Hugot #16
Hindi lang dapat nakatuon ang buhay mo sa pagkain ng karne, manok, gulay at iba pa dito sa mundo, kainin mo rin ang salita ng Diyos.
Bakit nga ba mahalaga sa buhay ng isang Kristiyano ang basahin ang salita ng Panginoon?
Sagot: Dahil ipinag-utos sa atin ng Panginoon na basahin ang salita niya para mabigyan ng direksyon ang ating buhay.
Ang Bibliya ay napakagandang bagay na ipinamana pa sa atin ng mga disipulo ng Panginoon. Marami ang ayaw dito, lalo na yung mga unbelievers, sinasabi nila na fictional Character lang daw ang Panginoon, pwes respetuhin nalang natin ang opinyon ng mga taong hindi nananampalataya sa Diyos.
Nakasaad sa Bibliya ang lahat ng sinabi niya, pinanggalingan niya, kung sino siya, will niya sa ating buhay, kung ano ang nasa isip niya, kabutihan niya, kung Paano ni God ibinigay kay Mama Mary si Hesus at marami pang iba.
Ang Bibliya ay salita ng Diyos. Totoo ang mga nakasulat dito, any mga testimonya niya ay hindi kathang isip. Pure ika nga.
Sa Proverbs 30-5:6, nakasaad kung bakit infallible o hindi maaring nagkakamali ang salita ng Diyos.
Every word of God is pure; He is a shield to those who trust in Him. Do not add to His words, Lest he rebuke you, and you be found a liar.
Ang salita din ng Diyos ay kumpleto, makapangyarihan, sapat, at tutuparin ng Panginoon ang mga pangako niya na nakasaad sa Bibliya.
Kaya ngayon, simulan mo na ang pagbabasa ng Bibliya. Kung ngayon mo palang siya tinanggap (si Lord) welcome to the Christian world ka parok.
Kung tinatamad ka, nakakaawa naman ang Spiritual life mo. Kailangan mo ring bigyang buhay ang pagiging Kristiyano mo. Huwag lang basta mga pagkain para sa sarili mo ang kainin mo, kainin mo rin ang Salita ng Diyos.
LIVE IT.
APPLY IT.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro