Hugot #11
Sa hirap at ginhawa, matutong magpasalamat kay Lord.
Anuman po ang pinagdadaanan natin sa buhay, sa hirap at saya, matutunang magpasalamat sa poong maykapal. Lahat ng meron tayo ngayon, hangin, tubig, pagkain, at kung ano ano pa ay dahil sa kanya. Imbes na magreklamo tayo, matutong maging maligaya at huwag hanapin kung ano yoong kulang.
Let's take for example yung story ni Job, ang laki ng faith niya kay Lord, pero sinubok siya ng pagkakataon, sinubok din siya ng kaaway kung totoo ba talaga ang pananalig niya kay Lord at Hindi niya binigo ang Panginoon, nag hold on kasi siya , matatag ang faith niya at nagpasalamat siya kay Lord sa lahat lahat ng pinagdaanan niya.
Tularan sana natin si Job, na sa kabila ng daang daang pagsubok na ibinigay sa kanya ng kaaway, hindi nawala ang pananalig niya sa Poong Maykapal. Huwag mo ring iisipin na pinapabayaan ka ni Lord. Mahal na mahal niya tayo, kaya araw araw magpasalamat ka sa kanya.The Lord deserves all the glory, honor at praise.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro