Kabanata 20: First Fly
Princess Edotheia's POV
"Napapansin ko na kanina pa tayo dito" ani ko sa mahabang katahimikan "Ang sakit na nang aking pag upo"
Napanguso na lamang ako muli at tumingin sa bintana. Tulog halos ang lahat at tanging ako na lamang at si Devian na nagpapaandar nang aming sinasakyan ang gising dahil maski si Sevastil ay tulog na tulog rin sa hawak kong garapon.
"Gusto mo magpatugtog ako nang kanta, Edotheia?"
Napalingon ako kay Devian nang bigla itong magtanong.
"— Para di ka ma-bored"
"Hindi ko maunawaan ang iyong huling sinaad ngunit kanta? Sige! Nais ko makarinig nang isang kanta o awitin gaya nang inyong ginawa kanina." Nakangiti at mahina kong saad "Kakantahan mo na ko?"
Bahagya siyang tumawa dahil dun.
"Hindi magpapatugtog lang ako dito sa radio"
Napakunot noo ako dahil dun.
"R-Radio?"
Tumango siya sa akin habang nakatutok ang mga mata sa harapan.
"Ito oh"
Tinapik niya ang nasa gitnang bahagi na halos katabi nang iniikot niyang bilog.
"— Maglalabas to nang kanta o mga balita"
Halos magningning ang mga mata ko dahil dun.
"Talaga?!" Natutuwa kong saad "Nakakamangha naman"
Bahagya siyang natawa sa akin dahil dun.
"— Kung maaari, utusan mo naman ang radio na handugan tayo nang isang awitin"
Bahagya siya muling tumawa sa akin bago may inikot na kung ano dun sa bagay na tinawag niyang radio— wala pang segundo nang maglabas iyon nang isang nakakaenganyong musika.
Napapikit ako at dinamdam iyon.
"♫ (That's just for fun)
(What?)
(I'm stuck with you)
I'm not one to stick around
One strike and you're out, baby
Don't care if I sound crazy
But you never let me down, no, no
That's why when the sun's up I'm stayin'
Still layin' in your bed singin' ♬"
"— Devian ang ganda naman nang tugtuging iyan"
"Oo naman" aniya "Kanta yan ni Ariana Grande at Justine Bieber."
Napakunot noo ako dahil dun.
"Sino naman sila?" Takang tanong ko "Mga kaibigan niyo den ba sila?"
Bahagya siyang natawa sa akin kaya mas lalo lamang napakunot ang aking noo sa pagtataka.
"♫ Ooh, ooh, ooh, ooh
Got all this time on my hands
Might as well cancel our plans, yeah
I could stay here for a lifetime ♬"
"Hindi mga Hollywood star yun— mga sikat na artista."
"Ano ang artista?"
"♫ So lock the door
And throw out the key
Can't fight this no more
It's just you and me
And there's nothing I, nothing I, I can do
I'm stuck with you, stuck with you, stuck with you ♬"
Muli na namang siyang tumawa kaya nagtaka na naman ako.
"Mga tao nakikita mo sa tv" aniya "Mga kilalang tao— hinahangaan, tinitingala."
"♫ So go ahead
And drive me insane
Baby, run your mouth
I still wouldn't change
Being stuck with you, stuck with you, stuck with you
I'm stuck with you, stuck with you, stuck with you, baby ♬"
Umawang ang bibig ko sa pagkamangha dahil dun.
"Ay! Alam ko iyan! Parang katulad nang aking amang hari, nang aking mga kapatid na prinsipe at syempre ako!" Nakangiti kong saad "Tinitingala kami nang mga mamamayan sa Atlantis dahil sa aming katayuan na may dugong bughaw. Hinahangaan at tinitingala"
Napakamot siya sa kanyang batok.
"Parang" sagot niya "Pero parang malapit na hindi. Basta ganun"
Napakunot noo na lamang ako dahil dun.
"Hindi ko maunawaan ngunit ngingiti na lamang ako na para naiintindihan ko para hindi sumama ang iyong loob"
"♫ There's nowhere we need to be, no, no, no
I'ma get to know you better
Kinda hope we're here forever
There's nobody on these streets
If you told me that the world's ending
Ain't no other way that I could spend it ♬"
Napailing na lamang siya sa akin dahil dun pero rinig na rinig ko pa rin ang kanyang pagtawa, napanguso na lamang ako dahil dun— parang pinagtatawanan niya na ata ang mga sinasaad ko!
"— Devian matanong ko lamang"
"Ano yun?"
"Bakit ang tagal natin dito sa sasakyan na ito?" Tanong ko "Saan ba tayo tutungo?"
Tumawa siya sa akin dahil dun.
"Sa airport" aniya "After nito sasakay pa tayo nang private airplane patungo sa manila"
"♫ Oh, oh, oh, oh
Got all this time in my hands
Might as well cancel our plans
I could stay here forever ♬"
Napataas ang isa kong kilay dahil dun.
"P-Private Airplane?"
Tumango siya sa akin
"Oo—" tugon niya "Sasakyan yun na lumilipad"
Napapalakpak ako sa tuwa dahil dun.
"Talaga?!" Natutuwang tugon ko "Sasakyan na lumilipad? Naku! Makikita ko ang langit? Hindi na ko makapaghintay, Devian!"
"♫ So lock the door
And throw out the key
Can't fight this no more
It's just you and me
And there's nothing I, nothing I, I can do
I'm stuck with you, stuck with you, stuck with you ♬"
Tumawa lamang siya sa akin bilang tugon.
"Hoy isda!"
Napalingon ako sa mariing tumawag sa akin at dun nakita ko ang masamang titig sa akin nang nakabusangot na kapatid ni Devian. Si Devron.
"Bakit?"
"Pwede ba! Hinaan mo naman ang boses mo, para kang tanga na halos pasigaw sigaw na diyan" halos bulong niyang sabi— mariin at halatang nagsusungit pa "May natutulog pa dito— pag ako nainis sayo, ihawin kita diyan nang maging inihaw na isda ka na"
Sabay kaming napatawa ni Devian dahil dun— napakasungit talaga ni Devron pero ewan ko kung bakit natutuwa ako sa mga sinabi niya.
"— At natawa ka pa talaga?!"
"Chill bro, ayos lang yan, wag ka nang matulog. In eight minutes nasa airport na tayo"
"♫ So go ahead
And drive me insane
Baby, run your mouth
I still wouldn't change
Being stuck with you, stuck with you, stuck with you
I'm stuck with you, stuck with you, stuck with you ♬"
Mariing pumikit si Devron bago sinumulang gisingin ang mga kaibigan namin— tumulong na ko at ginising na den si Sevastil at Curie.
"Curie! Curie!"
Kinalabit kalabit ko ang munting paslit at nagtagumpay ako nang magising ito— papungay pungay ang mga matang nakatingin sa akin.
"Ate Edotheia?" Aniya "Malapit na tayo?"
Tumango ako sa kanya bilang tugon— bumaling ang tingin ko sa garapong nasa aking mga hita, marahan ko itong inangat at bahagyang inalog— nagising si Sevastil dahil dun.
"Prinsesa naman!" Maktol niya sa akin "Ang sakit nang ulo ko sa iyong ginawa, huwag mo nang uulitin iyon!"
Ngumuso ako sa kanya bilang tugon.
"♫ Woah, oh, oh
Baby, come take all my time
Go on, make me lose my mind
We got all that we need here tonight ♬"
"Patawad, Sevastil" tugon ko dito "Ginigising lamang kita— malalim kasi anv iyong tulog kaya ganun na lamang ako aking ginawa para ika'y magising at hindi nga ako nagkamali. Nagising ka"
Bumuntong hininga siya sa akin at umiling ngunit naglaon ay ngumiti rin.
"Matitiis ba kita, aking prinsesa?" Napangiti niyang saad sa akin "Napakabuti mo para ako'y magalit sayo"
Napangiti ako dahil dun.
"Lintik naman Devron!"
Napalingon ako nang biglang sumigaw si Macoy— tumawa ang lahat nang makitang basang basa siyang nakatingin nang masama sa nakangising si Devron.
"♫ I lock the door (Lock the door)
And throw out the key
Can't fight this no more (Can't fight this no more)
It's just you and me
And there's nothing I'd, nothing I'd rather do
I'm stuck with you, stuck with you, stuck with you ♬"
"— Parang gago!"
"Yan! Buti nga sayo!" Nang aasar na saad na sabi ni Liam "Ginigising ka na kasi gago!"
"Hirap mong gisingin" kibit balikat na sabi ni Devron "Yan lang ang ginawa ko para magising ka"
"Putangina mo!" Bulalas at mariing sabi ni Macoy "Tangina niyong lahat!"
Nagtawanan lamang silang dahil dun.
"Tama nga sila!" Natatawang sabi ni Jayce "Pikunin mo na ang lasing wag lang ang bagong gising!"
"♫ So go ahead and drive me insane
Baby, run your mouth
I still wouldn't change all this
Lovin' you, hatin' you, wantin' you
I'm stuck with you, stuck with you, stuck with
You
Stuck with you, stuck with you, stuck with you ♬"
"Ina niyo!" Gigil na gigil na bulyaw nang nakabusangot na si Macoy "Mamatay na kayo! Mga pakyu kayo!"
Nagtawanan lamang silang lahat dahil dun— kasabay den nun ang pagkawala ang kanya sa bagay na tinawag ni Devian na radio.
"Bakit nawala anb musika, Devian?" Tanong ko "Nais ko pang makinig"
Bahagyang tumawa lamang si Devian sa akin bago bahagyang umiling.
"Hindi na" aniya "Tama na ang isang kanta, Edotheia. Malapit na tayo eh, kayo diyan! Magsi-ready na!"
Kanya kanyang unat at ayos ang iba nang sabihin yun ni Devian, pansin kong hindi pa gising si Michelle sa tabi nito. Nagtaka naman ako kung bakit.
"Devian, si Michelle"
"Ah" tugon niya "Yaan mo na yan, ako nang gigising diyan mamaya, pagod yan eh"
Tumango lamang ako bilang tugon.
"Ah ganon." Masungit na pagsingit ni Macoy "Pag jowa pwedeng matulog— pag tropa pwedeng gaguhin?"
Nagtawanan na lamang kami ulit dahil dun— nakakaaliw si Macoy ngayon.
"Tama na nga yan, Macoy— may bata, yung kapatid mo naririnig ka!"
Agad napalingon si Macoy sa gawi namin ni Curie na nanlalaking mata, bahagya akong tumingin sa kapatid niyang si Curie at natawa na lamang ako nang makita itong masama ang tingin sa nakakatandang kapatid.
"Isusumbong kita kay mommy!"
Nagtawanan muli ako lahat dahil dun kasabay nang pagkaputla nang mukha ni Macoy sa takot. Napailing na lamang ako dahil dun.
"Tama na yan, para kayong mga tanga!" Pag awat ni Devian "Nandito na tayo"
Isa isa kaming nagsibabaan nang sinasakyan namin nang bumungad sa akin ang mga naglalakihang mga ibon na puting nagsisiangatan sa langin.
Napangiti ako dahil dun sabay palakpak.
"Curie, ito pa ang mga private airplane?"
Takang tumango sa akin si Curie.
"Alam mo pala ang airplane ate?"
Umiling ako sa kanya bilang tugon.
"Hindi sinabi lang sa akin ni Devian kanina"
Tumango naman siya sa akin bilang tugon. Kanya kanya silang kuha sa mga gamit na nasa likod nang sasakyan— tutulong na sana ako pero sinabihan ako nila Michelle, Curie at Moyi na wag na dahil kaya na daw yun nang mga lalaki.
"Aah!"
Napayuko ako bigla nang may isang private airplane ang lumipad nang mabilisan sa itaas namin— nahintakutan ako.
"Ate Edotheia malayo pa po yung airplane— wag kang matakot" ani ni Curie sa akin
"Patawad" paghingi ko nang paumanhin "Nahinatakutan lamang ako sa private airplane"
"Hindi yung private airplane— airplane lang wag mong lagyan nang private" ani ni Moyi "Ayun yung private plane natin oh"
Napatingin ako sa itinuro niya sa akin at napangiti ako nang makita ang medyo bahagyang kalakihang private airplane na tinutukoy niya.
"Kay Macoy yan" nakangiting sabi ni Michelle sa akin "Siya ang magpapalipad niyan. Captain Macoy Legazpi for duty"
Nanlalaking mata at napaawang ang mga labi ko sa pagkamangha dahil dun— nakakbilib.
"Talagang ipapalipad niya yan?"
"Oo naman ate" pagsingit ni Curie sa akin "Hindi lang bwisit na business man si kuya piloto den siya"
"Piloto?"
Tumango sila sa akin bilang pagsang ayon. Agad nila akong hinila papunta dun at umakyat papasok— dun sumalubong sa amin ang dalawang matangkad na babaeng grabe ang ganda!
"Welcome aboard po" sabay na sabi nang dalawang babae.
"I'm Clarisse"
"I'm Penny"
"— And we are your flight attendant for today."
"Ano yung sabi nila?" Bulong ko kay Moyi "Hindi ko naintindihan eh"
Napangiti siya sa akin bilang tugon.
"Wala bumabati lang sila"
Tumango na lamang ako bilang tugon.
"Dun tayo sa apatan na seat" sabi ni Michelle
Agad niyang itinuro ang apat na upuan na magkaharapan— dun kami nagsiupo. Kami ang magkatabi ni Curie habang sila naman ang nasa harapan namin na magkatabi.
"Ang lamig" ngiwi ko
"Ma'am heres your blanket" nakangiting sabi nung isa sa babae na sumalubong kanina sa amin "Is there anything you wanted ma'am?"
Hindi ko naunawaan ang kanyang siniwalat kaya agad akong tumingin kila Moyi at Michelle— mukha namang naintindihan nila ang sinabi ko nang magsalita sila dun sa babae.
"It's okay" nakangiting sabi ni Michelle sa babae "She's fine with the blanket. Thank you."
"Alright then— if there's anything you want us to know, just beep on the line"
Tumango si Michelle sa kanya sabay alis naman nang babae napabuntong hininga na lamang ako dahil dun.
"Mukhang natakot ka sa kanyang sinambit, prinsesa"
Napatingin ako kay Sevastil nang sambitin niya ang mga katagang iyon.
"Hindi ko kasi siya maunawaan, Sevastil"
Narinig kong napahagikgik sila Curie, Moyi at Michelle dahil dun kaya napanguso ako— ilang minuto lamang nang dumating ang mga lalaki. Agad silang nagsiupo sa kung san sang mga upuan.
"Good day— this is captain Macoy Legazpi. speaking. We are currently flying aboard please do fasten your seatbelts and relax to our trip. Have a safe trip to us"
Nagitla ako nang marinig ko ang boses ni Macoy— napatingin pa ko sa paligid kung asan siya pero hindi ko makita.
Natawa silang lahat nang makita akong ganun. Napanguso ako.
"Parang kamg tanga isda!" Pagsusungit sa akin ni Devron "Ihawin kita diyan eh"
"Ano ka ba naman Devron wag ka ngang ganyan kay Edotheia" saway sa kanya ni Austin "First time niya"
"Oo nga" pagsang ayon naman ni Liam sa usapan "Magiging flying fish na yan"
Kasabay nun ang muling pagtawanan nang lahat— napakunot noo na lamang ako dahil dun kasabay nang biglang bahagyang pagyanig nang aming sinasakyan.
Napapikit den ako ng minuto hanggang sa nawala iyon at makaramdam nang may kumalabit sa akin— Si Curie.
Nagtaka ako kung bakit nakangiti ito sa akin at parang may tinuturo— sinundan ko ang tinuturo nito at napangiti na lamang ako nang makita ko sa bintana ang mga ulap at naglilipanang mga ibon.
Napangiti ako kasabay nang pagpalakpak.
"Ang ganda— nasa langit na nga tayo!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro