Hugot #21
Sinuman ang makinig sa salita ng Diyos, e a-aapply sa kanilang buhay, at kakapit ng mahigpit dito ay hindi kailanman masasawi.
Eternal Life o Buhay na walang hanggan kasama si Hesus, diba masarap sa pakiramdam kapag nakasama natin ang Panginoon sa kanyang muling pagbabalik? Nagawa mo ba ang tungkulin mo sa kanya o patuloy ka pa ring nakahimlay sa iyong mga kasalanan? Pwes humingi ka ng patawad sa Panginoon ngayon din.
Ang sarap mabuhay na kasama ang Panginoon, kung wala kasi ang word niya, mahahalintulad tayo sa isang lantang gulay. Ang lantang gulay hindi na nakakain, sa part natin wala tayong silbi kung wala ang Panginoon kaya nararapat lang na ikay kumapit sa kanyang mga sinasabi kaysa sinasabi ng mundo. Tama na ang pagiging worldly, nakatira tayo sa mundo na ang nakapaligid ay pawang polluted, mga walang kakwenta kwentang bagay na humahatak sa atin para magkasala, huwag ganun, ituon ang sarili sa mga bagay na may kabuluhan , sa mga bagay na magiging proud si Lord na ginawa mo ang naayon sa kanyang loob.
Hindi porket maraming highlight yang Bible mo deserve mo na ang tawaging Man and Woman of God. Marami ngang kulay ang naka highlight hindi mo naman hinighlight pati sa buhay mo, huwag kang magpakitang tao kay Lord dahil alam niya ang lahat.
Sabi pa nga sa Isaiah 40:8, The grass withers and the flowers fall but the word of our God stands forever. Kitams? Panghabambuhay ang salita niya. Mamatay man tayo at sumakabilang buhay, hindi matitibag ang salita ng Diyos. Sana mapagtanto mo na kailangan mong magkaroon ng personal Lord at Savior at si Hesus yun. Kaya tanggapin mo na siya sa buhay mo. Hindi natin tunay na tahanan ang mundo, ang tunay na tahanan natin ay sa Heaven kasama ang Panginoon.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro