Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Last Memory

Edrick's POV

Habang nilalagay ang panibagong painting ay nilibot ko ang aking paningin sa loob ng napakalaking kwarto kung saan ginanap ang Ika-40 days ni Papa, halos lahat ay malungkot ngunit ang iba ang may ngiting sa kanilang bibig.

Nalungkot ako para kay Dad dahil miss na miss niya raw si Papa ngunit hind ko maiwasang magtampo sa kanya, ngayon lang siya nagsisi sa mga kasalanang nagawa kung saan patay na si Papa.

Si Papa ay isang martyr at si Dad naman isang manloloko. Doon ko napagtanto na niloloko lang nila ang kanilang mga sarili, si Papa na alam ang katotohanan ngunit naniniwala sa kasinungalingan at si Dad na kasinungalingan ang sinabi ngunit naniniwalang pinapaniwalaan ni Papa ang kanyag mga sinasabi. Siguro akala nilang lahat ay perpekto ang aming pamilya ngunit doon sila nagkakamali.

Ngunit sino ba naman ang niloloko ko diba? Nangaliwa rin ako sa syota ko. Natawa na lang ako sa aking mga iniisip ko.

"Anak okey ka lang ba?" tanong ni Dad sa akin, tumigil ako sa pagtawa at doon ko nakita na nakatingin siya akin

"May masayang memorya lang akong naalala" sabi ko

"Don't you worry anak, Daddy is here for you kung nasaan man si Papa mo ngayon I'm sure his happy" sabi nito sa akin

"For our last painting I'd like to ask Mr. Edrick Porlas-Natividad to join me here on the stage" pagtawag sa akin ni Atty. na nagpakulo ng dugo

Tumayo ako at humarap sa aking Daddy "Alam ko na masaya na si Papa ngayon dahil malaya na siya sa mga kasinungalingan mo" sabi ko at tumahimik ito

Nagulat na lang ako nang may tumulong luha sa kanyang mga mata "Alam kong mali ako anak at ramdam ko rin na galit ka sa akin, galit rin kasi ako sa sarili kaya naiintindihan kita" sabi nito sa akin

Hindi ko rin maiwasang mapaluha sa aking nakita ngayon, alam kong masakit ang mga binitawan kong salita sa kanya ngunit hindi ito nagalit sa akin.

Nagulat na lang ako nang may biglang kumurot sa aking tagiliran

"ARAY!!" sigaw ko, si Kolo pala

"Pagpasensyahan mo na itong anak mo Tito, medyo stressed out lang siya at hindi nito alam ang kanyang pinagsasabi" sabi nito sa aking ama

Nilapitan ko at sinabihan "Wag na wag mo akong pinapahiya, alam mo dahil ikaw mismo ay naging kabit rin"

Parang nagulat ito sa aking sinabi, alam kong masakit ang sinabi ko sa kanya nakita ko itong lumuha.

"Thats not what I meant" sabi ko dito at hinawakan ang kanyang pisingi

Masakit isipin na ako pa mismo ang dahilan sa pagtulo nang kanyang mga luha

"Just shut up Edrick, If you dont have anything good or nice to say, don't open your mouth" madiing sabi nito sa akin, alam kong galit ito

"I love you" sabi ko at hinalikan ito sa pisngi

"If you will excuse me, tinatawag na ako ng kabit mo" sabi ko dito sa aking Ama

"Pagpasensyahan mo na Tito. Sarap upakan walang galang, di na nahiya" rinig kong sabi ni Kolo sa aking ama, hinayaan ko na lang si Kolo dahil ayaw kong masaktan ulit ito kahit sa anong paraan mapa-pisikal or salita man.

Habang nalalakad ako papunta sa entablado ay hindi ko rin maiwasang isipin ang mga kasalanang nagawa ko, gusto kong magsimula pero hindi ko alam kung paano.

"Mr. Edrick Porlas-Natividad, sure a pleasure meeting you. Tama nga ang iyong Papa kamukhang-kamukha mo ang Daddy mo" sabi nito sa akin habang papalapit ako sa kanya

Ngumiti ako sa kanya sabay sabi "Nice meeting you po, sa tagal ng relasyon niyo ni Daddy ngayon ko lang kayo nakilala" sabi ko na ikinagulat nito

Magsasalita pa sana upang depensahan ang kanyang sarili ngunit nagsalita ako kaagad "No need for an excuse or an explaination Atty. my father is already dead."

"I'm not here to make a scene, nag-usap na rin kami ng Papa mo tungkol sa isyung iyan." sabi nito sabay bigay sa akin ng papel

Happiness

You are my lifesaver anak. Isang ngiti mo lang anak ay masayang masaya na ang Papa kaya don't you ever lose that smile dahil binbantayan kita kung nasaan man ako ngayon. You are my happiness Edri. When everything seem so wrong, you were the only thing that's right.

"Happinesss" mga salitang lumabas sa akin sabay lantad sa painting na gawa ni Papa

Tears came pouring while I was looking at the painting, it was me when I as a baby at karga ako ni Dad, nakita ko ang ganiton litrato sa wallet ni Papa.

"Maraming salamat sa lahat ng dumalo ngayong gabi, sigurado akong masaya si Papa kung nasaan man siya ngayon" maluha-luha kong sabi

"Papa has always been a family oriented kind of person, he treats everyone that is close to him like family. It really amazes me how he manages his time, spending it with us, with his work and his passion.

It really saddens me when I think of the changes that is going to happen since he is no loger with us but I know for a fact that he will be forever be remembered" pagpatuloy ko

Lumapit sa akin si Atty. "I need you to come with me" sabi nito

"Why?" tanong ko

"Im just following your father's instruction, you should too" sabi nito

"Fine" sabi ko

"Before we call this a night and wrap up. Lets all be entertain by the talents from the CPN-Sports and Peforming Arts School" sabi ni Atty.

"You need to come with me" sabi nito at hinila ako papunta sa isang kwarto

"Bitawan mo ako" sigaw ko sa kanya

"Hindi iyan maari Edrick" sabi nito at mas hinigpitan pa ang hawak sa aking braso

"Sino ka ba? Hindi ikaw si Atty." sigaw ko dito

"Sabihin mo sa akin ang nalalaman mo Edrick" sabi nito at biglang nag-iba ang kulay ng kanyang mata

"Hindi mo ako natatakot" madiing sabi ko

"Ganyan nga Edrick, lumaban ka" sabi nito at ngumiti

"Sino ka ba?" tanong ko

"Ako ay iyong kaibigan Edrick, wala akong gagawing ikapapahamak mo" sabi nito sa akin

"Lumayo ka sa kanya!" rinig kong may sumigaw kaya napalingon ako si Kolo pala ngunit nag-iba rin ang kulay ng mata nito

"Nandito pala ang iyong bantay, mag-ingat ka Edrick" sabi nito at biglang naglaho na parang bula

"Riko? Okey ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Kolo

"Lumayo ka sa akin, halimaw!" sigaw ko dito

Inaamin kong natatakot ako dahil sa nangyari kanina at may posibilidad na may iba rin kay Kolo. Hindi ko na alam ang mga nangyayari, para akong mababaliw sa aking nakita. Sino ba naman ang maniniwala sa akin?

"Mukhang nahanap ka na nila Riko" malungkot na sabi ni Kolo

"Ano ang ibig mong sabihin?" tanong ko

"Dugo mula sa Kayamanan ng Nakaraan, Pusong Tumitibok para sa Hinaharap at ang Matang parating Nakatingin sa Oras. Delikado ang buhay mo Riko" paliwanag nito

"Pagod na ako Kolo" pagod kong sabi

"Hali ka na Riko, dadalhin kita kay Tito" sabi nito

"Hindi ko na alam kong alin ang totoo pero pagod na ako. Just take me home" sabi ko

"No! Hindi ka pwedeng umuwi. Dito muna tayo maraming proprotekta sa iyo" sabi nito

"Hindi kita naiinthindihan" sabi ko

"Wag kang mag-alala, hindi mo kailangang intindihin ang lahat. Ang importante ay nandito ako" sabi nito ay niyakap niya ako

"I want to go home Riko, I am emotionally and mentally stressed out. I hope you understand when I say I want to go home" sabi ko dito

"Sige, uuwi tayo pero I want to talk to your Grandparents first" sabi nito sa akin

"Fine" sabi ko at sinundan ko lang ito

"Dito ka lang malapit sa akin" sabi nito at hinawakan ang aking kamay

Pagbalik namin sa loob ay nakita kong nakatayo si Atty. sa entablado

"Ladies and Gentlemen before we close this night, here are some closing remarks from the one and the only Cedrick" sabi pa nito

Lumitaw muli ang mukha ni Papa mula sa screen, wala kang emosyong makikita sa kanyang mukha.

"Marami ang magbabago, wag niyong ikatakot ito. Panatiliing handa at bukas ang iyong isipan. Maraming salamat sa dumalo ngayon at paalam" sabi nito

Sa palagay ko ay para sa akin ang kanyang sinabi, hindi ko na alam kung kanino ako maniniwala.

"Riko, may gagawin akong baka ikagulat. Please humawak ka lang sa aking kamay" sabi nito at hinigpitan ang hawak nito sa aking kamay

Biglang huminto ang paligid, walang gumalaw. Natatakot ako at alam kong naramdaman rin ito ni Kolo.

"Wag kang mag-alala, nandito ako upang protektahan ka. Hindi ka masasaktan hanggang buhay pa ako" sabi nito at niyakap ako

Doon ko lang nakita na iba na ang anyo ni Kolo, may kaliskis ang kanyang kamay at leeg.

"Wag ka sanang matakot sa akin Riko. Ako parin ito si Kolo, ang mahal mo" sabi nito at hinawakan ang aking mukha

Hahawakan ko sana ang kanyang mukha ngunit naudlot ito dahil may narinig akong sumigaw "Bitawan mo ang aking apo!" at sa isang iglap may lalaking humawak sa leeg ni Kolo at tinaas ito sa ere, naalala ko naman ang nangyari kanina sa hardin

"Magandang gabi Muhen" sabi ni Kolo na nakangiti parang wala lang sa kanya na may sumasakal sa kanya

"Please, bitawan niyo po siya" sabi ko sa lalaki habang hinahawakan ang kanyang braso, tumutulo na ang luha ko sa mga oras na ito. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari kay Kolo

"Tumahimik ka diyan Edrick, wag na wag kang lumapit sa lalaking ito" madiing utos nang lalaki sa akin

Biglang sumulpot si Lolo Ricky at sinabing "Huminahon ka Muhen, kasintahan iyan nang apo mo"

"Wala kang karapatang pagbawalan si Riko. Tandaan mo Muhen, indi ka parte sa kanilang pamilya. Kahit anong gawin mo Muhen, hinding-hindi mo ako masisindak" sabat ni Kolo sa kanya at bigla itong naging tubig kaya nakawala ito sa sakal ng lalaki

"Kolo, nasaan ka?" maluha-luha kong tanong

Bigla itong lumitaw sa aking harapan kaya dali-dali ko itong niyakap "Wag kang mag-alala Riko, hindi ako ganoon kadaling mapatay" sabi nito

"Tignan mo kung ano ang ginawa mo Muhen, natakot ang bata sa iyo baka hindi na iyan lumapit sa atin" sermon ni Lolo ka lalaki

"Sorry na Mahal, hindi ko naman sinasadya. Ayaw kong mawala rin sa atin si Edrick" sabi ng lalaki at niyakap si Lolo

Gulat ako sa aking nakikita ngayon, sino ba ang lalaking ito?

"Magandang gabi Bulalakaw, sa wakas ay nakilala ko na rin kayo" sabi ni Kolo

"Lumabas na kayo Bathala, Bakunawa. Alam kong nariyan rin kayo" sabi ni Kolo at doon lumabas ang dalawang matitipunong lalaki

"Teka lang, sino ba talaga kayo?" tanong ko

"Ipapaliwanag ko sa iyo ang lahat-lahat mamaya Riko, sa ngayon makinig ka lang sa pag-uusapan namin" sabi ni Kolo

"Sino ka ba?" tanong ni Lolo Ricky kay Kolo

"Bulalakaw, isa siyang bituwin. Ang tagapangalaga ng tubig" sabi ng isang lalaki

"Kamusta ka na Bakunawa? Matagal rin tayong hindi nagkita" sabi nito sa lalaki

"Mabuti naman ako, paminsan-minsan ay dumalaw ka sa kaharian upang makita mo ang ilang pagbabago" sabi ni Bakuwana

Lumingon ako sa katabi nitong lalaki at nakatingin lang ito sa akin, mukhang malalim ang kanyang ini-isip.

"Lolo Ricky? Ano po ba ang ibig sabihin nito? Sino po ba ang lalaking iyan?" tanong ko

"Hindi mo na ba ako kilala Apo?" tanong ng lalaki at biglang nag-iba ang anyo niyo, isang anyong kilala ko

"Lolo Jing? Ikaw po ba iyan?" tanong ko

"Ako nga ito Apo" sabi ni Lolo sa akin

"Riko mamaya niyo na lang iyan pag-usapan sa bahay, ang importante ngayon ay ang kaligtasan mo" sabi ni Kolo

"Kaligtasan? Nasa panganib ba ang buhay niya?" tanong ni Lolo

"Wala kayong dapat ikatakot dahil hindi nila masasaktan si Riko habang ako ang kasama nito. Ang gusto ko lang malaman niyo ay gumagawa na sila nang hakbang" sabi ni Kolo

"Sino?" tanong ng lalaki habang nakatingin parin sa akin

"Hindi ko pa masabi kung sino pero ang alam ko ay gagawin nila ang lahat upang matigilan ang nakatadhana" sabi ni Kolo

"Dugo mula sa Kayamanan ng Nakaraan, Pusong Tumitibok para sa Hinaharap at ang Matang parating Nakatingin sa Oras. Iyan ang mga bagay na kanilang kailangan." sunod na sabi ni Kolo at ang lahat ay nakatingin sa akin

"Kung ibigay na lang kaya natin ang kanilang gusto? Upang matapos na ito" sabi ng lalaki habang nakatingin parin sa akin

"Hindi maari iyan Bathala, Apo namin ang pinag-uusapan dito" sabi ni Lolo Ricky

"Konting sakripisyo para sa ikabubuti nating lahat" sabi ni Bathala na siyang nakangiti na ngayon habang nakatingin sa akin

"Ihanda mo ang iyong sarili Riko" bulong sa akin ni Kolo ngunit hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari biglang lumitaw si Bathala sa aking harapan at sinuntok ako sa aking tagiliran na siyang nagpatumba sa akin.

Hindi ako makagalaw, nakatingin lang ako sa kanila. Gusto kong sumigaw pero walang boses na lumabas mula sa aking labi.

"Bathala ano ang ginawa mo?" rinig kong sigaw ni Lolo Jing

"Ako mismo ang pipigil sa mga mangyayari, kung papatayin ko lang ang isa sa mga bagay na kanilang kailangan ay tapos ang problema natin" madiing sabi ni Bathala

"Isa kang walang kwentang pinuno!" galit na sigaw ni Lolo Ricky

"Tumahimik ka Bulalakaw kahit anong gawin mo ay ako parin ang inyong pinuno at hinding-hindi niyo ako matatalo" sabi ni Bathala at sinampal si Lolo Ricky

Nanatili parin akong nakatingin sa kanila "Hindi kita pinuno" madiing sabi ni Kolo at doon ko nakita ang kakaibang anyo niya nagkaroon ito ng buntot na kulay asul at lumulang ito sa ere.

"Hindi mo ako natatakot, kilala ko ang mga tulad ninyo. Nilalang mula sa kalangitan, dihamak na mas malakas ako" sabi ni Bathala

"Subukan natin kung hanggang saan ka aabot Bathala" sabi ni Kolo

"Tigil!" sigaw ko sa aking isipan ngunit walang lumabas

"Hindi ko alakaing mahina ka pala Bathala" sabi ni Kolo

"Anong ginawa mo sa akin?" tanong ni Bathala, kita kong hindi ito makagalaw

"Ako si Aquarius ang tagapangala ng tubig, ako ang pangalawa sa pinakamalakas na butuwin" sabi ni Kolo at hinawakan ang mukha ni Bathala

"Bitawan mo ako" sabi ni Bathala

"Sa totoong estorya ikaw ang nagsimula nito Bathala, dapat nga buhay mo ang katumbas nitong lahat. Sigurado akong maraming matutuwa kung mamatay ka" paliwanag ni Kolo at hinigpitan ang paghawak sa mukha ni Bathala

"Anak" rinig kong may tumawag sa akin, boses iyon ni Papa

"Papa, nasaan po kayo? natatakot po ako sa mga nangyayari" sabi ko sa aking isipan

"Tandaan mo ang iyong nakaraan, ilabas ang katotohanan" sabi nito at biglang nagliyab ang aking katawan

Doon ko nakitang nagulat silang lahat, nabitawan ni Kolo si Bathala at dali-daling tumakbo malapit sa akin "RIKO!" sigaw nito

"Muhen, ang Apo natin" umiiyak na sambit ni Lolo Ricky

"Wag kang matakot anak, nandito ako upang gabayan ka" rinig kong sabi ni Papa

"Anong ginawa mo sa kanya Bathala?" rinig kong tanong ni Lolo Jing , kita kong umiiyak na si Lolo Ricky at si Kolo.

"Hindi ito maari" sabi ni Kolo, kita ko kung paano ito nagpalitaw ng tubig at binuhos sa aking nasusunog na katawan ngunit mas malakas ang apoy

Unti-unti kong ginalaw ang aking katawan at sa wakas ay sumunod ito sa aking gusto, nakita ko ang pagkagulat sa kanilang mga mata.

Di nagtagal ay nawala ang apoy na siyang pumapalibot sa aking katawan, dahan-dahan akong lumapit kay Bathala at binigyan ito ng isang malakas na sampal.

"Tinulongan ka na ng aking Ama at ganito ang igaganti mo? Papatayin mo ako? Wala ka talagang hiya Bathala" sabi ko at tinalikuran ito

"Ayos ka lang ba apo?" tanong nila Lolo sa akin

"Okey lang ako pero kailangan ko nang umuwi" sabi ko sa kanila

"Riko, okey ka lang ba?" tanong nito at hinawakan ako sa aking balikat

Laking gulat ko ay bigla nagliyab ang kanyang kamay ngunit dali-dali rin itong nawala "Sinabi ko naman sa iyo na umuwi na tayo Kolo. Pagod na ako" madiin kong sabi sa kanya, hatala sa kanyang mukha ang pagkagulat sa mga pangyayari

"Sorry" iyon lang ang sinabi nito

"Its fine, mukhang naging abnormal rin ako katulad niyo" sabi ko at tinungo ang daan palabas pero bago pa ako makalabas ng tuloyan ay tinignan ko ang kinatatayuan ng nila Lolo at nakatingin rin sila sa akin

Inis na inis ako sa mga oras na ito, hindi ko alam kung ano ang akin gagawin.

Bakit ganito ako?

Abnormal na ba ako?

Alam ba ito ni Papa at Daddy?

Ang daming pumapasok na tanong sa aking isipan.

Ang daming pagbabago,  iyan ang sinabi ni Papa kanina. Siguro sasabay muna ako sa agos ng buhay biglang nag-iba kasi ang aking pananaw sa aking sarili.

Hihintayin ko na lang na kusang tatangapin ko na ang malaking pagbabago sa aking buhay bago ako gumawa ng mga plano.

Hindi ko makakalimutan ang araw na ito, maraming nangyaring hindi magaganda.

"Papa alam kong hindi natin alam kung ano ang mangyayari sa hinaharap pero sana may magandang kinalalabasan ang buhay kong ito" sabi ko sa aking isipan at tuluyang nilisan ang lugar na ito.

Author's Note :

Tapos na po siya. Hindi ko nga po alam kung bakit may halong fantasy ang kwentong ito, sabi kasi sa aking nang kapatid ko ay gagawa raw kami ng fantasya na kwento dito. Ewan ko ba inunahan ko na siya.

Wag po kayong mag-alala dahil hindi lang double check kundi multiple check ang gagawin dahil alam kong may mas igaganda pa ang kwentong ito kaya go na sa edit.

Alam ko medyo bitin ito pero wag po kayong mag-alala, ginawa ko lang po ang kwentong para upang ipaalam sa inyo na hindi pa tapos ang kwentong ito. Marami pang mangyayari.

Maraming salamat po sa mga bumasa at nag like.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro