Kabanata 6: Isda
Princess Edotheia's POV
Bilog ang buwan— siya nga'y kasiya-siya pagmasdan ito. Nung ako'y nasa ilalim nang karagatan naririnig ko sa mga sireno ay sirena na kapag pinagmasdan mo nang unang pagkakataon ang kabilugan nang buwan ay mahahanap mo ang kalahati nang iyong puso.
Ito ang unang beses kong makita ito. Gaya nang ibang batang sirena ay nangangarap den akong makita ang kalahati nang puso ko— ang nilalang na mahahalin ko.
Ngunit ilang oras na ko narito ay wala pa rin akong makitang sireno sa paligid— Ako'y napapa-isip kung totoo ba ang usaping iyon?
Pumukit ako at dinamdam ang kalamigan nang hangin.
"Hoy Isda! Anong ginagawa mo diyan?!"
Napadilat na lamang ako nang marinig ko ang malamig na tinig na iyon— tumingin ako sa aking likuran at hayun! Naroon ang binatang taga lupang si Devron.
"I-Isda?"
Lumingon lingon ako sa paligid para hanapin ang tinatawag niyang isda ngunit wala naman akong nadatnan— Asan ang isdang kanyang tinutukoy?
"Anong bang tinitingin tingin mo dyan, isda?" madiin niyang saad "Tumingin ka sa akin kapag kinakausap ka"
Napabalik muli ang tingin ko sa kanya at napalunok pa ako nang aking sariling laway nang makitang nagsalubong na ang kanyang mga kilay habang nakakrus ang mga kamay— sa itsura niya ngayon para niya akong kakainin nang buhay.
Kamukha niya ang mga pating kapag sila'y nagagalit— totoo ngang may mga katulad namin na nilalang nang dagat ang may hawig sa mga taga lupa.
"— Ano?!"
Nagitla ako sa sigaw niya.
"P-Paumanhin, Devron— pero ako ba ang iyong kinakausap?"
Tumingin siya sa akin na para bang hindi siya makapaniwala sa aking tinanong pero segundo lamang iyon hanggang sa dumilim ang kanyang itsura.
"SINO PA BA ANG KINAKAUSAP KO HA?! SARILI KO?!"
Napapikit na ko sa takot nang bigla niya akong bulyawan— bakit siya galit? Inano ko ba siya?
Napatungo ako dahil dun.
"— Tumayo ka nga diyan! Mukha kang timang diyang nakadapa sa buhangin."
Napangiwi ako sa kanya dahil dun.
"Hindi ako m-makatayo, D-Devron" ani ko "Iginapang ko lamang ang a-aking sarili para makarating m-malapit dito sa pangpang"
Nakita kong napahilot siya sa sarili niyang noo na para bang nagtitimpi siya nang galit— alam ko ang gawaing iyon dahil ginagawa rin iyon ni ama kapag namomoblema siya sa palasyo.
"Kahit kelan ka talagang isda ka"
Ngumiwi ako dahil dun.
"Ako ba ang iyong tinutukoy na isda?"
Umupo siya sa gilid ko at tumitig sa akin.
"Sino pa bang isda ang kinakausap ko ha?"
Tumungo ako.
"Paumanhin"
Napailing na lamang siya at napaangat sa langit— mukhang tinitignan niya na den ang kabilugan nang buwan. Napangiti ako at iniangat rin ako aking tingin sa buwan.
"Isda"
"Bakit, Devron?"
"Sorry"
Napakunot noo ako dahil sa kanyang sinambit.
"Devron, m-maaari mo bang ulitin ang iyong sinaad?"
Kumunot naman ang noo niya at tumingin sa akin.
"Ang sabi ko sorry"
Napatingin ako sa kanya nang nagtatanong dahil hindi ko pa rin maunawaan ang salitang yon. Bumuntong hininga naman siya at parang galit na sinabunutan ang sariling buhok.
"— Sorry— Paumanhin yan ang ibig sabihin nun"
Napabukas sara naman ang aking bibig dahil naunawaan ko na ang ibig niyang sabihin. Natutuwa akong tumango sa kanya.
"Yun lamang pala ang ibig sabihin niyon" pagtango ko at natigilan nang may napagtanto ako "Bakit ka nga pala humihingi sa akin nang dispensa?"
Tumungo naman siya.
"Sa inasal ko kanina, dun— shit! Hindi bagay sa aking ang magsalita nang ganito! Fuck! So fucking creepy!"
Napatawa na lamang ako dahil sa para siyang batang humihingi nang tawad— hindi ko naunawaan ang mga ilan niyang binanggit ngunit para iyong nakakatuwang salita.
"Hindi mo na kailangan pang humingi sa akin nang dispensa, Devron, tama ka naman kanina na isa lamang akong sagabal sa inyong grupo ngunit salamat dahil tinanggap niyo pa rin ako."
Ngumiwi siya sa akin at umiling na umalis. Napatawa na lamang ako at muling ibinalik ang tingin sa kabilugan nang buwan.
Tama nga ang mga kaibigan ni Devron na mabait itong tao— siguro may itinatago lamang na bait ito at ayaw makita nang iba— Kumusta na kaya ang Atlantis? ang aking mga Kuya? Ang mga nilalang nang aming palasyo? Ano na kayang nagaganap roon?
Mula kasi nang dalhin ako nila Cere, Hebe at Kudos ay hindi man lang nila ako muling binalikan. Natatakot ako na baka hindi na maganda ang nangyari roon sa ibaba nang dagat.
Napahawak ako sa aking leeg kung nasaan naka tatak ang sibat ni ama. Kung hindi dahil sa akin at sa sibat na ito ay hindi magagawang paslangin ni prinsipe Silvero ang aking ama— kasalanan ko.
Nagagalit den ako sa sobrang pagkahumaling nang prinsipe sa akin at sa kapangyarihan. Ang mga katulad niyang nilalang ay hindi na dapat pa nabubuhay. Sila ang dahilan kung bakit hindi magkaroon nang magandang pamumuhay ang mga nilalang nang dagat.
Muli kong ibinalik ang tingin ko sa kabilugan nang buwan at napatili nang maramdaman kong umangat ako sa buhanginan. Tumingin ako sa taong bumuhat sa akin at ang madilim na itsura lamang ni Devron ang aking nadatnan.
"Sabi nang gabi na eh" anito "Matulog ka na"
Ngumiti ako nang bahagya sa kanya.
"Paumanhin sa pagkakaistorbo ko sayo, Devron ngunit hindi pa ako inaantok at mahihirapan lamang ako bumalik ron kaya balak ko sana na dumito na lamang sa labas matulog"
Kumunot ang kanyang noo dahil sa aking sinalaysay.
"Hindi pwede." Anito "Baliw ka ba? Ang lamig lamig dito sa labas, gusto mong bang magkasakit ha, isda?"
Napakamot ako nang aking sariling ulo dahil dun kasabay nang pagngiwi.
"H-Hindi naman na ako magkakasakit, Devron" Ani ko "Isa akong sirena at kaya kong matulog sa malamig na klima"
Napailing na lamang siya at bitbit akong buhat habang siya'y lumalakad.
"Manahimik ka na lang, isda"
Tumungo ako.
"Devron, maaari Edotheia ang itawag mo sa akin?" nakangiti kong pakiusap "Hindi naman kasi isda ang ngalan ko"
Napahinto siya sa paglalakad at tinitigan ako sa aking mga mata.
"Alam ko"
Lumawak ang ngiti ko dahil dun at muli siyang naglakad.
"Kung gayon, tatawagin mo na akong Edotheia?"
Muli siyang tumingin sa akin at pagkatapos ay pumasok na sa kanilang tirahan. Binuksan niya ang isang kahoy at inilapag ako sa malambot na bagay.
Tumingin ako sa kanya.
"Dito ka matulog"
Napatungo ako at tumango na lamang sa kanya.
"Oy!"
Napaangat ang tingin ko sa kanya dahil dun.
"Bakit?"
"Isda"
Napababa ang balikat ko sa pagkabigo dahil dun, napanguso na lamang ako habang siya naman ay ngumisi sa akin.
"Ayokong tawagin kang Edotheia"
Napatitig ako sa kanyang mga mata dahil dun.
"Bakit naman?"
"Para akong lang ang tatawag sayong isda, naiintindihan mo?"
Napakunot na lamang ako nang aking noo kasabay nun ang paglabas niya nang silid at pagsara nang kahoy.
Napahiga ako sa malambot na bagay at tumitig sa nakakasilaw na liwanag na nasa itaas.
"Bakit kaya nais niya kong tawaging isda?"
Napailing na lamang ako at pinikit ang aking mga mata. Bukas ko na lamang iisipin kung bakit.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro