Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 13

Gab's POV:

Parang bombang sumabog sa pandinig ko ang mga salitang sinabi ni Andreas. Bukod sa hindi ko inaasahan 'yon ay puno ng pag-aalinlangan at pangamba ang dibdib ko.

Pag-aalinlangan sa totoong nararamdaman niya dahil bukod sa hindi pa niya ako lubusang kilala ay ayaw maniwala ng puso't isip ko sa damdaming inihahayag niya sa'kin ngayon. Unang-una ay isa lang akong ordinaryong babae na kumakayod para mabuhay sa araw-araw. Pangalawa ay isa lang akong ulilang lubos na salat maging sa mga kaibigan.

Sino ang maniniwalang magugustuhan ako ng isang tulad ni Andreas Montiero?

At pangamba sa maaaring maging epekto ng pagkakadikit ng pangalan ko sa pangalan niya. Hindi siya isang ordinaryong tao tulad ko na pwedeng magmahal lang ng kung sino. Siya si Andreas Montiero, isang sikat na negosyante na ubod ng yaman at tinitingala pagdating sa larangan ng negosyo.

Pangarap siya ng mga kababaihan at kinaiinggitan ng mga kalalakihan dahil sa tinatamasang katanyagan at amor sa mga babae.

Hindi ko alam kung ano ang itutugon ko sa mga sinabi niya lalo na nang sabihin niyang kapatid niya pala 'yong si Amara. Kaya pala sobra ang pag-aalala niya ng maaksidente ito.

Pero naubos ang pagtitimpi ko ng idawit niya sa usapan si Maximus. Hindi deserve ni Max ang mga paratang niya dito na boyfriend ko ang huli na siyang dahilan kaya hindi ko matugunan ang kaniyang inihahayag na damdamin.

Natapos ang pag-uusap naming 'yon sa isang tahimik na pag-iyak ko sa balikat ni Andreas kasabay ng paghingi niya ng paumanhin sa ibinato niyang paratang sa'kin tungkol kay Maximus.

''S-saan tayo pupunta?'' tanong ko kay Andreas habang hawak-hawak niya ako sa kamay at hila patungo sa beach.

"I just want to show you something." sagot niya sa'kin habang hila pa rin ako sa kamay. Napasunod ako nang wala sa oras.

Parang hindi nangyari ang tapatan ng damdamin at iyakan kanina sa inaakto nito ngayon. Minsan napapatanong ako kung si Andreas ba talaga ang kasama ko dahil sa bilis ng pagbabago ng mood nito. Siguro ayaw lang niya akong maging asiwa ulit habang kasama siya.

Siguro normal lang sa isang tulad ko na mag-isip ng ganun kasi hindi ko pa siya lubusang kilala. Pero dapat ko nga ba talaga siyang kilalanin?

Handa ba talaga akong papasukin siya sa buhay ko?

Handa ba akong maging magulo ang tahimik kong buhay dahil sa kaniya?

Kaya ko bang magmahal? Kaya ko kayang suklian ang pagmamahal niya kung sakaling. . . Hindi! Hindi ko dapat iniisip to. Malayong mangyari na magiging parte siya ng buhay ko.

"What do you think?" narinig kong tanong niya na pumukaw ng pag-iisip ko. Nakahinto na pala kami sa dalampasigan at nasa harap ko si Mang Berto sakay sa isang jetskie.

"Ahm. . . A-anong. . ."

"Sasasakay tayo diyan.  Come on." yaya niya na mas humigpit ang hawak sa kamay ko.

"T-teka lang, Andreas. Ano kasi. . . Ahm. ." nangangapa ako nang sasabihin dahil sa pagsulak ng kaba sa dibdib ko.

"Don't be afraid. May pupuntahan lang tayo sandali." wika niya na parang nahalata ang kabang naramdaman ko.

Hindi ako takot sa dagat dati pero nagkaroon ako ng matinding takot kapag lulan ng isang bangka dahil sa nangyari sa akin noong elementary pa lang ako. Nagkatuwaan kami ng tatlong kaibigan ko na sumakay sa isang bangka na pag-aari ng tatay ni Denise pero dahil puro kami bata at dahil sa kalikutan ay nalunod 'yong sinakyan namin na muntik na naming ikapahamak. Buti nalang at nasagip kami ng isang mangingisda na pauwi na galing sa laot.

Mula noon ay hindi na ako sumakay uli ng bangka. Iyong pagsakay ko nga ng barko papuntang Maynila ay buong tapang kong hinarap para lang makapunta dito.

"Come on. Trust me. Walang mangyayaring masama. Hindi ko hahayaang may mangyaring masama sayo." wika ulit ni Andreas nang hindi pa rin ako gumalaw sa kinatatayuan ko.

Napatingin ako sa sasakyang pandagat na 'yon habang pababa si Mang Berto doon at hinihintay ang paglapit namin.

"Akong bahala sayo." tatlong salita mula kay Andreas na puno nang kasiguraduhan na walang masamang mangyayari sa akin.

Kusa akong nagpaakay sa kaniya papunta sa dagat at maingat niya akong inalalayan pasakay sa jetskie ng makasampa siya doon. Napahawak ako ng mahigpit sa balikat niya ng gumalaw iyon dahil sa alon.

"Kapit ka sa bewang ko. Relax, Gabriella." mahinahon niyang utos habang iginiya ang isang kamay ko papunta sa bewang niya.

Parang may isip ang kamay ko na kumapit sa bewang niya at kusang sumunod 'yong isa kasabay ng paglapat ng katawan ko sa likod niya. Hindi ko na ininda kung anong sasabihin niya sa ginawa ko dahil naibsan ang takot na nararamdaman ko dahil doon.

"Better. Now, relax ka lang. Mabilis lang 'to. Close your eyes if you need to." wika niya na sinunod ko naman.

Naramdaman ko ang paggalaw nang sinasakyan namin dahilan upang mas humigpit ang kapit ko sa kaniya. 

Kaya mo 'to, Gab! Kapit ka lang.

Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakayakap sa likod niya habang nakapikit nang unti-unting bumagal ang takbo ng sinsakyan namin hanggang sa huminto ito.

"Were here." anunsyo niya na ikinamulat ng mga mata ko pero pinikit ko ulit nang makitang nasa malalim na parte na kami ng dagat.

Napahigpit ulit ang kapit ko sa bewang niya sabay ng paglamukos ko ng t-shirt niya.

"Open your eyes slowly, Gab. Don't look down." utos niya.

"B-baka. . .m-malunod. . ."

"No. Hindi tayo malulunod. You just have to open your eyes and enjoy the view. Don't worry, hindi ko hahayaang mapamahamak ka." ayon na naman ang mga salitang 'yon galing sa kaniya. Hindi ko maipaliwanag pero nakakaramdam ako ng seguridad sa kaniya.

Dahan-dahan kong binuksan ng mga mata ko at lakas-loob na iginala ang mga mata sa paligid. Napakalawak na dagat ang tumambad sa akin, napakatahimik at napakalinaw ng tubig. Hindi ko mawari pero unti-unti akong nakaramdam ng kaginhawaan at kapanatagan ng dibdib.

Naramdaman ko ang mga kamay ni Andreas na nakahawak sa mga kamay ko. Ayon na naman ang parang kuryenteng dumaloy sa katawan ko kahit sa mga simpleng hawak niya. Gusto kong bawiin ang mga kamay ko pero mas hinigpitan pa niya ang hawak dito.

"Stay with me like this, Gab. Kahit ngayon lang." may pakiusap sa boses niya.

Napapikit akong tumango at hinayaan ang mga kamay kong nakayakap pa rin sa bewang niya habang hawak niya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

"Thank you, Gab." narinig kong wika niya.

"T-thank you saan?"

"Thank you dahil nagawa ko ulit 'yong ganito, after a long time." hindi ko man maintindihan 'yong ibig niyang sabihin ay tumango lang ako. Wala ako sa posisyon para tanungin siya ng mga tanong na hindi ako sigurado kung dapat ko bang itanong sa kaniya.

"I always do this whenever I'm here. This is my way of relaxing. Iyong nandito ako sa gitna ng dagat at tahimik lang na nakamasid sa tubig. Iyong ninanamnam ko lang ang katahimikan na hatid niya. I admire the sea so much, not just because of its beauty but because of how God created such a wonder like this. Minsan nga naikumpara ko siya sa buhay ko." nakikinig lang ako sa mga sinasabi niya.  Ito yong side ng pagkatao niya na unti-unti kong nakikilala.

"P-paanong naikukumpara?" napaisip ako sa sinabi niya. Paano maikukumpara ang buhay ng tao sa dagat?

"Ang buhay ko parang ang dagat lang. Malawak at maraming responsibilidad."

Tama siya! Malawak ang mundong ginagalawan niya at napakarami niyang responsibilidad. Responsibilidad na hindi niya kayang balewalain at iwanan. Parang singlawak ng dagat at singdami ng responsibilidad na meron ito sa mga bagay at nilalang na nasa ilalim nito.

Kaya mas dapat na hindi siya madistract. Hindi ako dapat dumagdag sa mga bagay na makakasira ng focus niya. Hindi biro ang magpatakbo ng maraming kompanya pero nakakaya niya.

Hindi na ako nagsalita pa. Hindi ko rin alam kung anong sasabihin ko.

"What happened earlier. . . s-sana hindi yon maging dahilan na mas mailang ka sa'kin. I'm sorry for what I said."

Nakaramdam ako ng lungkot sa sinabi niya. Hindi ko maintindihan kung bakit pero parang may isang bahagi ng puso ko ang nawalan ng lakas dahil sa paghingi niya ng tawad.

So nagkamali lang siya sa sinabi niya kanina. Maling salita ang nasabi niya at hindi ko dapat seryosohin, ganun ba 'yon?

Kunsabagay, isa nga naman talagang pagkakamali ang gustuhin ang isang tulad niya. Pero mas lalong isang malaking pagkakamali ang magustuhan ng isang tulad niya.

Gising Gab! Gumising ka sa katotohanan! Tama na, Gab! Tapos na ang pagdidileryo mo na mamahalin ka ng isang katulad ni Andreas. Nagkamali ka lang sa narinig mo.

Hiyaw ng utak ko na nagpagising sa aking sarili sa isang panaginip na inaakala kong totoo.

"Gusto mo na bang bumalik?" sabi niya sa gitna ng pananahimik ko.

"S-sige. Balik na tayo." pagsang-ayon ko kipkip ang kudlit ng sakit sa dibdib ko dahil sa mga reyalisasyong napagtanto ko.

Magaang pagpisil sa mga kamay ko ang ginawa niya bago niya ito bitawan at magsimulang patakbuhin uli ang sinasakyan namin pabalik sa pinanggalingan namin kanina.

Maya-maya pa'y nakarating kami sa dalampasigan kung saan nag-aabang pa rin si Manong Berto. Inalalayan ako nito na makababa sa jetskie.

"Pwede na ba akong umuwi?" lakas-loob na tanong ko kay Andreas na kasunod kung bumaba bago iyon sakyan ni Manong Berto.

"Kung pipigilan ba kita, will you stay?" seryoso nitong tanong sa'kin habang malamlam na nakatitig sa mukha ko.

Tama ba 'yong nakikita ko sa mga mata niya? Kalungkutan?

Malungkot ba siya dahil gusto ko nang umuwi? Gusto ko matawa sa iniisip ko.

Bakit ba nag-iilusyon ka pa rin, Gab? Guni-guni mo lang yang lungkot na 'yan. Gumising ka na at harapin ang totoong mundo. Mundong ikaw lang ang naroon at walang Andreas.

"G-gusto ko nang umuwi. Alam kong hindi na ako aabot sa shift ko pero gusto ko nang magpahinga. K-kahit huwag mo na akong samahan o ihatid. Ituro mo na lang 'yong daan. Ako na maghahanap ng masasakyan." ayokong bigyan pa siya ng alalahanin.

Ayokong magkaroon pa siya ng obligasyon sa'kin. Kaya kong umuwi mag-isa. Nakaya ko ngang mabuhay mag-isa mula nang mawala si nanay, ito pa bang pag-uwi ang hindi ko kakayanin?

''No! Ihahatid kita."

"Hindi. Okay lang talaga. Kaya ko na ang sarili ko." pagtanggi ko.

"I insist, Gabriella! There's no way I'm letting you go home alone." giit niya.

Parang bata lang ang kausap? Ayaw talaga maniwalang kaya ko umuwi mag-isa eh.

"Hindi. Kaya ko na." umiral na naman ang katigasan ng ulo ko pero mas matigas kasi ulo ng kausap ko.

"Ihahatid kita o hindi ka uuwi? That's your only choice right now. Nasa kwarto lang ako kung may napili ka na sa dalawa." may inis na sa boses niya. Naglakad ito papunta sa bahay pagkatapos bitiwan ang mga pangungusap na 'yon.

Galit na agad? Nakukulitan na yata sa'kin. Gusto ko sana siyang pigilan kaso baka tuluyan na akong masigawan. Bumalik na naman 'yong Andreas na una kong nakilala.

Parang may dalaw lang kung magkaroon ng mood swings. Topakin din 'tong taong 'to.

Ano bang pipiliin ko sa dalawa? Binigyan nga ako ng choice pero wala naman akong mapagpipilian.

Ang gulo lang talaga!

      🗞🗞🗞🗞🗞🗞🗞🗞🗞🗞🗞🗞

Masasawi yata si Gab sa mga ginagawa kong update.

Makakauwi kaya si Gab? Paano na ang party sa susunod na araw?

Makakadalo kaya si Gab?

Abangan ang mga susunod na bangayan ng Andriella.

Salamat sa pagbabasa.. Kahit medyo nakukulangan ako sa update na 'to. Babawi ako sa next update guys.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro