Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Hugot #22

Ang tunay na Kristiyano kampon ng COC, COC na hindi laro kundi CLAN OF CHRIST.

Marami sa atin ang nahuhumaling sa larong COC, pero kapag devotion ang pinaguusapan, marami ang bagsak. Paano kasi mas binibigyan natin ng oras ang mga bagay na wala talagang katuturan. Mas pinagtutuunan natin yung mga worldly pleasures na wala naman tayong nakukuhang eternal values.

Okay lang naman maglaro ng COC, pero dapat maka COC karin pagdating kay Lord. Lahat ng tumanggap kay Lord ng buong puso ay kanya na. Ikaw deserving kabang mapabilang sa Clan of Christ?

Bigyan mo rin ng oras ang Panginoon, huwag puro laro laro lang, huwag puro pabebe lang. Lakas mong maka hashtag sa twitter ng mga trending topics pero pagdating kay Lord ni hindi mo nga siya mai tweet at mapasalamatan sa lahat. Hindi lang yun, nakakapanlumo na pati sa twitter nag a away away ang mga fandoms ng mga artista, nagpaparinigan, matutuwa ba si Lord nun? Hindi.

Lakas mong maka status nang mga bagay tungkol sa crush mo pero kay Lord wala. Lakas mong maka post ng OOTD, pero verse of the day wala, meditation and reflection of the day wala. Anong nangyare, akala ko follower ka ni Lord?

Minsan kasi saka palang natin tatawagin pangalan ni Lord kapag may kailangan tayo, kapag nagdurusa, kapag may gusto tayong makuha, huwag kang ganun. Ibibigay niya ang para sa iyo kung gugustuhin niya, alam niya ang motibo ng puso at isip mo.

Mahiya ka naman sa kanya, nag buwis buhay na nga si Lord sa iyo gaganyanin mo pa. Matuto kang magpasalamat sa kanya araw araw, imbes Panginoon, lagi mong sinasambit ang Lord "Pahingi noon" , huwag hingi ng hingi kung hindi karin lang mag effort na makuha gusto mo.

Galatians 3:25 reminds us that, For ye are all the children of God by faith in Christ.

Lahat tayo children of God, pero kunti lang ang tunay na may relationship kay Christ, maki COC ka narin ngayon, have an intimate relationship with Jesus Christ, be a certified, faithful CLAN OF CHRIST.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro