Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Hugot #25

Sa mga nagsasabing walang forever, #MAYFOREVER po kay Lord.

Ang katagang walang forver at may forever ay trending na trending ngayon. Ano nga ba ang totoo?

Walang forever sa ibang tao kasi kung pag-ibig ang pag-uusapan , madali lang magsawa ang feelings ng tao. Kunting away lang, ang nasa isip hiwalayan, ang iba nasasakal na sa pag-ibig, ang iba sobra magbigay ng pag-ibig, ang iba naman hilig mag take ng advantage sa mga partner nila. Kaya hayun, walang kasiguraduhan ang feelings ng tao, parang bagyo. Hiwalay dito, hiwalay doon, emote status sa fb dito, emote doon. Hindi kasi nakasentro sa Godly love ang mga ito kaya walang forever. Ang worldly love madaling magsawa at hindi nagtatagal, yan ang mga walang forever.

Hindi kasi tayo gaya ni Lord magmahal, unconditional ang kay Lord while sa atin inconsistent o pabago bago. Kaya kung gusto mo ng forever , look at Jesus Christ. He died for Him to know you, makipagrelasyon ka sa kanya. Seek him first. Hindi applicable sa mga tunay na Kristiyano ang katagang "Walang Forever", dahil alam namin na may forever sa Panginoon.

Kaya kung may bitter na magsasabi na walang forever, share to him/her the love of JESUS CHRIST. Hindi kasi nila narinig ang totoong Gospel. Sabi pa nga sa Psalms 100:5, For the Lord is good and his love endures forever; his faithfulness continues to all generations.

God is love. He didn't need us. But he wanted us. And that is the most amazing thing. -Rick Warren

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro