Kabanata 8: Bawal na Pag-Ibig
Devian Monteverde's POV
"Napakasarap nang inihain niyong pagkain sa akin, mga taga lupa"
Nangiti kaming lahat sa sabi ni Edotheia— nakakatuwa naman siya. Parang bata na may bagong natutuklasan.
"Ang cute ano" nakayakap na sabi sa akin ni Michelle "Parang si Curie lang"
Tumango ako sa kanya bilang tugon.
"Dalian mo kumain diyan, isda" pagsusungit sa kanya nang kapatid ko "Ikaw na lang ang inaantay"
Nagtataka siyang tumingin sa amin— natawa pa ang girlfriend ko dahil sa ngaa kanin na kumalat sa gilid nang labi niya. Ang kalat niya kumain.
"Bakit niyo nga pala ako tinitignan kumain?" Aniya "Hindi ba't tapos na kayo?"
"Hindi kasi kami pwede umalis, Edotheia" sagot sa kanya ni Liam "Kumakain ka pa eh"
Kumunot ang noo nang sirena.
"Ha? Bakit naman?"
"Bawaaaal" pagsingit ni Macoy "Hindi ka magkakaasawa kapag umalis ka sa hapag na may kumakain pa"
Nanlalaking mata namang tumingin si Edotheia sa aming lahat— napatawa kami dahil dun.
"Hala! May ganun pala kayong tradisyon?" tanong niya "Nakakatakot naman yan kung gayon"
Kumunot ang noo namin sa kanya.
"Walang nakakatakot dun. Pamahiin lang yun nang matatanda— pwedeng hindi sundin." Mariing sagot sa kanya ni Devron "Pwede ba, bilisan mo na diyan at nang makapagligpit na"
Edotheia just pouted at him and continue eating her food. Hindi na niya ginamit ang kutsara at tinidor dahil hirap pa den siya gamitin kaya nagkamay na lamang siya.
"— Sa wakas natapos ka deng isda ka" pagsusungit muli ni Devron sa kanya nang matapos kumain si Edotheia "Shit! What a slow eater!"
Natawa na lamang ako. Napanguso naman si Edotheia dahin dun— maybe she didn't understand the last sentence that Devron said.
Nagsimula na deng masitayuan ang mga kaibigan ko para ilagay ang nga plato sa hugasin— biyernes ngayon. Si Macoy ang toka maghugas.
Toka toka kasi kami sa gawain. Ang mga babae na ang nagluluto kaya kami na ang bahala sa mga hugasin.
Nakita kong tumakbo agad si Curie papuntang sala— nauna na sa TV. Panigurado manonood na naman yan nang Barbie. Nauuna na lagi dahil inaagawan nila Macoy manood.
"Halika na Edotheia— hugasan natin yang kamay mo" pagyaya sa kanya ni Michelle "Para malinis"
Nahihiya naman tumango si Edotheia sa kanya at biglang natigil na parang may naalala.
"Sandali"
Nagtaka naman girlfriend ko.
"Bakit?"
Ngumiwi si Edotheia sa kanya. Nagtaka na den ako.
"H-Hindi ako m-makatayo" aniya "H-Hindi ko pa a-alam kung pano ihakbang ang aking m-mga paa"
Nagkatinginan kami ni Michelle at sabay tumango. Humarap ako sa kapatid kong naglalagay nang plato sa hugasin.
"Devron. Buhatin mo ulit si Edotheia papuntang lababo. Maghuhugas lang naman nang kamay yan"
Sumama ang tingin niya sa akin. Ngumisi naman ako bilang tugon sabay yakap sa nobya ko.
"The fuck dude?!"
Napatawa kaming lahat dahil dun. Agad siyang lumapit kay Edotheia at agad siyang binuhat papunta sa lababong pinaghuhugasan nang kamay.
Agad lumapit si Moyi sa kanila para matulungan si Edotheia na maghugas nang kamay.
"Wait ganito lang yan" narinig kong sabi ni Moyi sa kanila
"Tangina. Dalian niyo naman." Reklamo ni Devron sa kanila "Maghuhugas lang namang kamay eh— ang bigat bigat nang isdang to"
Tumawa kaming lahat sa kanya.
"Karma puta" pang aasar na tawa ni Macoy sa kanya "Ayos lang yan, Devron. Minsan ka na nga lang magbuhat e"
"Tangina mo" mura nito "Pagkatapos nito yari ka sa kin"
Muli kaming tumawa sa kanya. Binuksan ni Moyi ang tubig sa lababo at tumingin kay Edotheia— nagdemo siya kung pano maghugas na sineryoso naman ni Edotheia. Tumatango tango pa ito at ngumingiti sa sobrang tuwa sa kanyang nakita.
Napailing na lamang ako habang ang mga kaibigan ko ay namamanghang tumingin sa kanya.
"Sige sige" pumapalakpak na ngiti ni Edotheia "Nais ko ring gawin— Devron pakiusap ilapit mo pa ako sa lababo"
Devron groaned in disapproval but he still do what Edotheia asked.
Ngiting ngiting inilapit ni Edotheia ang kanyang kamay sa lababo at pagdikit pa lamang nang kamay niya sa tubig ay agad siyang nagliwanag dahilan para mapapikit kami.
Narinig ko pa si Devron na sumigaw kasabay nang pagbagsak nang kung ano. Dumilat na ko nang mawala ang liwanag.
Napanganga na lamang ako nang makita si Edotheia at si Devron na nasa sahig.
"Ano pong nangyari, Ate, Kuya?!" Bilang tanong ni Curie "Oh my god?! Mermaid ulit si ate!"
Nasa ibaba si Devron at dumadaing sa bigat ni Edotheia na may malaking buntot nang sirena.
"Fuck! Get her off on me!" Dumadaing na hiyaw ni Devron sa ilalim ni Edotheia "Fucking shit! She's heavy! Please get her off on me!"
Natawa na lamang ako at sabay sabay kaming sumaklolo sa kanya— dahan dahan naming binuhat si Edotheia palayo kay Devron na mura na nang mura.
"Paumanhin." Ani ni Edotheia nang ilapag namin siya sa gilid "Nalimutan kong bumabalik nga pala ako sa pagiging sirena kapag ako'y nababasa nang tubig"
Natawa kaming lahat sa reaksyon ni Devron na umigting pa ang panga sa galit. Napailing ako.
"Isdaaaaaa!"
•••
"Putang ina! Shit!"
Napayuko sa si Edotheia na nakaupo sa sofa sa sigaw ni Devron— natawa lamang akong napailing.
"Patawad na." Anito "Hindi ko naman sinasadyang madaganan ka, Devron"
Sinamaan lamang siya nang tingin ni Devron bilang tugon. Napayuko muli si Edotheia dahil dun.
"Ano ka ba naman Devron" ani ni Liam "Hindi naman niya sinasadya"
"Oo nga" gantong naman ni Austin "Be considerate dude, babae yan"
Agad niyang sinamaan ang dalawa na muli naming ikinatawa.
"Ano ba, tama na" singit ni Moyi "Good vibes muna tayo"
"Tama si Ate Moyi" pagsang ayon ni Curie dito "Movie tayo dali. Horror"
"Wag yun!" Tanggi agad ni Macoy
Natawa kaming lahat.
"Macoy, mas matapang pa sayo yung kapatid mo" natatawang sabi sa kanya ni Liam "Taena talo ka pa ni bulilit sa kakanood nang horror movies"
Agad siyang inismiran ni Macoy— natawa lamang kaming lahat dahil dun habang si Edotheia naman ay takang taka sa mga nangyayari.
"Paumanhin sa aking pagaalantala sa inyong usapin, ngunit ano ba ang inyong pinag-uusapan?"
Napatingin kaming lahat kay Edotheia dahil dun.
"Naku sis wag mo na kayang subukan manood nang horror movie?" Ani ni Moyi kay Edotheia "Baka magulat ka kasi"
Mas napakunot nang noo si Edotheia dahil dun.
"Mumu yung papanoorin natin, Ate Edotheia"
"Anong mumu?"
Agad umapela si Macoy.
"Wag na, Edotheia" pinagpapawisan na si Macoy "Gusto niya manood tayo nang nakakatakot. Kung ako sayo wag ka na lang manood baka di mo kayanin"
Sabay sabay kaming tumawa dahil dun.
"Palusot dot com" natatawang sabi ni Moyi
"Duwag ka talaga, kuya" pang aasar naman ni Curie sa kanya
"Nakakahiya ka, tol" ngising aso naman ni Jayce sa kanya "Parang di ka lalaki, talo ka pa nang bata"
"Naiihi na yan sa takot oh" pang aasar naman sa kanya ni Austin "Bok bok bok— manoook!"
Tumawa kaming lahat— mariin naman kaming tinignan ni Macoy na parang nagbabanta.
Nabaling ang tingin ko muli kay Edotheia— takang taka pa rin siya sa nga pinaguusapan namin.
"Sige na! Sige na!" Biglang hiyaw ni Macoy sa amin "Manonood na. Papakita ko sa inyo sino ang duwag"
Napailing na lamang ako— nagfe-feeling pa ata ang gago para lang pagtakpan ang kaduwagan niya.
"Manonood?"
Muling nabaling ang tingin namin kay Edotheia.
"— Ang tinutukoy niyo bang papanoorin natin ay yung teatro?"
Napakunot noo kami dahil sa kanyang tanong.
"Alam mo yun?" Tanong sa kanya ni Jayce "Este— meron yun sa dagat?"
Nakangiting tumango si Edotheia sa amin.
"Merong nagtatanghal tuwing kaarawan nang isa sa aming mahaharlika— tradisyon na bigyan nang isang palabas para sa aming kaaliwan"
Napanganga naman kami dahil dun.
"Wow talaga, Ate?" Tanong sa kanya ni Curie "Ano ano mga pinapalabas nila"
Napatingin naman si Edotheia sa itaas na para bang may inaalala.
"Sa pagkakatanda mga palabas patungkol sa mga ninuno naming mga sirena at nang buhay nang diyosa nang karagatan na si Mercida ang laging pinapalabas." Aniya sa amin "Pero ang pinakapaborito kong palabas na kanilang ginawa ay yung tungkol sa isang sirenang umibig sa isang taga lupa."
Napatingin kami sa kanya dahil dun.
"Aba! May ganyang deng kwento dito" natutuwang sabi ni Moyi sa kanya "Kaso nga lang hindi sila nagkatuluyan"
Pumungay ang mga mata ni Edotheia dahil dun.
"Siyang tunay, Moyi" sagot niya "Yan mismo ang kwento. Nag ibigan sila. Ngunit hindi nagkatuluyan dahil sa kanilang magkaibang mundo"
"Bakit po, Ate?" Tanong ni Curie "Kwento mo naman po"
Ngumiti sa kanya si Edotheia bilang tugon.
"Si Agua ay isang sinaunang sirenang nilikha ng diyosa nang karagatan na si Mercida. Siya ang kauna unahang anak ni Mercida. Labis labis ang pagmamahal ng diyosa sa kanyang anak na lahat ay binibigay niya dito. Hanggang sa napadpad ang munting sirena sa mundong ito at nakilala si Francisco."
Nanatili kaming nakinig sa kanya.
"— Nag ibigan sila ngunit laging may putol sa kanilang sitwasyon sapagka't may kaniya kaniya silang misyon sa kanilang mga buhay. Hanggang sa dumating ang panahon na lumalim pa ang kanilang pag iibigan at nabiyayaan sila nang supling. Nung araw na iyon ay nais pinagtapat ni Agua kay Francisco ang kanyang dinadala ngunit labis ang galit sa kanyang dibdib nang malamang ang kanyang pinakamamahal na lalaki ay natali na sa ibang babae."
Biglang naiyak si Edotheia dahil ron.
"— Mula noon ay sinumpa ni Agua na walang sinumang sirena at sireno ang iibig sa isang tao"
Tumingin siya sa amin at ngumiti.
"— Dahil sa oras na tumibok ang aming puso sa ianag tao. Gaya ni Francisco magiging isa rin kaming bula. Kaya bawal. Bawal kaming umibig sa isang tao"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro