Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 25: Ignorant Mermaid

Princess Edotheia's POV

"Ang galing naman" natutuwa kong ani habang pinagmamasdan ang mga taong humihila nang bagay na de gulong "Gusto ko rin may hilahin"

Napatingin sa akin ang isang babae dumaan sa akin. Sinuri niya ako mula ulo hanggang paa, nagtaka man ako ay ngumiti lamang ako sa kanya.

"Maligayang araw po sa inyo!"

Umiling naman ito sa akin bilang tugon at tumalikod.

"Crazy ignorant bitch" rinig kong tugon nito "What kind of airline is this? Nagpapapasok nang takas sa mental"

Umiling iling pa itong kausap ang sarili. Kaya't nagtaka naman ako. Hahabulin ko sana para tanungin siya sa kanyang tinugon dahil hindi ko yun maintindihan lalo na ang una niyang binanggit nang may maaninag akong bulto nang taong pamilyar sa akin. Napangiti ako at kumaway sa kanya.

"Black!"

Natigilan naman ito at napatingin sa akin, gayun den ang mga kasama neto.

"Dude you know her?"

"Yeah, so fuck off! She's mine"

Dali dali akong lumapit kay Black at niyakap ito na siyang ikinagulat niya sa akin.

"Black natutuwa akong makita ka. Taga dito ka ren pala sa Maynila. Nakakatuwa"

Napangiti siya sa akin sabay gulo nang aking buhok.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong neto "Bakasyon?"

"Namamasyal lamang, Black." tugon ko "Dinala ako nang mga kaibigan ko sa kanilang lugar upang makita ang kanilang kinalakihan. Napakaganda dito sa inyong lugar. Nakakatuwa ang paligid. Kakaiba."

Ngumingisi ngisi siyang umiling sa akin.

"So fucking innocent" aniya "Oo maganda dito. Wag ka lang gagala magisa."

Kumunot ang akin noo sa kanyang sinaad.

"Bakit?"

"Delikado sa Manila, little girl." ngisi niya "So better be careful"

Mas lumalim ang pagkunot nang akin noo dahil sa kanyang sinaad.

"Bakit?"

Tumawa siya sa akin.

"So fucking cute. Sige na maiwan na kita, little girl, galit na ang boyfriend mo at may lakad ako. See you when I see you."

Magtatanong pa sana ako sa kanya nang tumakbo na ito papaalis na humabol sa mga kasama neto. Nagkibit balikat na lamang ako at tumingin tingin sa paligid. Nakakita ako nang babaeng tumatakbo sa isang silid, nagtataka ko itong sinundan.

Nang makapasok kami sa silid nakakita ako nang mga taong naghuhugas nang kanilang kamay sa lababo, nangingiti ko itong tinitigan.

"Miss bawal tambay dito"

Napatingin ako sa babaeng may hawak na patpat na may telang malambot sa dulo niyon, mukhang masungit dahil tinataasan niya ako nang isang kilay.

"Ano pong tambay?" ani ko "Narito lang po ako dahil—"

Hindi ko na natapos ang aking sasabihin nang putulin niya ito.

"Iihi ka ba?"

Nagtataka man kung ano ang kanyang itinuran ay tumango na lamang ako.

"Opo?"

"Probinsyana ka ano?" tanong nito sa akin

Walang pag aalinlangan naman akong tumango sa kanya.

"— Ayy kaya naman pala" nakangiting ani neto "Sang probinsya ka iha? Ako kasi taga abra pa sa bucay hayy kailangan ko kasing buhayin yung anak ko sa college na siya kaya nagtatrabaho ako dito. Sa PUP siya nag aaral nang college. Second year na at Nursing kuh! Malapit na den"

"Ganun po ba?"

Napakunot noo ako sa kaniyang tinuran.

Ano yung college?

"— Taga isla naman po ako"

"Ayy sang isla naman, iha?"

Napaisip naman ako bigla— sabihin ko nang taga Atlantis ako? Hindi ko alam ngalan nang isla nila Devron.

"Hindi mo ba alam?"

Napatingin ako sa kanya bago tumango. Biglang lumambot ang itsura niya sa akin.

"— Ayy kawawa ka naman pala iha. Pareho tayo hindi alam den mga ganyan kaya nga ako lumaking tanga at ignorante dito sa maynila eh. Sa awa nang diyos nang tumagal nakibagay na ako rine. Hayaan mo ikaw den masasanay ka hindi man ngayon pero kapag nagtagal get get aw na"

Nagtaka naman ako sa sinabi niya sa akin.

Pano ako naging kawawa?

"Excuse me?" Ani nang babaeng dumaan sa gitna namin "Harang kayo sa daan"

Agad naman hinawakan kausap ko ang mahaba niyang patpat na may malambot na tela sa dulo at sinimula itong ikiskis sa sahig. Natuwa pa nga ako nang isawsaw niya yun sa balde na may tubig at ikiskis sa sahig— Galing

"Ayy iha umihi ka na na at Babalik na ko rine sa trabaho ko."

Nagtataka man ay tumangi ako sa kanya at inikot ang aking paningin sa buong silid— Nakakamangha.

Nakita ko o yung babaeng dumaan sa kausap ko kanina at nasa harapan siya nang lababo na may salamin sa tapat. Napansin kong may nilalagay pa siyang kung ano sa labi niya na nagpapapula.

Manghang mangha pa akong tumitig sa mga kilos niya at nang matapos siya tinitigan niya ko sa salamin sabay ngisi.

Ngumiti naman ako bilang tugon.

"Kamusta" kaway ko sa kanya, lumingon naman siya sa akin "Ako nga pala si Edotheia. Napansin kong may nilalagay ka sa iyong mukha nakakatuwa mas gumanda ang iyong pisikal na mukha"

Ngumiwi siya sa akin na dahilan para magtaka ako.

"Sinasabi mo bang panget ako?"

Napanganga naman ako dahil sa kanyang sinaad.

"Sa pagkakatanda ko'y wala akong masamang binanggit ukol sa inyo." paliwanag ko sa kanya "Ang aking sinaad ay ukol sa iyong kagandahan at kung pano mo ito mas pinakaganda pa"

Tawang tawa naman siyang umiling sa akin dahil dun— May nakakatawa ba sa sinabi ko?

"Why not said makeup, bitch?" Aniya na hindi ko naunawaan "Itsura mo parang first time makakita nang nagmemake up"

Napakunot noo naman ako sa kaniyang sinaad.

"Paumanhin ngunit hindi kita maintindihan"

Nanlaki naman mata niya dahil dun.

"You mean— este hindi ka nakakaintindi nang ingles?"

Tumango ako sa kaniya dahil dun. Napahalakhak naman siya bilang tugon.

"Bakit ka po tumatawa?"

"You" umiling siya "I mean— este putangena like probinsyana ka ba?"

Hindi ko man nauunawaan ay tumango na lamang ako.

"So that's why" ngisi niya "Hindi na ko magpaligoy ligoy pa. I like you— este gusto kita"

Nanlaki ang aking mga mata dahil dun.

"Naku po. Babae ka at ako ay isang babae den. Hindi nararapa—"

Hindi ko pa natatapos ang aking sinasabi nang bigla niyang pinutol.

"Hey not that! Hindi sa gusto na iniisip mo" aniya "Gusto kita as in inosente ka"

Ngisi niya, tumango na lamang ako bilang tugon.

"— You know naghahanap talaga ako nang mga tulad mo. Gusto mo ba trabaho sakto kasi hindi natuloy yung una kong ilalakad sana sa trabaho"

May inilabas siya sa kanyang dibdib na maliit na papel at pinakita sa akin ang nakasulat dun na hindi ko naman maunawaan.

"— Madali lang naman gagawin mo dun may costumer ka at sasamahan mo lang magrelax and voila may pera ka na"

Ngumiti pa siya sa akin dahil dun.

"Paumanhin pero hindi ko maunawaan kung ano nakasaad sa papel na ito"

Tumawa siya dahil dun.

"Hindi mo na need malaman. So game ka ba? Pera den to? By the way highway Zari nga pala. Name ko like Pangalan ba para maintindihan mo"

Tumango ako at kinamayan siya.

"Ako naman si Edotheia"

Ngumiti siyang tumango tango.

"Yes. Yes. Nasabi mo na nga kanina. So game ka? Want mo nang work? I mean trabaho?"

Sasagot sana ako nang muli niya itong pinutol.

"— Wag ka na magisip. Tara na! Nasa labas ang chauffeur ko ihahatid tayo sa hotel"

Agad akong umiling sa kanya dahil dun.

"Paumanhin ngunit hindi ko matatanggap ang iyong inaalok"

Napasimangot siya sa akin dahil dun.

"Hala why?!" Halatang sumama ang kanyang loob base na den sa kanyang itsura "Like trabaho na to girl. Dali na kailangan ko talaga nang tao buti nga nakita kita may kliyente na kasi ako sa hotel okay ka dun promise. Dali na. Ako na bahala sayo"

Umiling ako sa kanya.

"Paumanhin ngunit may mga kasama ako. Nasa labas pa mga kaibigan ko"

Nagulat ako nang bigla niya akong samaan nang tingin.

"Alam mo sinayang mo Oras ko, bitch"

Agad agad niyang kinuha mga gamit niya at padabog na umalis. Nagtaka naman ako dahil dun. Hawak hawak ko pa yung papel na iniwan niya kaya tinago ko na lamang muna ito sa aking bulsa— Baka mapakinabangan ko pa

"Iha Kala ko iihi ka"

Napatingin ako sa nagsalita at yung babaeng may mahabang patpat na may tela sa dulo ay nakamasid na sa akin. Tumawa ako nang alanganin.

"Hindi ka ba marunong?"

Tumango ako sa kanya at napabuntong hininga naman siya.

"— Sige turuan kita wala naman tao rine at patapos na ko"

Sumunod ako sa kanya at pumasok kami sa loob manghang mangha ako sa aking nakita.

"Diyan ka iihi ah"

Napatingin ako sa itinuro niya.

"— Alam mo naman siguro yan, di ba?"

Ngiting ngiti akong tumango sa kanya — Alam na alam ko iyon. Isa yung balon!

"— Pagkatapos mo umihi dyan pindutin mo to"

Itinuro niya yung maliit na bilog sa itaas nang balon at muntik pa kong mapasigaw sa tuwa nang may lumabas na mabilis na talon nang tubig ron— Ang mga taga lupa! Nakakamangha pa rin talaga.

"Maraming salamat"

Ngiting ngiti naman siya sa akin.

"Basta ganyan lang gagawin mo at isara mo ire ah"

Itinuro niya pa ang maliit na kahon na nakakapagsara nang siwang nang maliit na silid na ito. Nang lumabas na siya ay agaran ko na itong isinara gaya nang sabi niya.

"Hindi ko alam ang gagawin" ani ko sa aking isipan.

Inikot ko ang buong mata ko nang makakita ako nang puting tela. Napangiti ako at hinila ito at manghang mangha ako nang makita humaba ito.

Sa sobrang tuwa ko at hinila ko ito at nang maubos na ay dali dali ko itong inalay sa mahiwagang balon.

Naalala ko sa Atlantis kapag may bagong bagay ay nagaalay ang mga taga lupa sa balon. Napangiti ako at agad humiling sa aking isipan.

Nawa gabayan ni Mercida ang palasyo nang Atlantis.

Nang matapos akong humiling at pinindot ko na yung maliit na bilog sa taas nang balon. Manghang mangha ako tignan itong umiikot sa ibaba. Nakakatuwa nga at mas dumami pa ang tubig sa balon na halos umapaw na ito.

"Mukhang magkakatotoo na ang aking hiling"

Paglabas ko ay wala nang maski isang taga lupa kaya agad na rin akong lumabas na may ngiti sa aking mga labi. Nakita ko pa si Devron at Curie at natawa ako nang makitang umuubo ubo si Devron na parang nakakita nang isang multo.

Inabutan agad siya ni Curie nang tubig at nagtaka na lamang ako nang biglang samaan niya ko nang tingin.

"Bakit?"

May ginawa kaya akong masama para titigan niya ako nang masama?

"Anong ginagawa mo dun sa banyo?"

Napatingin naman ako sa sinabi niyang banyo at muling binalik ang tingin bago matamis na ngumiti sa kanya.

"Ayun ba? Wala naman, nagtataka lamang kasi ako kung ano ang nasa loob kaya sinuri ko at nakakita ako nang balon"

Umiling na lamang siya sa akin.

"— Nakakita pa ako nang mga lababo dun yung katulad nang turo niyo sa akin, kung saan naghuhugas ang mga tao nang kanilang kamay pagkakain?"

Nagulat ako nang bigla niyang hinampas ang sarili niyang noo at napahinto na parang naalala siya. Napatingin siya sa kaniyang gilid kaya napatingin na rin ako at mas lumawak ang aking ngiti nang makita ko si Jayce na may kayakap na babae na mukhang kanyang kasintahan.

Muli ay binalik ko ang aking tingin kay Devron na mukhang mas sumama ang tingin sa dalawang magkasintahan— Naiinggit kaya siya?

Mas sumama pa ang kanyang timpla nang bigla siyang tinapik ni Curie, nakakapagtaka lamang ay nakangisi ito kay Devron.

"Jelly ace ka, kuya?"

Anong salita yun?

"A what?"

Tumatawang tumakbo naman palayo si Curie habang ang sama nang tingin ni Devron. Nakakatuwa naman ang kanyang hagikgik.

"Isda nginingiti mo diyan?"

Napalingon ako nang biglang magsalita si Devron.

"Natutuwa lang ako Devron. Masama na ba ang pagngiti?"

Sinamaan niya lang ako nang tingin sabay hablot nang aking braso.

"Alam mo ikaw? Napaka mo!" Aniya "Para kang batang lagi kailangan bantayan mas kailangan mo pa ata nang babysitter kesa kay Curie. Bigla kang nawawala"

"Ha? Ang bilis mo magsalita, Devron. Nauunawaan ko naman ang iba ngunit hindi lahat"

Hindi niya ko pinansin hanggang dumiretso kami sa mga kasama namin.

"Sakto nandito na yung driver" ani ni Devian "Tara na jetlag na ko"

Napakunot noo naman ako sa kaniyang itinuran. Akmang magsasalita sana ako nang biglang takpan ni Devron ang bibig ko.

"Tama na daldal at wag na magtanong." Aniya "Jetlag na den ako. Pati sayo"

Napakunot noo ako dahil dun.

Ano daw? Hindi ko sila maunawaan.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro