Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 10: Lilassari

Princess Edotheia's POV

Umaga nang magising ako at nang dalhin ko pagapang ang aking sarili sa labas nang tirahan nang mga tao papuntang pangpang nang karagatan.

Pakiramdam ko'y tulog pa silang lahat sapagka't pagod at puyat sila kagabi sa kakanood nang mga palabas na kanilang pinanood.

Ibig ko man sana na isa sa kanila ay aking gisingin para ako'y may makausap ngunit hindi ko mabatid gawin sapagka't ni paglakad nga'y hindi ko magawa ang puntahan pa kaya sila ron at gisingin?

Napailing ako.

Iginapang ko pa muli ang aking sarili at nang makita kong medyo malapit na ko sa karagatan ay nangiti ako. Gusto ko muli maramdaman ang dagat ngunit takot rin ako na baka biglang sumulpot si Prinsipe Silvero at ang kanyang mga kasamahan.

Huminga ako nang malalim at nakuntento na lamang na nakadapa sa buhanginan at pinakinggan ang tunog nang karagatan.

Napangiti ako at pumikit. Ramdam na ramdam ko na ang simoy nang hangin sa aking buong diwa.

Muli akong tumingin sa dagat na ngayon at naliliwanagan at nasisikatan nang haring araw. Kung ano ang kinaganda nito kapag gabi gayon den pala kapag umaga.

Ngayon ko lamang ito napagmasdan sapagka't binilin sa amin sa Atlantis na mas maraming tao sa lupa kapag umaga kaya gabi kami umaangat kapag ninanais namin upang makaiwas na rin sa mga taga lupang nilalang.

Nanliit ang aking mga mata nang makakita ako nang isang nilalang sa karagatan na lumalapit paroon sa akin. Nanlaki ang akong mga mata sa tuwa nang makitang si Lilassari ito. Isa sa aking kaibigang sirena.

"Prinsesa Edotheia!"

"Lilassari!"

Lumawak ang aking mga ngiti nang makalapit siya banda sa akin. Gumapang pa siya sa buhangin papalapit sa akin para lamang makalapit.

Agad kaming nagyakapan nang kami ay nagsalubong. Tumatangis siya sa aking bisig at ang kanyang mga luha ay halos magsihulog na sa buhangin.

Nag aalala ko siyang pinatahan at nang kumalma na siya ay agad siyang bumitiw sa aming pagyayakapan.

"P-Prinsesa E-Edotheia—"

"Bakit ka narito, Lilassari?" agad kong tanong sa kanya "Anong naganap sa ating minamahal n Atlantis? Sila Kuya Rilon at Kuya Dorrel? Ang mga sireno at sirenang naninirahan sa pamumuno nang aming pamilya? Kamusta sila? Ano ang kanilang kalagayan?"

Naiiyak siyang umiling sa akin.

"W-Wala na ang k-karamihan sa k-kanila, prinsesa" sagot niya sa akin

Para akong nanghina sa aking narinig.

"— Maging ang a-aking ina ay nagsakripisyo. N-Namatay siya"

Muli siyang humagulhol sa iyak dahilan kung bakit nagsibagsakan ang kanyang mga luha sa buhangin. Hindi ko namalayan na kinukuyom ko na pala ang aking mga kamao sa galit.

"Napakasama ni prinsipe Silvero" naiiyak at galit kong sambit "Paano niya naatim na gawin ang m-mga bagay na ito?"

Magbibitiw pa sana si Lilassari nang salita nang matigil ito nang makarinig kami nang mga hakbang. Tumingin kami sa gawin niyon at dun namin nakita sila Devron at ang kanyang mga kaibigang bagong gising na nanlalaking mata na nakatingin sa amin.

Bumalik ang tingin ko kay Lilassari at kitang kita ko ang takot at pangamba sa kanyang mga mata.

"Wow! Isa pang Ate Mermaid!"

Narinig kong sambit nang munting tinig. Si Curie. Bumaling sa akin si Lilassari na namumutla na ang mukha. Kita ko den sa kanyang mata ang munting luha na nangingilid na bumagsak sa buhangin.

Napangiti ako at agad siyang hinawakan sa kamay.

"P-Prinsesa—"

"Mga kaibigan ko sila, Lilassari" ani ko "Hindi sila masamang pirata, sila ang kumupkop at tumulong sa akin dito."

Bumaling nang tingin si Lilassari sa kanila at agad ngumiti.

"Kung gayon ay kinagagalak ko kayong makilala lahat, ako si Lilassari isa deng kaibigan ni Prinsesa Edotheia"

Nakangiti namang tumugon silang lahat dito maliban kay Devron na nakasimangot lamang.

"Kamusta ate— ako nga pala si Curie. Ang ganda po nang buntot mo"

Bumaling si Lilassari dito at agad ngumiti.

"Naku maraming salamat sa papuri— ikaw den napakagandang bata"

Humagikgik si Curie dahil dito. Nakita kong agad nagsilapit sila Liam, Jayce, Moyi, Austin, Devian, Michelle, Macoy at Devron sa amin. Umupo pa sila para mapantayan ang akong kaibigan.

"Kamusta ako nga pala si Macoy!" nakangising sabi ni Macoy "Ang ganda mo"

Nakita kong namula sa tuwa si Lilassari.

"Maraming salamat"

Nahihiya namang napakamot si Macoy sa sariling batok.

"Binata na siya oh!"

"The fuck man?!"

"Girlfriend na!"

"Manahimik kayo!"

Tawang tawa silang naman silang inasar si Macoy dahil dun. Muli nilang pinakilala ang bawat isa kay Lilassari at hindi pa man gaano katagal ay ang mga luha na kanina ay tinatangis ni Lilassari ay napalitan agad nang isang napakagandang ngiti at katuwaan.

Mukhang natuwa siya sa magkakaibigan ito gaya ko. Hindi naman kasi sila masama at nakakatuwa silang kasama.

Salamat at sila ang nakakita at kumupkop sa akin dito sa mundo nang mga taga lupa.

"Uy! May perlas oh!"

Napatingin kami kay Liam na pumupulot nang mga luha ni Lilassari sa buhanginan.

"— Tae ang dami!"

Nakipulot na den si Curie— Mukhang tuwang tuwa silang dalawa na pumuloy nang mga luha.

"Bakit niyo pinupulot iyan?" takang tanong ko "Luha lamang yan. Walang halaga"

Tumango naman si Lilassari bilang pagsang-ayon sa akin.

"Tama ang prinsesa. Naglabas ako nang sama nang aking dinadamdam kaya walang halaga ang mga luha kaya itapon niyo na yan"

"What?!" Ani ni Moyi "Ibig niyo sabihin mga luha yan nang sirena? Luha niyo?"

Sabay kaming tumango ni Lilassari bilang pagsang-ayon.

"Sinungaling kang isda ka." pagsusungit ni Devron sa akin "Umiyak ka na nun ah— wala kaming nakitang perlas. Pauso mo."

"Ako meron!" Nakangiting sabi ni Curie "Iyak mo pala yun, Ate Edotheia? Pinulot ko lahat ginawa kong kwintas"

Namangha ako dahil dun.

"Maaaring gawing palamuti ang aming mga tangis?" hindi makapaniwalang ani ni Lilassari "Nakakamangha"

"Opo naman, Ate Lilassari" tugon sa kanya ni Curie "Pwede bracelet, hikaw, ipit basta kahit ano"

Namamanghang tumingin sa akin si Lilassari ngumiti lamang ako sa kanya bilang tugon.

"Ngunit perlas? Perlas ang tawag nang mga taga lupa sa ating tangis?"

Tumango ako.

"Mukhang iyon nga. Kala pala dati ay namumulot nang kabibe kumakain nang ating luha ang mga pirata noon. Sapagka't nais pala nila ang ating tangis"

"Whoa! Teka lang!" Singit ni Liam sa amin "Sabi niyo kinakain nang kabibe ang iyak niyo?"

Tumango kami bilang tugon.

"Mahilig kasi kumain nang aming tangis ang mga kabibe" sagot sa kanya ni Lilassari "Iyon ang pangunahing pagkain nila"

"Tae!" Ani ni Jayce "Mali pala ang mga tinuturo sa atin"

Nangunot ang noo ko dahil dun.

"Bakit?"

"Yung pinag aralan kasi namin sabi sa kabibe daw galing ang perlas, alam mo na— sila daw ang nagproproduce— ay shit! Mali ano sila daw yung gumagawa" si Macoy ang sumagot

Sabay kaming nangiwi dahil dun.

"Kung iyan ang itinuro sa inyo ay isa yang napakalaking kasinungalingan"

Tumango ako bilang pagsang ayon kay Lilassari.

"Tama! Sa amin galing ang mga luhang iyan o perlas kung inyong tawagin."

"Bago tayo mapunta sa ibang usapin ay may liham na pinaaabot ang prinsipe Rilon sayo, Prinsesa"

"Si kuya Rilon?"

Tumango si bilang tugon bago ginamit ang kanyang kapangyarihan upang ilutang pataas ang liham na tubig na kanyang nais ipabasa sa akin.

Ang liham na na nais ipahatid nang aking nakakatandang kapatid na si Prinsipe Rilon.

"Shit!"

"Wow! Magic!"

"Unbelievable!"

Bahagya akong natawa nang makita ang mga kaibigan kong tao na nakatingin pataas sa liham na tubig. Kitang kita ko sa kanilang mga mata ang pagkamangha at sobrang tuwa sa kanilang nakikita.

Nang nagsilabasan na ang mga letra sa tubig at mabuo na ang mga salita ay agad ko itong binasa.

εδοθεια

ναισ,ς * κονγ ιπαβατιδ σ,ς *αυ να λιγτασ,ς * καμι νι δορρελ σ,ς *α   καηιτ ανυμανγ καπαηαμακαν ναισ,ς * κο ριν ιπααλαμ σ,ς *αυ να ηινδι  καμι ναγταγυμπαι σ,ς *α παγλαβαν
σ,ς *α παμαμαηαλα  σ,ς *α ατινγ καηαριανγ ατλαντισ,ς * νγυνιτ  παναταγ καμι δαηιλ νασ,ς *αυ πα ριν ανγ σ,ς *ιβατ νανγ ατινγ αμανγ ηαρι πακιυσ,ς *απ κο ριν να σ,ς *ανα αι αλαγααν μο ανγ σ,ς *αριλι μο αλαμ ναμιν να καηιτ νασ,ς *αν κα μαν αι  νασ,ς *α μαβυτι κανγ μγα καμαι μαηαλ να μαηαλ κα ναμιν αμινγ πρινσ,ς *εσ,ς *α γαβαιαν κα σ,ς *ανα νανγ ατινγ διοσ,ς *ανγ σ,ς *ι μερσ,ς *ιδα ιπαγλαλαβαν ναμιν ανγ ατινγ καηαριαν ιπαγδασ,ς *αλ μο καμι να μαναλο

ριλον

"Ano yan?" ani ni Devian "Sorry pero di ko maintindihan ang nakasulat"

"Wag kang mag alala hindi ka nag iisa" natatawang sabi ni Michelle sa kanya

Tumungo ako dahil sa aking nabasa.

"Anong sabi sa sulat, Edotheia?" Tanong sa akin ni Moyi "Masama ba?"

Tumango ako bilang tugon.

"Pwede mo ba sabihin sa amin ang nakasulat?" Tanong naman ni Liam "Baka makatulong kami"

Bahagya akong ngumiti sa kanila at tumango.

"Ang sabi sa liham ay: Edotheia, Nais       kong ipabatid sayo na ligtas kami ni Dorrel sa kahit anumang kapahamakan. Nais ko rin ipaalam sayo na hindi kami nagtagumpay sa paglaban sa pamamahala sa ating kahariang Atlantis. Ngunit panatag kami dahil nasayo pa rin ang sibat nang ating amang hari. 
Pakiusap ko rin na sana ay alagaan mo ang sarili mo. Alam namin na kahit nasan ka man ay nasa mabuti kang mga kamay. Mahal na mahal ka namin aming prinsesa. Gabayan ka sana nang ating diyosang si Mercida. Ipaglalaban namin ang ating Kaharian. Ipagdasal mo kami na manalo. Rilon"

"Hindi naman pala masama, Edotheia" ani ni Jayce "Mukha namang walang masamang nangyari maliban dun sa hindi niyo nakuha yunh Atlantis"

Umiling ako bilang tugon.

"Hindi." sagot ko "Masama ang akkng kutob sa sulat."

Bumaling ako muli kay Lilassari.

"Anong nangyari sa Atlantis?"

Yumuko siya bilang tugon.

"Gaya nga nang akong inulat, prinsesa, walang nakaligtas na ilan. Sa aming kuta na pinagtataguan nun ay nilusob kami nang mga tauhan nang Atlas ni prinsipe Silvero ngunit bago nangyari iyon ay gumawa ang iyong kapatid na si prinsipe Rilon nang liham para ipabatid na ayos lamang kami. Hindi lang inaasahan ang mga pangahas na Atlas. Doon rin namatay ang akong ina. Nakatakas ako at sinabi nila Cere na narito ka."

"Nalaman ba nila prinsipe Silvero na narito ako?"

Umiling siya bilang tugon.

"A-Anong nangyari kila kuya rilon at kuya dorrel?"

"Hindi ko po alam— basta pinatakas lamang nila ako at sila kasama ang ilang mga taga Atlantis ay nakipagdigma sa mga ito."

Nanghina ako dahil doon.

"K-Kuya"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro