Hugot #2
Napaka imposibleng e-please ni GOD kung wala tayong FAITH.
Ano ang faith? ito ang tinatawag na pananalig. Paniniwala sa bagay, tao na hindi mo nakikita. Bakit kailangan natin ito? ito ba ay nakikita? nahahawakan?
Unang una sa lahat, ang Pananalig o pananampalataya sa Panginoon ay napaka importante sa isang Kristiyano dahil isa ito sa pinakamahalagang bagay upang tayo ay mabuhay sa araw araw at tulay sa buhay na walang hanggan kasama ang ating Panginoong Hesukristo. Kung wala ka nito, napaka walang silbi ang mabuhay, alam mo kung bakit? kasi kung wala tayong Panginoon, malamang wala rin tayo sa mundo kaya nararapat lang na siya'y sambahin at bigyan ng pugay sa lahat ng biyayang ipinagkaloob niya sa atin.
Kung wala tayong Pananalig sa kanya, madali tayong sinusubok ng kaaway, kaya ugaliing magdasal at magkaroon ng oras para sa ating Panginoon, yung tipong heart to heart talk, ilabas mo sa kanya ang mga hinanaing ng iyong puso, umiyak ka kung gusto mo, at huwag na huwag mong ilihis ang sarili sa mga makamundong bagay.
Kung wala rin tayong pananalig sa kanya walang silbi ang ating pagpunta sa simbahan, pagdarasal, pagtatrabaho, paninilbihan sa kanya. Ang lahat ng mga pasakit sa mundo ay panandalian lamang, huwag na huwag mong sisisihin ang Panginoon sa mga masasakit, mabibigat na pangyayari sa iyong buhay bagkus ika'y magpasalamat dahil sa libo libong tao sa mundo binigyan ka niya ng pagsubok na alam niyang kaya mong malampasan. Kaya mo yan! huwag kang susuko! tatagan mo lang ang iyong loob. Humayo ka at maging matapang sa pagharap sa hamon ng buhay.
Palagi mong tatandaan ang mga nakasulat na ito sa Bibliya:
Ngayon, ang pananampalataya ay siyang kapanatagan sa mga bagay na hinihintay, ang katunayan ng mga bagay na hindi nakikita. -Hebrews 11:1
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro