Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 7: Tinidor

Princess Edotheia's POV

"Ate Edotheia! Ate Edotheia!"

Naalimpungatan ako sa munting tinig na iyon. Dahan dahan kong binuksan ang aking mga mata at bumungad sa akin ang magandang ngiti ni Curie.

Ngumiti ako bilang tugon sa kanya at umupo para mas lalo ko pa siyang masilayan— sadyang nakakatuwa ang mga batang tulad niya.

"Magandang umaga, Ate Edotheia!"

Lumawak ang aking ngiti dahil dun.

"Magandang umaga rin sayo, Curie" tugon ko sa kanya "Kinakagalak kong masilayan ang iyong ngiti sa magandang sinag nang haring araw"

Mas natuwa ako sa kanya nang siya'y humagikgik sa akin— Nakakatuwa.

"Nagluto na po si Ate Mich, Ate Edotheia nang breakfast natin— kain na po tayo?"

Napakunot ang aking noo sa kanyang itinuran.

"Paumanhin pero ano ang bref- bref" napakunot noo ako "anong salita nga ulit iyon?"

Muli siyang humagikgik sa akin dahil dun.

"Breakfast?"

Tumango ako bilang tugon.

"Anong ang ibig sabihin nun?"

"Umagahan"

Napatingin ang aming tingin ni Curie sa nagsalita— at hayun si Devron nakasandal sa labasan na may kahon na sumasara.

"Ano?"

Kumunot ang noo niya sa aking tanong.

"Umagahan, tanga!"

"Kuya bad ka!" ani sa kanya ni Curie "Inaaway mo ang Ate Edotheia ko"

Parang naiinis na napailing siya sa bata.

"Pumunta ka na nang kusina, Curie"

Napanguso sa kanya ang bata.

"Gusto ko kasabay si Ate!" maktol nito "Gusto ko! Gusto ko! Gusto ko! Gusto koooooo!"

Inis na umiling sa kanya si Devron.

"Hindi pwede, Curie, wag matigas ang ulo. Pumunta ka na ron sa kusina ako nang bahala sa kanya"

"Kuya Devron naman eh!" naiiyak nitong sabi kay Devron "Gusto ko kasabay si Ate Edotheia!"

"Hindi mo siya masasabayan, Curie" sagot nito sa bata "Hindi yan marunong maglakad"

Muling napanguso si Curie sa kanya.

"Bubuhatin mo siya papuntang kitchen, Kuya Devron?"

Walang salitang tumango sa kanya si Devron— agad ngumiti sa kanya si Curie bilang tugon. Yumakap pa ang bata sa kanya sa tuwa bago umalis papalabas nang silid.

Nabaling ang tingin ko kay Devron nang lumapit ito sa akin at walang sali-salitang ako'y binuhat nito sa matitipuno nitong mga braso— sa gulat ko'y napahawak pa ako sa kanyang leeg.

Naramdaman ko ang init sa aking mga pisngi sa hiya.

"Paumanhin kung ako'y mabigat para sayo, Devron" ani ko sa kanya habang buhat buhat niya akong naglalakad papunta sa kung saan "Paumanhin den kung ika'y aking naaabala"

Muli, hindi na naman siya tumugon sa akin kaya nanahimik na lamang ako hanggang sa makarating kami sa isang silid kung saan nakaupo ang kanyang mga kaibigan sa harap nang malaking parisukat na kahoy na may nakalagay sa ibaba na hindi ko alam kung ano.

Nang makarating kami sa harapan nila ay agad naming nakuha ang atensyo nila lalo na nang buhat ako ni Devron at iupo sa tabi ni Curie. Mukhang hindi naman sila nagulat dahil mukhang inaasahan nilang ganun nga ang gagawin ni Devron sa akin.

Ipinag kibit balikat ko na lamang at napatingin sa mga bagay na nasa aking harapan.

"Nakakamangha"

Napatingin sila sa akin dahil dun. Nginitian ko sila bilang tugon. Hindi naman nila ako inalintana at bumalik sila sa kanilang pag uusap at pagkain?

Kinakain pala ang mga bagay na nasa harapan ko?

"Kain ka na, Ate Edotheia" ani sa akin ni Curie na ngumunguya na "Masarap yung hotdog tikman mo"

Tumingin ako sa mga bagay na nasa harapan ko— may dalawang bakal na magkasing tangkad lamang at isang malaking bilog.

Napatingin ako sa bakal na hugis nang sibat ni ama— pero ang dulo nito ay apat samantalang ang sibat ni ama ay tatlo lamang.

Napangiti ako nang maalala ang sinabi ng isa kong kaibigang sirena— Si Lilassari. Sabi niya ang bagay na ito ay ginagamit nang mga taga lupa para ipang ayos sa kanilang buhok.

Napangiti ako nang maalala iyon.

"Ano yang hawak mo, Lilassari?"

Ngumiti siya sa akin bilang tugon.

"Hindi ko alam, prinsesa Edotheia. Pero ang alam ko ginagamit ito nang mga taga lupa para gawing pang ayos sa kanilang buhok— ang galing hindi ba?"

Namangha ako dahil dun.

"Talaga?!"

Tumango siya sa akin bilang tugon.

"San mo naman nakuha iyan, Lilassari?" tanong ko sa kanya "Wag mo sabihing lumangoy ka na naman sa itaas nang karagatan?"

Agad siyang umiling sa akin bilang tugon.

"Hindi mahal na prinsesa— naglalaro lamang kami ni Cere nun sa gitna nang karagatan nang malaglag ito galing sa itaas"

Napatango naman ako dahil dun.

"Baka nalaglag iyan nang mga pirata"

Natutuwa siya sa aking tumango.

"Subukan natin, prinsesa" natutuwa niyang huwestyon "Ayusan ko ang iyong buhok— ayusan mo rin ako!"

Tuwang tuwa akong tumango sa kanya.

"Sige! Gusto ko iyan, Lilassari!"

Sa tuwa ko sa alaalang iyon ay agad kong hinawi para dumulas ang hawak kong bagay sa aking buhok— napakaganda! Tunay ngang napakaganda nang mga bagay sa mundo nang mga tao.

Sunod sunod ko pa itong hinawi at ipinadulas sa aking buhok nang magawi ang tingin ni Devian sa akin at napaubo nang sunod sunod na para bang nagulat siya sa ginawa ko— dun naagaw niya ang atensyon nang lahat at nagawi pa nang tingin sa akin at nanlalaki ang mata sa akin na para bang may nakita silang kakaiba.

Napatigil ako sa aking ginagawa.

"Bakit?"

"Anong ginagawa mo, Isda?" mariing tanong ni Devron sa akin "Bakit mo sinusuklay ang tinidor sa buhok mo?"

Napatingin naman ako sa kanya dahil dun at napangiti sa bagay na hawak ko.

"Tinidor pala ang tawag sa bagay na ito— siyang tunay ngang nakakatuwa dahil umayos ang aking buhok"

Kumunot ang noo nila dahil sa akin.

"Naku hindi yan pang ayos nang buhok, girl" ani sa akin ni Michelle "Pang tusok yan"

Napakunot noo naman ako dahil dun kasabay nang pagtawa nilang lahat.

"Huh?"
"Pang tusok nang pagkain yan, Ate" ani ni Curie
"Hindi ito pang ayos nang buhok?" nanlalaking mata kong tanong sa kanila

Sabay sabay naman silang lahat na umiling sa akin— napakagat ako nang ibabang labi sa hiya.

"— Kung gayon ipakita nito pano gamitin ito"

"Ganito lang yan, girl" ani sa akin ni Moyi

Agad niyang itinusok ang bagay na yun sa mahabang pulang pagkain na tinawag ni Curie na hotdog. Kinagat niya yun at kinidatan ako.

Namangha naman ako dahil dun at pinalakpakan siya— tumawa naman silang lahat dahil sa aking ginawa. Mali ba yun?

"Kumain ka na nga lang dyan, Isda" naiinis na sabi ni Devron sa akin "Puro ka kalokohan eh"

Napanguso ako dahil dun— pinanood ko muna silang lahat kung pano sila kumain at nang makita ko ay hindi ko pa rin magawa kaya ang sinunod ko na lamang ay si Curie.

Mukha namang naintindihan ako nang bata nang agad nitong binulungan si Michelle para lagyan ako nang iba't ibang pagkain nang mga taga lupa.

"Ang dami mo palang kailangan malaman, Edotheia" ani sa akin ni Liam "Maski kasi pagkain na kinakain hindi mo alam, pansin ko lang"

Nangiwi ako dahil dun at tumango bilang pag-sang ayon.

"Hayaan" anj ni Michelle sa akin "Ito adobo, fried rice naman to at ito naman ay bacon, itlog, hotdog at fried chicken— tikman mo"

Napatingin ako sa mga pagkaing tao na isa isang itinuro ni Michelle sa malaking bilog na plato pala ang pangalan— tinuruan pa niya kong gumamit nang dalawang bakal na ang tawag ay kutsara at tinidor.

"Kain ka na, Ate"

Napalunok ako nang sariling laway habang tinitignan ang pagkain nang tao na nasa aking harapan, nalungkot ako bigla— hindi kaya makasama sa akin ang pagkain nang mga taga lupa?

Tumingin ako sa kanilang lahat na mukhang pinapanood pala ako.

"Ahm, p-paumanhin pero meron pa kayong pagkaing dagat dito?" Suwestyon ko "Mga halamang dagat na aming kinakain tulad nang Hisam, Grewel, Ulyao o Siyat?"

Ngumiwi sila sa akin at agad umiling— napababa ang aking balikat sa dismaya.

"Wag ka ngang maarte isda ka!" bilang singhal ni Devron na aking ikinagitla sa gulat "Walang lason yan, pwede mo pa rin yang kainin— tao ka den kahit kalahating isda ka! Wag kang bobo!"

"P-Pero—"

"Wag kang matakot masarap yan" ani ni Macoy "Tikman mo lang"

Ginamit ko ang tinidor para tusukin ang isang pagkain na tinawag ni Curie na hotdog, akala ko panget ang lasa ngunit isang kagat pa lamang ay nasarapan na ako.

Hanggang sa sunod sunod na ang kain ko na siyang aking ikinatuwa.

Nakita ko ang ngiti nang magkakaibigan sa akin— tama sila hindi nga masama ang pagkain nang mga taga lupa.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro