Kabanata 18: Roadtrip
Princess Edotheia's POV
Nagising na lamang ako na maganda ang aking pakiramdam— wala na ang sakit sa aking ulo.
Sa susunod hindi na muli ako iinom nang inumin gaya nang ibinigay nang estranghero na nagngangalang Black. Hindi ko kasi aakalain na ganun ang magiging epekto.
Napailing na lamang ako at akmang tatayo nang makita ko si Devron na nakasimangot— meron pa siyang hawak na garapon at may takip na butas butas at sa loob nun ay—
"Sevastil?!"
Ngumiti siya sa akin bilang tugon.
"Kamusta mahal na prinsesa Edotheia"
Yumukod pa siya sa akin bilang paggalang. Napangiti na lamang ako sa tuwa.
"Sevastil, ikaw nga!"
"Nagkakaintindihan nga kayo" masungit na sabi ni Devron sabay abot sa akin nang garapon laman ay si Sevastil— nakakatuwang makita siya diyan na lumalangoy "Kunin mo na at magbihis ka nun"
Itinuro pa niya ang damit na nakasabit sa gilid nang kabinet. Ngumiti lamang ako sa kanya at sunod sunod na tumango.
"Oh sige Devron— tutugunan ko ang iyong inutos" sagot ko dito "Matanong ko nga pala, paano kayo nagkakilala ni Sevastil?"
Kumunot ang noo niya sa itinanong ko.
"Kasama nang hipon na yan yung kaibigan mong si Lilassari— oo nga pala umalis na ang sirenang yun at iniwan yang kakaibang hipon na yan at sabi niya iabot ko daw sayo"
Nabahala naman ako dahil dun.
"Ano? Bakit siya umalis?"
"Sabi niya kailangan niyang bumalik sa karagatan, prinsesa Edotheia" singit ni Sevastil "Pinababalik kasi siya don nang mga prinsipe bilang tulong sa mga nasalbang mga sireno, syokoy at sirena. Naiwan ako bilang iyong gabay"
"Sabi nang kaibigan mo, pinababalik na daw siya sa inyo" ani naman ni Devron "At bantayan ka daw namin baka magpasaway ka"
Humagikgik sa tawa si Sevastil nang marinig yun kaya napanguso na lamang ako.
"Hindi naman ako pasaway"
"Yeah right" aniya na hindi ko naintindihan "Pagkalabas ko magbihis ka na ah— aalis na tayo nang isla at luluwas pa Maynila"
Napakunoot noo naman ako dahil dun.
"Aalis tayo?"
Inikot niya ang kanyang mga mata sa inis.
"Oo mahal na prinsesa"
Napagat ako nang ibabang labi dahil dun.
"Ngunit bakit?"
Naging mariin naman ang kanyang pagtitig sa akin.
"Delikado na kasi dito"
"Tama siya prinsesa" pag sang ayon naman ni Sevastil "Magandang sumama ka na"
"Ang sabi ni Lilassari parang nakakatunog na daw ang baliw na prinsipe may gusto sayo— kaya nagpag isip isip naming lahat na tapusin na ang bakasyon na to at sumama ka sa amin pa Maynila. Dun ka titira kasama ko sa condo"
Nangiwi na lamang ako dahil dun.
"Hindi ko maunawaan"
Inis siyang napasabunot sa sariling buhok kaya muli akong nangiwi.
"Basta magbihis ka na lang diyan— ay maligo ka na pala, konting wisik. Alam mo namang pano maligo di ba?"
Tumango ako.
"— Ayusin mo yung mabango ka at mukhang disente baka mamaya mukha kang gusgusing pulubi"
"Hindi ko naunawaan ang iyong batid ngunit mukhang insulto iyan"
Ngumisi siya sa akin bilang tugon bago lumabas nang aking silid. Nakatinginan kami ni Sevastil dahil dun.
"Insulto nga!"
•••
"Okay— pwesto pwesto na tayo." Ani bi Michelle.
Kakababa lamang namin nang bangkang tinawag nilang yate nang makarating kaming muli sa isa pang daungan. Nangingiwi na lamang ako dahil may kulay itim na nilalang sa tapat namin.
Hindi ko alam kung ano ito ngunit mukha itong sinasakyan dahil pagkabukas nang bunganga nito ay kumportable silang nakaupo sa loob— tinulungan naman ako ni Curie papasok sa loob kaya hindi na ko nabahala kung ano ang aking susunod na gagawin.
Nang makumpleto kami ay sumakay na sila Devian at Michelle sa harapan nang nilalang na ito na tinawag nilang Van.
Nasuri kong may pinindot si Devian na kung ano dahil para magkaroon nang lindol— naiyak ako sa takot kaya napasigaw na ako. Nagulat naman silang lahat at takang taka akong tinitigan.
"Hoy isda?!" Singhal sa akin ni Devron "Bakit ka sumigaw ah?!"
Tumulo ang luha sa aking mga mata.
"Prinsea Edotheia— wag ka nang umiyak!" nag aalalang sabi ni Sevastil "Prinsesa."
Agad dinampot ni Curie ang aking mga luha at inilagay sa kanyang maliit na bagay na aniya sa akin ay tawag ay sling bag.
"Lumilindol kasi"
Natahimik ang lahat. Kinabahan ako pero saglit lamang iyon namayani hanggang sa humagalpak silang lahay nang tawanan.
Nakita kong umiling lamang si Devian na nakatutok sa kanyang unahan at hinawakan ang nasa kanyang harapan na bilog at napahawak na lamang ako sa aking kinakaupuan sa takot nang maramdaman kong gumalaw ang aming sinasakyan.
"— Diyos ko po mahal na Mercida"
"Ayos lang yan Ate Edotheia, normal lamang ito" ani ni Curie
Nakita ko namang maayos silang nakaupo na parang walang nangyari kaya huminga na lamang ako nang malalim bago ko itinutok ang aking paningin sa mga naggagandahang mga bahay at tanawin.
Unti unti ang takot na aking nadarama ay napalitan nang pagkamangha at kasiyahan.
"Parang kang tanga diyan"
Nabaling ang tingin ko sa nagsalita at dun ko nadatnan si Devron na simangot na simangot na nakatingin sa akin.
"— Para kang bata, first time?"
Napakunot ako nang aking noo sa kanyang siniwalat.
"Hindi ko mabatid kung anong ang iyong sinasabi, Devron"
Hindi na niya ko tinutunan at humalukipkip na lamang sa akin sa inis. Nagkibit balikat na lamang ako bilang tugon.
"Guys kantahan naman diyan!"
Nagitla ako sa sigaw ni Macoy at ang pagtutog nang kanyang gitara. Napangiti ako nang sumabay sa ritmo nang tugtugin ang pagpalakpak nang lahat— gumaya ako.
"♫ Uso pa ba ang harana? Marahil ikaw ay nagtataka. Sino ba 'tong ♬—"
"—♫ Mukhang gago. Nagkandarapa sa pagkanta. At nasisintunado sa kaba ♬" sabay sabay nilang lahat na kanta.
"Nakakatuwa naman ang mga taong ito" ani ni Sevastil
"Tama ka, Sevastil" tugon ko sa kanya "Nakakatuwa sila. Talagang mali ang ating naging pananaw sa mga taga lupa"
Tumango sa akin si Sevastil bilang tugon.
"Siyang tunay, prinsesa Edotheia, siyang tunay"
Napangiti ako. Nagsunod sunod lamang ang mga kantahang iyon hanggang sa tumigil ang sinasakyan namin.
Napakunot noo ako.
"Ang magsi-Cr dyan, magsi cr na. Tuloy tuloy na ang byahe hanggang mamaya"
Agad silang nagsibaba sa sinasakyan at hinila naman ako agad ni Curie pababa hanggang sa makapasok kami sa bahay na may punong puno nang kung ano ano sa paligid.
"Ate Edotheia— pili ka dyan. Kain muna tayo"
"Napakagandang mga tanawin" ani ni Sevastil na nasa garapong hawak ko "Makukulay"
Napakunot noo ako.
"A-Ano?"
"Nasa seven eleven tayo, Ate— convinience store to. Lahat nang nakikita mo dyan puro pagkain"
Lumawak naman ang pagkakangiti ko dahil dun.
"Talaga?!"
Tumango siya.
"Pero yung iba hindi— mga accessories"
"Hindi ko nauunawaan ngunit maari bang ikaw na lamang ang mamili nang ating kakainin?"
Nakangiti naman siyang tumango at may kung ano anong kinuha sa mga nakalagay sa paligid. Nang matapos siya ay agad kaming pumunta sa may naka pilang mga tao.
"Anong ginagawa natin?"
Ngumiti lamang siya bilang tugon at hindi na nakasagot nang nasa harapan na kami. Binigay niya ang mga kinuhang pagkain sa lalaking iniilawan ang bawat isang pagkain naron.
"Three thousand seven ma'am"
Ngumiti naman siya Curie sa kanya bilang tugon at may inabot na papel na purong asul at ilang maliit na bilog na parang gawa sa pilak.
Nang mailagay sa isang supot ay hinatak na niya ako pabalik sa aming sinasakyan at laking gulat ko na naron na ang lahat.
Nang makapasok na kami at muli na namang umandar ang sasakyan. Nagkaagawan pa nga sa mga masasarap na pagkaing dala ni Curie.
Kumagat ako muli nang donut bago tumingin sa labas. Napapikit ako nang marinig ko silang lahat na muling nagsi awit.
Napakagandang paglalakbay at karanasan ito.
"Salamat sa biyayang ito, Mahal na Mercida"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro