Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 1: Isla Monteverde

Devron Monteverde's POV

"Anong problema, Devron?" tanong sa akin ni Michelle— My brother Devian's girlfriend "Parang wala ka sa wisyo magsaya gaya nila Devian, Liam, Macoy, Austin at Jayce? Come on! Puntahan mo na sila sa labas, have some fun!— it's all your time to lielow— walang office work, sayang naman tong bakasyon niyo kung hindi ka sasali sa kanila"

"Tama si babe, dude" ani ni Devian bago halikan sa pisngi ang syota nito "Hinahanap ka na nang mga gago, puntahan mo na"

Bumusangot ako sa kanila at agad ibinalik ang tingin sa presentation na binabasa ko.

I was on two hundred fifty sixth page nang may biglang humablot sa cellphone na binabasa ko— tinignan ko at ang nakangising mga mukha nang mga kaibigan ko ang bumungad sa akin.

"Give me that!"

Akmang kukunin ko ito sa kamay ni Jayce nang ipasa nito ang cellphone ko kay Macoy na pinasa naman kay Austin at hinagis kay Devian na pinasa naman kay Liam— nainis na ko at hahablotin sana ito nang maibigay na niya ito kay Macoy.

I was getting pissed— kukunin ko na sana sa kanya nang itakbo nito ang cellphone ko kay Michelle, wala na kong nagawa lalo pa nang ibulsa nito ang cellphone ko sa sarili nitong shorts.

"Bullshit!"

Nagtawanan naman sila sa pagkainis ko at agad akong hinila palabas nang vacation house na pagmamay-ari namin.

This vacation was not my idea— it was Devian's plan. He and the rest of our friends proposed my parents something that I don't actually know, nagulat na lamang ako na pinagbabakasyon ako ni Dad sa Private Island naman dito sa Isla Monteverde kasama ang mga gunggong na ito.

I asked dad and Mom why? Pero ang naging sagot lang nila— "Your too stress at work, chill son and have some fun."

Bumusangot na lamang ako habang hinihila nila sa kung saan man at natigil na lamang kami nang makita ko ang malaking net— dun ko na lamang narealize na magba-volleyball kami.

"Kumpleto na tayo" ngising ngising sabi ni Liam "Tig tatlong grupo. Ako si Jayce at Devia—"

"Hoy tangina! Lugi kami! Hindi marunong maglaro si Devron!"

Nagusot ang mukha ko sa sinabi ni Macoy.

"Oo nga! Amin na lang si Jayce sa inyo na si Devron!" gantong naman ni Austin.

Nag-init ang dugo ko sa dalawa— Tangina nang mga to! Ako hindi marunong maglaro nang volleyball? Hah!

"Kuya Macoy sali ako!" napalingon kami sa munting boses na yun— Si Curie, Macoy's youngest sister "Ang daya mo hindi mo na ko kinakalaro. Isusumbong kita kay mommy!"

Namutla ang mukha ni Macoy sa sinabi nang bata— agad itong lumapit sa kapatid ay may kung anong binulong. Mukhang inuuto niya ang kapatid niya kasi ang nakabusangot nitong mukha ay naging masaya sa isang iglap.

Tumakbo papunta sa malayo si Curie na tuwang tuwa habang si Macoy naman ay ngising ngising nakatingin sa amin.

"Wala nang sagabal" aniya "Maglaro na tayo"

"Gago ka, anong sinabi mo dun sa kapatid mo?" Ani ni Austin "Baka mawala yun gago ka!"

"Easy lang guys wag kayong mabahala. Nandiyan lang siya malapit sa talon nang isla Monteverde— sabi ko kasi may sirena dun, hindi naman mawawala yan dyan, tayo tayo lang naman ang nandito sa isla"

Napailing na lang kami sa kagaguhan niya.

"Sige na mag-laro na tayo" ani naman ni Liam

"Taena muna pare." Ani ni Macoy "Ipalit niyo na sa amin si Jayce, maawa naman kayo sa amin, lugi kami kay Devron"

Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko sa inis sa mga gago.

"Tangina niyo!" Hiyaw ko "I can play! Don't underestimate me!"

"Oh yun naman pala" pangisi ni Liam "He play naman daw pala, wala na tayong problema!"

"Ina naman! Bato bato pick na kasi" pagpigil naman ni Macoy, naaasar na ko sa kanya "Para fair!"

"Let's just play!" I hissed at him "Nang matapos na to"

Naghiyawan naman sa tuwa sila Liam, Devian at Jayce sa sinabi ko habang sila Macoy at Austin naman na kagrupo ko yamot na yamot sa pagkainis.

Agad na kaming pumuwesto at nasa grupo namin ang bola— Austin was gonna surf the ball at kamalas malasan ay tumama agad ang bola sa net.

Tumawa ang kabilang grupo dahil dun kasi naka-isang puntos na sila agad na walang ginagawa— sinamaan naman namin si Austin na natatawa lang sa amin.

Nasa kalaban na ang bola— Si Devian ang nag-surf nang bola— hinayaan ko si Macoy pero ang gago mali ang tinitinga tangina! Hinayaan niya lang sa lupa yung bola. Humiyaw na naman ang kabilang grupo dahil naka-dalawang puntos na sila.

"Ako pala ang hindi marunong maglaro ah"

Napakamot silang dalawa sa batok sa hiya sa akin.

•••

"Tama na yan boys!" Ngising ngising sabi ni Morisette Yeseugi or Moyi for short—Austin's girlfriend.

Pareho silang may tray na may sundae na nakalagay ron— lumapit na ko ay kumuha nang isa— sumunod naman ang mga gunggong.

"Nice game" ani ni Devian, nakangising aso pa ang gago "Laro ulit tayo sa susunod"

Sumama naman ang tingin naming tatlo sa kanya nila Austin at Macoy— nang-aasar porket nanalo.

The game won't went well— hindi lang ang mga kasama ko ang hindi marunong pati ako! I admit it! Nanalo ang grupo nila without having any sweat— Shit! So fucking embarrassed!

"Grabe pala Austin babe" Ngising ngising sabi ni Moyi "Ang dami mong fail kanina"

"Moyi Babe naman wag ganun" pagnguso sa kanya ni Austin

Nangiwi na lamang ako sa kanya habang nagtawanan ang lahat.

"Oh, May sobra pang sundae— nasa si Curie"

Sunod sunod naman napaubo si Macoy dahil sa sinabi ni Michelle— biglang namutla ang mukha nito nang may maalala.

"Shit!" Macoy said "Tangina ilang oras na ba nang umalis si Curie?"

Natawa sa kanya si Jayce.

"Tangina man! Yari ka sa nanay mo"

Sinamaan naman siya nang tingin ni Macoy.

"San ba pumunta si Curie?" Tanong ni Moyi "Baka naman inuto mo na naman ang bata na pumunta sa kung san"

"Sinabihan ko lang na pumunta sa talon, nandun pa siguro yun"

Napasinghap ang mga babae.

"Siraulo ka alam mo ba yun?" Ani ni Michelle "Anong siguro? Alam mo!"

"Hindi ka nag-iisip, Macoy" ngiwi naman sa kanya ni Moyi "Hindi mo ba naisip na baka kung anong mangyari dun sa bata?"

Mas namutla pa lalo dun si Macoy.

"Kayo naman! Mga wala rin kayong isip!" gigil ka gigil naman duro sa amin ni Michelle "Pare-pareho talaga kayong hinayaan yung bata"

"Naku tama na ya—"

Hindi na natuloy pa ni Moyi ang sasabihin nang biglang tumakbo si Macoy— sinundan naman namin siya hanggang sa makarating kami sa talon nang isla— naglibot libot kami at patagal nang patagal mas namumutla sa takot si Macoy dahil hindi namin makita ang kapatid niya.

Napaupo na lang siya sa panghihina.

"Tangina si Curie" halos maiyak niyang sabi "Ang baby sister ko— yari ako kay mama"

Hindi kami matawa sa sinasabi niya kahit na humahagulhol na siya nang iyak— napatingin ako sa mga kasamahan ko. Lahat lugmok na lugmok sa lungkot.

"Tama na yan pre" ani ni Devian "Hindi naman mawawala ang kapatid mo dito sa isla"

Akmang mag-sasalita si Macoy nang magawi ang direksyon ko sa may kweba malapit sa talon— si Curie na mukhang nag-aalalang tumatakbo papunta sa amin.

"Curie!"

Napalingon naman sila sa akin at sa tinitignan ko dun nila nakita ang bata— ngising ngiting tumakbo si Macoy papunta sa kapatid at agad itong niyakap pero tinulak lang siya nito kaya tinawanan na lamang namin siya.

"Ate— Kuya, Tara!"

Bumalik ito patakbo sa kweba kaya agad naming sinundan hanggang sa makita namin ang asul na asul na tubig ron pero hindi yun ang ikinasinghap nang lahat kung hindi ang babaeng walang malay at hubad na nasa gilid nang bato.

"Tulungan natin siya"

Hindi na ko nagsalita pa at agad siyang binuhat pabalik sa vacation house kasama ang mga kaibigan ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro