Thirteen: Chills
Ipinikit ni Holly ang mga mata at huminga ng malalim upang namnamin ang pag-ihip ng sariwang hangin na animo’y yumayakap sa buo niyang katawan. Nang imulat niya ang mga mata’y hindi niya maiwasang mapangiti sa kagandahang inukit ng Diyos sa harapan niya.
Mula sa kinatatayuan sa taas ng bundok kung nasaan ang pansamantalang tirahan nila ni Kalish ay natatanaw niya ang malawak na maisan na tila berdeng carpet na nailatag sa ibaba. Tila mga langgam lamang ang ilang tricycle na dumaraan sa kalsadang halos katabi lamang ng malawak na Cagayan River. Sa muling pagihip ng hangin ay naramdaman niya ang pagyakap ng pamilyar na bultong hindi pa pumalyang maghatid ng init sa kanyang katawan.
“You like it here?” Kalish breathed in her ear sending delicious chills down her spine. She closed her eyes as he teased the side of her neck with his lips pressing light kisses and she was trying her best effort not to whimper. Mula sa pagkakapulupot sa kanyang maliit na baywang ay naramdaman ni Holly ang mabagal at maingat na paglalakbay ng mga kamay ng asawa paangat sa kanyang mga balikat. Iniikot siya nito paharap sa kanya at sinalubong ng malalim na halik ang mga labi.
She closed her eyes tight, savouring the delightful rhythm his expert lips were creating. She clutched onto the fabric of his cotton shirt, letting out soft moans as his head tilted to gain a better access of her lips. Her lips opened as she moaned and his tongue entered it without warning. Kung hidi lang nila kailangan ng hangin ay malamang na wala pang balak maghiwalay ang kanilang mga labi.
Pinagdikit ni Kalish ang kanilang mga noo at sumilay ang kuntentong ngiti sa kanyang mga labi, “Sei più bella di angelo,”he breathed as his lips travelled up to her eyelids ‘til they reached her forehead.
“I would surely love to hear you saying that in Filipino.” Malambing na tugon niya rito.
Kalish smiled, amusement frolicking his deep set of melting brown orbs. Umayos ito ng tayo kapagkuway inipit sa likuran ng tainga niya ang ilang takas na hibla ng mahaba niyang buhok na humaharang sa kanyang mukha. Tumikhim ito kapagkuwa’y sumeryoso ang gwapong mukha kasabay ng pagdausdos ng mga kamay nito sa kanyang mga kamay, “Higit pa sa isang anghel ang iyong kariktan.”
Holly bit her lower lip, fighting back a tugging delighted smile. Kalish looked at her in anticipation, his eyes and lips smiled in mirth as he noticed her holding back her smile until she couldn’t contain it making her burst in a gleeful yet smooth cackle. Kalish then lifted him up by the waist, swinging her around as she laughed in abandon like a child.
Kapagkuwa’y niyakap siya ng mahigpit ng asawa at ginawaran ng magaang halik sa mga labi, “I love you,” bulong nito sa kanya.
“Ti amo, tesoro mio.” She replied and Kalish’s delectible lips curved into a luscious smile. He carried her bridal style and walked towards the two sturdy mango trees with a distance enough to hang a hammock in between them. Kalish laid her seated on the hammock then he seated beside her. She rested her head on his shoulder in contentment, closing her eyes as she let the soothing stillness wrapped her body. She felt his husband’s arm snaking around her waist gently tugging her in a spaceless expanse.
“What does my lovely wife want to do?” Tanong nito. Iniangat niya ang tingin sa asawa. Kalish curved a gentle smile as he swept his hand up to caress her hair, “I don’t want to confine you in the four corners of the house nor let you sit here all day watching the sun set, coure mio. I want you to enjoy this vacation in all the means possible.”
Holly smiled, puckering her lips as she thought of anything they could do together. She chuckled when Kalish lowered his head to give her a chaste kiss.
“I was thinking.” Natatawang aniya.
“Well, I thought you were luring me to kiss you.” Kalish replied innocently making Holly chuckled more. Kalish caught her hand and intertwined their fingers.
Nagawi ang tingin ni Holly sa bahay na pansamantalang tutuluyan nilang magasawa. Ilang hakbang lamang ang layo niyon mula sa kinaroroonan nila. The house was a bungalow type. Simple mang tingnan ngunit mukha namang matibay dahil gawa ito sa semento at ang bubong ay gawa sa normal na yero. Mayroon rin itong maliit na balkonahe at may mangilang- ilang nakapasong halaman sa paligid. Balak niya ay paramihin ang mga halamang iyon. Napansin niya ring ilang metro din ang layo ng bahay nila sa mga ibang kabahayan pa doon.
“I spent my life in the convent for almost all my life, it’s not that I’m regretting a thing about it, though” Panimula niya, “I also spent four years in a college in Manila but I never really experienced going out with my friends. Honestly, I don’t know if they considered me as their friend. I wasn’t really into socializing with them when not needed. Lola wanted me to go home right after my class. Kung may mga group projects naman sa labas ng school pinapabantayan niya ako kay Mang Roman.”
“You want to stroll around?” Kalish got the hint.
“Okay lang ba?” Tiningala niya ang asawa, excitement was rising up her cells.
Kalish smiled and nodded. “Maybe this is the right time to show you the world, and maybe we’ll start from here.”
…………………..
Humigpit ang kapit ni Holly sa kamay ni Kalish ng mapansing sa kanila na halos nakatuon ang atensyon ng mga taong naroon. Hindi rin naman nila maiwasang daanan ang parte ng barangay na kinaroroonan ng karamihan ng mga bahay dahil naroon ang daanan pababa sa sakayan ng tricycle papuntang bilihang bayan. Literal kasing nasa ituktok ng bundok ang mga kabahayan at nasa patag na bahagi sa ibaba ang ilang tricycle na nagaabang ng pasahero. The village wasn’t really like those of primitive villages at the top of the mountains. May mga bahay na ring konkreto at base sa lawak ng maisan sa ibaba ng bundok ay masasabing may kaya din ang ilang nakatira doon.
Kalish was acting cool, though, as if he didn’t mind the curious stares around them. May ilang customers sa katangi- tanging kainan na naroon ang lumalabas pa upang silipin sila ng binata. How she prayed that she could learn some of Kalish’s grace and bearing. Alam niyang hindi din ito sanay makihalunilo sa ibang tao ngunit hindi iyon nahahalata sa paggalaw nito. Kalish seemed to sense her anxiety for he protectively snake one arm around her waist and pulled her closer her body that even a mere breath couldn’t pass between them.
“O, Kalish, Holly!” Bakas ang tuwa sa mukha ng parating na si Kapitan Tasyo pagkakita sa kanila. Sa likuran nito ay isang lalaking base sa suot na sombrerong buli ay isang magsasaka. “Mabuti naman ay naisipan niyong bumaba rito. Saan ba ang punta niyo?” Nakangiting tanong pa ng kapitan. Kumpara kasi sa kinaroroonan ng mga bahay doon ay sa mas mataas na bahagi ng bundok nakatayo ang tinutuluyan nila ni Kalish.
“Gusto po sana naming pumunta sa bilihang bayan.” Magalang na sagot ni Kalish. She was always amused how he managed to speak in tagalog like it just rolled naturally on his tongue. His voice was naturally seductively husky yet it becomes huskier everytime he speaks in vernacular and it was always making her heart burst.
“A, ganun ba? Tamang- tama, nakapila dyan sa baba ngayon si Carlos, ‘yong binata nitong si kumpareng Ador.” Sabi ng Kapitan saka tinuro ang kasamang lalaki, “Syangapala pare, sila ‘yong mga bagong lipat nating kabarangay, si Holly at Kalish,” bumaling sa kanila ang kapitan saka inakbayan ang lalaking kasama, “itong si Ador ay kumpare ko, tinutulungan niya akong magasikaso sa maliit na sakahan ko dyan sa ibaba. Isa din siya sa mga tanod natin kaya kapag nagkataong kailangan niyo ng tulong, pwede niyong lapitan ‘tong tatang Ador niyo kasi halos magkalapit lang kayo ng bahay.”
“Kinagagalak po naming kayong makilala.” Magalang na bati ni Kalish sa matandang lalaki na nahihiyang napangiti.
“M- Magandang araw po.”Bati naman ni Holly dito.
“Totoo nga ang sinabi ni kumareng Flor na artistahin ang mga bagong kapitbahay natin.” Nakangiting sinabi ng matandang lalaki.
“Aba, sinabi mo pa pare. Mababait din ang magasawang ito.” May pagmamalaking sabi pa ni Mang Tasyo saka muling bumaling sa kanila, “syanga pala, kung gusto niyong kumain ng masarap na pansit, punta lang kayo ‘dyan sa maliit naming lomi house,” tinuro nito ang pansitan kung saan may mangilan- ilang pa ring nakasilip sa kanila, “libre na ang una niyong order. Pawelcome namin.”
“Maraming salamat po.” Sagot naman ni Kalish.
“Mamayang hapon ay birthday ng bunso ko,” Singit ni Mang Ador, “dyan kami maghahanda sa lomi house ni Pareng Tasyo. Sana ay makapunta kayo.” Paanyaya pa nito.
“Maraming salamat po pero titingnan pa po naming. Mahiyain po kasi itong asawa ko.” Kalish declined indirectly.
“Hay naku, hindi uso ang hiya-hiya dito, hijo,” Sabi naman ni Mang Tasyo na kumumpas pa sa hangin, “Pamilya tayong lahat dito kaya dapat ‘wag na kayong mahiya.”
Ngumiti lamang ang mag- asawa na siya namang pagdating ni Aling Flor.
“O, Holly, Kalish, nandyan pala kayo. Halika kayo’t kumain ng pansit.” Paanyaya ng matandang babae na halata sa mukha ang galak pagkakita sa kanila. May kasama itong matabang babae.
“Mamayang hapon na lang, Flor, at balak nilang pumunta sa bayan. Ito’t naabala ko na nga sila e.” Tila nahihiyang sabi ni Mang Tasyo.
“Okay lang po ‘yon.” Sagot ni Holly suot ang maliit na ngiti sa mga labi.
“Ang babata nga talaga,” Bulong ng kasamang babae ni Aling Flor, “kaygwapo’t kaygwapa!”
“Sinabi ko sa’yo e.” Malakas namang bulong pabalik ni Aling Flor dito kapagkuwa’y nag-utos ito na ipaalam sa Carlos na anak ni Mang Adorn a ihanda na ang tricycle nito para masakyan nila.
Inalalayan siya ng asawa pababa ng bundok at kulang na lang ay buhatin siya nito sa labis na pamumula ng buo niyang mukha lalo na’t sinusundan pa rin sila ng mga nakamasid na mga mata. Nang makababa sila ay isang kulay pulang tricycle na ang naghihintay sa kanila at nakilala din nila ang driver nitong si Carlos na kaedaran lamang halos ni Kalish. Mukha namang mabait ang lalaki na nahihiya pa ngang ngumiti sa kanila ngunit kapansin- pansin ang paghigpit ng pagkakapulupot ni Kalish ng kamay sa baywang niya.
“Ang mabuti pa ay kunin niyo na lang itong CP number ko. Para in case na maligaw kayo sa bayan ay matawagan niyo ako agad para masundo ko kayo.” Mang Tasyo has this genuine concern in his voice as he fished out his cellphone from his pocket. Napatingala siya sa binata na sandaling natigilan. Sa maikling panahong pagsasama nila ng binata ay napansin niya kung gaano kahalaga rito ang privacy nito kaya duda siyang ibigay nito ang numero sa matandang lalaki.
So she was really surprised when Kalish fished out the latest model of his iphone from the pocket of his ripped jeans and tapped on it without letting go of her waist as the old man dictated his number. Nang matapos ang mahaba- habang bilin ni Aling Flor sa kanila ay nakasakay na rin sila sa wakas sa tricycle na maghahatid sa kanila sa bayan.
With her husband’s height and lean yet well-defined physique, she couldn’t imagine how they manage to fit inside the small space inside the tricycle without her feeling suffocated or confined. Maybe, it was because it’s Kalish’s body that was pressed against hers. Umalalay ang kamay nito sa likod ng ulo niya upang maiwasang ang pagkauntog niya tuwing umaalog ang tricycle. Kampante niyang isinandal ang ulo sa dibdib ng asawa at sapat na ang nakakakalmang bango nito upang mamigat ang talukap ng mga mata niya at dalhin siya sa ilang sandali ng mapayapang pagidlip.
………………
“Coure mio, we’re he’re.” Kalish whispered as he lowered his head to his wife’s sleeping face. He pressed a chaste kiss on her temple and smiled as she stirred in her sleep. The driver was patiently waiting for them to come out; probably just shy of telling them that they’d already arrived at the local market.
“I’m sorry, I slept.” Holly whispered in her sexy sleepy voice as she stared up at him. Kalish had gathered his remaining self- control not to ravage his wife’s succulent lips. He would do nothing to make her feel uncomfortable. It was enough that he dragged her in his complicated world so making her upset was never on his list of husband duties.
“It’s okay, coure mio.” Nakangiting hinawi niya ang ilang hibla ng buhok na humarang sa maganda nitong mukha, “Ready?” Masuyo pa niyang tanong. Matamis na ngumiti ang asawa at tumango. Inalalayan niya ang asawa sa paglabas ng tricycle saka umikot patungo sa kinaroroonan ng naghihintay na driver.
“Boss, magkano?” Tanong niya sa lalaking bagaman nahihiya at bakas ang paghanga sa asawa niya base na rin sa mga panakaw na tingin nito kay Holly kanina pa. Nakararamdam siya ng inis but he should act civil. He wouldn’t let his temper get the best out of him. That might only risk their cover up.
“Huwag na, pre. Pa- welcome ko na sa inyong magasawa ‘yon.” Nahihiyang anito. He groaned inwardly. Ang pinakaayaw niya sa lahat ay nagkakaroon ng utang na loob sa ibang tao lalo na kapag hindi naman iyon galing sa pinsan niyang si Onyx. Holly might have noticed the change of his mood for she squeezed his hand tighter. He then forced a smile.
“Mahirap naman kung libre na lang lahat sa aming mag- asawa.” Aniya saka inilabas ang Lacoste wallet sa likurang bulsa ng jeans. Napanganga ang lalaki ng mag- abot siya ng isang libo rito. Napakamot ito sa sentido.
“Pre barya na lang.” Tila nahihiya pang sabi nito. Napamura si Kalish sa utak. Kung may hindi man siya napaghandaan ay ang pagpapapalit ng lower bills. Walang ibang laman ang wallet niya bukod sa black cards niyang iniiwasan niyang gamitin at tag- iisang libong papel.
“Kunin mo na lang ‘to.” Sabi niya.
“Masyadong malaki ‘yan, pre. Tsaka kwarenta lang naman ang babayaran mo. Iabot mo na lang sa susunod na araw. Pipila ako ‘dyan sa may toda. Sa akin na rin kayo sumakay pag- uwi niyo.” Nakangiting sabi ng lalaki at walang nagawa si Kalish kung hindi tumango na lang. Nang makaalis ang lalaki ay excited na hinila ni Holly ang kamay niya.
“Pwede ba tayong pumunta sa wet market?” She asked, seemingly thrilled with the idea of seeing fish and meat stalls. And who was he to say no to such heavenly beauty? Looking at her lovely wife, she was like a child excited to explore the world hidden from her. Nangingiting tinanguan niya ang asawa at nagpatianod na lamang ng hilain siya nito.
The local market was small. May mga nagbebenta ng streetfoods sa bangketa. May mga nakahilera din namang maliliit na salon, pawnshops at Money transfer centers. People were walking back and fro and anyone who passed by them cannot help but to give them a second look for they stood out without effort. Lumapit sila sa isang maliit na pwesto na nagbebenta ng bigas upang ipagtanong kung saang banda ang wet market at literal na itinago ni Kalish ang asawa sa likuran dahil literal din itong tinititigan ng lalaking kausap pati na ng ibang lalaki pang naroon.
Maybe, strolling at the local market wasn’t really a good idea. But seeing how delighted his wife was, he was trying to scratch the thought in desire to make her happy. Pumasok sila sa isang hallway doon kung saan nakahilera ang bilihan ng biga, itlog at mga beans hanggang sa tumambads sa kanila ang maingay at abalang stalls ng mga nagbebenta ng karne at isda. Nagulat siya ng bumitaw sa pagkakahawak sa kamay niya si Holly at tuwang- tuwang lumapit sa isa sa mga stall ng nagbebenta ng isda.Mabilis niyang sinundan ang asawa.
“Look at those fish, Kalish. They’re swimming,” Holly exclaimed excitedly as she watched the live tilapyas swimming in a large basin, “they’re so cute!”
“Neng, bili na kayo. Sariwang- sariwa ‘yan. Kita niyo naman lumalangoy pa.” Alok ng matabang tindera.
“P- Pwede pong hawakan?” Nagaalangang tanong ni Holly sa tindera.
“Oo naman! Basta ba bibili ka e.” Sagot ng tinder. Holly looked at him as if asking for his decision.
“Isang kilo po.” Baling niya sa tindera na kumurap- kurap pa habang nakatingin sa kanya. Hindi niya namalayang tinutusok- tusok na pala ni Holly ang isasa pinakamalaking isda gamit ang hintuturo kaya ng magkakawag ito’y nawisikan silang dalawa ng tubig na mula sa banyera kung saan lumalangoy ang mga isda. Nagaalalang binalingan ni Kalish ang asawa, ngunit sa halip na tumili ito sa gulat ay tumawa ito na tila’y siyang- siya pa sa nangyari.
Kalish’s lips slightly opened in awe with his wife’s reaction. She was laughing delightfully yet it still sounded so graceful and soft in his ears. Nakangiting inilabas niya sa bulsa ang panyo at nakangiting ipinunas iyon sa bahagi ng mukha nitong natalsikan ng tubig. Nang makita nitong nawisikan din siya’y nawala ang ngiti sa mga labi nito at naisip niyang muling magpawisik ng tubig sa mga isda upang bumalik ang matamis na ngiti ng asawa.
“I’m so sorry. Nabasa ka din pala.” Apologetic na anito. Kinuha nito ang panyong hawak niya at siyang idinampi sa bahagi ng mukha niyang nabasa.
“Ang swet naman?” Nakangising sabi ng tindera. Nakikinood na rin ang ilang nagtitinda at mga napapadaan sa kanila. “Magboypren kayo?” Usisa pa nito.
“Mag- asawa po.” Sagot ni Kalish. Kinuha niya ang panyo sa kamay ng asawa at tinuyo ang tubig sa bandang leeg nito, “pwede ho bang balikan na lang namin ‘yong isda mamaya?”
“Oo naman, pogi! Kahit araw- araw ka pang bumalik!” Ang isang tindera sa kabilang stall ang sumagot. Tumawa naman ang iba pang tinder kasama na ng tinderang kausap niya.
“Oo naman, pogi. Basta balik kayo ni ganda, huh?” Anito. Tumango na lamang siya. Niyakag niya ang asawa palabas ng wet market at tumambad sa kanila ang hilera ng stalls para sa dry goods.
“Saan tayo pupunta?” She asked innocently. He smiled and playfully poked her nose.
“Basa ka na. Bumili tayong pamalit mo.” Nakangiting sagot niya.
“Matutuyo din naman ito.”Tiningnan pa nito ang bahagi ng dibdib na nabasa. Nahigit nito ang paghinga ng hapitin niya ito sa baywang at inilapit ang mukha rito.
“You’re so hot looking wet like that, coure mio. I wouldn’t want you seeing me pulling some eye sockets out.” He whispered raggedly and she swallowed.
“I- I’m sorry…” She whispered and he managed to crack a small smile.
“I love you, my wife.”
………………..
“What do you think?”
Holly looked at his husband who was seriously checking out the the varieties of detergents stacked up on the shelf. Pumunta sila sa isang pinakamalaking grocery store na naroon din sa pamilihang bayan matapos makabili ng mga damit. Pinilit pa siyang magpalit ng asawa gayong napakaliit na bahagi lang naman ng damit niya ang nawisikan ng tubig kanina. Kalish was so protective of her but she didn’t find it creepy at all. In fact, she was swooning with her husband’s tendency of being overprotective and possessive.
“Have you tried washing your own clothes?” Tanong niya rito. Tumingin naman sa kanya ito ngunit hindi sumagot. She immediately got the hint. Nakangiting bumaling siya sa estante ng mga detergents at itinuro ang isang sikat na brand na nasa bandang itaas ng estante. Kalish knowingly reached for it and put it on their cart. She mumbled a small thanks to him after.
“I’m going to wash our clothes.” Holly excitedly said. She knew that it was among some of wifely duties and she was so giddy just by thinking about it. Nagulat siya ng higitin ng asawa ang kamay niya at halikan iyon na agad ikinapula ng kanyang mukha. Obviously, they were not the only persons in the store. In fact, some customers and sales clerks were eyeing them with curiousity.
“I won’t let you scratch your hands, coure mio. Maybe I’ll ask someone to do that for us.”
Humarap siya sa asawa at banayad itong nginitian. “I thought we’re keeping our profiles low? Kaya ko naman e.” Malumanay na aniya, “tsaka trabaho naman talaga iyon ng maybahay.”
Ilang sandali ring nakatingin lamang ang binata sa kanya bago ito bumuntong- hininga, “Then, tutulungan kita.”
“Okay,” she beamed, “let’s do it together, then.” To her surprise, Kalish leaned down to give her a peck on the lips then coolly pushed their cart forward like nothing happened. Narinig niya ang kinikilig na hagikgikan ng dalawang salesclerk na kanina pa pasimpelng nanonood sa kanila. Sa hiya ay nagmamadaling sinundan niya ang asawa.
Naabutan niya ito sa harapan ng estante ng mga toothpaste. Mabilis siya nitong hinapit sa baywang habang namimili ng kukunin nang maalalang kailangan niyang bumili ng feminine pads. Nasa kabilang estante lamang ang mga iyon.
“Uhm, Kalish.” Mahinang untag niya sa asawa.
“Hmm?”
“I have to get something.” Aniya.
“’Kay.” Anito at mabilis na kumuha ng malaking kahon ng Colgate Sensitive at inilagay iyon sa cart, “let’s go?”
Ramdam niya ang pagbaba ng inat hanggang sa leeg niya, “Uhm, it’s some sort of a woman thing.” Kalish only stared at her like he has no idea what she was talking about. She heaved a sigh, somewhat frustrated.
“Is it something you don’t want me to see?” Kapagkuwa’y tanong niya.
“You’ll probably get to see it once we pay it on the counter.” Nahihiyang aniya rito, “just wait for me here.” Aniya at nagmamadaling tumawid sa kabilang estante at kumuha ng malaking pakete ng feminine pad. Bumalik siya sa kinaroroonan ni Kalish na ngayon ay nakaharap na sa estante ng mga mouthwash na katapat lamang ng sa toothpaste. Mabilis na inilagay ang hawak sa cart. Kalish looked at her, amused.
“So, that’s it?” Amused na tanong nito. Nahihiya siyang tumango.
Kalish chuckled mirthily as he looked at her, “You’ll probably never gonna use it, wife,” he murmured, his darkened liquidy eyes sporting an unquenched desire making Holly’s insides trembled. “I’ll make sure that you won’t get a chance to use even a single piece of it.”
🔹🔹🔹🔸
Please stand by as I prepare my vocabulary bank for the next chapter😅.
I think I'm getting more in love with Kalish. I'm so hopeless.
🌟 🌟 🌟!!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro