Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Four: Fire and Ice



"I guess I was so desperate... B- But this damn thing shook me without warning and I feel so stupid I don't know what to do."

Wala sa sariling nasapo ni Holly ang dibdib. Maaga siyang umalis sa hasyenda para sa 6 0' clock prayer sa monastery kaya't hindi na niya nakita pa ang pag- alis ni Kalish. Isa pa'y wala siyang lakas ng loob upang harapin ito matapos ng nangyari noong nakaraang gabi.

Everything was so new to her that she didn't have any idea how to deal with the situation. Before meeting Kalish Russet, her life was so simple, no complications. And she was okay with that. But now that she was totally aware that a certain Kalish Russet really existed, the string of her life suddenly got tangled and she was having a strange feeling that only this man can unpick the knot.

Pero hindi pwede. Hindi ngayong nakikita niyang ipinagmamalaki siya ng kanyang lola. Hindi ngayong tumigil na ang lolo niya sa pagsasabing magagaya din naman siya sa mama niya sa huli. At siya lang ang natatanging daan upang mapatawad na ng tuluyan ng lolo't lola niya ang namayapa niyang mama. And she knew that only the forgiveness of her grandparents could give the soul of her late mother peace.

Kaya ngayon ay punong- puno ng takot ang dibdib niya. Because in the deepest of her heart she's aware that she was falling for Kalish Russet. The half of her body was dying just by the thought that she could never see him again. And what she was feeling for him was undeniably taboo. There was no way of mixing fire and ice.

"What drives your life?" Her Vocation Director Sister Clarissa asked, snapping her out from her trances. "It was a question from Rick Warren's book The Purpose Driven Life. And it says there that many people are driven by fear which is undeniably true. But where do those fears come from? Rick Warren had enumerated some reasons. Traumatic experience, an unrealistic expression, growing up in a high control home or even genetic predisposition. But what do Rick Warren told the readers about fear?"

"Fear is self- imposed prison that will keep you from becoming what God intends for you to be." She quoted from the best selling book, unaware that her lips moved to speak and everyone's attention was drifted on her.

"Sister Holly, where do you fears come from?" The Vocation Director asked and she was frozen. Her whole body suddenly shook as she stared at her Vocation Director with fear.

Would she lie? Or would she tell her honestly that she feared what she was doing right now, lying in front of everyone, at the very eyes of God about her true intention in deciding to be a nun?

Tila napansin ng Vocation Director ang tensyong lumukob sa kanya. She dismissed their session and talked to her in private. Naupo sa katapat na upuan ang madre ang humarap sa kanya.

"Sister Holly, do you need to tell me something?" Mahinahon at puno ng pang- unawang tanong ni Sister Clarissa.

Holly's throat burnt as tears found a way out her eyes. Nagaalalang hinaplos ng madre ang likuran niya, and fat drops of tears continuously fell down her eyes.

"Sister Holly, leave your worries to the Lord. Magdasal ka, hija." Sister Clarissa reassured her. "Do you still remember what the Book of Philippians says? Be anxious for nothing but in everything by prayer and supplication, with thanksgiving, let your request be made known to God." The Sister quoted a verse from chapter 4 verse 6 of Philippians.

"S-Sister Clarissa... d- do you think He'll forgive me? Do you think He'll understand?" Nanginginig ang mga labing tanong niya sa madre. Her palms were sweating with fear and her loud heartbeats were wreaking havoc in her system just by thinking that the Lord was already shaking his head in disappointment with her selfish intentions.

"Did you forget Sister Holly, that the peace of God surpasses all understanding? Likas na sa ating mga tao ang magkamali. Ngunit dahil sa patnubay ng Diyos ay naitatama natin iyon at natututo tayo. Kung hindi Niya kayang magpatawad, hindi Niya ibibigay ang bugtong Niyang anak upang tubusin tayo mula sa ating mga kasalanan."

"B- But I- I lied, Sister Clarissa..." She sobbed. "I used the church for my own selfish intentions and I don't deserve any forgiveness from God. I'm so sorry... I'm so sorry..." She cried shakily and Sister Clarissa considerately sooth her back.

"Holly anak, hindi mabubura ng isang kasalanan ang wagas na pagmamahal sa iyo ng Panginoon." Nakaiintinding anang madre.

"Y- You told me before that I should be truthful, Sister. At inilihim ko sa'yo ito sa takot na hindi niyo ako tanggapin sa oras na malaman ninyo." She said in between sobs. "I really wanted to be a pianist... b- but my grandmother wanted me to become a nun. N- Nasasaktan ako tuwing sinasabi ni lolo na gagaya din ako sa pagkakamali ni mama. And I thought that the only way to make them proud of me is to do what they wanted me to do. N- Naisip kong mapapatawad nila ang mama ko dahil sa pagmamadre ko." She finally confessed.

She was expecting Sister Clarissa to get shocked but the old woman just smiled calmly, a kind of smile that shows compassion and understanding.

"And now you fear that the Lord will hate you for that?" Sister Clarissa patiently asked.

She looked intently at the old woman. "S-Sister..." She trailed off, feeling her heart jumping out her chest with her next revelation. "I think... I think I am falling in love."

Pumatlang ang nakabibinging katahimikan sa pagitan nila ni Sister Clarissa. Pinakatitigan siya ng madre at siya naman ay nais na lang maglaho doon sa tindi ng takot na nararamdaman. Kapagkuwa'y bumuntong hininga ang matandang babae.

"Sister Holly, I suggest you read the bible again." Panermon na anito at lalo pa siyang nahulog sa matinding takot. Ilang sandali pa'y muling bumuntong hininga ang madre at inabot ang kanyang mga kamay upang marahang pisilin ang mga iyon. Malamlam ang mga matang tumingin ito sa kanya. "What does the book of 1 Corinthians tells us, my dear? And now abide faith, hope and love, these three; but the greatest of this is love." She quoted from the bible and Holly was too stunned to even shed a tear.

"Bakit mo ipagdadamot sa sarili mo ang isang napaka-espesyal na regalo ng Panginoon sa iyo?" Pagpapatuloy pa nito. "Ang pagsisilbi sa Diyos ay hindi lamang natin nagagawa kung tayo ay narito sa loob ng simbahan. Nasaan man tayo'y maaari tayong magsilbi sa Kanya. At sa simpleng pagsunod lamang sa mga kalooban Niya'y isang paraan na ng pagsisilbi, Sister Holly. At ang pag- amin mo ngayon sa iyong sarili ng iyong totoong hangarin ay isang paraan ng pagpapakitang handa kang magsilbi sa kalooban Niya. Hindi kita huhusgahan. Walang sinuman ang maaaring humusga sa'yo. Ang pagpapatawad ay hindi natin maaaaring ipilit sa ibang tao. Ang magagawa lamang natin ay ipagdasal sila at bahagian sila ng mga salita ng Panginoon."

"Sister Clarissa, you have no idea how much your words mean to me. Thank you..." Her voice was hoarse with tears that clogged her throat.

A kind smile sealed Sister Clarissa's lips as she pressed her hands reaasuringly. "You set yourself free, Sister Holly. And I pray that the Lord will guide you along the way."

...............


Walang tigil sa pag- iyak si Holly habang nakaupo sa sahig ng kanyang kwarto ay nakayupyop sa kanyang kama. Ipinagtapat na niya sa lolo't lola na ayaw na niyang ipagpatuloy ang pagmamadre at labis na ikinagalit iyon ng lola niya. Ang lolo niya naman, bagaman tahimik ay bakas ang labis na pagkadismaya sa kanya. Kaya't iniutos ng lola sa mga kasambahay na ikulong siya sa kanyang silid hanggang sa bumalik daw siya sa tamang katinuan.

Isang buong araw na siyang nasa loob ng kanyang silid at hinahatiran na lamang siya ng pagkain ng mga kasambahay pero hindi niya magawang kainin ang mga iyon kaya't ramdam na rin niya ang panghihina ng katawan.

Napaangat siya ng mukha ng marinig ang pagbukas ng pintuan. At labis niyang ikinagulat ng makita na ang Tita Diana niya ang iniluwa ng pintuan. Dahan-dahan itong pumasok sa silid, ingat na ingat na hindi makagawa ng anumang ingay.

"T- Tita Diana?" Sumisinok na tanong ni Holly sa tiyahin. Alas onse na ng gabi kaya't tulog na ang mga tao sa buong kabahayan bukod lamang siguro sa kanila ng tiyahin.

"Gusto mo bang makatakas sa bahay na 'to?" Pabulong na tanong ng tiyahin sa kanya.

"P- Po?" Naguguluhang tanong niya ulit rito.

"Alam ko namang nasasakal ka na sa lola mo, e. Kaya nga tinatanong mo kung gusto mo bang makatakas palayo rito?"

"K- Kasalanan po iyon sa Diyos, tita." She answered innocently and the woman's face soured.

"Hindi ba't kasalanan din naman sa Diyos 'yang biglaan mong pagtanggi na maging madre?" Sikmat nito sa kanya na ikinatahimik niya. Napansin naman ito ng tiyahin kaya't agad na umamomg muli ang ekspresyon ng mukha nito at ngumiti. "Sige na, Holly, naghihintay na ang sasakyan sa'yo sa labas. Ihahatid ka ng driver ko kahit saan mo gustong magpunta."

"P- Pero tita-"

Hindi na niya natuloy ang sasabihin dahil hinila na siya patayo ng tiyahin.

"Minsan lang magkaroon ng pagkakataong ganito, Holly. Sulitin mo na." Pasermong anang tiyahin na tila nagmamadali at hinihila- hila pa siya. "Apat na taon ka ding nag- aral sa Maynila. Siguro naman may mga kaibigan ka doon na pwede mong tuluyan pagsamantala? Hindi ka pwede sa White Plains. Masusundan ka agad nina Mamá doon." Tila mas desperado pang anito, Holly was too innocent to notice how the woman was scheming against her.

"Tita, wala po akong naging malalapit na kaibigan. Lola doesn't want me to get close with other people." Nahihiyang pag- amin niya sa tiyahin.

"Kita mo, ginawa ka pa niyang anti- social. Kaya nga hindi ko rin masisisi ang mama mo kung bakit siya nagrebelde e." Walang prenong sabi pa ng tiyahin at tila malamig na tubig na bumuhos sa kanya iyon. Na- realized naman agad ng babae ang nasabi dahl tinakpan nito ang bibig.

"Tita... ayaw ko pong magrebelde." Nanginginig ang tinig na aniya sa tiyahin.

"Hindi naman pagrerebelde 'tong gagawin mo e. Parang magbabakasyon ka lang sandali kasi kailangan mong lumanghap ng sariwang hangin dahil nasu- suffocate ka na sa atmosphere ng bahay na 'to.

"Ayaw ko pong magalit lalo si lola sa akin." Hinila niya palayo ang brasong hawak ng tiyahin ngunit humigpit lalo iyon at hinila pa siya lalo.

"Galit na nga siya sa'yo di ba?" Muli pang sikmat ng tiyahin sa kanya na ikinatulo ng mga luha niya.

"Tita, natatakot po ako. Ayaw ko po." She tried to jerk away from the woman's grip.

"Gusto mo bang makulong dito habang buhay?" Pinanlakihan siya ng mga mata nito. "Alam mo bang kaya nagawang magrebelde ng mama mo dahil ikinukulong din siya ng Mamá noon sa silid niya? Gusto mo bang may mabuong galit sa dibdib mo para sa lola mo habang tumatagal ang pagkakakulong mo rito? Pinagaralan mo 'yan sa kumbento 'di ba? Na isang kasalanan ang magtanim ng galit sa kapwa."

Nang hindi siya sumagot ay nagpatuloy ang tiyahin. "Ni minsan ba Holly hindi ka nagkagusto sa isang lalaki? Paano na lang kung bigla kang ma- inlove pero hindi na pwede kasi madre ka na?"

Natigilan ang dalaga. Agad niyang naisip si Kalish Russet. Hindi nga ba't isa sa mga rason kung bakit siya nagdesisyong itigil ang pagaaral niya sa pagmamadre ay dahil sa nabuong damdamin niya para rito?

"P- Pero wala po akong pupuntahan." Hindi pa rin naaalis ang takot sa dibdib ni Holly.

"Ni isa wala?" Nagdududang tanong ng babae.

Natigilan ang dalaga. Si Kalish ang agad niyang naisip ngunit agad ring iwinaksi iyon. Mali ang iniisip niya. At lalong mali na siya ang unang lumapit sa binata matapos niya itong tanggihan.

Ngunit nabuhayan siya ng pag- asa ng pumasok sa isip ang nag- iisang taong maaaring makatulong sa kanya.


...............

Nanghihinang naupo si Holly sa harapan ng mataas na gate ng mansyon ng mag- asawang Alcor. Katatapos niya lamang kausapin ang kasambahay ng mga ito at nalaman niyang nagbakasyon pala ang mag- asawa at hindi nito alam kung kailan ang balik ng mga ito. Pinauna na niya kanina pa ang driver ng tita Diana niya upang makabalik agad ito sa Pampanga bago mag-umaga. Sa sobrang pagmamadali kanina'y hindi na siya nakapagdala man lang ng kahit isang gamit o nakapagpalit man lang. Suot niya pa rin ang mahabang bestidang pantulog niya. Wala din siyang pera dahil sa lola niya pa rin siya kumukuha ng allowance at hindi siya nito hinahayaang humawak ng pera.

She felt so helpless all she could do was to silently cry. Nasa ganoong posisyon pa rin siya ng masilaw siya sa headlights ng paparating na sasakyan. At ikinagulat niya ng huminto sa mismong harapan niya ang isang itim na Rolls Royce at lumabas mula sa driver's seat ang isang middle- aged na lalaking nakasuot ng black suit. Tumayo siya sa kinauupuan ng umikot ang lalaki patungo sa passenger's seat at ibinukas iyon. And she was really surprised when the great Kalish Russet hailed from the luxury car.

Mukha itong may dinaluhang formal gathering base sa suot nitong white long sleeves shirt na nakapailalim sa sa dark gray nitong slacks. Kapansin- pansin din ang silver vintage collar brooch chain nitong may disenyong pakpak ng marahil ay sa isang anghel at sa pinakabato ng pakpak ay dalawang maliit na bilog na may disenyong organic filigree at sa pinakagitna'y letrang R.

He was different from the Kalish in ripped jeans that confessed to her and the Kalish now in a very formal suit but possesses same ravishing look.

"You shouldn't be here." He said in a low voice enough for her to hear and she froze remembering that it was the exact same line he told her on the woods on their very first encounter.

Naunahan siya ng kaba kaya't hindi niya alam ang gagawin. "I- I'm sorry... A- Aalis na ako."

Bago pa man siya makahakbang ay muling nagsalita ang binata.

"You shouldn't be here at this time of the dawn." Maagap nitong saad.

"I... I visited Kali." Pagdadahilan niya.

"In your sleepwear?" Nakataas ang kilay na anito at napaawang ang kanyang mga labi. Her face flushed as blood gathered on her face. "And anyway, the couples are out." Dagdag pa nito at nais na lang niyang lumubog sa kinatatayuan. "Did you perhaps... runaway?"

Sa narinig ay tila nahihintakutang napaatras si Holly at nakalimutang mas mataas pala ang bahaging naapakan niya kaya't nawalan siya ng balanse. At bago pa man siya matumba'y mabilis ng nakaagapay sa kanya si Kalish.

"So you really runaway, eh?" He breathed, amused. And Holly felt a tingling sensation with his warm touch on her waist. Gayunpaman ay tila napapaso niyang inalis ang kamay ng binata sa kanyang baywang at humakbang paatras at natuloy ang naudlot niyang pagkatumba at hindi na siya naalalayan ng binata. Natalisod ang isang paa niya kasabay ng malakas na pagtama ng pangupo niya sa semento. Napangiwi siya sa sakit at nagaalalang dinaluhan siya ng binata.

"Jeez Holly. It's not smart to put yourself at risk just to stay away from me." Anito na pinaghalong inis at pagaalala ang nasa tinig.

"Dahil kinakabahan ako tuwing malapit ka. At hindi ko alam kung ano ang gagawin." Frustrated na bulong niya. And she just wanted to cry for being so helpless.

While Kalish, on the other hand, was stunned as he looked at her. She was so innocently honest and he was falling down the pit, this time deeper.

"I'm going to carry you." Paalam nito sa dalaga.

Nanlalaki ang mga matang iniangat ni Holly ang tingin rito.

"K- Kaya kong maglakad." Mabilis niyang pigil sa nais nitong gawin.

"And where are you planning to go?" Kalish challenged and she was dumbfounded.

Nahigit niya ang kanyang paghinga ng bigla siyang buhatin ng binata at sa gulat ay napakapit siya sa leeg nito. Agad na pumuno sa ilong niya ang magaan sa ilong na pabango nito. At ayaw man niya aminin sa sarili'y nagugustuhan niya ang pakiramdaman ng pagkakalapit ng katawan nilang dalawa. In his arms, she found a secure place better than her grandparents' home.

............

Gaya ng masyon ng magasawang Alcor ay engrande din ang mansyon ni Kalish. The design was minimalistic and there was no doubt that the owner was a man. Dinala siya ng binata sa ikalawang palapag ng tatlong palapag na mansyon.

She suddenly felt hollow when Kalish carefully put him down in the king- sized bed. The whole room was a penthouse style. Tila nga isang buong bahay na rin iyon dahil may mga sofa roon at may center table din. Nasa attic ang kama at gawa sa kahoy ang sahig niyon. The staircase leading to the bed was modern and made of woods. The wooden roofbeams were exposed adding class to the whole room. Naglalaro lamang sa puti, itim, beige at gray ang kulay ng silid.

Walang imik na bumaba si Kalish at pagbalik ay may dala ng first- aid kit. Hindi na siya nakapagsalita pa ng walang imik na lumuhod ang binata sa harapan niya at hinawakan ang paang nakatago sa mahaba niyang bestida na ikinahigit niya ng paghinga at ipinagpasalamat niyang hindi na lamang pinansin ng binata ang reaksyon niyang iyon. Kumuha ito ng isang botelyang may spray sa first aid kit at in- spay- han ang nasaktang paa. Then he gently massaged her muscle just at the right spot where it hurt and the pain was slowly easing down.

Walang umiimik sa kanila hanggang sa tumayo ang binata ang itinabi sa isang maliit na mesang disenyong kahon na nauukitan ng filigree ang first aid kit.

"S- Salamat." She broke the awkward silence and Kalish pocketed his hands on his pants as he looked at her.

"So tell me why you're here? With only in your sleepwear at that matter." Seryosong tanong nito sa kanya at agad na umurong ang kanyang dila. Ibinaba na lamang niya ang tingin upang maiwasan ang nakalulunod na intensidad ng mga mata nito. Hindi niya kayang magsinungaling at lalong hindi rin naman niya kayang ipagtapat dito ang totoo.

Nang walang mahintay na sagot ay lumapit si Kalish sa night table na katabi lamang ng kulay abong kama saka pinulot doon ang susi ng Bugatti. "I guess I should drive you back home." Anito na ikinaalerto ni Holly.

Nagaalalang hinigit ni Holly ang kamay ng binata ng dumaan ito sa harapan niya. "P- Please... a- anywhere but my grandparents' house." She begged.

Hindi nakatakas sa binata ang panginginig ng kanyang boses pati na ang pangingilid ng kanyang mga luha. Sapat na ang paraan ng pagtitig nito sa kanya upang malamang naghihintay ito ng paliwanag. Mabilis niyang inalis ang pagkakakapit sa kamay ng binata at pasimpleng pinunasan ang tumulong luha.

"L- Lola got mad at me after refusing to continue my vocation." Mahinang usal niya, ang tingin ay nakababa sa sahig.

"V- Vocation?" He was as if seeking for a confirmation.

"I talked to my Vocation Director... and confessed that I could not continue being a nun."

"And?" Kalish prompted.

Hopeless na tiningala niya ang binata ng hindi na itinatago pa ang luha sa mga mata.

"My grandmother couldn't accept it and she's so mad at me." She sniffled, realizing that she had done such drastic move she wouldn't have the face to face her grandmother again.

Kalish kneeled down in front her and gently wiped the tears that stained her face. "Do you want to go back?" Masuyong tanong nito sa kanya, ang palad ay humahaplos sa kanyang pisngi.

Nagaalalang umiling- iling siya at puno ng pakiusap ang mga matang tumingin rito. "N- Not now. Please. Aalis na lang ako. Pero huwag mong sasabihin kay lola na nakita mo ako, please. H- Hindi ko pa siya kayang harapin ngayon." Sabi niya sa pagitan ng pagsasalinbayan ng mga luha."

Huminga ng malalim ang binata at ibinaba ang kamay na nakahawak sa pisngi niya. Bahagya nitong ibinaba ang tingin kapagkuwa'y agad ding hinuli ang kanyang mga mata.

"I just can't let you go given the time and the situation. You never know what risk awaits you outside the village." He said with finality. There was a ghost of concern in his brown pools that sent her warmth, a kind of warmth that was starting to be familiar. But the warmth was instantly drowned with realization.

"B- But I can't stay here... I must not." She replied while fighting the tsunamis of emotion that were assaulting her insides. At bigla'y nais niyang bawiin ang nasabi ng tumayo ang binata. A pain of rejection was evident on his glorious face. Pero paano niya sasabihing hindi iyon ang ibig niyang sabihin? Paano niya sasabihing gustong- gusto niya ang binata at hindi niya kayang pagkatiwalaan ang sariling damdamin sa oras na magsama sila sa iisang bubong?

Her hands fisted on his expensive mattress as she stared at his beautiful face that was now as blank as a white canvass.

"Just try to bear with it tonight." He replied impassively and she wanted to shiver with his cold voice. "I'm not expecting for any visitors so the guest rooms aren't prepared. You can use my bed for the meantime." Sabi pa nito bago siya tinalikuran ngunit nasa paanan na ito ng hagdan ng huminto ito ngunit hindi na muli pang humarap sa kanya. "And you can stay here as long as you want... since I'm leaving for Rome tomorrow night."

And with that, Holly absorbed all the emptiness in the world.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro