9th Memory
Jing's POV
Narito lang ako sa labas ng gusali kung saan ginaganap ang ika-40 days ni Cedrick.
Hindi ako mapakali sa pangayayaring ito, ang lahi namin ay hindi basta-bastang namamatay sa simpleng sakit lamang, kaya ako naparito upang tuklasin kung ano ang totoong nangyari, kinausap ko si Bulalakaw kanina ngunit kinumperma nito sa aking na namatay ito dahil sa sakit.
Nagulat ako ng biglang may bumigkas ng aking pangalan "Lolo Jing?" tumalikod ako upang harapin kung sino ang tumawag sa akin
"Ikaw pala iyan apo, kamusta naman ang paghatid mo kay Erwin?" tanong ko kay Cee ang bunsong anak ni Cecil
"Okey lang naman po, matagal ko na po kayong hindi nakita Lolo kamusta na po kayo?" sabi nito
"Mabuti naman apo ngunit nalulungkot ako sa pagpanaw ng Tito Ced mo" simple kong tugon sa kanyang tanong
"Ganyan talaga ang buhay, minsan may mga desisyon tayong gawin na hindi maiintindihan ng iba ngutin para sa nakabubuti" makabuluhan nitong sabi
Bigla ko itong kwenilyohan at tinanong "Nasaan ang aking apo?"
"Ang mundong ito ay maraming misteryong Muhen, wag kang mag-alala ligtas ang apo mo. Isa akong kapanalig, " sagot nito sa akin
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko ulit
"Ang nakaraan at hinaharap. Dalawanng bagay na pilit pinagtatagpo at iyan ay dapat nating pigilan." yan lang ang sinabi nito at biglang naglaho
"Nakaraan at Hinaharap? Parang may natatandaan ako tungkol dito ngunit hindi ko maalala kung saan" Sabi ko sa aking isipan
"Jing?" tawag ng taong pumalit sa aking pwesto, kahit hindi ako humarap rito ay kilalang kilala ko ito
"Bakit ka naparito Jen?" tanong ko rito
"Alam ko ang lahat Jing, sinabi sa akin ni Ricky ang lahat-lahat at alam ko na nasasaktan ka rin sa mga nangyari" natulala ako sa mga sinabi nito
Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari, sinabi sa kanya ni Bulalakaw ang lahat, mula sa aming pinagmulan, ang aming mga pinagdaanan at ang sekreto ng lahi namin ay alam nito.
Nanumbalik ako sa tamang pag-iisip nang naramdaman ko na hinawakan nito ang aking kamay "Hali ka, may larawang ipininta ang anak mo para sa iyo" doon napatulo ang luha ko
Para akong batang puslit na umiiyak habang pumasok kami sa loob "Salamat" yan lang ang lumabas mula sa aking mga labi
Sinakripisyo ko ang lahat ng meron ako upang maging ligtas ang aking pamilya ngunit hindi ko inakala na mangyayari ito, sa loob ng 40 days ay si Jenny lamang ang naka-intindi sa aking nararamdaman, sa aking hinagpis at sa aking pagluksa
Maraming tao ang dumalo sa pagkawala ng anak ko, may ilan akong nakitang mga ka-uri namin.
"May ipapakita sa iyo si Atty. kaya sumamaka muna sa kanya Jing" sabi ni Jenny
"Magandang gabi, sundan niyo po ako" bati sakin ng lalaki
Pero bago kami umalis ng entablado ay may inanunsyo ito sa mga dumalo "please help yourselves with some refreshment and snacks, we will resume in 30 minites"
"Tayo na po sir" sabi nito at puminta na kami sa likod nng entablado
Tahimik lang akong nakasunod sa kanya hanggang marating namin ang malaking silid kung saan nakalagay ang mga likha ni Ced
Pagkapasok namin ay may naramdaman na kaagad ako.
"Nakakamangha talaga ang pumasok sa silid na ito. Nasa 35 ang likha ni Ced bago siya pumanaw ngunit striktong utos nito sa akin na 16 lng ang ipalalabas ko at ang iba ay ipapadala sa pagbibigyan ni Ced" paliwanag sa akin ni Atty.
Sinuri ko ng mabuti ang kwarto at nilibot ang aking paningin doon ko nakita ang isang larawan ng kulay asul na ibon
Hindi ko namalayan na malapit na pala ako sa likha ni Ced "Ang larawang ito ay tinawag niyang Muhen. Sabi sa akin ni Ced ang lahat ng ginawa niya at parte ng kanya nakaraan, napakagandang ibon. Ang larawan po na iyan ay para po sa inyo" sabi ni Atty.
Kahit hindi pa sabihin sa aking ng lalaking ito ay alam ko na para talaga ito sa akin
"Parte ng kanyang nakaraan" yan ang tumatakbo sa aking isip, kasabay nito ay ang mga katanungang walang makakasagot "Paano ito naging parte ng kanyang nakaran? paano ito malalaman ng aking anak?"
"Sir may ipinabibigay po pala sa inyo si Ced" sabi nito at binigay sa aking ang isang papel
Muhen
Isa kang malaking misteryo, hindi lang sa buhay ko kundi sa buhay naming lahat ngunit hindi lang ikaw ang nag-iisang misteryo sa mundong ito.
Litong-lito ako sa mga oras na ito dahil sa aking nabasa, hindi ko naintidihan ang pahiwatig ng liham ni Ced para sa akin
"Iwan mo muna ako dito" iyan lang ang sinabi ko
"Hindi po maaari iyan Sir, mahigpit na utos sa akin ni Ced na dapat samahan raw kita dito" paliwanag nito sa akin
"Hindi na kailangan iyan Atty. maaari mo na akong iwan dito" madiin kong utos sa kanya
"Pero Sir..." sabi nito ngunit napahinto dahil sumigaw ako
"Makinig ka sa akin Ginoo!"
Lumapit ako dito "Hindi mo gusto na ako ay galitin. Simple lang ang hiling ko maiwan mo akong mag-isa sa silid na ito sa loob ng 20 minutos. Naiintindihan mo ba ako?" sabi ko
Wala akong narinig na sagot mula dito kaya sinigawan ko ulit ito "Naiintindihan mo ba ako Ginoong Montalban?"
"Okay po sir, 20 minutes" sabi nito sa akin at nagmadaling lumabas ng silid, halata sa kanyang kilos na kinabahan ito sa aking sigaw sa kanya
Nasa 35 ang nalikhang sining ni Ced doon ako napaluhod at napaluha, hindi namatay ang anak ko dahil sa Alzheimer's Disease. Sa loob ng silid na ito damang-dama ko ang presensya ng aking anak.
Habang nakaluhod ako ay ang paningin ko ay nasa likha pa rin ni Ced sa akin, nasa dugo talaga namin ang pagiging malapit sa sining.
Hindi ko namalayan na unti-unting napatayo nna pala ako at hinawakan ang likha ni Ced.
Dahan-dahang nagbago ang aking paligid at nakita ko si Bulalakaw nakangiti itong nakatingin sa akin
"Mahal" pagtawag sa akin nito at doon ako napaluha dahil matagal kong hinahangad na tawagin ulit ako nito ng tawagan namin
"Mahal" mahina kong sabi at dahan akong lumapit dito upang yakapin ito ngunit nang makalapit ako dito ay may nakayakap na pala sa kanya
"Muhen, kailangan nating umalis. Hindi ligtas ang mga anak natin dito" sabi nito sa kausap
Pagbigkas pa lang nito ang mga katagang ito ay alam ko na ang mga sumunod na pangyayari
"Mahal, kung iyan ang iyong nais. Mauna kayo ng anak natin, ako ang bahala dito" iyang ang lumabas sa aking bibig
"Wag!" sigaw ko dahil alam ko ang mga sumunod na pangyayari
"Wag mo silang iwan!" sigaw ko sa aking sarili habang umiiyak
"Bulalakaw, tandaan mo mahal na mahal ko kayo ng anak natin" iyan ang nasabi ko at biglang akong bumalik sa silid na puno ng nilikha ni Ced
"Wag mo silang iwan" patuloy kong paghikbi
"Ama" yan ang narinig ko at napalingon sa aking likuran, doon ko nakita si Ced nakatayo habang nakangiti
"Anak, buhay ka" yan ang sabi ko at niyakap ito ngunit nabigo ako dahil bigla na lang itong naglaho
"Sir, tapos na po ang 20 minutos" rinig ko na may kumatok sa labas
"Sige" sabi ko mula sa loob at pumasok na ito
"Ayos lang po ba kayo Sir?" tanong nito sa akin
"Okey lang ako" sabi ko at nilisan na namin ang silid
Sa pagbalik namin ay nakita ko ang pagkagulat sa mukha ni Bulalakaw, dali-dali itong lumapit sa amin
"Bakit ka pa nandito? Akala ko umalis ka?" sunod sunod na tanong nito sa akin
Hindi ko na siya sinagot subalit niyakap ko lang ito ng mahigpit at umiyak, hindi ito nakagawalaw sa akimg ginawa batid ko nagulat ito sa aking kinilos
"Babawi ako Bulalakaw, hinding-hindi na ako lalayo sa pamilya natin" iyan ang bulong ko dito
Nagulat ako dahil gumanti ito sa aking mga yakap
"Tahan na Muhen. Alam konng masakit ang pagkawala ng anak natin, kahit ako ay nasasaktan ngunit kailangan nating magpakatatag" sagot nito sa akin
Hindi na muna ako sumagot at niyakap lang ito ng mahigpit dahil ito ang matagal kong ninanais kahit walang nagsalita sa aming dalawa ay damang-dama ko ang pintig ng kanyang puso.
Ang pamilya na nabuo namin ni Bulalakaw ay ang aking kayamanan, sa pagkakataon ito dala ng mga Memorya ko noon ay ipagtatangol ko sila sa abot ng aking makakaya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro