7th Memory
Erwin's POV
Simula ng sinabi sa akin ni Lolo Rick na hindi niya nakita si Edri, kanina ko pa ito hinahanap ngunit hindi ko ito mahagilap.
"Nasaan kana ba Edri" sabi ko sa aking isipan
Sa tagal kong paikot-ikot dito ay nakita ko rin ito na naka-upo sa swing kasama si Nikolo ang isa sa barkada niya
Habang palapit ako sa kanila ay biglang nag slow motion ang lahat, biglang tumayo si Edri at hinalikan ang kanyang kaibigan sabay sabi "wag kang mag-alala, hihiwalayan ko si Erwin"
Parang tinapunan ako ng dinamita sa aking narinig, dahan-dahang nasisira ang mundo at buhay ko na pinapangarap kasama si Edri.
"Ano ang ibig sabihin nito?" sigaw ko na ikinagulat nila
"Wiwi, I can explain things" sabi ni Edri, yan ang tawag niya sa akin Wiwi at Riri ang tawag ko sa kanya
"Do we really need to explain things? Kung ano ang nakita at narinig mo ay totoo ang lahat ng iyon" sabi ni Nikolo
Lumapit ako sa kanila, tumingin ako kay Edri at naka yuko lang ito "Riri, alam ko na may pinagdadaanan ka at pinapatawad kita" sabi ko sa kanya
"Pinagdadaanan? Nagpapatawa ka ba? We have been going out for almost a year" sabi ni Nikolo
Almost a year, para akong sinampal ng katotohanan. Last year nalaman rin namin na may iba si Tito
"Nikolo I am not talking to you, baka nakakalimutan mo kung sino ang kausap niyo" sabi ko sa kanila
"Wiwi I'm so sorry" sabi ni Edri habang umiiyak
"Diba hihiwalayan mo naman siya Ed? Kaya kaba nag sosorry?" sabi ni Nikolo
Nikolo is really pushing me to my breaking point, lumapit ako sa kanya na nakangiti "Ayaw ko ng gulo Nikolo let's be civil, okay?"
"Napakapormal mo talaga kahit kailan Erwin kaya pala nangaliwa si Ed dahil you are too strict and uptight" sabi nito na kinainis ko
"I need to speak to Edri alone. You can leave Nikolo, your presence is not needed here" sabi ko at tumalikod upang kausapin si Edri
Biglang hinawakan ni Nikolo ang aking balikat at pinaharap ako sa kanya sabay suntok na siyang nagpatumba sa akin "Wag mo akong talikuran Erwin di pa tayo tapos mag-usap" sabi nito
Hinintay ko na tulongan ako ni Edri na ngunit nabigo ako, hinayaan niya lang kaming dalawa. Dahan-dahan akong tumayo at lumapit sa kanya "Tandaan mo Nikolo, ikaw ang nauna sa ating dalawa. Okey?" sabi ko at bigla ko itong sinakal tapos tinaas sa ere
"Wiwi, tama na yan" pinipigilan ako ni Edri
"TUMAHIMIK KA DIYAN EDRICK! Tandaan ninyo ako si Erwin Sarmiento and I don't bow down to anybody kahit syota pa kita" sigaw ko
Tinignan ako si Nikolo at mukhang nahihirapan na rin ito habang nakatingin sa akin ay binigyan ko ito ng matamis na ngiti "Diba sabi ko let's be civil? I'll let you go then hayaan mo muna kami ni Edri okey?"
Pagkabitiw ko sa kanya ay tumakbo ito palayo "Dont tell me susundan mo iyon?" sabi ko kay Edri dahil kita ko sa kanyang mukha ang alala siya kay Nikolo
"Wiwi bakit kailangan mo pa saktan yung tao?" galit na sabi ni Edri sa akin
"Edrick baka nakalimutan mo na siya ang unang nanakit sa akin " sabi ko
"Kahit na Wi" sabi nito sa akin
"Kahit na Ri? Kahit na siya ang unang nanakit sa akin? Kahit na siya ang dahilan kung bakit durog na durog ang puso ko" sabat ko dito at mukhang natahimik ito sa akin sinnnabi
"Siguro ito ang naramdaman ng Papa mo ng nalaman niya na may-iba ang Daddy mo. Siguro ang pagiging unfaithful mo ay namana mo mula sa iyong ama" sabi ko sa kanya
"Wag mong idamay ang pamilya ko dito at wag na wag mo akong itulad kay Daddy" sigaw niya
"Oo nga pala no? Ibang-iba ka. Hindi ka nga katulad ng iyong Daddy" kutya ko sa kanya
"Gago ka pala eh" sigaw nito at sinuntok ako na siyang nagpatumba sa akin
"Hinahamon mo ba talaga ako Edrick sa laban ng kamao? Kumalma ka!!" sigaw ko sa kanya at mukhang natauhan ito
"Sorry Wi" sabi nito sabay lapit sana sa akin ngunit pinigilan ko
"So anong plano mo sa relasyon natin?" tanong ko
"Siguro kailangan na nating itigil ito Wi" mga salitang lumabas sa kanyang bibig na nagpatulo ng luha ko
"Kung iyan ang gusto mo Ed basta once na maghiwalay na tayo wala ng balikan pa" sabi ko habang umiiyak
"Im so sorry" sabi nito at umalis sa harapan ko
Alam ko namang hihiwalayan ako nito, prepared ako eh pero kahit na prepared ang sakit-sakit pa rin pala
Naka-upo ako sa swing habang umiiyak ng may isang lalaking lumapit sa akin "Win, bakit ka umiiyak?" tanong nito
"It's nothing, I think uuwi muna ako Cee" sabi ko sa kanya at tumayo
Nagulat na lang ako ng may yumakap sa akin "Okey lang yan Win, Nandito naman ako eh" sabi nito doon ako napaiyak ng todo
"Hindi ko alam Cee kung kaya ko pa" sabi ko
"Maghihintay ako Win basta ako ang first in line ha" sabi nito na nagpatawa sa akin
I have 2 rules when it come to dating and relationship .
1st rule. First come first serve
2nd rule. Once an Ex always an Ex
"Baliw ka talaga Cee pero thank you talaga at pinasaya mo ako" sabi ko na nakangiti
"Tara na pasok tayo, hinahanap ka ni Atty dahil may ibinigay si Tito sa iyo" sabi ni Cee at hiwakan ang aking kamay
Magkahawak ang aming kamay pabalik sa loob ng venue, doon ko nakita si Edri at Nikolo sa isang table seryosong nag-uusap
Hindi ko namalayan na kumakaway pala si Cee kay Atty bilang senyales na nandito na ako
"Ayan na pala si Mr. Erwin Sarmiento, please samahan mo kami dito" sabi ni Atty.
Hinatid ako ni Cee papunta sa entablado doon ko lang napagtanto na lahat pala sila nakatingin sa makahawak na kamay namin ni Cee, lumingon ako kay Edri at kita ko sa kanyang mata na nasasaktan siya
"Mr. Sarmiento, maraming ikwenento si Ced sakin tungkol sa iyo"
"Its a good thing I'm a civil type of person Atty that's why I will say Thank you kung hindi lang why would I talk to a Home Wrecker??" sabi ko
"It really is a good thing that you are a civil type of person Mr. Sarmiento, Like your Tito Ced" sabi nito sabay bigay sa aking ng papel
Title: Light
Alam ko ang relasyon niyo ng aking anak at ikinagagalak ko iyon. Alam ko Edri can be hard to handle but please don't give up on him. I hope that you will serve as a light to guide him on his dark days.
"I'm really sorry but I can't accept this" nagulat na lang ang lahat at tumawa ako ng malakas
"I guess it's time to tell the truth" sabi ko
"4 years ago, I accepted the truth that changed my life at the same time I accepted that truth with my partner. Isa po akong bakla and my partner was Edri" maraming tao ang nagulat sa aking mga pasabog
"Akala siguro ni Tito Ced na forever na kaming masasama ni Edri, Hell I thought so too.
Earlier Edri and I came to an agreement that we should break-up, Love is a crucial part of a person's life because it could change us.
That is why I can't accept this painting because I'm not his light anymore. He has found a different light in another person.
May I call on to the stage Nikolo and Edri to please accept this painting on my behalf" sabi ko
Kita ko ang kaba nilang dalawa habang paakyat ng entablado
"Wi I'm so sorry, I took you for granted" sabi ni Edri habang nakayakap sa akin
"Edri wala na si Wiwi at Riri, Erwin at Edri na tayo ngayon. We can still be friends. Im happy for the both of you" sabi ko habang nakayap rin sa kanya
Umalis na ako sa mga bisig niya at lumapit kay Nikolo, binigay ko sa kanya ang papel na ibinigay sa akin ni Atty. "Ingatan mo iyang si Edri ha" sabi ko at niyakap siya, bumaba na ako sa entablado na may ngiti sa aking labi
Pagdating ko sa table namin ay niyakap lang ako ng aking kambal "Okey kalang ba kuya?"
"Kakayanin" mga katagan lumabas sa aking labi
Lumapit na rin si Mamay at Papay sa akin "Everything will be fine anak, mahahanap mo rin si The One" sabi ni Mamay at niyakap lang nila ako
"I think I'll go home first" sabi ko sa kanila
Bigla nalang sumulpo si Cee at prenisenta ang kanyang sarili "Tito, Tita. Ako na po ang hahatid kay Erwin"
"Sige, Ingatan mo iyang anak namin Cee" sabi Papay
Sa huling pagkakataon tumingin ako sa entablado "Light" yang ang lumabas sa bibig ni Nikolo habang hawak-hawak ang kamay ni Edri
I may not be his light anymore and my heart may be breaking at the sight of Edri and Nikolo but I am Erwin Sarmiento and I can still fake a smile so life goes on. I am my own light, and I may not shine now but soon I will shine brightly.
I will never forget this day, this is one memory that will haunt me even in my sleep.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro