Kabanata 22: Madaldal na isda
Princess Edotheia's POV
"— Bakit hindi natin makita ang mga nilalang dito na namamatay?" taka kong tanong habang nakaturo sa bintana nang eroplano "Sabi kasi nang aking amang hari at nang mga kuya kong prinsipe ang mga mababait na namamatay daw ay napupunta sa langit— ngunit hindi naman ako makakita nang mga nilalang dito— puro ibon, ulap at bahaghari lamang ako aking tanaw tanaw"
Napahilot nang sariling sintido si Devron bago mariing tumitig nang masama sa akin— napanguso ako.
"Really?" Aniya "You are asking me for the tenth time and fuck! I can't even answered those! Pinapahirapan mo ba ko huh?"
Napakunot noo ako sa kanyang binanggit— Yung huli lamang ang halos naintindihan ko.
"A-Ano?"
Napabuntong hininga naman siya sa akin.
"Seriously, tanong ka nang tanong nang mga walang kabuluhang bagay."
Muli akong napanguso.
"Eh wala ka namang nasagot sa aking tanong, Devron"
"Kasi hindi ko alam pano lahat yan pagsasagutin" aniya "Bakit hindi na lang yung berdeng hipon mo na nasa garapon ang kausapin mo?"
Napatingin ako sa aking upuan kanina kung nasaan ang garapong iniwan ko— nandun si Sevastil. Tahimik na natutulog.
Ibinalik ko ang aking tingin kay Devron at bahagyang ngumiti.
"Eh kasi Devron hindi ko siya nais gisingin— natutulog siya nang mahimbing"
Agad niya kong sinamaan nang tingin dahil dun.
"Alam mo naman palang masama ang manggising eh ginising mo nga ako"
Alanganin akong napatawa dahil dun.
"Hindi ka naman tulog nun" ani ko "Tinanong kita at sumagot ka— senyales lamang iyon na hindi ka pa natutulog"
Agad niya kong inirapan— napatawa ako dahil dun.
"Smart mouth" mariin niyang sabi— hindi ko naintindihan "Fine! you win, isda"
"Huh?"
Umiling siya sa akin.
"Wala"
"Ah sige" nagtaka man ay tumango na lamang ako sa kanya "Ngayon sasagutin mo na ba ang aking mga itinanong?"
Lumukot ang kanyang mukha dahil dun.
"Yung huling tanong mo lang ah!"
Napanguso ako.
"Ngunit gusto ko ring malaman kung ano ang ibig sabihin nang sex doll" pagmamatol ko "Narinig ko kasi iyon sa isang taong nakasakay sa barkong tinatawag niyong yate at base sa kanyang sinabi masarap daw yun. Hindi ko mawari kung ano iyon pero sa tingin ko naman ay isa iyong pagkain"
Napasintido siya muli sa akin dahil dun.
"— Nais ko rin malaman kung ano ang ibig sabihin nang paglalandi. Ang sabi sa akin ni Kerfilya ang aking punong tagapaglikod ang ibig sabihin daw nun ay pagbati. Narinig niya den daw kasi iyon sa dalawang taong nagkakatitigan sa bangka— ngunit hindi ko mabatid kung tunay nga iyon o hindi, pero ang totoo niyan ay minsan na rin namin ginamit ang salitang lande bilang pagbati"
Ngumiti ako sa kanya.
"Shit!"
"Gusto ko rin mapatunayan kung ano naman ang ibig sabihin nang kiss— tama ba na ang ibig sabihin nun ay paalam?"
Nagusot ang mukha niya sa sinabi ko— nagsimula na kong magtaka.
"— at ang pagdede naman ba sa dibdib ng babae nang lalaki ay isang kultura ninyo bilang magkakilala na?"
Bigla siyang napasabunot sa sariling niyang buhok bagay na ikinagulat ko.
"Bakit?"
"Nonsense" aniya— napakunot noo ako dahil dun "Gaya nang sabi ko yung huling tanong mo lang ang sasagutin ko"
Napanguso ako dahil dun.
"Madaya ka!" pagsinghap ko "Sabi ko mo maaari akong magtanong"
"Hindi ko sinabing magtanong ka nang magtanong— mga walang kabuluhan naman yang mga pinagtatatanong mo. Tsaka ang sabi ko kanina ayusin mo mga tanong mo"
Muli akong napanguso dahil dun.
"Maayos naman ang aking mga tanong, Devron"
Sinamaan niya ko nang tingin.
"— Maayos naman talaga ah!"
"Still nonsense."
"Ano?"
Napailing siya sa akin dahil dun.
"Bakit hindi ka na lang kaya matulog hindi yun puro walang kabuluhang tanong ang pinagtatatanong mo sa kin"
"Devron naman eh"
Umirap siya sa akin.
"Yung huling tanong mo lang ang sasagutin ko!"
Napanguso ako.
"Eh paano ang una kong tanong?" Ani ko "Yung kamusta ang langit?"
Dumilim ang mukha niya sa akin dahil dun— biglang nawala ang ngiti ko ay bahagyang natawa.
"— Devron naman eh. Maayos naman ang tanong na yun ah"
"Walang kwentang tanong— sige nga! Patay na ba ko para matanong mo ko nang ganyan?"
Napaisip ako.
"Eh hindi ba ilang beses ka nang nakakalipad gamit itong sasakyan na tinatawag niyong eroplano?" tanong ko "Kaya nga nagtatanong ako sayo kung kamusta ang langit para alam ko kung ano ang aking papakiramdaman"
Agad niya kong pinitik sa noo— sinamaan ko siya nang tingin dahil dun.
"— Masakit yun ah!"
"Stupid! Mali ang tanong mo, isda!" pagsusungit niya sa akin "Dapat ang tanong mo anong pakiramdam nang nakakasakay sa eroplano?"
Napanguso ako.
"Eh langit ang nais ko— ngayon lamang kasi ako nakarating nang langit— hindi ko alam kung ano ang aking papakiramdaman. Kung matutuwa lamang ba ako, ngingiti, iiyak, matatakot o ano" bumuntong hininga ako "Parang halo halo eh"
Sumadal siya sa kanyang kinauupuan bago ikinurus ang kanyang mga braso.
"Bahala ka kung ano ang gusto mo"
Muli akong napanguso.
"Ang sama mo"
Ngumisi siya sa akin dahil dun.
"Glad you know"
Muling kumunot ang noo ko dahil dun.
"Maaari bang kausapin mo ko sa lengguwaheng aking naiintindihan lamang?"
Pagak siyang ngumising umiling sa akin.
"Ang sama"
Bahagya siyang napatawa dahil dun.
"Tungkol pala sa huli mong tanong— mali ang pagkakaintindi mo"
Taimtim akong nakinig sa kanya.
"— Tama naman yung mga sumagot sayo na kapag mabait sa langit napupunta at kapag masama sa impyerno— pero hindi yung literal dito sa mundo, sa kabilang buhay yun kaya ingudngod mo man yang ulo mo diyan sa bintana wala kang makikitang mga patay diyan."
Napangiti ako dahil dun.
"Salamat sa paglilinaw, Devron" ani ko "Alam mo, matagal ko na talagang nais malaman ang buhay sa itaas nang dagat— kung ano ang buhay nang mga taga lupa, kung masama ba talaga kayong lahat, kung totoo bang pumapatay kayo nang mga tulad namin at marami pang iba— maraming pumapasok sa aking isipan at nais kong pag aralan ang mga taga lupa ngunit labag sa aming batas ang alamin ang buhay niyo"
Nakita kong nakapikit na siyang nakasandal sa kanyang kinauupuan— napangiti ako dahil alam kong pinakikinggan niya ako.
"— Nang mapadpad ako sa mundo nang mga taga lupa akala ko papatayin niyo ako ngunit nang makilala ko kayong lahat— dun ko napatunayan na may mga taong gaya ninyo ang mabubuti— nakakatuwa nga'y meron kayong mga nakakamanghang bagay na nakakapagpagaan at nakakapag aliw sa inyong pamumuhay. Nakakatuwa"
"Tapos ka na?"
Lumawak ang aking pagngiti dahil dun.
"— Daldal mong isda. Matulog ka na, okay?"
Tumango ako dahil dun— sumandal ako sa aking kinauupuan at pumukit nang may isang bagay pa sa aking bumagabag dahilan para muling bumukas ang aking mga mata.
"Devron?"
"Hmm?"
"Matanong ko lang, ano pala ang ibig sabihin nang pekpek?"
Napabalikwas siya nang bangon dahil dun.
"What the fuck?!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro