Kabanata 17: Takot
Lilassari's POV
Nakapikit akong umaawit— nakatingala akong nakasandal sa gilid nang tinatawag nang mga taga lupa na swimming pool.
Wala pa ang aking prinsesa at nais kong paganahin ang aking isip para sa mga masasamang alalang aking nasagupa nang ako'y sana karagatan pa lamang.
Napadilat ang aking mga mata nang makarinig ako nang huni nang isang ibon hinanap ko ito at mula sa malaki at bilog na malilit na mga butas sa itaas nang pader ay nakita ko ang isang ibong may dalang isang maliit na— hipon?
Nanlaki na lamang ang aking mga mata nang mapagtanto kung sino iyon.
"Munting ibon"
Nabaling ang tingin nito sa akin at lumipad paroon sa aking direksyon— agad niyang iniluwa ang aking kaibigan sa aking kinalalagyan.
"Sevastil, naihatid na kita" ani nang ibon sa akin kaibigan "Asan ang kapalit nang aking pagtulong ko sayo sa pagdala ko sa kanya? Akin na!"
Napatingin naman sa akin si Sevastil at bumuntong hininga.
"Lilassari, maaari ka bang tumangis?" Aniya sa akin "Kahit isang pirasong luha lamang— ninais kasi nitong si Yutre nang luha bilang kapalit."
Tumango naman ako at agad lumusong paibaba nang swimming pool— hindi ko na kailangan pang tumangis dahil nitong mga araw ay umiyak na ako sa sobrang pag aalala sa nangyayari sa aming mahal na Atlantis.
Kaya hindi kataka taka na maraming luha ang narito sa paligid— natuwa nga ang mga magkakaibigan dahil nagmukha daw itong mga palamuti sa pool.
Kumuha ako nang isang piraso at agad lumusong paitaas para iabot ang isa sa aking mga luha— tuwang tuwa naman ang ibong si Yutre sa kanyang natanggap na luha.
"Ang gandang perlas" nangingislap ang mga matang nang ibon sa tuwa "Maipapalit ko ito."
Agad niya itong tinuka at pagkatapos ay agad nilolun— hindi na ko nagtaka kung bakit dahil nais lamang ng mga ibon iimbak ang mga iyon sa kanilang tiyan bago ilabas. Nang matapos na ang ibon sa kanyang ginawa ay lumipad na siya papaalis.
"Lilassari"
Nabaling ang tingin ko kay Sevastil— tuwang tuwa ko itong kinuha at inilapit sa aking mukha sa sobrang kasiyahan. Dahil sa liit niya ay ganito lamang kami magyakapan.
"Labis ang aking pag aalala sayo— Lilassari" aniya nang kami ay magkahiwalay "Kamusta ka? Binihag ka ba nang mga masasamang pirata?"
Nakangiti akong umiling sa kanya.
"Maganda ang trato nang mga kumupkop sa amin nang prinsesa Edotheia" sagot ko sa kanya "Napakabait nilang lahat, tinulungan lamang nila kami nang prinsesa. Batid kong wala silang masamang intensyon para gawin iyon. Mali ang ating akala sa mga taga lupa, hindi lahat sa kanila masama sapagka't may mga tao pala talagang may mga mabubuting puso"
Napakunoot noo naman siya dahil sa akin siniwalat.
"Kung gayon nasan ang prinsesa Edotheia?"
Ngumiti ako sa kanya.
"Ang sabi sa akin ni Jayce, ang prinsesa Edotheia ay kasalukuyang nagkaroon nang sakit na tinatawag nilang hangover"
Lumalim ang kanyang pagkunot nang noo kaya natawa na lamang ako. Nakaka aliw kasi ang kanyang itsura.
"Ano naman ang hang over? Malalang sakit ba iyon?"
Natatawang umiling ako sa kanya.
"Hindi naman" sagot ko "Ang sabi nila sa akin ang sakit na iyon ay pangkaraniwan lamang. Nagkakaroon ka nun kapag nainom ka nang inumin na tinatawag na alak"
"Kakaiba" tugon niya "Ano naman ang alak?"
Nagkibit balikat na lamang ako dun.
"Ay naku, Sevastil tama na ang kakatanong, basta'y ayos ang prinsesa Edotheia at kasalukuyang nagpapahinga kaya wag ka nang mabahala"
Tumango na lamang siya dahil dun.
"— Bakit ka nga pala narito, Sevastil? Asan si prinsipe Rilon? Hindi ba't kanang kamay ka niya? Dapat kasama mo siya pati na nag sandatahan nang mga kawal nang kahariang Atlantis"
Napayuko naman ito na parang bigo. Nabahala ako.
"— M-May problema b-ba?"
Tumango siya bilang tugon.
"Nahuli na ng prinsipe nang Atlas ang dalawang prinsipe nang Atlantis"
Napasinghap na lamang ako nang marinig yun.
"Mahal na Mercida!" Nanlalaking mata kong tili "K-Kamusta ang ating mga mahal na prinsipe?"
"Kasalukuyang silang kinulong pagkatapos parusahan sa hindi pagsasalita kung asan ang sibat at ang mahal nating prinsesa Edotheia"
"Nagsalita ba sila?" Tanong ko "Nakapagbigay ba sila nang impormasyon kung asan ang prinsesa?"
Agad umiling si Sevastil sa aking tanong. Naginhawaan ako.
"Ngunit—" aniya "Marami nang nakakaalam kung asan kayo, Lilassari."
"Ano?!"
Tumango siyang muli.
"Karamihan sa mga nilalang dito ay tinuturo ang lugar na inyong pinagtataguan, Lilassari. Natatakot akong isa araw na sumupot na lamang si prinsipe Silvero dito at dakpin ang ating mahal na prinsesa."
Natahimik nang kami nang ilang segundo hanggang sa dumating ang ngiting ngiting si Curie. Napangiti ako bilang tugon.
Napakagandang bata niya talaga. Paniguradong paglaki niya ay magiging mas maganda pa siya at nakakatiyak akong maraming kalalakihan ang mahuhumaling sa kanya.
"Hello, Ate Lilassari!"
Kumaway ako bilang tugon.
"Wow may cute na hipon!"
Kumaripas siya nang takbo papunta sa akin at tumingin sa aking nasa harapan. Si Sevastil.
"— Ang cute niya, Ate, kulay berde siya! Green! Cute talaga!"
Napangiti ako dahil dun at natawa sa pakikotang gilas ni Sevastil.
"Si Sevastil kasi ang pinuno nang mga hipon— at syempre kanang kamay nang prinsipe sa Atlantis kaya kakaiba ang kanyang kulay bilang katayuan sa kanyang pwesto"
Napatango tango naman sa akin si Curie bilang tugon. Kitang kita sa mga mata nito ang sobrang pagkamangha sa aking kaibigan.
"Sevastil siya nga pala si Curie" pakilala ko dito
Natawa naman ako nang makita ang pagkunot noo ni Curie.
"— Curie, ito naman si Sevastil, kaibigan at kanang kamay ni prinsipe Rilon, ang kuya ni Prinsesa Edotheia"
"Nagkakaintindihan kayo, Ate?"
Tumango lamang ako sa kanya bilang tugon.
"Ahm, Curie?"
"Bakit Ate Lilassari?"
Ngumiti ako bilang tugon.
"Bhe pwede ba na tawagin mo silang lahat?"
"Eh?" Aniya "Anla Ate Lilassari, tulog sila Ate Moyi, Ate Mich at Ate Edotheia eh, pano yun?"
Nagkatinginan kami ni Sevastil bago sabay na tumango. Ngumiti ako kay Curie bilang tugon.
"Ayos lamang, Curie" ani ko "Kahit ang mga kuya mo na lang ang papuntahin mo dito— may nais lang akong isiwalat sa kanila na importanteng usapin"
Agad tumango sa akin si Curie at agad kumaripas nang takbo papasok sa loob para tawagin ang mga magkakaibigan.
Malungkot akong napangiti.
"Alam ko ang iyong binabalak" aniya "Gusto mong linlangin ang mga nilalang dito para sa kaligtasan ng prinsesa Edotheia"
Naiiyak akong tumungo sa kanyang sinabi.
"Iyan nga ang aking binabalak, Sevastil"
"Nababaliw ka na ba talaga, Lilassari?!" Hiyaw niya sa akin "Sa iyong ginagawa, maaari kang mapahamak!"
Agad kong binaling ang aking tingin sa kanya bilang tugon.
"Ano ang gusto mong gawin ko? Hayaan na lamang ito?" Ani ko "Higit sa lahat na ikaw ang nakakaalam kapag nakuha ni prinsipe Silvero ang prinsesa Edotheia— katapusan na nang buong Atlantis. Alam mo nasa prinsesa ang sibat. Hindi maaari iyong makuha ng prinsipe Atlas. Lahat nang nag-sakripisyo ay mapupunta lamang sa wala"
"Pano ang prinsesa?" Tanong niya "Tututulan ka niya kapag nalaman niya ang iyong plano"
Dumilim ang aking anyo sa kanyang sinabi.
"Kaya nga sasama ka sa kanila sa kanilang paglalakbay, Sevastil"
Kumunot ang kanyang noo sa aking sinabi.
"Ano?!"
"Lilinlangin ko ang mga taga lupang ito na may kung ano sa islang ito kaya dapat na umalis na sila at dapat na nilang isama ang ating minamahal na prinsesa Edotheia— alam kong hindi pa alam ni prinsipe Silvero ang lugar na ito pero sa dami nang nilalang na may alam sa islang ito. Hindi natin alam kung sino ang tapat at mapanlinlang"
Bumuntong hininga naman sa akin si Sevastil.
"Ipangako mo muna na hindi ka mamamatay, kahit na anuman ang mangyari"
Napangiti ako sa kanyang saad sa akin.
"Ipangako mo den na kahit anong mangyari hindi dapat malaman ito nang prinsesa Edotheia— lahat ng nangyayari ngayon sa Atlantis ay dapat layo siya. Ipangako mo, Sevastil. Sumumpa ka!"
Tumango siya sa akin bilang tugon. Ngumiti ako.
"— Kung gayon ay ipapangako ko ding na hindi ako mamamatay, Sevastil"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro