Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 19: Lilassari's Goodbye

Devron Montenegro's POV

I was busy scrolling on my feeds at my social media accounts while listening to music when I found out that my lunatic friends are doing something fucking crazy again.

I cringed— fucking childish.

I came back on my phone when I notice that fucking fish laying her head on the car's close window smiling like idiot.

She was asleep as she huggef that creepy green shrimp. I frowned.

Hindi na ko masyadong nagulat nang makita kong kausap ni Lilassari ang berdeng hipong iyan kahapon. Sa mga nakita ko pa lang kay isda nang makuha namin siya wala na dapat pang ika-gulat.

Mermaids. Water Magic. Atlantis, Princess, Green Shrimp?— What else?! Fuck! It freaking look like I'm in a damn fairytale. Nakakakilabot.

I was gonna watch a movie on my phone when I realized that my Bluetooth earpiece was none in here.

I grunted— WHERE THE HELL IS MY FUCKING BLUETOOTH EARPIECE?!

I closed my eyes and sighed.

Nang maramdaman kong kalmado na ko ay inisa isa ko ang bawat kwarto sa buong mansyon but none! Fuck!

Sinubukan ko na deng tanungin ang mga kaibigan ko— ang mga babae hindi talaga nila alam lalo pa't galing sa hangover, ang mga tukmol kong mga kaibigan di makausap nang matino halatang may tinatago.

"Malay ko!" Ngising asong sagot sa akin ni Macoy "Gamit mo yun ba't sa akin mo hinahanap?"

I grunted and turned to Jayce.

"Pare wala— wag kang mambintang!"

Kumunot lamang ang noo ko sa kanya bago bumaling kay Austin na biglang namutla sa pagtingin ko sa kanya.

"Austin"

"W-Wala sa akin— malay ko diyan! Tanong mo kay Liam"

Bigla namang nataranta si Liam at namutla na tumingin sa hindi makatingin Macoy sa akin.

"Putek! Natatae ako!"

Agad tong kumaripas nang takbo pero hindi patungo sa banyo— sa sarili mismo nitong tulugan mismo. Bumalik ang tingin ko kay Austin.

"N-Nahilo ata ako" nanginginig na alibi ni Austin, humawak pa sa sariling ulo "Pahinga lang ako ah"

Agad den itong umalis patakbo sa sariling kwarto. Narinig kong bumulwak nang pagtawa ang gago kong kapatid.

Napatingin naman ako kay Jayce na dahan dahan tumatakas.

"Jayce!"

Nagitla siya sa akin at alanganing tumawa pero ang mukha nito— namumutla.

"Devro—"

"Asan ang bluetooth earpiece ko?!"

Mas namutla siya dahil dun. Agad nabaling ang tingin niya kay Macoy na bigla ring namutla— Now I had hint sino ang nagtago.

Agad kumaripas nang takbo si Jayce na ikinagulat ko.

"Si Macoy! Nahulog ni Macoy sa pool!"

Agad hiyaw ni Jayce nang makalayo— nabaling ang tingin ko kay Macoy na mas maputla pa ata sa suka ang mukha.

Dumilim ang tingin ko sa kanya pero ang gago tinawanan lang ako.

Si Devian naman ay umalis na rin pero kitang kita sa ngisi nitong ang pang-aasar kay Macoy. Napailing na lamang ako. Gago den eh.

"Anong nangyari sa Bluetooth earpiece ko?"

Napalunok siya kaba at mabilis pinapawisan.

"Chill ka lang, Devron" he suddenly laughed— pero hindi ako natawa "Huminga ka mu—"

"Anong nangyari sa Bluetooth earpiece ko?!"

Napapikit siya nang kaba dahil dun.

"Yun na nga!" Aniya "Nahulog sa pool nang nag gitara ako dun nung nakaraan ata kasama pa sila Edotheia at Lilassari. Naalala ko na lang na naiwan ko yun malapit sa pool. Pero di ko na mahanap— baka nahulog sa pool. Yaan mo na pare, palitan ko na lang paguwi nang maynila. Mas magandang model pa— hindi yung second hand"

I raised my left eye brow before I raised my middle finger.

"Fuck you"

Alaganin siyang tumawa sa akin dahil dun.

"Pare di tayo talo—"

Hindi na niya natuloy pa ang sasabihin niya nang hinila ko siya papunta sa indoor pool— I don't fucking care kung hindi siya marunong lumangoy. Basta hanapin niya ang Bluetooth earpiece ko dun.

I don't freaking care kung nahulog yun dun dahil waterproof naman yun— but the hell I would say that to Macoy. Mapapanatag lang ang gago.

Dapat naman siya kabahan kahit paminsan minsan lang.

"— Teka! Devron!" Natataranta niyang sigaw nang makapasok kami sa indoor pool "Easy ka lang! Sira na yun! Tsaka hindi ako marunong lumangoy. Ipaubaya na lang natin kila Edotheia at Lilassari aang pagkuha dun! Damn pare!"

I didn't listen to rants. Patuloy ko siyang hinila hanggang sa matapat kami sa sirenang si Lilassari na may kausap na— fuck?!

Is that a green shrimp?

Napatingin si Lilassari sa amin at ngumiti— kumaway pa ito kahit nasa tapat lang namin. Weird mermaids!

"Kamusta kayo, Macoy, Devron." Aniya "May papakilala pala ako sa inyong dalawa"

She gesture the green shrimp to the center as she smiled widely to the both of us.

"— Ipinakikilala ko sa inyo ang kanang kamay nang prinsipe Rilon— Si Sevastil"

Macoy and I just stiffed on the situation. Ngumiwi siya sa amin bilang tugon.

"Ani ni Sevastil ay kinagagalak niya daw kayong makilala hindi niyo ba tutugunan ang kanyang masayang pagbati?"

"Ah."

Tumawa lamang si Macoy sa reaksyon ko bago bumaling kay Lilassari.

"Sensya na Lilassari ah— hindi naman naiintindihan yang hipon na yan"

Tumango naman sa amin si Lilassari.

"Nauunawaan ko" aniya "Mukhang hindi pala talaga nakakausap nang mga tao ang mga hayop. Akala namin ay pareho lamang ang sirena at tao sa ilang bagay, mukhang may malaki den palang pagkakaiba"

Tumango na lang kami ni Macoy— daming sinasabi eh.

"— Oo nga pala'y narito si Sevastil upang ihayag ang balita sa akin na pinauuwi na ko sa aming tahanan"

Nagkatinginan kami ni Macoy dahil dun.

"Bakit naman?!" Natatarantang tanong ni Macoy "Ayaw mo ba dito?"

Maharang umiling si Lilassari sa kanya bago ngumiti.

"Hindi sa gayon— masaya naman ako sa mga munting oras na napadpad ako sa islang ito kasama kayong lahat."

"Pero bakit aalis ka pa?"

"Hindi na ligtas dito"

Nabaling ang atensyon ko sa usapan nila dahil dun.

"Huh?" Ani ni Macoy "Anong sinasabi mo?"

"Ang baliw na prinsipe Silvero— may mga tauhan siyang malalapit sa islang ito. Kailangan niyo nang umalis lahat— pakiusap. Isama ninyo ang prinsesa Edotheia. Nasa kamay niya ang kaligtasan nang buong Atlantis"

Nagkatinginan kami ni Macoy dahil dun.

"Pero ikaw bakit ka uuwi sa inyo kung delikado naman pala."

Bahagya siyang ngumiti sa amin dahil dun.

"Hindi. May mga katuwang naman ako sa aking paguwi— kailangan kong tumulong sa mga nasalbang nilalang dun sa aming tirahan. Matutulungan ko ang mga prinsipe."

Napayuko si Macoy dahil dun— nakita kong hinawakan ni Lilassari ang kamay nito at dinala sa kanyang pisngi.

"Maraming salamat sa inyong malasakit, Macoy. Alam ko ang dinidinig nang iyong puso"

Nanlaki na lamang ang mga mata ko kasabay ni Macoy— The hell?! He's inlove with that mermaid?!

Nakita kong tumulo ang mga luha ni Lilassari sa kanyang mga mata gayun den si Macoy.

"— Kung sa ibang pagkakataon man lang tayo nagkakilala maari ko pa sanang pakinggan ang tinig nang pag-ibig ngunit hindi maaari. Magiging bula ako kapag tumibok den ang aking puso sa iyo."

"Mahal kita, Lilassari" bulong ni Macoy sa kanya "Hindi ko alam kelan nagsimula pero mahal kita"

Naiiyak na tumango sa kanya si Lilassari.

"Alam ko— patawad kung hindi ko man ito masuklian, Macoy."  Tugon nito "Hayaan mo, ipagdadasal ko sa aming mahal na diyosa na sana'y balang araw may humaplos sa iyong puso at mamahalin ka rin gaya nang ibinibigay mong pagmamahal sa akin na hindi mo masuklian man lang"

Humagulhol nang iyak si Macoy dahil dun.

"G-Gusto ko ikaw"

Tumango lamang si Lilassari dahil dun pero bakas na bakas sa mga mata nito ang sunod sunod na mga luhang nagsisipatakan.

"— Pero alam ko naman eh. Alam ko naman na hindi pwede dahil magiging bula ka at mawawala ka. Ayaw ko nun! A-Ayaw ko" Macoy's voice broke "Mas gugustuhin ko na lang na buhay ka— humihinga kesa mawala ka pero putangina! Ang sakit! Ang sakit sakit na aalis ka na para bumalik sa inyo!"

Hinawakan ni Lilassari ang mukha ni Macoy at bahagyang inilapit ito sa kanya.

"Alam kong m-masakit pero tiisin mo— tiisin mo" bulong niya dito "Ngayon, huling hiling ko na dalhin mo ko sa dagat— ihagis mo ko dun at wag kang lilingon"

Nanigas si Macoy dahil dun. Humarap sa akin si Lilassari at bahagyang ngumiti.

"Ipasama niyo sa inyong pagalis si Sevastil para may makasama ang prinsesa— nais kong isalaysalay ninyo sa aking prinsesa na pinauwi na ko sa karagatan at kailangan na niyang lumisan at lumayo kasama kayo."

Tumango ako sa kanya bilang tugon.

"— Pinababatid nga pala nang prinsipe Rilon ito noon sa akin aniya na ang pag-ibig ay wag sukuan. Hindi ko alam bakit niya pinasasabi iyon sa magiging kasama nang prinsesa ngunit batid kong sana'y makatulong sa sitwasyon namin ni Macoy. Na sukuan man niya ang pag-ibig ko ay dalisay darating den ang bagong siglo nang pag-ibig"

Mas lalong humagulhol nang iyak si Macoy dahil dun. Nang medyo ayos na siya at pagsinok sinok na lamang ay walang salita niyang binuhat si Lilassari patungo sa dagat.

Sumunod lang ako nang tahimik hanggang sa ihagis niya ito at agad tumakbo papasok nang hindi tinitignan ang minahal niyang sirena.

Napailing na lamang ako bago pumunta sa kusina at kumuha nang grapon para ilagay yung kakaibang hipon na nasa pool.

Nabaling ang tingin ko sa ngising ngising si Macoy— alam kong kahit ganito na siya ngayon ay iba ang pinahihiwatig nang nararamdaman nang gagong to.

He was weak but strong outside. Sana ay balang araw ay makahanap siya nang iba pa niyang mamahalin gaya nang sabi ni Lilassari.

Napailing na lamang ako at nakinig sa music.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro