Kabanata 4: Edotheia the Mermaid Princess
Morisette Yeseugi "Moyi" Bautista's POV
"Nasan siya?!"
Napalingon kaming lahat biglang sumigaw si Devron sa loob nang vacation house— agad kaming tumakbo papunta sa kanya sa gulat.
"—Shit!"
Napatingin naman siya sa amin.
"Hanapin niyo" ani ko "Baka kung anong mangyari dun. Hindi pa yun nakakalayo, baka kung anong mangyari dun"
Tumango naman sila sa akin pagkatapos ay naghiwa hiwalay kami sa buong isla. I was going out to check sa kubo nang may mapansin ako kakaiba— bukas ang pintuan sa indoor Pool!
Kumunot naman ang noo ko at pumunta roon— Wala naman akong nakitang kakaiba hanggang sa mapadapo ang tingin ko sa gilid nang Pool— Basa!
Nagtataka itong tinignan hanggang sa marealized ko na lamang na baka nahulog dun si Edotheia— Dahan dahan akong sumilip sa Pool at halos magwala ang dibdib ko sa takot nang may makita akong buhok ron.
"Shit!"
Muli akong tumakbo papasok, para hanapin ang iba at si Devian lamang ang naabutan ko dun— takang taka siyang napatingin sa akin.
"Bakit?"
"Jusko! Nasa Pool siya!— Tulungan mo nalulunod na siy—"
Hindi ko na natuloy pa ang sasabihin nang tumakbo na siya papasok sa pintuan nang indoor Pool nang vacation house.
Sumunod naman ako papasok sa loob at nakita kong kakalusong lamang ni Devian para sagipin si Edotheia— napapapikit na lamang ako sa takot habang inaantay siyang umangat.
Gusto ko man sana tumulong sa pagsagip sa babae kaso hindi ako marunong— baka imbes makatulong pa ako baka malunod lang ako— Eight feet pa naman ang lalim nang Pool.
Nagbilang ako nang ilang segundo sa isip ko at nagdasal— saktong pa nang pag-ahon ni Devian ang pagpasok nang mga kasamahan ko.
"Ano ba?! Bitawan mo ko!"
Napaawang ang bibig ko nang makita si Devian na buhat buhat si Edotheia na may—
"Buntot"
Napalingon siya sa amin at bahagyang namutla— tumungo naman siya at napakagat nang ibaba labi.
"Shit sirena ka!" Ani ni Devian na inilapag siya sa gilid nang Pool— humihingal den siya sa pagkapos nang hangin "K-Kaya pala ang bigat m-mo"
"Sabi ko naman sa inyo, Mermaid siya eh" ani ni Curie— napalabi pa ang bata at nakangiting lumapit sa sirena "Kamusta ate— ang ganda mong sirena"
Namula naman siya sa hiya dahil sa sinabi nang bata.
"S-Salamat"
"Shit Bro!" Ani ni Macoy "Paki-kurot nga ako— nananaginip ata ako eh, may sirena daw tayo sa Pool"
Umiling na lamang ako lumapit kay Edotheia— tumungo ito sa takot.
"P-Papatayin niyo ba ko, mga pirata?"
Napatingin sa kanya ang lahat dahil dun— sa itsura niya para siya maiiyak sa sobrang takot.
"Bakit ka naman namin papatayin?" natatawang sabi ni Austin sa kanya
"Oo nga" ani naman ni Jayce "At tsaka hindi naman kami kumakain nang sirena"
Tumigil naman siya sa pag-iyak at simusinok-sinok na tumingin sa amin.
"Kung gayon, ipagbebenta niyo ba ko?"
Nagkatinginan ang lahat at sabay sabay na tumawa. Nagtataka naman siyang tumingin sa amin.
"Hindi naman gagawin yun" ani ko "Kaya wag ka nang matakot"
Muli siyang tumungo.
"Ang usapan sa aming palasyo ang mga pirata ay nagbebenta nang katapat na presyo—"
"Hindi namin gagawin yun" nakangiting pagputol sa kanya ni Michelle "Isa pa mayayaman tong mga to— hindi na nila kailangan nang pera. And fyi, hindi ren kami mga pirata— tamang magagandang at medyo guwapong mga tao lang"
Nagsi-angalan naman ang mga lalaki dahil dun. Napatingin naman siya sa aming lahat.
"Kung gayon— ano ang pakay niyo na ngayon sa akin gayong nalaman niyo na ang aking katauhan?"
Ngumiti ang lahat sa kanya— mukha naman siyang natakot dahil dun.
"Wag kang matakot" ani ko "Mga may sira lang talaga ang mga iyan— maluluwag ang turnilyo"
Kahit nagtataka naman siya kung ano ang sinabi ko tumango na lamang siya.
"Hindi talaga ako makapaniwala!" wala sa sariling ngumiti si Macoy— lumapit pa ito sa sirena "Edotheia— may magic ka ba? Pakita mo naman"
Takang taka siyang tumingin sa akin. Ngumiti ako bilang tugon.
"Mahika" ani ko— pansin kong hindi siya nakakaintindi nang Ingles
Tumango naman siya at ibinalik ang tingin kay Macoy.
"Mayroon akong mashik o mahika"
Tuwang tuwa namang napapalakpak si Macoy na parang bata— binatukan na lamang siya ni Liam.
"Gago to! Mahiya ka nga"
Sinamaan naman siya nang tingin ni Macoy dahil sa ginawang pambabatok.
"Inaano kita?! Ina mo!"
Umiling lamang si Liam sa kanya.
"Edotheia, bakit ka pala narito?" ani ko "Siguro naman pwede mo sabihin sa amin?"
Muli siyang tumungo.
"Paumanhin kung nagdududa ako sa inyo mula nang una— hindi lang kasi kami nagtitiwalang mga sirena sa mga taga-lupa dahil mula pa noon ay masasama na ang ginagawa sa amin nang mga kalahi niyo"
Ngumiwi naman sila dahil dun.
"— Patawad sa aking sinabi"
"Naku wala yun— ganyan den naman kasi napapanood naman sa TV" ani naman ni Jayce
"Tuwalya Oh, patuyo naman kayo"
Napatingin naman kami kay Curie na may hawak hawak na dalawang tuwalya— agad niya yung inabot kay Devian at Edotheia.
Nagtataka namang kinuha ni Edotheia yun sa bata at tumingin sa hawak nito.
"Para saan ito?" Tanong niya
Tinignan pa niya si Devian na pinipunasan ang sarili. Ngumiti ako kinuha yun sa kanya at ipinauunas sa kanya— umawang ang bibig niya sa gulat sa aking ginawa.
"Ang astig noh" ani ni Austin "Nagbabakasyon lang tayo dito sa isla tapos may maeencounter pa tayong sirena"
"At tignan niyo may kaliskis siya hanggang balikat" ani naman ni Jayce
"Tignan niyo kung may hasang" nakangising sabi ni Austin
"May tattoo siya" ani naman nang nakangiting si Liam "Nice!"
Lumapit naman si Michelle sa sirena at hinawakan ang mahaba nitong buhok.
"Ang galing ang lambot!"
"Wag kayong matuwa" ani naman ni Devron "Kailangan natin ibalik yang isdang yan sa dagat— baka hinahanap na yan nang mga kapwa niyang lamang dagat"
"Grabe ka!" ngiwi ni Michelle sa kanya
Nakita ko namang tumungo muli si Edotheia sa sinabi ni Devron— at bigla ay lumiwanag na lamang siya kaya napapikit kami at nang mawala ay ganun na lamang ang panlalaki nang mga mata namin nang makita siyang hubad na hubad.
Napapikit at napatalikod ang mga lalaki dahil dun.
"What the fuck?!" Devron cursed "Bihisan niyo yan!"
Napahagikgik naman sa tuwa si Curie at agad niyakap si Edotheia.
"Ang galing! Nawala yung yung Mermaid form niya"
Ngimiwi naman ako at ngumiti sa nagtatakang itsura ni Edotheia.
"Mabuti pa at bihisan ka na namin" ani ko sa kanya
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro