Andreas' POV:
Kabado man pero I need to do this. I don't want her to feel bad dahil sa nakalimutan ko siya ng panandalian kanina habang puro pag-aalala para kay Amara ang pumuno sa utak ko. Natauhan lang ako nang paglabas ko ng ER ay si Paulo nalang mag-isa ang naabutan ko sa labas.
"Andrie, nauna nang umalis si Gabriela. Pinasasabi sayo na mauuna na siya." pagbibigay alam ni Paulo sa akin.
"Damn! I forgot! Kanina pa ba siya umalis?" usisa ko kay Paulo, nagbabakasakaling maabutan ko pa siya sa labas kung hahabulin ko siya.
"Pagkapasok mo sa loob, umalis na siya agad. Teka, bakit nga pala kayo magkasama?" kunot-noong tanong in Paulo na puno ng katanungan ang mga titig na ipinukol sa gawi ko.
Hindi na iba si Paulo sa akin. Matagal na kaming magkaibigan. He's not an ordinary driver based on what other people see. Personal assistant ko siya at the same time driver slash bodyguard. He takes care of my safety and he proved to me how reliable he is when it comes to safeguarding my well-being.
I know he has something for Amara which I respected kahit na hindi niya kayang sabihin dito. I kept my silence about what I see and know dahil he deserve it for himself. Isa siya sa pinagkakatiwalaan ko sa halos lahat ng bagay.
"I made peace with her." maikli kong sagot.
"So, binigyan ka na ni Alester ng report tungkol kay Gabriela?"
"Nope. He hasn't given me any yet."
"Then why the sudden change of heart? You like her?" mataman niya akong tinitigan.
"Too early to say that. I just want to give her the benefit of the doubt that she deserve. Besides, I know she has nothing to do with the issues spreading on the news. Nadadamay lang din siya and I owe her an apology, Pau." wika ko sa kaniya.
"Which you already did." konklusyon niya.
"Yes pero alam kong naiilang pa rin siya sa'kin and I can't blame her for feeling that way." alam kong naiintindihan ni Paulo ang sinasabi ko. "Come on, breakfast muna tayo." yaya ko sa kaniya.
"Mauna ka nalang umuwi. I'll stay with her. Ako na bahala sa kaniya. Kailangan mong magpahinga." pagtataboy ni Paulo sa akin.
"Keep me updated sa kondisyon niya, Pau. I'll be back later." sabi ko sa kaniya kasabay ng isang tapik sa balikat. Tumalikod na ako pagkatango ni Paulo sa mga bilin ko saka tuluyang tinungo ng elevator.
I have to make it up to Gabriela. Nag-iisip ako ng paraan habang nagmamaneho pauwi kanina. At heto nga ako ngayon nakaabang sa labas ng boarding house niya matapos kong ibigay sa kasama niya sa kwarto ang lunch na binili ko.
Tulog pa daw si Gab ayon doon sa Claire na nakausap ko kaya nagbilin nalang ako sa kaniya. Pinagtitinginan ako ng mga taong dumadaan sa kalsada habang nakatayo ako sa labas ng kotse ko. Patay-malisya nalang ako kahit gusto ko nang pumasok sa loob ng kotse at doon nalang maghintay. Pero mas nanaig ang kagustuhang makita agad ni Gab na nasa labas ako.
Maya-maya ay bumukas 'yong bintana ng kwarto niya at iniluwa ang isang kagigising lang na Gabriela. Halatang kababangon lang niya sa higaan dahil medyo magulo pa 'yong buhok niya.
Ang ganda niya kahit bagong gising. Kinawayan ko siya habang nakangiti na ikinagulat niya nang mapagsino ako. Bigla niyang isinara uli ang bintana. Ibinaba ko 'yong kamay ko saka naglakad papunta sa gate ng boarding house nila.
Nag door bell ako at naghintay na may magbukas ng gate. Maya-maya ay dahan-dahang bumukas ang gate. Iniluwa nito si Gab na naka jeans at cotton shirt na puti. Nakahilamos na ito at nakatali na ang buhok kahit halatang hindi iyon nadaanan ng suklay.
"Hi!" bati ko sa kaniya.
"H-hi! N-naligaw ka y-yata." wika niya. Napansin ko agad ang pagkailang at pagtataka sa pagsasalita niya.
"I'm sorry kanina. Hindi man lang kita naihatid dito. Umuwi ka tuloy mag-isa." paghingi ko ng paumanhin. Ewan ko ba pero she's capable of making me nervous and even make me utter words I'm not used to say.
"Okay lang 'yon. Nasa emergency na sitwasyon ka tsaka kaya ko ang sarili ko. Ahm, salamat sa pagkain. Hindi ka na dapat nag-abala." wika niya na hindi ko man lang nakikitaan ng galak dahil sa ginawa ko. "Ay, pasok ka nga pala." imbita niya na nilakihan ang bukas ng gate.
Iba nga talaga siguro siya sa mga babaeng nakilala ko. Wala siyang arte sa katawan. Walang pakialam sa kung ano ang status mo sa buhay. Napakasimpleng babae. Halatang napalaki siya ng maayos ng kaniyang mga magulang.
"No, okay lang. I just drop by to say thank you sa pagsama sa akin kahit inumaga tayo."
"Okay lang 'yon." maikli niyang tugon.
Napatigil ako sandali ng may tumikhim sa likod ko. "Hmm! Excuse me! Makikiraan lang sand..." nakita ko ang pagbabago ng ekspresyon sa mukha ng babae ng lingunin ko.
"I-ikaw si M-Mr. Andreas M-montiero di ba?" tanong niya na lumapad ang ngiti sa labi nito.
Binigyan ko lang siya ng isa ngiti bilang tugon. Ayokong makatawag ng atensiyon kapag kinumpirma ko ang tanong niya. Binigyang daan ko lang siya sa gate para makapasok na siya.
''Mas gwapo kayo sa personal.'' wika pa niya bago tuluyang pumasok sa loob na napapalingon pa sa gawi ko.
''P-pasensiya ka na dun, bagong lipat.'' narinig kong wika ni Gab.
''Bakit ka humihingi ng pasensiya?''
''Ano, ahm, b-baka may k-kumalat na naman na picture. May nakakilala sayo dito.'' ramdam ko ang pag-aalangan sa boses niya.
Ayokong maging asiwa na naman siya sa akin.
''It's fine. I'm used to people like that especially women. I've met the worst kind so don't worry.''
Tinitigan lang niya ako nang walang ekspresyon sa mukha. Naisip ko tuloy kung nagagwapuhan din ba siya sa akin.
Gusto ko matawa sa iniisip ko. First time na naghangad ako ng papuri galing sa isang babae. Nasanay ako na kusa iyong binibigay sa akin.
''Sige na, alis na.'' pagtaboy niya sa'kin. ''Kailangan ka ng girlfriend mo.'' dugtong niya na ikinakunot ng noo ko.
Nakita niya 'yon kaya medyo nag atubili siya bigla.
''S-sa o-ospital. . .'' pero di na niya tinuloy dahil nakita niya ang reyalisasyong rumihistro sa mukha ko nung maintindihan ko ang ibig niyang sabihin.
Si Amara ang tinutukoy niyang girlfriend ko. Gusto kong matawa na iwan dahil talagang wala siyang alam sa buhay ko kahit pa open book sa madla ang buhay ko lalo na nung ako ang pumalit sa pwesto ni Dad.
"Okay, I'll go ahead." pagpapaalam ko kahit wala naman akong pupuntahang iba since natawagan ko na si Cleo na icancel ang mga meetings ko for the day and to call me if I am badly needed sa office.
"Ahm s-sige. Salamat ulit." maikli niyang wika na napasinghap ng gawaran ko siya ng isang halik sa pisngi. Napaawang ang labi niya dahil sa pagkabigla.
Nag-init bigla ang pakiramdam ko habang tinitingnan ang nakaawang niyang labi. Ang sarap niya halikan sa labi pero pilit kong pinipigilan ang sarili ko.
''Damn Gabriella! What are you doing to me?'' pipi kong tanong sa isip ko. Bakit ba ang sexy niya tingnan kahit sa simpleng ekspresiyon lang ng mukha niya.
Minabuti kong umalis na sa harap niya bago ko gawin ang mga bagay na gustong-gusto kong gawin sa kaniya. Itinodo ko ang aircon ng sasakyan ko nung makasakay na ako dito para maibsan man lang ng kaunti ang init na nararamdaman ko.
Tanaw ko mula sa sasakyan ang pagsara niya sa gate kaya pinaandar ko na ang kotse at nagmaneho palayo. Sa ospital ako dumiretso para madalaw si Amara.
''Kumusta siya?'' bungad ko kay Paulo na nakaupo sa couch ng private suite ni Amara. Halatang di pa ito nakakabawi ng tulog mula kagabi though nakapagpalit na ito ng damit.
''Nagising siya kanina pero natulog ulit. She's done with her tests. Everything's fine. Kailangan lang niyang magpahinga.''
''You can take a rest. Ako na muna bahala sa kaniya, Pau.'' may pag-uutos sa boses ko dahil alam kong di niya iiwan si Amara kahit mangalumata pa siya dahil sa kakulangan ng tulog.
''No! I'll stay. Please let me stay.'' may pagsusumamo sa boses niya.
''Hindi niya gugustuhing magisnan na ganiyan ang ayos mo. Matulog ka sa kabilang bed. I'm not telling you to go home.'' gusto ko matawa sa reaksiyon niya.
Napatigil ito at saka nakatungong tinungo ang bakanteng higaan para sa bantay. Nahiga na siya matapos sulyapan si Amara.
''Malulusaw na siya, Pau.'' pabiro kong sambit ng makaupo ako sa iniwan niyang couch sa tabi ng kama ni Amara.
''Tado!'' maikling wika bago humiga patalikod sa amin.
Halos isang oras na ang lumipas ng gumalaw si Amara at dumilat.
''Kumusta nang pakiramdam mo?'' tanong ko sa kaniya ng sumilay ang isang pilit na ngiti sa labi niya.
''I'm fine, Andre. Masakit ang buong katawan lalo na 'to.'' na ang tinutukoy ay ang nabaling braso na iniiwasan niyang igalaw.
Despite her being fragile ay ramdam na ramdam ko ang lakas ng loob ni Amara. I know ayaw na ayaw niya 'yong kinakaawaan siya tulad nang ayaw niyang ipakita sa mga tao ang sarili niya in a helpless situation.
''S-si. . . P-paulo? U-umuwi na ba?'' pautal niyang tanong. Gusto ko ngumiti sa pag-aatubili niyang itanong 'yon pero minabuti ko nalang na inguso ang kabilang bed para di halatang ramdam ko ang kaba niya.
Medyo nagliwanag ang mukha niya nang makita ang kaibigan kong nakatulog ng nakatalikod sa amin.
''Mahal mo na ba?'' tanong ko na ikinabigla niya.
''H-hindi ko alam.'' sagot niya na kay Paulo pa rin nakatingin.
''Pero masaya kang kasama siya.'' hindi iyon tanong dahil bukod sa sarili niya, alam ko ang nararamdaman niya. Kita ko 'yon sa mga tinginan nilang dalawa.
''Kung oo, okay lang ba sayo?'' tanong niya na parang nagpapaalam pa sa akin na animoy importanteng pumayag ako.
''You don't have to ask me, Mara. You know what's my stand about that.'' alam niyang di ko siya kailanman pinigilan sa gusto niya lalo na sa usaping pag-ibig.
Kahit na nasasaktan ako sa tuwing nasasaktan siya kapag napupunta sa wala ang mga relasyong inalagaan niya, still hindi ko siya pwedeng pangunahan lalo na ang pigilan dahil buhay niya pa rin 'yon at desisyon.
I always believe that being happy is a choice we do kahit na paulit-ulit nating gawin para mahanap ang totoong kaligayahan na 'yon.
''How 'bout you? Sabi ni Pau may kasama ka kanina.'' baling niyang tanong sa'kin. Her eyes were beaming at me na parang nanunukso.
''Tsss. Ke lalaking tao tsismoso.'' pag-iwas ko sa tanong niya.
''So, totoong kasama mo siya kanina? You're not denying it.'' untag niya.
''Yeah. Galing ako sa boarding house niya before I went here.'' diretso kong sagot.
''I see.'' may pilyang ngiti na tumakas sa mga labi nito.
''What? Ba't ganyan ka makangiti?''
''May something na ba?'' alam niyang ang tagal na noong magkaroon ako ng interes sa isang babae and the fact na nagkausap sila ni Alester ay alam kong alam niya ang pabor na hiningi ko dito.
''Too early to tell. Too early to conclude. She's a threat to my ego.''
''And why is that?''
''She's unbelievably shocked na may mga nakakakilala sa akin. It seems that she really don't know who I am and wala siyang pakialam. Ni hindi ko nakitaan ng excitement noong makita ako sa labas ng gate.'' sagot ko na mas ikinangiti niya.
''That's really a first time for you. So how's our ego coping?'' pagbibiro niya.
''Well, I'm almost convinced today na inosente nga siya sa mga ipinaratang ko sa kaniya. But still, I need to be cautious.''
''Sometimes you have to learn to trust, Andre. Hindi lahat ng tao yaman at katanyagan mo lang ang habol. Loosen up! Enjoy the feeling and be happy.'' payo niya habang gagap ang isa kong kamay na nakapatong sa gilid ng kama niya.
''Sana nga Mara. She even thought you're my girlfriend. Imagine that?''
''Now, I'm convinced. I wanna meet her Andre.''
''Anong sasabihin ko? Na gusto siya ma-meet ng girlfriend ko?'' patawa kong wika na diniin ang salitang girlfriend. Tumawa ng walang tunog si Amara.
''That's your problem kung paano mo sabihin. Basta gusto ko siya makilala. I guess I like her already.''
''Ang bilis naman. Dati panay bakod mo sa mga naging chicks ko.''
''Because they're all hypocrite and famewhore. Others are gold diggers. So what do you expect from me?''
''Then, wala na akong masabi. Pagaling ka agad para ma-meet mo siya.''
''Deal!'' ngiti niyang sagot ng biglang may tumikhim sa kabilang gilid niya.
Gising na pala si Paulo o mas tamang sabihin kong nagising siya dahil sa pag-uusap nami ni Amara.
''I'll leave now, Mara. Be back by dinner. Pau, ikaw na muna bahala dito.'' paalam ko sa kanila sabay tayo at gawad ng isang halik sa ulo ni Amara.
''Thanks, Andre. Please bring dinner'' wika niya.
''Okay. Pahinga ka. Alis na 'ko Pau.'' saka tinungo ang pinto. Gusto ko silang bigyan ng oras dahil kahit di man hilingin nilang dalawa alam kong kailangan nila 'yon. Ang magkasarilinan kahit sandaling panahon.
I went to the office kahit na wala sa plano. Ginugol ko ang kunting oras sa pagsagot ng mga emails ko. Around 5:30, I asked Cleo to order dinner na pinadeliver ko directly sa ospital by 6pm.
Mahinang katok sa pinto ang nagpaangat ng ulo ko mula sa pagkakatotok sa laptop ko.
''Come in.'' mahinahon kong tugon saka pumasok si Cleo.
''Sir Andre, Mr. Eric Chen would like to have a meeting with you by 2pm tomorrow. I need your confirmation, Sir.''
''Okay, 2pm is fine with me.'' sagot ko habang unti-unting sumilay ang isang ngiti sa labi ko.
Parang nagbago din ang isip ng intsik na 'yon at gustong makipag-usap. Mukhang nasa panig ko ang ihip ng swerte sa pagkakataong ito.
''I'll go ahead now, Cleo. You're free to go home now kung wala ka nang gagawin.'' wika ko sa kaniya na sinagot niya nang isang tango at matipid na 'Thank you, Sir' saka ako tumayo para umalis na.
Dumiretso ako sa ospital at gaya ng pangako ko kay Amara ay sabay kaming tatlo ni Paulo na nagdinner. 'Yon nga lang ang pangako kong magbitbit ng dinner ay mas nauna pa sa akin na dumating.
Nahalata kong mas masigla na si Amara kaysa kanina at medyo bumalik na ang pagkamadaldal nito. Saya ang nakikita ko sa mukha niya at hindi ko maipakakailang gusto ko ang nakikita ko sa kaniya ngayon.
Mga bandang alas nwebe na ako na umalis sa ospital. Si Paulo pa rin ang nagbantay kay Amara at parang hanggang makalabas ito. Nagfile ang loko ng one week leave as my personal driver.
Hinayaan ko na kasi alam kong medyo na-guilty siya sa nangyari. Well, I know it was just one of the reasons dahil may mas malalim pa na rason kung bakit niya ginagawa 'yon.
Gusto ko sanang dumaan sa restobar na pinagtatatrabahuan ni Gabriella pero naalala kong day-off niya ngayon kaya nag night out kagabi.
Nagflashback bigla sa akin ang hitsura ni Gab kagabi lalo na't lumutang ang magandang hubog ng kanyang katawan na mas pinatingkad pa ang maputi at makinis niyang kutis.
And that guy she's dancing with, damn! He was really enjoying her company kaya nga siguro muntik nang magkainitan nung akmang makipagsayaw sa kaniya yong payatot na long hair na lalaki.
Gustong-gusto ko siyang hilahin, ilayo at itago sa mga matang halos lumuwa na sa kakatitig sa kaniya pero pinigilan ko ang sarili ko. Hindi pa kami lubusang maayos.
Hindi ko alam kung bakit pero hindi maganda sa pakiramdam ko kapag nakikita ko siyang nag-aatubiling makipag-usap sa akin. Ni hindi siya kampanteng makasama ako o makaharap man lang.
Hindi pa ako nakatanggap nang ganung pagtrato lalo na sa isang babae. Nasanay akong maging center of attraction, 'yong tipong kahit tingin ko lang ay nagpapakilig na sa kanila. 'Yong parang isang ngiti ko lang kumpleto na araw nila.
Pero ibang-iba si Gabriella sa lahat. She made me feel na isa lang akong pangkariniwan na nakakasalamuha niya araw-araw. Naaapektuhan man siya sa presensiya ko pero pagkailang at pag-aatubili ang nakikita ko. Wala 'yong nakasanayan kung kilig at saya tulad ng ibang babae.
''Paano ba kita mapapaamo, Gabriella Magsaysay? Bakit ba feeling ko iba ka sa lahat?'' tanong ko sa isip ko habang papasok sa basement ng condo building ko.
Minabuti kong dumiretso sa unit ko gamit ang private elevator na para lang sa akin. Piling tao lang ang nakakagamit nito tulad ni Paulo, Amara at Alester.
Isang mabilis na shower ang ginawa ko saka nagpalit ng puting sando at boxers. Papasok na ako sa pinto ng office/library ko ng tumawag si Paulo.
''Pau? Anong problema?'' agarang tanong ko pagkasagot ng tawag. May kakaibang sundot ng kaba akong naramdaman na di ko maipaliwanag. Siguro dahil hindi pa nakakalabas ng ospital si Amara.
''Tumawag si Lopez. A big scoop just came in his office.'' tugon niya. Si Kurt Lopez ang manager ng isang malaking newspaper company. Siya ang tagalinis ng mga issues tungkol sa akin lalo na kung peke ito.
''Anong scoop na naman 'yan at talagang big ang description niya?'' gusto kong tumawa sa kung anumang balita 'yon. Sino na naman kaya ang may pakana nun.
''About you. . . kissing a woman in broad daylight.'' sagot niya.
Ano daw? May hinalikan ako kahit tirik ang araw? Sino na namang. . . Shit! Si. . . si Gabriella ba 'yong tinutukoy na babae?
''Pau, send me the picture. Now!'' puno ng pag-uutos na sabi ko saka pinutol ang tawag.
Napahawak ako sa sentido ko. Lagot kung si Gabriella nga 'yon. Pagkapasok ko sa loob ng library ay tumutok agad ako sa laptop ko. Tumunog ang cellphone ko hudyat ng kakapasok na mensahe.
Tuluyan na akong napasapo sa ulo ko ng makita ang pinadalang picture ni Paulo. Si Gabriella nga ang babaeng tinutukoy niya at ito 'yong pagdaan ko kanina sa boarding house niya.
''Nakita mo na ang picture?'' tanong ni Paulo nung sagutin ko ang pangalawang tawag niya.
''Yes. Tell Lopez to get rid of that picture and never let it out.''
''Nasabi ko na sa kaniya. Sabi niya ipakilala mo na lang daw sa kaniya kung hindi ka interesado.'' parang dumaloy lahat ng aking dugo papunta sa ulo ko nang marinig ang sinabi ni Paulo.
''The hell! Pakisabi sa kaniya hindi pangkoleksiyon si Gabriella. Tell him there's no way I will let him.'' bulalas ko habang tinitimpi ang pagka badtrip.
''Para kang possessive na boyfriend. Relax! Binibiro ka lang pero bilis-bilisan mo, all eyes are on your girl now.'' saka naputol ang linya.
Shit! Hindi pwedeng maging focus ng atensiyon si Gabriella. Ayokong maging magulo ang buhay niya nang dahil lang sa akin. Kailangan ko siyang ilayo sa gulong ako ang dahilan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro