mga bagay na ito at kailangan nating iwasan, gamitin mo ang salita ng Diyos para malabanan ang mg kampon ng kasamaan. Habang maaga pay ilayo ang sarili sa mga ganitong bagay, mas ituon ang sarili sa pagpupuri sa Panginoon. Sa mga bagay na eternal, sa mga bagay na nakatuon sa ating Hesukristo. Humingi ka ng patawad sa kanya kung ginawa mo ang nabanggit sa itaas at sa mga iba mo pang kasalanan, repent now kapatid, hindi pa huli ang lahat!

Sabi pa nga sa 2 Timothy 4:3

For the time will come when people will not put up with sound doctrine. Instead, to suit their own desires, they will gather around them a great number of teachers to say what their itching ears want to hear.

Ano ang dapat nating gawin?

Acts 3:19

Repent, then, and turn to God, so that your sins may be wiped out, that times of refreshing may come from the Lord,





Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro