Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Three: Tattoo


Nahinto sa paglalakad si Holly ng matanaw si Kalish na nakaupo sa lilim ng puno ng mangga. Nakatuon ang pansin nito sa hawak na papel kung saan ito gumuguhit. At may ilang mga batang Aeta na nakapalibot rito at halata ang paghanga sa ginagawa ng binata.

"Sister Holly, sige na, dalhin mo na 'yang meryenda kay Mr. Russet at sa mga bata." Untag sa kanya ni Sister Rowena . Madre ito sa Poor Clare Monastery of the Sacred Heart dito sa Pampanga.

Tatlong beses sa isang linggo ay nagpupunta sila ng mga madre sa paanan ng bundok Makiling kung saan nakatira ang ilan pang pamilyang Aeta. Nagka- conduct sila ng Literacy Training Program doon upang turuan ang indigenous group dahil hindi pa kaya ng mga itong i- enroll ang mga anak sa eskwelahan at wala pa silang nakakalap na sapat na pondo para sa scholarships ng mga ito. At pagdating nila ng Pampanga isang oras na ang nakararaan ay nagpilit sumama doon si Kalish Russet. Noong una'y nag-alangan pa siyang isama ito doon sa pagaalalang hindi siya sanay maglakad sa kasukalan ngunit mukhang nagkamali siya dahil hindi man lang niya nakabakasan ng pagod ito matapos ng halos tatlumpung minutong lakaran.

Doubting her confidence, Holly took hesitant steps towards the old mango tree where the kids and Kalish Russet was. Dala niya ang isang biluhabang tray na may ilang pack ng juice at ilang piraso ng biskwit.

"Mga bata, magmeryenda muna kayo." Nakangiting tawag niya ng pansin sa mga bata at inilapag ang hawak na tray sa nakatumbang katawan ng isang puno. Tuwang- tuwang nagsilapitan ang mga bata sa kinaroroonan ng meryenda. Kumuha naman siya ng isang pack ng juice at biscuit saka lumapit sa binatang ng sandaling iyo'y nakatingin na sa kanya.

Pilit niyang iwinaksi ang kabang nararamdaman at lumapit sa binata. Inilapag nito ang hawak na papel at lapis saka tumayo. Kaswal nitong pinagpag ang suot na ripped jeans pagkatapos ay bumaling sa kanya.

Halos mahigit niya ang kanyang hininga ng magtama ang kanilang mga mata. Napakagwapo nito sa suot na simpleng raw edge blue gilded age t- shirt at kahit pa natatakpan ang ulo nito ng itim na ball cap na may malaking print na NYPD Police ay hindi nito nagawang itago ang kagandahan ng buong mukha nito. Tila nga'y lalo pang nakadagdag iyon upang mabigyang pansin ang perpektong hugis ng mukha nito.

"M- Mr. Russet... m- magmeryenda po muna kayo." Nauutal na inabot niya ang juice at biscuit dito.

"I'm 24 years old." Sa halip ay sagot nito na ipinagtaka niya. He smiled lazily. "I mean I'm not that old to use honorifics on me."

"I- I'm sorry." Iyon lamang ang kaya niyang sabihin. His gaze drifted to the juice and biscuits in her hands then back on her face. "I- Ito lang kasi ang mayroon dito." Aniya, nagaalalang hindi nito nagustuhan ang dalang pagkain.

Hindi ito sumagot. Walang mababakas na anumang ekspresyon ang mukha nito ng kunin ang ibinibigay niyang pagkain. At hindi niya rin masundan ang biglaang pagbabago ng mood nito. Kinawayan nito ang isang bata at sinenyasang lumapit sa kanila na agad naman sinunod ng huli. Pagkalapit nito'y ibinigay ng binata ang meryendang dapat sana ay para rito na labis na ikinatuwa naman batang Aeta.

"H- Hindi mo ba nagustuhan?" Nagaalalang tanong niya rito.

Ibinulsa ng binata ang dalawang mga kamay sa bulsa ng cargo pants at tumingin sa kanya. "Iba ang gusto ko." Seryosong anito sa kanya.

At muli niyang nararamdaman ang init sa katawan na hindi dala ng panahon ngunit dala ng mga mata ni Kalish Russet.Sa init ng panahon ay mas nanunuot sa ilong niya ang pabango nito isama pa ang panaka- nakang ihip ng hangin sa kinaroroonan nila. Ngunit hindi iyon nakatutulong sa apoy na tumutupok sa kanyang katawan.

Wala sa oras na napatikhim siya at walang tiwala sa sariling humakbang paatras. "P- Pasensya na... w- wala na kasing ibang naihanda ang-"

"Hindi iyon ang ibig kong sabihin." Pagputol nito sa sinasabi niya at halos pangapusan siya ng hininga sa narinig idagdag pa ang kakaibang kislap ng mga mata nito. And his voice sound sexier now that he's using tagalog. And her conscience didn't fail to admonish her inner self for even thinking the sexy word.

"A- Anong ibig mong sabihin?" Hindi niya alam kung saan nanggaling ang lakas ng loob niya na tanungin iyon.

Then Kalish's expression was grim, like he didn't want to be asked with that kind of question.

"Are you certain that you want to know?" Seryosong tanong nito; mystery was dancing in his eyes that grew a few shades darker.

"I- I'm sorry... I guess it's something that I'm in no position of asking." Nahihiyang sagot niya rito. "Excuse me." Paalam niya pa rito ngunit 'di natuloy ang kanyang pag- alis ng pigilan siya nito sa isang braso.

Nanlaki ang kanyang mga mata ng maramdaman ang tila kuryenteng dumaloy mula sa kamay nito patungo sa kanyang mga ugat. Nagsimulang magkarerahan ang pintig ng kanyang puso.

"Holly Gayle Innocencio." He breathed her name as if it was the sweetest words ever created. At pinagtataksilan na siya ng sariling pintig ng puso dahil hindi maipagkakailang parte na ng ipinipintig niyon ang lalaking kaharap. "Ikaw. Ikaw ang gusto ko."

...............


Nais mang umiwas na ni Holly kay Kalish Russet ay mukhang malabo iyong mangyari ngayon lalo pa't tumawag sa kanya ang lola niya at inaanyayahan ang binatang mag- dinner sa bahay nila. Ngunit bago umuwi sa mansyon ng grandparents niya'y dumaan muna siya sa monasteryo para sa 6 o' clock prayer kasama ng mga madre at ilan pang sisters na kasamahan. Hindi na rin siya nakatanggi pa ng i- insist ng binata na hihintayin na siya nito. At iyon nga ang ginawa nito.

Dahil may sariling kotseng dala ang binata'y nagconvoy sila papunta sa hacienda na pagmamay- ari ng lolo't lola niya. At hindi maiiwasang makakuha ng atensyon ang kotse ng binata dahil hindi naman pangkaraniwang tanawin sa probinsya ang isang luxury car lalo pa't isang limited edition Bugatti Veyron ang kotse nito.

Lumabas siya sa kinalululanang sasakyan at sumalubong sa kanya ang nakangiting abuela. Nasa likuran nito ang nagbabakasyong tiyahin na asawa ng kapatid na lalaki ng mama niya kasama ng dalagang anak nitong matanda lamang sa kanya ng isang taon. Binati niya ang mga ito ngunit isang mapang- uring tingin lamang ang isinukli ng mga ito sa kanya. She just dismissed their rudeness as she heard Kalish's car opened.

"Good evening, Mr. Russet." Nagagalak na sinalubong ng abuela ang binata at nakipagkamay rito. Sumunod naman dito ang tiyahin at ang pinsan na hindi maikakailang na- star struck sa gwapong binata. Magalang naman silang binate din nito. At ng mahuli siya nitong nakatingin ay napapasong iniiwas niya ang mga mata.

Magkasunod na araw na nitong binubulabog ang utak niya dahil sa mga salitang lumalabas sa bibig nito. At kanina lamang nga'y sinabi nitong may gusto ito sa kanya ngunit hindi niya alam kung sa paanong paraan niya tatanggapin ang nararamdaman ng binata.

Mula ng mabuo ang loob niyang magmadre'y tinalikuran niya na rin ang posibilidad na maaari siyang umibig sa isang lalaki dahil na- commit niya na ang buong puso't kaluluwa niya sa Diyos. At maaaring pagkatapos ng isang taon ay maaari na siyang manuluyan ng tuluyan sa monastery pagkatapos ng candidacy niya. At iyon ang kagustuhan ng kanyang lola. Gusto niyang maging proud ito sa kanya at ang paraang iyon lamang ang naiisip niya upang tuluyan na nitong patawarin ang namayapang mama niya. At kung kailangan man niyang iwasan ang isang Kalish Russet, napakaimposible man niyon dahil sa lakas ng epekto nito sa kanya, ay pipilitin niyang gawin iyon upang malayo siya sa makamundong pagnanasa na nagsisimula ng lumukob sa kanya.

"Nagagalak akong pinaunlakan mo ang paanyaya namin." Magiliw na sabi pa ng abuela sa binata.

"The honor is mine, ma'am." Nakangiting sagot ng binata.

"Good evening, Mr. Russet. I am Diana Innocencio. Just call me tita Diana." Malapad ang ngiting pagpapakilala ng tiyahin sa binata at sinundan iyon ng pakikipagkamay. Kapagkuwa'y hinawakan nito sa balikat ang anak at sunod na nagpakilala sa binata.

"Hi, Mr. Kalish Russet. I'm Angela. I've read many articles about you.Actually I have my own copy of Men in Colos magazine. You look more handsome in personal." Angela smiled sweetly at him and a pang of jealousy hit Holly's chest when Kalish smiled back. And an uncomfortable feeling drowned her chest when the two shook hands.

"Anyway, nakahanda na ang dinner natin sa loob. Let's go." Yaya ng lola sa kanilang lahat.




............


"Kalish hijo, you've accomplished so much at a very young age." Papuri ng lolo Alvaro ni Holly kay Kalish. Nakadulog na silang lahat sa hapag- kainan at kung hindi binabato ng tanong ang binata'y hindi ito nagsasalita. Nahihiya na rin siya dahil panay ang tanong rito ng tiyahin at ni Angela at tila'y napipilitan na lamang itong sumagot. Katapat niya ito ng upuan at katabi naman ito ni Angela. Sa tuwina'y pilit niyang iniiwasang mapatingin rito dahil ilang beses na niya siya nitong nahuhuling nagnanakaw ng tingin rito.

"Thank you, sir." Magalang at matipid na sagot na binata.

"I heard that you're last masterpiece was auctioned to an event in Dubai." Anang lola Angelita niya.

"Yes, ma'am. That was my last work so far this year." Muling sagot ng binata at napatingin siya rito at this time ay hindi na panakaw iyon. Napakaraming nalalaman ng mga kasama niya sa bahay tungkol sa binata ngunit siya, bukod sa pangalan nito at ang kaalamang Impressionist painter ito ay wala na. Napakasikat pala nito kaya walang dudang excited ang lola niya ng malamang kasama niya si Kalish. Mahilig kasi sa landscape painting ang lola niya at iyon ang forte ng binata.

"And I really love your painting Whispers in the Wind." Pagsingit ni Angela sa usapan. "There were so much metaphor to describe the piece and you used colors that contrasted the feelings present in it but magically you were able to reveal the real message of the piece through the colors you used. That was... spectacular!" Dagdag pa ng pinsan at ng makitang mapunit ang isang ngiti sa labi ni Kalish ay tila may kung anong bigat na bumagsak sa kanyang dibdib.

"I appreciate the compliment. Thank you." He said, clearly pleased with Angela's interest for paintings.

"You know Kalish, my daughter here's a Fine Arts graduate in La Salle with a major in Fashion Design. That's why she absolutely has a taste in arts. She is a huge fan of your paintings." Pagbibida pa ng tiyahin niya sa anak.

Pero tila balewala naman iyon sa binata dahil bigla itong bumaling sa kanya na labis niyang ikinagulat.

"How about the other lady here?" Tanong nito ng 'di inaalis ang mga mata sa kanya.

"You mean Holly?" Nakakunot ang noong tanong ni Angela dito. "After a year she's going to spend the rest of her life in the monastery." Sabi pa nito at kung hindi lang ito sinaway ng ina ay hindi pa titigil sa pagsasalita.

Tumikhim ang lola niya at siya ng sumagot para sa kanya. "Our Holly here studied in St. Scholastica's College in Manila. She took a course in Music and majored in Instruments."

"Interesting." Kalish murmured, his eyes never leaving her and she was instantly flushed.

"Well, magagamit niya naman iyon sa kumbento." Angela noted acidly.

"Angela." Mahinang saway ni lola Angelita sa apo at tinapunan ito ng nagbabantang tingin.

Tumikhim ang lolo Alvaro niya at muling binalingan ang binata. "Well, hijo, so where are you planning to stay tonight?" Pagiiba ng lolo niya ng usapan. Ayaw man niyang isipin ay aware siyang si Angela ang paborito nitong apo.

"I've booked a room in a hotel, sir." Sagot ng binata na kung hindi lang kinausap ng matandang lalaki'y hindi pa aalisin ang mga mata sa kanya. "And I'm afraid I have to leave after eating my dinner."

"Why won't you stay here tonight?" Suhesyon ng matandang babae na labis niyang ikinagulat. Ito ang unang pagkakataong magpapatulog ito ng lalaking hindi nila kamag- anak sa mansyon. Bakas din sa mukha ng lolo Alvaro niya at tita Diana ang gulat samantalang bakas ang excitement sa mukha ni Angela.

Then Kalish's eyes drifted to her she immediately averted her gaze.

"Thank you, ma'am,but I don't want you to cause any trouble." Sagot ng binata na ikinahinga niya ng maluwag.

"Masukal ang daan palabas ng hasyenda." Pagsali na ng lolo niya sa usapan. "It's better if you spend the night here. Mas mapapanatag ang loob naming mag- asawa."

Pakiramdam niya'y matutunaw na siya sa kinauupuan dahil sa narinig na sinabi ng abuelo. At nais na niyang maglahong parang bula ng sa huli'y pumayag din ang binata.

Oh Lord, help me.

............




Katatapos lamang ng 9 pm novena ni Holly kasama ng abuela. Ganoon ang buhay niya araw- araw. Sa umaga'y gigising siya ng umaga upang mag- attend ng 6 am prayer sa monasteryo pagkatapos ay nagmi- meet sila ng Vocation Director niya kasama ng iba pa niyang kasamang nais pumasok sa pagmamadre. Pagdating ng alas dose ng tanghali'y magdadasal ulit sila kasama ng mga madre at pagkatapos ay sasama siya sa mga volunteer teachers na nagtuturo sa mga Aeta sa paanan ng bundok. At babalik ulit sila ng monastery bago mag alas sais upang magdasal bago siya umuwi sa hasyenda.

That's how she lived her life now ever since she graduated. Dalawang buwan pa lamang ang nakararaan pero pakiramdam niya'y maraming taon na ang lumipas. At kailangan niyang aminin na hindi rin naman naging mabilis sa kanya ang pagtanggap sa bokasyong pinili ng abuela para sa kanya. Kaya nga siya nagtatakbo sa kakahuyan noong huling Religious retreat na sinalihan pagkatapos niyang mag- graduate ng college dahil puno pa rin siya ng pagdududang mapaninindigan niya ang bokasyong napili ng lola para sa kanya. Natatakot siyang madismaya ang lolo't lola niya sa kanya. Buong buhay niya ay pilit niyang pinatutunayang hindi niya uulitin ang naging pagkakamali ng ina ngunit ngayon, pati sarili niya'y pinagdududahan na rin niya. At dahil iyon sa pagdating ni Kalish Russet sa buhay niya.

Binagtas niya ang hagdan paakyat sa ikalawang palapag ng mansyon. Tahimik na ang paligid ang patay na ang karamihan sa mga ilaw. Kasalanan mang maituturing ngunit tila naging excuse niya ang 9 pm novena upang hindi na makaharap pa ang binata.

"I know a subject of masterpiece when I see one... You are so pure I see a blank canvass in you. And I definitely gonna paint you with my color."

"Holly Gayle Innocencio...Ikaw. Ikaw ang gusto ko."

Wala sa sariling nasapo niya ang dibdib ng maalala ang mga sinabing iyon ng binata. Tila may nagkakarerahang kung ano sa dibdib niya at kakaibang pakiramdam ang dala sa kanya niyon. Kinakabahan siya, pero at the same time ay may tuwa din siyang nararamdaman at alam niyang dapat niyang ikabahala iyon.

"...that I really like the taste of your lips. And I meant every word."

Napahinto siya sa paglalakad sa huling naalala at agad niyang naramdaman ang init na nanulay sa buo niyang katawan. Napakapit siya sa balustre at mariing ipinikit ang mga mata habang pilit na winawaksi sa isipan ang matamis na labi ng binata. Huminga siya ng malalim at binuksan ang mga mata. Natatakot siya sa nararamdaman niya at alam niyang isang napakalaking kasalanan niyon.

Nagmamadali siyang umakyat hanggang sa marating niya ang ikalawang palapag. She needed to pray again and ask God to give her enough strength to not yield in the temptation named Kalish Russet. Binagtas niya ang may kadiliman ng pasilyo patungo sa kanyang silid ng biglang bumukas ang isa sa mga pintuang nadaanan at may humila sa kanya papasok sa pintuang bumukas.

She gasped upon seeing Kalish Russet leaning close to her. He pinned her against the closed door, his succulent lips almost brushing her forehead. He was so close she could feel his hard body against her softness. And the heat coming from him labored her breathing. The muted light coming from the lampshade on the bedside table tanned his skin and it made him look manlier and sexier.

And Holly wanted to scold herself upon thinking the sexy word again. She needed to escape from the Kalish Russet spell before it's too late.

"W- What are you doing?" She asked in muffled voice, afraid that someone might hear them. Her heart was desperately banging her chest as if it was looking for a way out. Tiyak na maaatake ang lola niya sa oras na malamang narito siya sa silid ng isang lalaki. At isasampal sa kanyang ng lolo ang katotohanang hindi siya naiba sa kanyang ina. At ayaw niyang mangyari iyon. "Please let go off me." Mahina niyang pakiusap rito ngunit lalo lamang idinikit ng binata ang katawan sa kanya at tila masusunog na siya sa init na kapwa sumisingaw sa katawan nilang dalawa.

"Might as well get the best out of this sin before I rot down in hell." He murmured, his voice sexily hoarse.

Holly's throat parched as she tried to push him away but her hands only touched his warm bare chest her eyes widened in panic. "P- Please wear a shirt." She desperately asked making Kalish sigh heavily in exasperation.

Doon na ito umatras palayo sa kanya. "I can't believe your innocence drives me so mad. What are you doing to me?" He asked like he was so desperate to know the answer.

Ngunit sa halip na sumagot ay natuon ang kanyang mga mata sa tattoo na nasa ibabang bahagi ng kaliwang shoulder blade ng binata. The tattoo was a full- bodied elevated cross giving off the look of an elegant marble. Wings of an angel are widely spread and hugged the cross. And her eyes widened in daze as she saw Holly written across the tattoo.

"M- My name..." She trailed off.

"It was there for 7 years now. And I never expected that I'd be smitten to someone having that name." The man smiled dryly as if he was experiencing the most tragic irony.

"Diyos ko." Holly murmured, clearly bewildered to all that's happening. Tama ba ang narinig niyang nahuhulog na ito sa kanya? Kapagkuwa'y muling lumapit sa kanya ang binata. And she was trapped against the door she had no way of escaping.

"You see Holly, I'm leaving." He whispered and she was tickled by his warm perfumed breath that was fanning her face.

"I- I know..." She replied throatily for her voice was trapped in her throat. Gusto niyang isiping iyon ang nais niya ngunit may parte siyang nalulungkot sa pag- alis nito bukas.

"I'm leaving the country this week. And I don't know if I can ever come back." He said and she didn't bother to conceal her fear as he looked at him. At wala siyang ideya kung bakit nararamdaman niya iyon. "Please do something Holly, do stop me." He asked almost desperate.

"I- I can't do that." Pumiyok ang kanyang tinig. Kalish smirked bitterly as he slightly leaned away from her and the lost of physical contact immediately made her felt hollow.

"I'm turning 25 this month. And I'm getting married." He said grimly and Holy felt as though the whole Arctic Ocean was splattered at her. Huminga siya ng malalim upang pigilan ang luhang nais kumawala sa kanyang mga mata.

"W- Well... I- I should congratulate you." She smiled half- heartedly feeling a hundred of needles pricking her poor heart.

"You don't understand, cuore mio. I'm a son of a Roman count. It's a tradition for the first born son to get married at 25 to continue the family's bloodline."

Holly froze. So that explains his grace and refinement. Kalish Russet is a real life nobility, a freaking Roman count she wasn't aware was still existing!

"W- Why are you telling this to me?" Naguguluhang tanong niya rito.

"I told you, I like you." Diretsang anito. "Just one word from you, sweetheart. And I'm going to stay."

"B- But I'm going to be a nun." She argued with a muffled voice although there was a ghost of desperation in her voice.

At nais manghina ng mga tuhod niya ng lumayo sa kanya ang binata.

"So that's it?" Bakas sa tinig nito ang pagkadismaya.

"I- I'm sorry." Her voice croaked.

Kalish chuckled grimly as he took another step backward. "I guess I was just desperate." Bulong nito at pakiramdam ni Holly ay biglaang tinangay palayo sa kanya ang binata. "B- But this damn thing shook me without warning... and I feel so stupid I don't know what to do." Tila nanghihina pa nitong sabi at gustong- gusto niya itong lapitan upang payapain ngunit pinigilan niya ang sarili. Sa halip ay pinili niyang lumabas sa pintuang iyon kasama ng katotohanang nahuhulog na rin siya sa binata.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro