Kabanata 14: The Prince of Atlas
Third Person's POV
ATLANTIS
Nakangiting nakaupo sa trono ang prinsipe nang Atlas— Si Prinsipe Silvero. Tuwang tuwa siya siya sa naging digmaan na naipanalo niya. Ngayon ay hawak na niya ang pinaka malaking parte nang kaharian sa karagatan. Ang Atlantis.
"Hayop ka, Prinsipe Silvero!" Hiyaw nang nakataling si prinsipe Dorrel "Wala kang puwang sa trono nang aming ama!"
Ngumisi lamang sa kanya ni Prinsipe Silvero bilang tugon. Humagalpak pa ito nang tawa na para bang isang biro lamang ang sinabi sa kanya.
"Wala ka nang magagawa pa, prinsipe Dorrel" sagot niya sa nagwawalang prinsipe
Bumaling naman siya sa panganay na prinsipe Rilon na kaniyang pinahirapan. Bakas sa buong katawan nito hanggang buntot ang ilang sugat, pasa at mga dugong umaalpas papalabas.
"— Uulitin ko ang aking katanungan sayo, prinsipe Rilon" mariing tanong nito sa kawawang prinsipe "Asan ang sibat nang inyong ama at ang aking pinakamamahal na Edotheia"
Hindi sumagot ang nakataling prinsipe at nginisihan lamang siya nito bilang tugon dahilan nang mas pagsama niya nang tingin dito.
He nod at the two Atlas merman that holding an electric eel. They seem to understood what Prince Silvero wanted as they used the eel to the poor prince Rilon.
Prince Rilon screamed at the top of his lungs as Prince Dorrel cried for mercy.
"Tama na! Tama na!" pagmamakaawa nang prinsipe Dorrel "Pakiusap! Tigilan niyo na ang inyong ginagawa sa aking kuya Rilon! Tama na!"
Hindi nakinig ang dalawang sirenong taga Atlas ay patuloy pa rin sa pagkuryente nang hayop na kanilang hawak. Walang tigil naman sa paghiyaw at pagdaing sa sakit si Prinsipe Rilon na nagpainis pa lalo kay Prinsipe Silvero sapagka't hindi niya makuha ang kanyang nais na marinig.
Itinaas niya ang kanyang kamay upang patigil ang dalawang sirenong taga Atlas sa pagto-torture sa kawawang prinsipe.
"Hindi ka ba talaga magsasalita, Rilon?"
Nanatiling tahimik ang prinsipe Rilon sa kanyang mga tanong. Dumilim ang mukha ni prinsipe Silvero sa galit.
"— Kawal! Parusang si prinsipe Dorrel!"
Napataas nang tingin sa gulat si prinsipe Rilon. Tututol pa sana siya sa inutos ng prinsipe Silvero ngunit huli na ang lahat.
May lumapit mga taga Atlas na syokoy kay Prinsipe Dorrel at agad nila itong binigyan nang sunod sunod na mga paghampas nang kadena sa kawawang prinsipe.
Ang kanina'y tahimik na prinsipe Rilon ay nagwawala na at nagmamakaawang pakawalan at tigilan na ang pagpapahirap sa kaniyang nakababatang kapatid.
Ngunit naging bingi lamang si Prinsipe Silvero dahil sa galit at mariin lamang na tinitignan ang pagpapahirap kay prinsipe Dorrel.
"Pakiusap! Tigilan niyo siya!"
Ang ilang mga nasasakupang sireno, sirena at mga syokoy ay lihim nang dumadaing sa sitwasyong kanilang pinapanood.
Wala silang magawa kung hindi manood lamang at maiyak habang ang mga anak na prinsipe nang kanilang yumaong hari ay pinapahirapan nang prinsipe nang Atlas.
Gusto man nila pigilan ang nangyayari ay wala silang magawa— bukod sa hindi nila magamit ang kanilang mga sandata ay wala silang mahikang magagamit sapagka't mga mahaharlikang nilalang lamang ang pinapala mabiyayaan nang mahika nang tubig ng diyosang si Mercida.
Itinaas nang prinsipe Silvero ang kanyang kamay upang patigil ang ginagawang parusa kay prinsipe Dorrel. Napahampas siya sa kanyang sariling inuupuan sa galit sapagka't hindi niya makuha ang kanyang nais.
"Talagang nagmamatigas kayong dalawa!" Hiyaw niya sa mga ito "Nais niyo pa bang magsakripisyo ako nang buhay nang isa sa sinasakupan nang kahariang ito?!"
Nang marinig iyon nang mga taga Atlantis na sireno't sirena ay kumalat sa kanila ang sobrang takot at kaba.
"Pakiusap" pagod at hinihingal na hayag ni Prinsipe Rilon "Pinatakas lamang namin si E-Edotheia hindi n-namin batid kung asan s-siya"
Kumuyom ang mga kamao ni Prinsipe Silvero sa sobrang galit.
"Sinungaling!"
Napayuko ang lahat lalo na nang gamitin ni prinsipe Silvero ang kapangyarihan nitong tubig dahilan para mapayuko ang ilan na muntik nang matamaan.
"— Uulitin kong itanong sa inyong dalawa!" aniya "Asan ang aking pinakamamahal na prinsesa Edotheia?!"
Nanatiling nakayuko at tahimik ang dalawamg prinsipe sa muling itinanong ni Prinsipe Silvero— sukdulan na ang pagtitimpi niya sa dalawang prinsipe nang Atlantis kaya inutusan niya ang ilang kawal nang kanilang kaharian sa Atlas na dahil sa piitan ang kanilang bihag at panatilihing parusang ang mga ito hanggang sa magbigay nang impormasyon sa kanyang nais.
"Ano ang iyong plano, prinsipe Silvero?" tanong nang kanyang kanang kamay na si Pidero nang umalis na ang lahat "Mukhang walang balak na magbigay nang impormasyon ang dalawang prinsipe nang Atlantis."
"Ipagpatuloy niyo lamang ang pagkakahanap kahit pa sa kasuluksulukan nang karagatan." mariing utos ni prinsipe Silvero sa kanya "Nais ko nang mapakasalan ang magiging reyna ko at magagawa ko lamang maging hari nang Atlantis kung mapapasa akin den ang sibat ni haring Reveno"
Tuwang tuwang tumango ang kanyang kanang kamay sa kanya.
"Huwag kayong mag-alala prinsipe Silvero ginagawa na namin ang lahat para mahanap ang iyong pinakamamahal na prinsesa at sisiguraduhin namin na ikaw at ikaw lamang ang magiging hari nang buong karagatang ito."
Nangiti ang prinsipe nang Atlas nang marinig iyon. Tumingala siya at pumikit na dinamdam ang buong paligid. Bumuntong hininga siya sa ngumisi.
"Narinig mo iyong aking walang kwentang ama?" Bulong niya "Ako ang magiging hari nang buong karagatan— sabi ko naman sayo na kaya kitang higitan."
Humagalpak siya nang tawa— tawa nang pagkapanalo.
"— Kaya nga kita napatay at ang ang hari nang kahariang ito, sapagka't biyaya ako." Ngumisi siya "Biyaya ako nang diyosang si Heberya"
Humarap siya kay Pidero at nagpalitan sila nang ngiti.
"— Humayo ka na Pidero, nais ko ring puntahan ninyo ang mga bawat kuweba at mga tirahan nang mga ligaw na mga nilalang sa buong karagatan baka ay naron ang aking tinatanging prinsesa"
Yumukod si Pidero sa kanya bago umalis. Lumapit siya sa bagay na hiningi niya kay Oring noon para mapanlang ang sariling ama at ang haring Reveno.
Napangiti siya.
"— Hindi ko gustong pumaslang muli nang isa pang nakakataas na maharlika ngunit galitin niyo pa ako'y papatay at papatay muli ako nang isa pang sireno."
Muling kumuyom ang kanyang kamao sa galit.
"— Hindi ako biyaya nang diyosang si Heberya para lamang maging payapa ang putanginang Atlantis na to!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro