Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 23: Cherry Bomb

Princess Edotheia's POV

"Good noon! this is captain Macoy Legazpi, speaking, the flight crew would like to welcome you to Legazpi Airlines International Airport. We will be arriving at the gate momentarily. Please remain in your seats with your seat belt securely fastened until the aircraft has come to a complete stop at the terminal gate. Please check around you to ensure you have all your belongings before leaving the aircraft. We hope you had a pleasant flight and hope that if air travel is in your immediate future you consider this Airline for your travel needs. We are pleased you chose to fly with us today and wish you a good noon guys, fuck you all mga gago! English na yan! I'm out!"

Pagkatapos magsalita ni Macoy lahat ay nagtawanan, nagtaka naman ako.

"Bakit kayo tumatawa?" bulong ko kay Devron "May nakakatawa ba sa kanyang sinabi?"

Hindi naman niya ko sinagot at umismid lamang sa akin— sungiiit!

"—Devron naman eh! Sagutin mo naman ako!"

Sinamaan niya ko nang tingin bago muli umismid.

"Di ba sabi ko sayo ayoko nang tanong ka nang tanong nang mga wala namang kabuluhan?"

"Pero nagtatanong lang naman ako"

"Then stop asking! Sinabihan na kita di ba? Ayaw ko na nang mga tanong mo!"

Sa hindi malamang dahilan ay natawa ako sa kanyang sinaad.

"Bakit ba galit na galit ka ginoo?" ani ko "Nagtatanong lang naman ako"

Tumalim lalo ang pagsama niya nang tingin sa akin kaya mas lalo akong natawa.

"Pinagtatawanan mo ba ko, isda?!"

Umiling ako sa kanya bilang tugon.

"Hindi" sagot ko "Natutuwa lamang ako sa iyo sa hindi maipaliwanag na dahilan"

"Fuck explanation! Dami mong alam!"

Lumawak ang pangiti ko dahil dun.

"— Tangina! I knew it! You are fucking making fun of me!"

Napakunot ang aking noo dahil dun.

"Pasensya na Devron pero hindi ko naintindihan yung sinabi mo"

"Fuck! Nevermind! Wag mo na isipin yun, manahimik ka na lang na isda dyan, gayahin mo yung mga kalahi mong lamang dagat!"

"P-Pero Devron! Nagtatanong lamang ako"

Napasintido siya.

"Malapit na tayo, yun ang sabi ni Macoy. Tama na parang awa mo na ah! Manahimik ka na! Wala nang tanong tanong! Ena! Wala pa kong tulog kakatanong mong isda ka!"

Napakunot noo ako lalo dahil dun.

"Devron niloloko mo ako— ang haba nang kanyang sinabi parang ang layo sa iyong sagot, tumawa pa kayo. Pakisalaysay naman sa akin para naman ako'y matuwa rin" ani ko habang siya'y niyuyugyog "Atsaka wala ka namang sinasagot sa mga naging tanong ko"

Bumuntong hininga siya sa akin bago ako bahagyang itulak, napanguso naman ako nang samaan pa niya ako lalo nang tingin.

"Ang sama!"

"Magtigil ka na! Malala ka pa kay Curie!"

"Eh hindi mo naman ako sinasagot eh"

Mas tumalim lalo ang tingin niya sa akin.

"Tumigil ka na isda! Iihawin talaga kita!"

Napanguso na lamang ako at bumalik sa pweso ko kung nasaan ang mga babae. Nangalumbaba ako sa bintana, nang biglang pumasok sa isip ko yung nangyare kanina.

Bahagya siyang napatawa dahil dun.

"Tungkol pala sa huli mong tanong— mali ang pagkakaintindi mo"

Taimtim akong nakinig sa kanya.

"— Tama naman yung mga sumagot sayo na kapag mabait sa langit napupunta at kapag masama sa impyerno— pero hindi yung literal dito sa mundo, sa kabilang buhay yun kaya ingudngod mo man yang ulo mo diyan sa bintana wala kang makikitang mga patay diyan."

Napangiti ako dahil dun.

"Salamat sa paglilinaw, Devron" ani ko "Alam mo, matagal ko na talagang nais malaman ang buhay sa itaas nang dagat— kung ano ang buhay nang mga taga lupa, kung masama ba talaga kayong lahat, kung totoo bang pumapatay kayo nang mga tulad namin at marami pang iba— maraming pumapasok sa aking isipan at nais kong pag aralan ang mga taga lupa ngunit labag sa aming batas ang alamin ang buhay niyo"

Nakita kong nakapikit na siyang nakasandal sa kanyang kinauupuan— napangiti ako dahil alam kong pinakikinggan niya ako.

"— Nang mapadpad ako sa mundo nang mga taga lupa akala ko papatayin niyo ako ngunit nang makilala ko kayong lahat— dun ko napatunayan na may mga taong gaya ninyo ang mabubuti— nakakatuwa nga'y meron kayong mga nakakamanghang bagay na nakakapagpagaan at nakakapag aliw sa inyong pamumuhay. Nakakatuwa"

"Tapos ka na?"

Lumawak ang aking pagngiti dahil dun.

"— Daldal mong isda. Matulog ka na, okay?"

Tumango ako dahil dun— sumandal ako sa aking kinauupuan at pumukit nang may isang bagay pa sa aking bumagabag dahilan para muling bumukas ang aking mga mata.

"Devron?"

"Hmm?"

"Matanong ko lang, ano pala ang ibig sabihin nang pekpek?"

Napabalikwas siya nang bangon dahil dun.

"What the fuck?!"

Napatulala na lamang ako sa kanya dahil dun— bakit parang mukha siyang nagulat?

"Devron bakit?"

Seryoso ang pinukaw na tingin niya sa akin.

"San mo narinig yan?"

"Kagabi" sagot ko "Narinig kong siniwalat ni Austin kay Moyi na kakainin niya daw ang pekpek nito na kinahigikgik ni Moyi sa tuwa."

Napasintido siya at mukhang problemadong tumingin sa paligid— ginaya ko naman siya at napansing halos tulog na pala ang lahat.

"Isda"

Napatingin ako kay Devron nang bigkasin niya yun pabulong.

"Bakit?"

"Wag ka nang magsasalita nang ganun"

Napataas ang isa kong kilay dahil dun.

"Bakit naman?"

"Masamang salita yun?"

Napabusangot ako dahil dun.

"Sinungaling ka!"

Napahinto naman siya dahil sa aking sinambit.

"— Hindi masamang salita ang pekpek kasi kung gayong masama naman pala iyon, bakit humahagikgik sa tuwa si Moyi nang bigkasin iyon ni Austin?"

Napahilamos siya nang mukha sa akin dahil dun.

"Masamang salita iyon, maniwala ka sa akin!"

Napailing ako.

"Sinungaling!"

"I'm telling the truth! Wag mo nang sasabihin ang salitang yun!"

"Kung ayaw mong sagutin ang aking katanungan mabuti pa't itanong ko na lamang kila Moyi at Austin ang ibig sabihin nun"

Akmang tatayo ako nang bigla akong hilahin pabalik sa upuan ni Devron— nagtataka ko siyang tinignan dahil dun.

"Bakit?"

"Kahihiyan ang salitang iyon"

"Kung gayon, sasabihin mo na ba sa akin ang sagot?"

Nagtangis ang bagang niya sa akin habang matalim ang tingin, ngiti lamang ang aking isinukli dito.

"Oo na"

Napapalakpak ako sa tuwa dahil dun.

"Nakakatuwa naman"

Umismid siya sa akin.

"Fuck! How could I say it in a good manner! Fuck!"

Kumunot ang aking noo sa kanyang sinabi, mukha kasing parang inaaway niya ang kanyang sarili.

"— Isda, sasabihin ko ang ibig sabihin nun pero mangako ka na kahit kelan hindi mo na yun ulit sasabihin"

Bigla naman akong kinabahan dahil dun.

"S-Sige. Pangako!"

Tumango siya sa akin.

"Ang ibig sabihin nang masamang salita yun ay cherry bomb"

Kumunot naman ang noo ko dahil dun.

"Cherry ano?"

"Cherry bomb" seryosong saad niya sa akin "Alam mo na yung klase nang prutas na maliit at bilog"

Kumunot noo naman ako at umiling sa kanya.

"Hindi pa ako nakakakita o nakakakain nang prutas pero mukhang masarap" ngiti ko "Ang Cherry bomb den ba masarap kainin?"

Nagulat ako nang biglang maubo ubo si Devron. Sinamaan niya ko nang tingin.

"Oo" parang galit niyang saad "Masarap. Yung cherry! Aysh! Tangina tama na nga! Basta, cherry bomb yun na prutas! Fuck!"

Napangiti naman ako dahil dun— biglang nagtubig ang aking bibig! Parang nais ko kumain nang cherry bomb! Mukhang masarap!

"Devron"

"Oh?"

"Anong kulay nang cherry bomb?"

Kumuyom ang kamao niya at muli sinamaan nang tingin.

"Torture fuck!"

"Ano?"

Mas tumalim muli ang tingin niya sa akin.

"Wala" parang galit niyang saad "Ang sabi ko pula"

Halos magningning ang mga mata ko sa tuwa dahil dun.

"Hayy, nais ko na makatikim nang cherry bomb! Yung mamula mulang cherry bomb!"

"Fucking shit!"

Bigla akong nagitla sa kanya dahil dun.

"Anong problema, Devron?"

Hindi siya nagsalita at tinalikuran na lamang ako na humarap sa bintana.

Pinagkibit balikat ko na lamang.

"Hindi na ko mag formal talk mga gunggong! Palapag na tayo! Captain Macoy out!"

Napabalik na lamang ako sa reyalidad nang marinig sa paligid si Macoy, nagtawanan ang lahat.

"Yeheeey!" tumatalon talon na pagpalakpak ni Curie "Ate Edotheia tingin ka sa bintana"

Sinunod ko naman siya at napangiti ako sa aking nadatnan.

"Welcome sa Maynila, Ate Edotheia!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro