Kabanata 9: Nakakamanghang Gamit
Princess Edotheia's POV
"Aaahh— Putanginaaaa!"
Muli akong napatingin kay Macoy na takot na takot na humihiyaw at yumayakap sa nakababata niyang kapatid na si Curie. Napahawak ako sa aking labi upang pigilan ang lalabas na tawa sakin.
Labis ngang nakakatuwa tignan si Macoy na parang mas bata pa na yumakap sa sobrang takot. Kulang na nga lang ay isiksik niya ang sarili sa munting paslit.
Muli ay itinuon ko ang tingin ko sa TV na pinapalabas ang nakakatakot na palabas na horror daw sabi nila. Yung movie na tinawag nilang Seed of Chucky.
"— Dahil sa oras na tumibok ang aming puso sa ianag tao. Gaya ni Francisco magiging isa rin kaming bula. Kaya bawal. Bawal kaming umibig sa isang tao"
"Hayyy tama na yan— bad vibes bad vibes" pagsingit ni Michelle "Mabuti pa manood na lang tayo nang horror movie"
"Kasiya siya ba talaga yang pinapanood niyang horror?"
Agad lumapit sa akin si Curie at ngumiti.
"Oo naman ate— lalo na kapag nakita mo si Kuya Macoy na umiiyak sa sobrang takot."
"Tumigil ka diyan bulilit" pagsinghal sa kanya ni Macoy "Hindi ako natatakot— bata lang ang natatakot sa horror movie"
Agad nagtawanan ang lahat dahil dun.
"Yun naman pala" pagngisi ni Jayce "Edi panoorin na natin yung kasunod nang Bride of Chucky"
Biglang tumili si Curie dahil dun— napatingin kaming lahat sa kanya. Ngiting ngiti niyang winagayway sa amin ang isang maliit na kahon na parang may larawan nang manika na dugo sa paligid. Meron deng mga letrang hindi ko mahinuha kung anong ibig ipahiwatig.
"Seed of Chucky!"
Napakunot ako nang noo sa sinabi ni Curie.
"Anong seit of Shaky?" nakakunot kong tanong sa kanya
Napayuko na lamang ako nang tumawa silang lahat sa aking itinanong. Napayuko na lamang ako sa hiya.
"Horror movie girl" ani ni Moyi "Gaya nang kwento mo sa amin kanina. Pero ang pinagkaiba ay pinalabas nga lang siya sa bagay na yun"
Napalingon naman ako sa malaking itim na parisukat na bagay na nakadikit sa pader na kanyang itinuro. Napakunot noo ako at nais magtanong kung paano magtatahal ang palabas riyan ngunit naunahan ako nang aking hiya.
"Manonood tayo diyan, Ate." Masayang tugon ni Curie sa akin
Mas napakunot ako dahil dun. Bumuntong hininga naman silang lahat dahil sa aking reaksyon. Siguro'y nalaman na nila na hindi ko alam kung ano ang bagay na iyon.
"Oh!"
Halos mapatalon ako sa gulat nang may bagay na biglang inilagay sa akin si Devron. Tinignan ko naman iyon at sinuri.
"Ano ang bagay na ito?"
"Remote" parang balewalang sabi niya "Pindutin mo yung malaking pulang buton diyan tapos itutok mo dun sa TV"
Nagtataka man ay agad ko siyang sinunod.
"Mula batanes hanggang hulo, saan ka man ay halina kayo~"
Muntik pa akong malaglag sa aking kinauupuan nang may mga taong lumabas ron.
"Mahal na Mercida! Nasumpa ba sila?!"
Agad silang nagtawanan sa reaksyon ko.
"Wag kang mag alala. Hindi yan nasumpa." Natatawang sabi ni Liam "Ganyan ang mga palabas sa amin. Chill lang!"
Ngumiwi ako at tinignan ang remote at ang bagay na tinawag ni Devron na TV.
"Ngunit paano nagkasya ang mga nilalang na tao sa ganyang kaliit na bagay." ani ko "Nakakamangha ngunit nakakabahala. Pano sila makakaalis diyan?"
Muli silang tumawa dahil dun.
"Wag kang mag alala, meron ang mga tao na tinatawag na gadgets— isa diyan ang camera at yun ang ginagamit para kahit nasa malayo sila ay mapapanood pa rin natin"
Napakunot ako dahil ron.
"Kung gayon, hindi sila nasumpa?"
"Hindi"
"Hindi rin nakulong?"
Nakangiting umiling lamang sa akin si Devian.
"Ngunit hindi pa rin ako mabahala sa mga tao riyan sa bagay na tinatawag niyong TV. Pano sila makakaalis diyan?"
"Puro ka tanong na isda ka!" angil ni Devron "Hindi sila makakaalis diyan dahil palabas lang yan. Tanga!"
Napanguso ako dahil don.
"Wag ka ngang ganyan kaya Edotheia" pagsusungit sa kanya ni Michelle "She didn't knew everything okay? Be considerate"
Umismid lang sa kanya si Devron samantalang napangiwi na lamang ako dahil hindi ko naunawaan ang huli niyang binigkas. Hindi na ko nagtanong dahil sa hiya.
"Paumanhin kung tanong ako nang tanong, Devron. Hindi ko kasi alam ang mga bagay na ginagamit niyo sa inyong buhay bilang isang taga lupa"
Inirapan niya ako kaya napanguso na lamang ako dahil dun.
"Eto na lang oh, Edotheia"
Nabaling ang atensyon ko kay Jayce nang tawagin niya ko. Lumapit siya sa akin at may inilagay sa aking mga palad.
Takang taka ko siyang tinignan dahil dun. Ngumiti lamang siya sa akin at may pinindot na bilog sa ibabang bahagi nun.
Umilaw ang bagay na iyon pagkatapos ay bumungad sa akin ang isang babaeng halos hubad na. Sa sobrang gulat ko ay muntik ko na mahulog ang bagay na yun buti na lamang at agad nasalo ni Jayce agad.
"Shit! Muntik na"
Napakagat labi ako sa hiya.
"Paumanhin"
Ngumiti siya sa akin bilang tugon.
"Sensya na den. Nagulat ata kita"
Tumango ako bilang tugon.
"Hindi ko kasi inasahan ang iyong ginawa" ani ko "Bakit mo nga pala yan inilagay sa aking mga palad?"
"Para malinawan ka" napakamot siya sa kanyang batok "Alam ko kasing naguguluhan ka sa TV kaya papakilala kita kay Cellphone"
Napangiti naman ako dahil dun.
"Kung gayon ang babae sa bagay na iyan ay isa deng tao?"ani ko at muling bumaling sa bagay na iyon "Kamusta ka cellphone, ako nga pala si Edotheia isang prinsesa nang mga sirena sa kaharian nang Atlantis. Ikinagagalak kong makilala kita"
Agad kong pinidot ang bilog sa ibaba bahagi nito gaya nang ginawa ni Jayce— pero mas diniinan ko pa.
"Hello, I'm Linsey, your virtual assistant"
Bumaling ako sa kanilang lahat na laglag ang mga bibig— napangiti ako dahil dun. Mukhang nagkasundo kami ni cellphone. Ang galing!
"Hindi ko man naunawaan ang salitang binitiwan ni cellphone ngunit batid ko'y natutuwa din siyang makilala ako"
Hindi nakaligtas sa aking sulyap si Liam na kumamot pa nang kanyang sariling batok sa gilid at parang alanganin pang natawa.
"Tangina awkward" bahagyang tawa ni Macoy "Explain mo nang maige yan, Jayce"
Napakunot noo ako dahil hindi ko na naman maintidihan ang ilang pinahihiwatig nila.
"May problema ba?" Tanong ko "Meron kayong sinisenyas— mali ba ang aking ginawa?"
Sabay sabay silang tumango sa akin bilang tugon.
"— Ngunit pinakilala ako ni Jayce kay cellphone" ani ko "Kaya nagpakilala ako"
"Sensya na Edotheia, mali lang ako nang sinabi ang ibig kong sabihin ay ipapakita ko kung pano gamitin tong cellphone."
Napatango naman ako dahil dun.
"Ganito kasi yan"
May mga pinidot siya sa bagay na yun na hindi ko batid kung ano— lalo na ang mga letra na kakaiba sa aking paningin.
"Ito yung camera parang sa TV para makita mo ang sarili mo at maaktuhan ang nangyayari"
Napatingin ako sa kanya dahil dun.
"Nakakamangha"
Ngumiti naman silang lahat dahil dun. Pinidot niya yung sinasabi niyang camera dun at nang makita ko ang aking sarili ay muntikan ko pa yung masira buti na lamang at pinigilan nila ako at ipinaliwanag na hindi daw yung impostor ko dahil gaya nang salamin ay ganun rin ang camera. Napakagaling! Napakahusay nang mga gamit na ganito.
"Pipindotin mo lang tong pula para naman sa video— Pakita ko sayo"
May pinidot siya muli dun at hinarap sa akin ang cellphone.
"— Magsalita ka"
Napakagat ako nang ibabang labi sa kaba.
"A-Anong aking s-sasambitin?"
Binaba niya ang cellphone at hinarap muli iyon sa akin. Bumaba ang aking bibig sa pagkamangha nang makita ang nangyari sa akin kanina lamang.
"Napaka galing nang bagay na iyan. Ang video na iyong ginawa gamit yang cellphone ay siya'ng kamangha mangha. Para memorya na kayang ilahad ang nangyayari"
Tumawa silang lahat.
"Syempre! Ganyan ang mga teknolohiya dito sa mga tao, Edotheia"
Napangiti ako dahil dun.
"Nakakatuwa, nawa'y sana ay mabiyayaan den nang mga gamit nang mga taga lupa ang aming tirahan sa karagatan"
"Hindi yan mangyayari— sira na yung gadgets kapag dinala mo yan dun. Wala kayong kuryente sa dagat, Isda!"
Napakunot noo ako dahil dun.
"Kuryente?"
"Hahaba nang hahaba ang usapan na to isda, puro ka tanong"
"Hindi ko kasi alam ang iyong binigk—"
"Boltahe nang lakas—- parang kidlat. Yun ang ginagamit namin sa lahat nang teknolohiya namin. Pag wala yun walang mga ganito. Ilaw, TV, cellphone, aircon, naiintindihan mo na ba?"
Tumango ako. Itatanong ko pa sana ano ang aircon ngunit baka magalit lamang siya. Tama naman kasi siya puro talaga ako tanong.
"Pakita mo yung messenger, pre" nakangising singit ni Liam "Tignan natin kung anong reaksyon ni Edotheia"
May pinindot siyang kulay asul an bilog sa cellphone at bumungad sa akin ang mga liog na larawan at ilang letrang hindi ko maintindihan.
Nakita kong pinindot ni Jayce ang larawan ni Curie at may pinindot na kung ano mula sa bahagyang taas nun. Nagitla ako sa gulat nang tumunog ang cellphone at segundo lamang ay lumabas ang refleksyon ko gaya nang sa camera at sa maliit na gilid ay si—
"Curie?!"
Napalingon ako kung san si Curie sa aking paligid at dun ko siya nakita malapit sa TV. Nakangiti at kumakaway sa amin hawak den ang tulad na bagay na hawak ko ngayon.
Takang taka kong ibinalik ang aking tingin sa cellphone at kay Curie. Paulit ulit ko yung ginawa at tawang tawa naman silang lahat dahil dun.
"Anong nangyayari?"
"Ginagamit den namin ang cellphone para makamusta ang kamag anak ko kaibigan namin."
Napangiti ako dahil dun. Nakakamangha!
"Turuan niyo pa ko!"
Napakamot naman sila nang batok dahil dun.
"Tama na yan, manood na tayo— humahaba ang usapan"
Napanguso ako dahil dun.
"Pero—"
"Sige na ate— nood na tayo please?"
Agad akong tumango dahil dun.
"Puta!—Aaahh— patayin niyo na yan!"
Nagtawanan kaming lahat dahil humahagulhol na sa iyak si Macoy. Napailing na lamang ako.
Ganyan ang akala nilang lahat na magiging reaksyon ko kaso hindi nangyari. Si Macoy lang talaga ang lubusang takot sa palabas na ito.
Hindi naman nakakatakot ang palabas— nagtataka nga ako kung bakit hindi ako natatakot samantalang pinapaslang nang manika ang mga tao dun.Siguro dahil alam kong pagtatanghal lamang ito. Hindi totoo.
Muli kong binalik ang atensyon ko sa palabas pero dahil sa mga bagay na nakita ko kanina ay hindi ko na ito pinagtuunan nang pansin.
Hayy— mahal kong mga kapatid sana'y narito rin kaya upang masilayan ang mga nakakamanghang gamit nang mga taga lupa.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro