Kabanata 3: Mermaid Adventure
Princess Edotheia's POV
"Ate, Kuya, you can't do that! Nasa underwater ang family niya!"
"Naku kung ano ano kasi pinanonood mo, Curie. Niloloko ka lang naman ni Kuya— walang mga sirena, hindi sila totoo"
"Kung ano ano kasi pinagsasasabi mo sa kapatid mo gago!"
"Fuck you!"
"Hindi tayo talo gago!"
"Ina mo gago!"
Napangiwi ako nang makarinig nang mga boses— dahan dahan kong idinilat ang aking mga mata at dun ko nakita ang ilang nilalang na nagtatalo
"Ah."
Nagawi ang tingin nila sa akin nang marinig nila akong dumaing at muling idinilat ang aking mata— medyo nagitla pa ako sa gulat nang may maliit na batang babaeng yumakap sa akin.
"Sino ang mga ito?" Ani ko sa aking isip "Mga pirata nga kaya sila?"
"Ate Mermaid, are you okay na ba?"
Napatingin ako sa kanya, bukas sara ang aking mga mata upang magtanong kung sino siya.
"S-Sino kayo?"
"Miss, do you remember anything?"
Napatingin naman ang aking gawi sa nagsalita.
"Huh?"
"Anong salita yun? Kakaiba talaga ang mga taga-lupa, may mga sariling salita"
Hindi ako nagsalita at nagtataka lamang na tumingin sa kanila.
"Shit bro! May amnesia siya! Tangina tumawag na tayo nang tulong" ani nang isang lalaking nagsalita
Lumingon naman sa kanya ang batang nasa harapan ko, at sinamaan siya nang tingin.
"No!— No one will call!"
Muling bumalik naman ang tingin niya sa akin.
"Ano pangalan mo Ate?"
Napakagat ako nang akin ibabang labi at tumungo— hindi ko kasi alam kung sasabihin ko ang pangalan ko o hindi.
Bumuntong hininga muna ako bago sumagot.
"E-Edotheia"
Ngumiti naman siya dahil dun.
"Kamusta ka Ate Edotheia, ako si Curie"
Agad niyang kinuha ang isang kamay ko at agad nakipag-kamay.
"Ito naman si Ate Moyi, doktora siya, chineck-up ka niya kanina" turo niya sa isang babaeng nasa gilid, sabay turo naman sa isa pang babaeng nasa tabi nang lalaki "Ito naman si Ate Michelle pero Ate Mich ang tawag ko sa kanya."
Bahagya akong ngumiti sa kanya— Nakakatuwa kasi siya!
"— Sila naman sila Kuya Macoy na panget!"
"Oy hindi ako panget!"
Hindi niya pinansin ang reklamo nang kuya niya.
"— Si Kuya Jayce, Kuya Austin, Kuya Liam, Kuya Devian at si Kuya Devron na bumuhat sayo kanina nang wala kang malay"
Tumingin ako sa kanilang lahat.
"I-Ikinakagalak kong m-makilala kayo, m-mga taga-lupa"
Napatungo ako nang kumunot ang noo nila sa sinabi ko.
"Ano sabi mo, taga-lupa?"
Sasagot sana ako para sana malinawan ako sa sinabi niya nang samaan nang tingin ni Curie yung tinawag niyang Kuya Liam.
"May masakit ba sayo Miss?" Tanong naman ni Kuya Jayce, na pagkakatanda ko yun ang pangalan niya "Gusto mo ihatid ka namin sa inyo pag-okay ka na?"
Sasagot sana ako para maigalaw ang buntot ko nang mamutla na lamang ako dahil hindi ko ito maramdaman.
"Mahal na mercida! Hindi ko maigalaw"
Umusod pa ako nang kaunti para maramdaman ko ang aking buntot sabay tanggal sa telang tumatakip dito at napasinghap na lamang nang makita na ang aking buntot ay isa nang paa at binti— bigla natunaw ang aking damdamin kasabay nang pagtulo nang aking luha.
Niyakap naman ako nang batang nasa harapan ko at pinatahan.
"Ang aking— aking"
Hindi ko na natuloy pa ang aking sasabihin nang maramdaman ko ang pag-ikot nang aking paningin hanggang sa lamunin na nang dilim ang lahat nang aking nakikita— dun ko bigla nakita ang nangyari sa akin bago mapunta dito.
"Edotheia"
"Kuya Rilon, Kuya Dorrel, anong nangyayari— asan si ama?!"
Nagkatinginan ang mga kapatid ko bago ibaling ang malungkot na tingin nila sa akin.
"Ang ating ama ay yumao na" ani ni Kuya Rilon "Pinatay siya ni Prinsipe Silvero nang Atlas"
Napasinghap ang naman ako kasabay nang aking pagluha.
"Paanong?"
Yumuko ang mga kapatid ko at akong niyakap.
"Nais ka niyang kunin, Edotheia pati na ang sibat ni ama"
"Kuya mahahanap niya tayo" natatakot gagamba kong sabi "Ano ang gagawin natin?"
Nagkatinginan ang aking mga kapatid.
"Meron na kaming solusyon" ani nilang dalawa
"Ano yun aking mga kapatid?"
"Ipapadala ka namin sa mundo nang mga tao" sagot ni Kuya Rilon
"Makakabuting naron ka habang inaayos namin ang gulo— itatago mo rin ang sibat ni ama. Mahalaga ito at nais rin ni Silverong makuha ang bagay na to" dugtong naman ni Kuya Dorrel
Naiiyak na umiling ako bilang pagtutol sa desisyon nilang dalawa.
"Ayoko!" Tanggi ko "Hindi ko kayo maaaring iwan!"
"Kailangan!" Mariing sabi ni Kuya Dorrel "Para rin ito sayo at sa Atlantis"
"Hindi ba kayo maaaring sumama na lamang"
Hindi sumagot si Kuya sa akin at agad pinaandar nang mga ito ang sibat dahilan para ako'y mahilo— bago ako mawalan nang malay ay hindi nakaligtas sa akin ang pagkawala nang aking buntot na naging isang binti at paa— bigla pang lumipad mag-isa ang sibat ni ama at agad dumiretso banda ako aking leeg dahilan para magulat ako kasabay nun ang paglamon sa akin nang dilim.
Nagising ako sa isang pampang— nananakit ang aking ibaba at napaiyak nang makitang wala na ang aking buntot.
Humagulhol ako.
"Prinsesa Edotheia!"
Napalingon ako sa dagat at dun ko nakita sila Hebe, Cere at Kuros— sinubukan kong pumunta sa direksyon nila pero hindi ko magawa.
Ang hirap kasi igalaw nang binti at paa nang mga taga-lupa— pano ba nila ginagamit ang mga ito?
Sinubukan kong tumayo papunta sa direksyon nila pero bigo ako, inis akong bumuga nang hangin.
"Kung hindi kaya nang paa— kamay ang gagamitin ko"
Dahan dahan kong ipinadulas ang sarili ko gamit ang kamay papunta sa dagat— nagtalunan ang tatlo kong mga kaibigan sa tubig nang makita akong papalapit sa kanila, hindi naman ako gaano kalayo sa dagat kaya ilang minuto lamang ay nakarating na ko sa karagatan.
Napaawang pa ang aking bibig nang biglang umilaw ang binti't paa ko at bumalik sa buntot. Tuwang tuwa akong umikot ikot kasama ang mga kaibigan ko.
"Prinsesa Edotheia— mali ang iyong ginawa" ani nang tahimik na si Cere "Bumalik ka na sa lupa"
Tumungo ako. Hindi ko siya pinakinggan pa at inagpasan sila na lumangoy pabalik sa kaharian nang Atlantis— nasa gitna pa lamang kami nang karagatan nang makita namin ang mga sirenong mandirigma nang kaharian nang Atlas.
Takot na takot akong lumangoy palayo— kasama ko naman sila Cere, Hebe at Kuros pero kamalas malasan ay nakita nila kami at hinabol— dahil hindi nila kami mahuli huli ay gumamit pa sila nang kanilang kapangyarihang tubig upang pigilan kami kaso napigilan ko ito nang akin ding kapangyarihan.
Mas doble ang lakas nang mga dugong bughaw kesa sa mandirigma na kapangyarihan kaya hindi kataka taka na natalo ko sila kaagad— may ilan akong natamong mga sugat.
Hindi ko na nakayanan pa ang paglangoy kaya inalalayan na ako nila Cere, Hebe at Kuros hanggang sa nilamon na ako nang dilim.
Nagising ako mula sa aking kinahihigaan— wala na ang mga pirata. Nagpalinga-linga ako sa paligid at nang makitang ako na lamang ay napangiti na ko.
Sinubukan kong igalaw ang paa at binti ko pero hindi ko magawa— naglaglag na lamang ako at napadaing sa lakas nang pagkakahulog ko sa ibaba, ngumiwi ako at muling ginamit ang aking mga kamay para gumapang.
Nahirapan pa ako dahil napaka-tigas nang aking ginagapangan— medyo natuwa ako dahil nakaawang ang lalabasan ko, bahagya akong sumilip ron at nang makitang wala ang mga pirata ay muli akong gumapang.
Napamangha pa ako sa paligid dahil sa ganda nang mga kagamitang narito— kakaiba ang mga bagay nang mga taga-lupa kesa sa mga gamit namin sa dagat.
Gagapang sana ako papalabas nang makita ko ang mga pirata na naroon at nagsasaya— takot na takot akong gumapang papalayo hanggang sa inabot ako sa isang lugar na may malaking tubig—napangiti ako.
"Nasan siya?!"
"Shit!"
"Hanapin niyo"
Pumikit ako at lumusong don— makakapagtago na ako sa kanila.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro