Kabanata 12: Parties, Alcohol and Cigarettes
Princess Edotheia's POV
Idinilat ko ang aking mga mata nang maalimoungatan ako sa aking pagkakahimbing nang tulog at napangiti na lamang nang makitang tulog pa rin si Lilassari ay agad akong umahon para datnan kung may tao o wala pa sa itaas.
Nang wala akong madatnan ay agad akong sumampa sa tubig at gumapang agad na kinuha ang tuwalyang laging nasa gilid lamang nang upuan pinatong ni Moyi— ang saad niyay gamitin ko raw iyon kapag nais kong magbalik ang aking mga binti't paa.
Nang makuha ko ito ay agad ko pinunasan ang aking buntot pataas sa aking katawan hanggang mag abot sa buhok at nang matuyo ako ay agad lumiwanag ang aking ibabang parte dahilan para magbalik ako sa pagiging tao.
Natuwa ako at agad tumayo. Medyo marunong na akong ilakad ang aking mga paa. Ito ang inabala ko sa nagdaang mga araw. Tinuruan ako nila Moyi, Michelle at Curie kung paano ko ihahakbang ang mga ito at para makapaglakad na ko kahit wala sila.
"Prinsesa Edotheia"
Nabaling ang tingin ko sa swimming pool nang ako'y tawagin ng aking kaibigang si Lilassari. Mukhang nagising ko siya mula sa kanyang pagkakatulog.
"Lilassari, aalis muna akong saglit. Nais kong mag-ikot ikot para makatulog"
Ngumiti naman siya sa akin pagkatapos ay tumango.
"Marapatin niyo prinsesa kung ano ang inyong nais." Tugon niya sa akin "Siya'y babalik na ko sa pagtulog. Malalim pa ang gabi, nais kong magpahinga at managinip nang maganda"
Ngumiti ako sa kanya.
"Gabayan tayo ni Mercida"
Tumango siya sa akin.
"Gabayan tayo ni Mercida" ulit niya sa akin "Mag ingat ka prinsesa, pagkatapos mong mag ikot ikot ay bumalik ka na rito at matulog na rin"
Tumango ako sa kanya bilang tugon at agad naman siyang lumusong palangoy paibaba para muling bumalik sa kanyang pagkakahimbing.
Huminga ako nang malalim at inilagad ang aking mga paa palabas nang tinatawag nilang indoor swimming pool. Hindi pa man ako nakakalayo ay sumalubong na agad sa akin sila Moyi at Michelle.
Nanlaki ang kanilang mga mata nang makita ako kasabay nang kanilang pagsinghap sa gulat. Ngumiti ako sa kanila bilang tugon at akmang magsasalita na ko para umalma nang bigla nila akong hilahin papuntang silid nilang dalawa.
"Hindi ka dapat labas nang labas nang ganyan ang ayos mo, Edotheia" ani ni Moyi "Mababastos ka niyan e"
Takang taka ko naman siyang tinignan dahil sa kanyang sinaad.
"Hindi ko maunawaan ang iyong sinambit" kunot noo kong sabi
"Edotheia, hindi ba sinabi ko sayo na dapat nakasuot lagi nang damit?" Ani naman sa akin ni Michelle
Tumango ako bilang tugon at napatingin sa aking katawan. Ngayon ay nauunawaan ko na.
Ipinaalala nila sa akin noo na hindi dapat pinapakita sa lahat ang pribado kong katawan— ipinagtaka ko iyon sapagka't likas sa aming mga sireno at sirena sapagka't wala naman makikitang kahubadan sa amin sakadahilanang natatakpan nang mga kaliskis namin ang aming pribado. Tsaka ko lamang naisip na iba ang mga taga lupa sa aming mga taga dagat.
"Paumanhin," tugon ko sa kanila "Hindi ko makaligtaan iyan na isipin sapagka't hindi naman kami nagsusuot nang mga damit"
Tumango sila bilang tugon. Napatingin naman ako sa kasuotang suot nila. Parang kakaiba ang mga suot nila noon sa ngayon.
Mukha naman naintindihan nila ang katanungan sa isipan ko nang bigla silang ngumisi sa akin
"Magpa-party kami sa katabing isla" ani ni Michelle "Sama ka?"
Kumunot noo ako sa kanila bilang tugon.
"A-Anong party?"
Lumapad ang pagngisi nila dahil dun.
"Basta. Surpresa." Ani naman ni Moyi "Basta sama ka ah?"
Nagdadalawang isip ako kung sasama ba ako o hindi pero dahil nanaig sa akin ang kuryosidad ay tumango ako sa kanila bilang tugon dahilan para humagikgik sila sa tuwa.
Sinuotan nila ang nang damit at nilagyan nang palamuti sa aking buhok— inayos pa nila ito gamit ang mga bagay na ngayon ko lang nakita. Meron den silang inilagay sa mukha ko na pinagtaka ko.
Gusto ko mang magtanong ngunit seryoso sila sa ginagamit kaya pinili ko na lamang na manahimik.
Nang matapos sila ay agad nila akong pinaharap sa malaking salamin. Napaawang na lamang ang aking mga labi sa pagkamangha nang makita ang aking ayos.
"A-Ako ba talaga ito?"
Ngumisi silang dalawa na tumango sa akin bilang tugon. Napangiti naman ako sa tuwa at napaikot.
Pakiramdam ko'y inililipad ako nang mga ibon sa kalangitan.
"Last touch" ani ni Michelle na may hawak na itim na magandang bagay "High heels"
Pinaupo nila ako sa kama at sinuot sa akin yun. Natuwa ako at agad tumayo pero agad den akong nawalan nang balanse dahil sa taas.
"Aray!" Nangiwi ako sa sakit. "Ayaw ko na to. Ang sakit sa paa!"
Humagikgik sila sa tawa dahil dun.
"Ayos lang yan, Edotheia" ani naman ni Moyi "Tignan mo ang suot namin, pareho lang sayo"
Napatingin naman ako sa suot nila. Tama nga.
"Pero paano niyo naiilakad yan?" Tanong ko "Hindi komportable suotin at masakit sa paa"
"Masasanay ka den, girl" ani ni Moyi "Ganyan lang talaga yan sa umpisa"
"Tama tama" tugon naman ni Michelle na may pagtango pa "Isa pa bagay yan sa suot mo, panget naman kung gagamitin mo yung flat shoes eh bagay lang yun kapag magmo-mall ka"
Hindi na ko nagreklamo pa at sumunod na lamang kami hanggang sa makarating kami sa maliit na bangka tulad nang mga ginagamit nang mga pirata para manghuli nang isda. Pero sabi ni Moyi hindi daw pirata ang tawag dun kung hindi mangingisda.
Sila ang nagpaandar nun gamit ang maliit na kulay puting kahon na ang daw nila ay motor nang bangka. Nakakamangha.
"Bakit pala wala ang mga lalaki?"
Tumingin naman sila sa akin at ngumisi.
"Tumakas kasi tayo"
Nanlaki ang mga mga ko dahil dun.
"Ano?!"
Humagikgik lamang sila bilang tugon.
"Chill ka lang, girl" ani sa akin ni Moyi "Magsasaya lang tayo, tsaka alam ko naman hindi ako papayagan nang boyfriend ko kaya mas mabuting pumuslit"
Ngumiwi ako dahil dun.
"Hindi kaya'y magalit sila sa padalos dalos niyong disisyon?"
"Hindi yan" pagngisi sa akin ni Michelle "Gawain den kasi nila to nun. Bawi bawi lang"
"Tamaaa" tugon ni Moyi "Tsaka isa pa, saglit na saglit lang tayo dun, makiki-party, makiki sayaw, makikiinom, at makikipagkaibigan"
Umawang ang labi ko sa muling pagkamangha— kumalat sa aking katawan ang sobrang pagkatuwa sa pupuntahan namin.
Hindi maalis ang aking ngiti hanggang sa makarating kami sa islang kanilang sinasabi— hindi kalayuan ay may nakita akong mga ilaw at palapit kami nang palapit nang may mga tao akong nakitang nagsasayawan at nagkakatuwaan sa isang malakas at nakakabinging tugtugin.
"♫ Please don't stop the music ♬"
Lumawak ang pagngiti ko nang dahil dun.
"Maganda di ba?" Bulong sa akin ni Michelle— napakalakas kasi nang tugtugin at hindi na kami magkarinigan "Tara papakilala kita sa mga kaibigan namin diyan"
"♫ Please don't stop the music ♬"
Napalingon ako sa kanya dahil dun.
"♫ Please don't stop the music ♬"
"Talaga?! May mga kaibigan pa kayo dito?!"
Sabay silang natawa ni Moyi sa akin dahil sa aking reaksyon.
"♫ Please don't stop the music ♬"
"So innocent."
Inakay nila ako sa gilid na may mga upuan at mga taong umiinom nang kung ano. Inupo nila ako dun at ngumiti sila sa lalaking naglilinis nang mesa.
"♫ It's getting late, I'm making my way over to my favorite place
I gotta get my body moving, shake the stress away
I wasn't looking for nobody when you looked my way
Possible candidate, yeah ♬"
"Jude, dalawang cognac at isang gatas"
Ngumiti naman ang lalaking tinawag nilang Jude sa kanilang dalawa bago ibaling sa akin ang tingin. Napakunot noo naman ako dahil kumindat ito sa akin kaya ginaya ko den.
"♫ Who knew, that you'd be up in here looking like you do
You're makin' staying over here impossible
Baby, I'm a say your aura is incredible
If you don't have to go, don't ♬"
"Bakit gatas ang isa?"
Sabay na tumawa ang dalawa sa sinabi nang lalaki.
"She's still a baby, Jude." Ngiti ni Moyi habang hinahamplos ang ulo ko "She's still innocent. First timer"
"Yah" ani naman ni Michelle "Young and too much innocent, kaya bawal pa"
Ngumisi naman si Jude bago humagalpak nang tawa na ikinataka ko— Ano kaya ang kanilang pinag-usapan?
"Okay girls just wait up— I'll ready your drinks"
"♫ Do you know what you started? I just came here to party
But now we're rockin' on the dance floor, actin' naughty
Your hands around my waist just let the music play
We're hand in hand, chest to chest, and now we're face to face ♬"
Ngumiti naman sila Moyi at Michelle sa lalaking may kung anong ginawa at halos minuto lang at agad bumalik sa amin na may tatlong inumin na binigay.
Agad naman kinuha nang dalawa ang nakalapag na inumin at pinanood sila. Ngiting ngiti silang ininom yun kaya kinuha ko ang akin at agad ring ininom. Napangiti ako nang malasahan ko ang tamis.
"♫ I wanna take you away
Let's escape into the music
DJ, let it play
I just can't refuse it
Like the way you do this
Keep on rockin' to it
Please don't stop the, please don't stop the music ♬"
"Ang sarap!"
Sabay na tumawa sila Jude, Moyi at Michelle dahil sa sinabi ko.
"— Pwede isa pa?"
Tumingin is Jude kila Michelle at Moyi na parang nagtatanong kung pwede pa ko painumin.
"Sige lang" sagot sa kanya ni Moyi "Ako nang bahala sa drinks niya"
Ngumiti si Jude at tumango.
"Alright!" Aniya "Maybe I should give you avocado shake? Baka maumay ka sa sobrang gatas."
"♫ I wanna take you away
Let's escape into the music
DJ, let it play
I just can't refuse it
Like the way you do this
Keep on rockin' to it
Please don't stop the, please don't stop the music ♬"
Hindi ko man maunawaan ang kanyang sinaad kaya tumango na lamang ako— sa tingin ko naman ay tama lang ang ginawa ko dahil kumilos siya at gunawa ulit nang inumin.
Ngunit hindi ito gaya nang una kong ininom dahil kulay berde— inamoy ko muna to bago ininom at muling napangiti dahil sa sarap. Nagningning ang aking mga mata sa tuwa.
Bumaling ako sa lalaking tinawag nilang Jude at ngumiti.
"♫ Baby, are you ready 'cause it's gettin' cold
Don't you feel the passion ready to explode?
What goes on between us no one has to know
This is a private show ♬"
"Nako napakasarap nang iyong ginawang inumin."
Napakamot naman siya nang batok na para bang nahihiya siya.
"Naku hindi naman" aniya "Pero salamat"
Tumawa lamang sila Moyi at Michelle dahil dun.
"Jude— dalawang rum"
Tumango si Jude kay Michelle at ginawa ang inutos nitong inumin. Paulit ulit iyon at nanood na lamang ako hanggang sa pumunta silang dalawa sa mga taong nagsasasayaw at gumaya den.
"♫ Do you know what you started? I just came here to party
But now we're rockin' on the dance floor, actin' naughty
Your hands around my waist just let the music play
We're hand in hand, chest to chest, and now we're face to face ♬"
Nakakatuwa sapagka't nagkakatuwaan ang lahat sa indak at musika. Nakakatuwa den ang nilalabas na musika ngunit hindi ko mabatid kung anong ibig sabihin niyon ngunit nakakadala— parang nais ko deng umindak gaya nila.
"You alone?"
Nabaling ang tingin ko sa lalaking tumabi sa akin. Malaking lalaki siya, makisig at may itsura. Pero mukhang manloloko at kahit hindi ko pa siya kilala ay parang hindi na maganda ang kanyang pakay sa akin.
Hindi ko na lamang pinansin bukod sa hindi ko siya maintindihan ay naiilan den ako sa kanyang mga titig.
"♫ I wanna take you away
Let's escape into the music
DJ, let it play
I just can't refuse it
Like the way you do this
Keep on rockin' to it
Please don't stop the, please don't stop the music ♬"
"— Feisty, I like that" bulong niya sa akin "Hard to get eh?"
Hindi ko siya muling pinansin at tumingin sa mga kaibigan kong nagkakasiya na— Bakit ba ko kinakausap nito?
"— Jude. Two Vodka and Orange juice"
Hindi ko nakita ang ginawang inumin ni Jude ngunit alam kong nasa mesa na ito nang marinig ko ang paglapag nang mga inumin.
"♫ I wanna take you away
Let's escape into the music
DJ, let it play
I just can't refuse it
Like the way you do this
Keep on rockin' to it
Please don't stop the, please don't stop the, please don't stop the music ♬"
"— What's your name, Miss?" ngisi niya nang tumingin ako sa kanya "I'm Black."
Kumunot ang noo ko dahil dun. Hindi ko batid kung anong hinahayag nang ginoong ito. Ayaw kong magsaad nang sasabihin dahil baka ako'y mapahiya lamang— Ginoo, kung maari lamang ako makasagot sayo ginawa ko na, hindi lamang talaga kita maunawaan.
Tumawa naman siya dahil sa reaksyon ko. May hinugot siya sa kanyang bulsa at may nilabas na puting maliit na stick. Inilagay niya iyon sa bibig at inapuyan.
"♫ Please don't stop the music
Please don't stop the music, music, music
Please don't stop the music, music, music ♬"
Nanlalaki ang mata ko sa pagkamangha nang makitang naglabas nang usok ang kanyang labi nang humigop siya dun. Muli siyang bumaling sa akin at ngumiti.
"Fuck! Your beautiful!" Aniya "Ang ganda ganda mo."
Napangiti ako dahil dun. Mabait naman pala siya— sinabi niya pang maganda ako!
"Salamat" tugon ko. Natigilan naman siya dahil dun "Ikaw den, sa tingin ko'y makisig kang lalaki"
"♫ I wanna take you away
Let's escape into the music
DJ, let it play
I just can't refuse it
Like the way you do this
Keep on rockin' to it
Please don't stop the, please don't stop the music ♬"
"Probinsyana ka?" Natatawa niyang sabi "Sabihan mo nga unang beses mo pa lang ba dito?"
"Ah oo?"
"Fuck!" Aniya "So that's why your avoiding me, you didn't understand what am I saying"
Bahagya lamang akong nangiti sa kanya. Kinuha niya ang inumin na isa at pinahalo sa isa pang inumin. Nagtaka ako.
"Bakit mo pinagsalo?"
"Para masarap" sagot niya "Gusto mo?"
Lumapad ang ngiti ko dahil dun at sunod sunod na tumango sa kanya. Ngumisi naman siya sa akin at inabot yon.
"Naku maraming salamat— ano—"
"Black. Black ang pangalan ko"
Sunod sunod akong tumango sa kanya.
"♫ I wanna take you away
Let's escape into the music
DJ, let it play
I just can't refuse it
Like the way you do this
Keep on rockin' to it
Please don't stop the, please don't stop the music ♬"
"Salamat Black. Ako nga pala si Edotheia."
Tumango siya at muling uminom.
"Edotheia. Good name"
Hindi ko man naunawaan ay tumango na lamang ako. Tumingin ako sa inuming hawak ko at agad itong ininom— matamis ang lasa pero bakit parang ang init niya sa tiyan.
Nangiwi ako na may malasahan akong pait.
"Hindi masarap"
Natawa naman siya sa akin dahil dun. Napanguso ako at parang gusto ko nang maiyak.
"Bakit ka tumatawa?"
"Sorry, it's just that your too cute, Edotheia"
Napakunot noo ako dahil dun.
"Cute ka lang" aniya "Parang bata ganun"
"♫ Please don't stop the music
Please don't stop the music, music, music
Please don't stop the music, music, music, music, music, music, music ♬"
Tumango naman ako bilang tugon.
"Gusto mo pa ba uminom?"
Iiling na sana ako nang may humawak bigla sa aking pulso. Dun ko nakita ang nag aalab na mga mata sa galit ni Devron.
Natakot ako.
"No, asshole" aniya na diretsong nakatinging kay Black "Your not going to serve my girl another fucking drink again"
Ngumisi sa kanya si Black bilang tugon at ininom ang isa pang alak na hiningi niya kay Jude.
"Oh yeah, who the fuck do you think you are?"
"Fuck off, asshole!"
Magtatanong sana ako nang bigla niya akong hinila palayo at papunta sa bangkang sinakyan namin dun ko naabutan na naghihintay sila Moyi at Michelle na tahimik samantalang sila Devian at Austin naman ay galit na galit den ang istura tulad ni Devron.
Napayuko ako at napakagat nang ibabang labi.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro