Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Hugot #15

Masarap mamuhay na walang galit sa Puso. Paano mo ma aachieve ang peace of mind kung napaka bitter mo?

Hinahangad ng Panginoon sa atin na magkaroon tayo ng peace of mind sa ating buhay. Yun bang namumuhay na worry less, walang iniisip na kung ano ano, positibo ang iniisip mo at joyful . Pero sa panahon ngayon madali na tayong mai-stress, ma depress, magka anxiety dahil sa mga makabagdamdaming pangyayari sa ating paligid. Hayun tuwang tuwa ang kaaway dahil nakikita ka niyang nagagalit, naiinis, nag ooverthink, may hinanakit sa kapwa, selos, bitter.

Bilang isang Kristiyano, ituring sana natin siyang kaibigan (Jesus Christ) kung saan pwede nating sabihin sa kanya ang ating mga hinanakit, poot, bitterness sa mundo. Huwag kang mag utubiling tawagin ang Panginoon araw araw, best listener siya at best adviser pa, all in one kaya huwag kang mahiya sa kanya. Hindi lang yun, tagos pa sa puso mga advices niya sa iyo, minsan nga mapapaluha ka. Iwasan mo ang pag ooverthink dahil nakakasama ito sa ating buhay at ugaliing e focus ang sarili sa pag iisip ng mga spiritual, eternal na bagay.

Gusto ni Lord na sa araw araw na pamumuhay natin hindi tayo mamuhay ng pariwara, na sinisisi ang ating mga sarili, dahil lang sa mga unrepented sins, heartbreaks, pains, bondages natin sa buhay. Magdasal ka sa kanya na sana mawala ang hinanakit diyan sa puso mo kasi sabi niya sa Isaiah 26:3, God will keep us in perfect peace if our minds are stayed on Him.

Isipin mo ang mga kabutihang nagawa ni Lord sayo, isipin mo na hindi ka nag-iisa sa laban ng buhay mo. Nandiyan si Lord. Lean on to Him always.

Sabi pa nga sa Romans 8:28

We know that all things work together for good to those who love God and are called according to His purpose.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro