Hugot #12
Mas mahalaga ang relationship mo kay Lord kaysa sa pagiging relihiyoso/denominational mo.
Marami sa atin ang naguguluhan kung ano nga ba ang taong relihoyoso sa taong may totoong relasyon sa Panginoon.
"I love Jesus", marami rin sa atin ang nagsasabing mahal nila ang Panginoon ngunit hindi naman ni lilive out ang salita niya.
Sa panahon din ngayon, marami ring relihiyon ang nag Cle- claim na sila ang way, truth and life. Gusto ko lang sanang paalalahanan ang lahat na Religion didn't die for you, Jesus died for you. Nakakatawa kasi yung iba, sila daw ang totoong church ng Panginoon naninira naman ng ibang relihiyon, so disgusting. Nakakasawa pakinggan. Mga bulag sa katotohanan ika nga. Kailangan nating e preach sa mga taong ito na si Hesus lamang ang tanging daan sa buhay na walang hanggan at hindi ang relihiyon.
Kung ano man ang relihiyon/denominasyon na meron ka ngayon, sana naituro sa iyo ng relihiyon mo na si Jesus lang ang way, truth and life. Biblical kasi yan eh, nakasulat sa John 14:6, I am the way, the truth and the life, no man cometh unto the Father, but by me. Mag focus ka sa kanya, apply His words, learn to live it. Huwag kang maging puppet ng sarili mong denominasyon, huwag maging go with the flow lang. Nag go with the flow ka nga, wala ka namang intimate relationship with Jesus, wala ring silbi ang pagiging go with the flow mo.
Paano nga ba magkaroon ng relasyon sa Panginoon?
The answer is to accept and receive Him as your personal Lord and savior.
Read the Bible.(God will speak to you through reading the Bible, communication is the key to any relationship)
Pray
Medidate on the words of God heartily.
Apply what is written in the words of God.
Live according to His will not your will.
Share Him to others.
Ilan lamang yan sa paraan kung paano natin mas lubusang makilala ang ating Panginoon. Mas mahalaga sa kanya ang relationship mo sa kanya kaysa relationship mo sa relihiyon mo. Set and fix your eyes on Jesus.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro