Hugot #14
Aanhin mo ang pera't karangyaan, kung wala kang Lord na siyang daan tungo sa walang hanggan.
Lahat ng tao kailangan ay kailangan ng pera, pera pambili ng makakain, pera pambili ng damit, pera pang tuition at iba pang kailangan sa buhay pero dahil din sa salitang "PERA", marami ang naging sakim. Marami ang tiwali, naging gahaman dahil lang sa pera. Tingin ng iba, tunay na kasiyahan ang pera at materyal na bagay, pero bigo silang hanapin ang tunay na kaligayahan, bakit? Dahil hindi pera at materyal na bagay ang tunay na makakapagpasaya sa atin kundi ang Panginoon lamang.
Ano ang masasabi ng bibliya ukol sa pera at karangyaan?
Nakasaad sa 1 Timothy 6:10, For the love of money is a root of all kinds of evil. It is through this craving that some have wandered away from the faith and paced themselves with many pangs.
Nakasaad sa Ecclesiastes 5:10, He who loves money will not be satisfied with money, nor he who loves wealth with his income, this is also vanity.
Hindi naman masama na maghangad na yumaman, mas maigi parin yung sinusunod mo ang kalooban ng Diyos habang tinutupad mo ang iyong pangarap. Kung mayaman ka na, ibahagi mo ang mga ari arian mo sa mga nangangailangan. Hindi mo madadala ang pera sa eternal home natin. Kaya e accept mo at e receive ang Panginoon sa buhay mo, siya ang tunay na kayamanan mo.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro