Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 5: Knowing Edotheia

Third Person's POV

"Kung ganun prinsesa ka talaga— as in prinsesa nang mga sirena?"

Nakatungong tumango si Edotheia sa itinanong sa kanya ni Michelle. Nasa sala sila ngayon at ini-interbyu ang kanilang bisita.

"Oo" sagot niya dito "Nakatira ako sa gitna at ikalaliman nang karagatan. Sa kaharian nang Atlantis"

Nagitla siya nang sabay sabay na nagsinghapan ang magkakaibigan.

"Shit! Alantis?" nanlalaking matang tanong sa kanya ni Jayce "Prinsesa ka sa Atlantis?"

"O-Oo"

Napanganga na lamang sila dahil dun— Hindi nila akalain na ang maalamat na kaharian nang Atlantis ay totoo pala. Tama ang mga eksperto, totoo ang nawawalang kaharian nang Atlantis.

"Bakit ka pala napadpad dito sa isla?" tanong naman ni Michelle "Sightseeing?"

Napakunot noo si Edotheia sa huling itinanong sa kanya nang dalaga. Wala siyang naunawaan sa huli nitong sinabi.

"Paumanhin. Maaari mo bang ulitin ang iyong sinaad?" pakiusap niya sa dalaga "Hindi ko kasi maunawaan ang huli mong sinabi"

"Sorry" anito kay Edotheia

"Nagtatanong lang ako kung ano ginagawa mo dito sa isla"

Tumungo naman si Edotheia dahil dun.

"Paumahin sa inyong lahat kung ako ay nakaabala sa inyo, mga taga lupa— ang totoo kasi niyan ay ipinadala ako nang dalawa kong kapatid dito sa mundo nang taga lupa para itago kasama ang sibat nang aming yumaong ama"

Napatingin siya sa magkakaibigan at biglang tumangis na ikinabahala nang mga ito.

"Ate Edotheia" Ani ni Curie na nilapitan siya para yakapin "Wag ka na umiyak"

Gumanti naman siya nang yakap sa bata at muling nagpatuloy sa kanyang kinekwento.

"— Si Prinsipe Silvero nang kaharian nang Atlas na mortal na kaaway nang aming palasyo ay sumugod ay pinatay si ama— Ani nila Kuya na ninais daw akong kunin nang prinsipe pati na ang sibat kaya gayon na lamang ang desperasyon nang aking mga nakakatandang kapatid para ipadala dito. Labag man sa aking prinsipyo lalo na at nasakop na ang Atlantis ay wala na kong magawa nang makarating ako dito."

Muli siyang tumungo at umiyak— at sa pagkakataong iyon ay lumapit naman sa kanya sila Michelle at Moyi para akapin siya gaya ni Curie para matahanin.

Nang mailabas na niya lahat nang problema niya ay ngumiti siya sa mga ito ay nagpasalamat.

"Ano nang plano mo, sirena?" seryosong sabi sa kanya ni Devron "Sa kwento mo mukhang balak mo pa kami idamay sa problema mo"

Napatungo si Edotheia sa sinabi nang binata kasabay nun ang pagsama nang tingin nang lahat kay Devron na ikinataas pa nang isang kilay nito.

"Bakit ganyan kayo makatingin?"

"Nagtanong ka pa" masungit na sabi sa kanya ni Michelle "Alam mo naman kung bakit"

"Oo nga" gantong naman ni Curie "Bad ka, Kuya Devron."

"Guys, I'm just concern. Hindi naman natin siya kilala. Malay ba natin kung sumpain tayo niyan o kung ano pa"

Napailing na lamang ang lahat sa kanya at muling bumalik ang atensyon sa nakayukong si Edotheia.

"Wag mo na lang pansinin tong kaibigan namin, Edotheia" nakangiting saad ni Liam "Sadyang ganyan lang talaga ang ugali niyan"

"Oo nga." Gantong naman ni Devian "Pinaglihi kasi ni Mama yan sa sama nang loob"

Agad siyang sinamaan nang kapatid dahil dun dahilan para sabay sabay na natawa ang lahat.

"Ate Edotheia— masaya bang maging sirena?" Biglang tanong ni Curie sa kanya

Napaisip naman si Edotheia dahil sa itinanong sa kanya nang munting babae.

"Hindi ko alam ang sagot, Curie— Ikaw ba, masaya namn maging isang tao?"

Napaisip naman ang bata at napakunot noo dahil sa itinanong nito— natawa naman ang lahat dahil ang cute lang ma-confuse nang bata.

"Anla Ate! Hindi ko den alam" nakangusong sabi nito

"Gaya mo ganyan den ang aking suliranin nang ako'y iyong tanungin— kung ang itinanong mo sana na masaya bang maging isang ako ang kasagutan ko'y oo— masaya dahil may pamilya at kaibigan akong laging nasa aking tabi para ako'y mahalin, pasayahin at protektahan" aniya "Ngayon, kung tatanungin ba kita na masaya maging Curie alam mo na ang kasagutan?"

Nangingiting tumango si Curie sa kanya.

"Edotheia baka pwedeng pakitaan mo naman kami nang magic diyan oh" ngising ngising epal ni Macoy "Gusto ko lang makita"

Agad naman siyang dinagukan ni Austin dahil dun.

"Kung ano ano pinagsasasabi mo— mahiya ka naman"

"Oo nga Kuya" gantong naman nang kanyang nakakabatang kapatid "Puro kalokohan"

Natawa naman ang lahat dahil dun dahil parang mas matanda pa kasi si Curie mag-isip kesa sa Kuya nitong isip-bata.

"Gusto ko lang makita— Ano ba kayo!"

Ngumiti naman si Edotheia dahil dun— natutuwa siyang makita ang grupo nang magkakaibigan na to na nagkakasiyahan sa harapan niya. She never felt so happier like this. Sa simpleng mga bangayan lamang nang mga ito ay napapatawa na siya.

"Nakakatuwa naman kayo lahat"

Napatigil sila sa tawanan nang magsalita si Edotheia.

"Hindi pa ako nakakakita nang katulad niyong mga taga lupa na nagkakasiyahan— ang natatanaw ko lamang kasi kapag aangat ako sa karagatan ay mga piratang nanghuhuli nang mga walang kalaban kalabang i-isda"

Natahimik ang lahat nang biglang nalungot si Edotheia.

"— Tunay ngang hindi ko pa kilala ang mga tao."

Muling bumalik ang matamis nitong ngiti.

"— Napa-swerte ko'y kayo ang nakakita sa akin"

Ngumiti ang lahat sa kanya maliban kay Devron.

"Walang anuman yun, Edotheia" Ani sa kanya ni Devian "Welcome na welcome ka dito sa isla nang pamilya namin— Isla Monteverde"

Kumunot ang noo ni Edotheia.

"Paumanhin pero ano ang ibig sabihin nang welvom?"

Sabay sabay napakunot noo ang lahat sa itinanong niya.

"Tanga! Welcome yun hindi welvom"

Sabay sabay na sinamaan nang tingin ng mga magkakaibigan si Devron— nagkibit balikat lamang ito.

"Wag mo na lang ulit pansinin tong papansin na to" ngising sabi ni Macoy

Sumama ang tingin ni Devron sa kanya dahil dun.

"Fuck you!"

"Hindi tayo talo pre!"

"Ehem! May bata dito" masungit na sabi ni Moyi "Para talaga kayong mga bata— lalo ka na Macoy!"

Tumawa lamang si Edotheia muli sa kanila. Napangiti naman ang magbabarkada dahil dun. The mermaid smile really mesmerize them. Nakakahumaling.

"Edotheia"

Napatingin si Edotheia kay Devian nang magsalita ito.

"Hindi ba pinadala ka naman nang mga kapatid mo dito sa lupa?"

Nagtatakang tumango siya sa binata.

"Bakit hindi ka na lang muna dito— kaming bahala sayo habang dito ka."

Nanlaki ang mata niya dahil dun kasabay nang pagngilid nang munting luha dahil na rin sa tuwa.

Mukha namang natuwa ang lahat nang marinig nila yun kay Devian. Mukhang sang-ayon ang lahat pwera sa isa.

"Fuck no!" Nakangiwing tutol ni Devron "Hindi pwede! Dagdag bagahe lang yang lamang dagat na yan"

Pagmamaktol ni Devron sa lahat pero hindi siya pinansin nang mga ito na ikina-walk out niya. Tumawa lamang ang lahat sa kanya. Kahit kelan kasi napaka-drama king nito— dagdag pa ang pagiging KJ.

"OMG! Bet ko yan!" Ani ni Michelle na hinalikan pa ang nobyo sa pisngi

"Tuturuan kita mag dress, Ate Edotheia" nakangiting sabi naman ni Curie

"Tour ka namin sa Bayan" sabi naman ni Austin

"Make up goals sis" ani naman ni Moyi "Magmo-mall den tayo"

"Tuturuan ka namin nang buhay tao" tumatawang sabi Macoy

"Mga pagkain kinakain namin, papatikim namin sayo" saad naman ni Liam "Tuturuan ka den namin sa English"

"Ano payag ka?"

Napakagat si Edotheia nang kanyang ibabang labi ay napatingin sa pintong pinaglabasan ni Devron.

"Pano siya?" Tukoy nito kay Devron. "Mukhang ayaw niyang narito ako"

Napatungo siya dahil dun. Naiisip pa lamang niyang may ayaw sa kanya nalulungkot na siya.

"Wag kang mag-alala dun" ani ni Michelle "Ganun Lang talaga yun kahit sa amin"

"Wag mo na lang pansinin— masasanay ka den dun kapag nagtagal" ani naman nang nakangiting si Devian "So ano? Payag ka na"

Napatingin siya sa magkakaibigan na nakangiting nag-aantay sa kanyang sumagot. Muli niyang kinagat ang ibabang labi at dahan dahang tumango— nahihiya kasi siya sa mga ito baka maging abala siya.

Nagulat na lamang siya nang magsitunan ang mga lalaki habang tumatawang nagpalakpakan ang mga babae kasabay nun ang paglabas nang isang musika dahilan para magkaroon nang munting selebrasyon sa sala na ikinatuwa ni Edotheia.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro