Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

5th Special Memory

Nathan's POV

Are you happy with your life now?

Are you happy with your life now?

Are you happy with your life now?

Are you happy with your life now?

Are you happy with your life now?

Are you happy with your life now?

Are you happy with your life now?

Are you happy with your life now?

Are you happy with your life now?

Yan ang tanong sa akin ni Ms. Gretel noong dumalo sa ka exhibit/40 days ni Ced.

"F*ck!" sigaw ko dahil napaso ako sa mainit na kape na aking ininom.

Ilang araw na ang lumipas ngunit hindi parin umuuwi si Luke mula sa kanyang taping. Kamusta na kaya siya? Hindi man lang ito nagparamdam sa akin.

Naisipan kong tawagan ito sa kanyang cellphone

"Hello" rinig kong sagot nanng lalaki sa kabilang linya, hindi ito si Luke

"Hello, nasaan si Luke?" tanong ko

"He's resting, who is this by the way?" sagot nito sa akin

"This is Nathan and tell Luke to call me once he is awake" sabi ko sabay patay sa tawag at doon ako napaluha

"What if I dont?" sabi nito sa akin, hindi ko gusto ang pagkakasagot nito sa akin

"You dont want me as your enemy" sabi ko dito

"You dont scare me" sagot nito sa akin

"You should be, kung gusto mo pupuntahan ko kayo diyan ngayon sa Resort?" tanong ko dito

"Resort?" tanong nito pabalik sa akin

"Yeah, nandiyan kayo sa Resort ng mga Encarnation ngayon. Calvin Encarnation is my friend ang may-ari" sabi ko dito

"What do you want?" galit na tanong nito sa akin

"Dahil ginalit mo ako, gusto kong gisingin mo si Luke" sabi ko sa kanya

"Ayaw ko, alam mo ba kung ano ang ugali ni Luke kung gising mo siya" takot na sabi nito, napangisi ako sa sinabi nito

"Ofcourse I know, now wake him up! Tell him Nathan is looking for him" utos ko dito

"Luke, wake up" rinig kong sabi nang lalaki

"What the f*ck!" sigaw ni Luke

"Im sorry, napag-utusan lang. Somebody is looking for you, Nathan daw" sabi nito kay Luke

"F*ck nasaan siya? Nasa labas ba? Sh*t!" sabi nito

"Relax Luke" sabi nang lalaki, napatawa ako

"Hindi ako pwedeng kumalma Fritz, Nasaan si Nathan?" tanong nito

"Nandito" sabi nito at nakita kong tumahimik sa kabilang linya

"Hello" rinig kong sabi ni Luke sa kabilang linya, halatang kinakabahan ito

"Wag mo akong simulan Luke, umuwi ka" sabi ko dito

"May taping pa ako mamaya" sagot nito sa akin

"Wala kang taping mamaya at alam ko ang schedules mo. Hindi ko akalaing kaya mong magsinungaling sa akin" sabi ko dito at sinimulang umiyak

"Look Im sorry, uuwi na ako mamaya. Please dont cry" sabi nito

"Sige, please hurry I miss you" maluha-luha kong sabi

"Dont worry Im on my way home. I miss you too" sabi nito at pinatay ang tawag

Humarap ako sa harap ng salamit at nakita ang mukha kong lumuluha, napangiti ako.

"Well that did the trick" sabi ko habang pinupunasan ang aking luha

Lumabas muna ako at pumunta pinakamalapit na park dito sa aming inuupahang bahay, timing parang halos walang tao sa parke maliban sa mga kalalakihang naglalaro ng basketball. Pumwesto ako malapit sa malaking puno na malapit sa basketball court, kinuha ko ang aking cellphone at kinuha ang aking headset.

Huminga ako nang malalim sabay sabi "I miss this feeling" naka higa kasi ako sa damuhan sa ilalim ng puno

Hindi ko maiwasang isipin ang aking sitwasyonn ngayon, hindi ko akalaing aabot sa ganito. Nagplay ang paborito kong kanta kaya sinabayan ko ito.

Incompatible, it don't matter though
'cos someone's bound to hear my cry
Speak out if you do
You're not easy to find

Is it possible Mr. Loveable
Is already in my life?
Right in front of me
Or maybe you're in disguise

Naiintindihan ko naman ang aking sitwayson ngayon kahit na hindi ko ito gusto. Kung pagbibigyan ako ng chance na baguhin ang lahat ay gagawin ko.

Bakit nga ba kami umabot sa ganitong sitwasyon? Masaya naman kami dati? Ibang-iba na talaga kami ngayon. Sa sobrang daming pinagbago naming dalawa ay pinaniwala ko na masaya parin kami, na masaya siya tuwing kasama niya ako.

Who doesn't long for someone to hold
Who knows how to love you without being told
Somebody tell me why I'm on my own
If there's a soulmate for everyone

Here we are again, circles never end
How do I find the perfect fit
There's enough for everyone
But I'm still waiting in line

Sadness, sorrow, emptiness all the emotions I feel right now boils down to one thing and that is regret.

Who doesn't long for someone to hold
Who knows how to love you without being told
Somebody tell me why I'm on my own
If there's a soulmate for everyone

If there's a soulmate for everyone

I reget the things that I've done in the past, reget all the decisions I've made, and regret because the life that I have now is not the life I want to live.

Most relationships seem so transitory
They're all good but not the permanent one

Who doesn't long for someone to hold
Who knows how to love you without being told
Somebody tell me why I'm on my own
If there's a soulmate for everyone

Akala ko nothing will change, ngunit habang tumatagal parang hindi na kita nakilala. Araw-araw tayong magkasama ngunit parang estranghero ang na paningin ko parati sa aking sarili.

Who doesn't long for someone to hold
Who knows how to love you without being told
Somebody tell me why I'm on my own
If there's a soulmate for everyone
If there's a soulmate for everyone

Nagulat nalang ako nang nakarinig akong may sumigaw "Pare matagal ka pa ba diyan?" may lalaki na pala sa aking harapan

"Nathan!" rinig kong may sumigaw kaya napalingon kami kung saan nagmula ang boses, si Luke pala kaya dali-dali kong itong tinawagan.

"Hey nasaan ka? Kakarating ko lang at wala ka sa bahay" sabi nito

"I was craving for some ice cream kaya bumili ako" paliwanag ko

"Sana sinabi mo na lang sa akin para bumili na lang ako kanina pauwi. Alam mo namang hindi ko gusto na lumalabas ka" sabi nito

"Kaya ko ang sarili ko Luke at isa pa pauwi na rin ako. Sa bahay na lang tayo magkita" sabi ko dito

"Sige" sabi nito at pinatay ko na ang tawag

Hindi ko maiwasang mailang dahil kanina pa nakatingin sa akin ang lalaking nasa harap ko.

"Is there something you need?" mataray kong tanong dito

"Ang boses mo..." sabi nito

"Whatever" sabi ko at naglakad palayo sa lalaki

"Im Jessie by the way!" sigaw nito

Pagdating ko sa bahay ay nagulat ako dahil bigla akong sinampal ni Luke "Saan ka pumunta?" tanong nito sa akin

"I told you, I bought ice cream" paliwanag ko

"Bakit parang may kutob ako na nagsisinungaling ka" sabi nito

Tumawa ako nang malakas "Gusto mong malaman ang totoo? Gusto ko nang sumuko Luke, pagod na pagod na ako. I need time for myself"

"What you mean? Hindi kita maiintindihan Nathan" sabi nito

Umiyak ako nang umiyak at doon ko nakitang nagulat ito "Kung ano man ang kasalanan ko, Im sorry" sabi nito at hinawakan ang aking mukha

"No! No! No!" malakas kong sigaw sa kanya at napadaluhod ako

Lumuhod rin ito at niyakap ako "Im sorry, Im sorry, Im sorry" maluha-luha nitong sabi

Tinulak ko ito at tumayo ako, mukhang nagulat ito sa aking ginawa "Nathan" sabi nito

"Nagulat ka ba? Actually everything is all an act Luke. Nakalimutan mo na ba na nag-aral ako sa Cedrick Porlas-Natividad Sports and Performing Arts School" sabi ko dito

"Diba music ang major mo?" tanong nito sa akin

"I lied" maluha-luha kong sabi ko

Huminga ako ng malalalim at pinunasan ang aking luha "Its actually acting" sabi ko at ngumiti sa kanya

"Matagal mo na ba akong niloloko?" tanong nito

"Tandaan mo Luke, sa tagal nating nagsama ay hindi kita niloloko pero ang sarili ko lang ang aking niloloko" paliwanag ko

"Leave" sabi nito sa akin

"I will, Im very tired of loving you. Next time be loyal" sabi ko dito at dahan-dahang umalis na ang tanging dala ay ang aking wallet, iniwan ko na doon ang aking cellphone dahil kay Luke naman iyon

Nasa harapan ako ngayon nang isnag malaking gate, wala akong ibang mapuntahan kundi ang paaralan.

Papasok na sana ako sa gate nang pigilan ako nang isang guard "Teka lang Sir, hindi po kami nagpapapasok nang outsiders at walang appointment sa paaralan" sabi nito

"Lito papasokin mo lang siya, he is a guest" rinig kong may nagsalita

"Kayo po pala Ma'am" sabi nang guard

"Mabuti naman at bumisita ka" sabi ni Miss Gretel at niyakap ako

"I need a favor" sabi ko at niyakap ito

"I thought you'll never ask" sabi nito

"Thank you" sabi ko

"Lets continue this talk sa office" sabi nito sa akin at pumunta kami sa kanyang office

"What do you need?" tanong nito sa akin nang makapasok na kami sa kanyang office

"I need a place to stay" sabi ko dito

"What happend?" tanong nito

"Im not in the mood to talk about it" sabi ko dito

"I will give you a place to stay, In exchange for your time" sabi nito

"Time? What do you mean?" tanong ko dito

"Oras Nathan, Kailangan ko ang oras mo. I want you to teach here" alok nito sa akin

"Tatangapin ko ang iyong alok" sabi ko dito

"Mabuti kung ganoon, at may isa pa pala akong request. Tumawag sa akin si Joren, kailangan niya nang talent dahil nagback-out ang kanyang manok" sabi nito

"I can handle that" sabi ko dito

"Maraming salamat at ito pala ang susi sa bahay" sabi nito sabay abot ng susi

"Maraming salamat talaga Ma'am" sabi ko dito at niyakap ito

"Alam mo namang parang anak na ang turinng ko sa iyo kaya wag kang mag-alala" sabi nito at niyakap ako

"Gagawin ko ang lahat upang ang mag-aaral sa paaralang ito ay maging pulido sa kanilang sining katulad sa pagturo mo sa akin" sabi ko dito

"Im looking forward working with you. Ito pala ang address ng bahay, you can go there now if you want" sabi nito

"Thank you" sabi ko at umalis sa kanyang harapan

Dumaan muna ako sa pinakamalapit na mall at pumunta sa kanilang grocery store.

Bumili ako nang mga needed ko sa bahay pati na rin pagkain "Excuse me" rinig kong may tumawag sa akin

Paglingon ko ay may nakita akong pamilyar na mukha "Luis?" tanong ko

"Nathan? Ikaw pala iyan, kamusta ka na?" tanong nito sa akin

"Process of Moving On, ikaw?" tanong ko

"Sinabi mo pa, Moving On din" sagot nito at napatawa kaming dalawa

"Mga gag*" sabi ko

"By the way itong address na sa papel, didto ka ba titira?" tanong nito sabay pakita sa papel

"Yeah, why?" tanong ko

"Gusto mong ihatid na kita? Malapit lang diyan ang bahay ko" sabi nito

"Thank you" sabi ko

Sinamahan ako ni Luis hanggang matapos ako at binaybay na namin ang daan.

"Matanong kita Luis, did you really pursue your dream?" tanong ko dito

"Being a great and well knowm dancer is not my dream. Dancing is my passion, it is a part of my daily routine until I met someone. Someone who I am willing to forget dancing and start thinking of our future and our life together" mahaba nitong paliwanag

Hindi ako makapaniwala minsan sa mga lumalabas sa bibig nitong si Luis. Kilala kasi ito noong chickboy, pwede sa chicks at pwede din sa boys.

"Thats really nice, thinking about your future. Hindi ako makaniwalang may ganoong side ka pala Luis" sabi ko

"Maaari namang magbago ang isang tao, hindi na ako katulad noon" sagot nito

"Which is really funny, I never thought a selfish b*tch like you could change" sabat ko na siyang nagpatawa sa amin

"As we mature, not only our priorities change, our needs and wants also change. Naiintindihan mo naman siguro ang tinutukoy ko" paliwanag nito

"I do, by the way ano na pala ang trabaho mo ngayon?" tanong ko

"Well, I'm going to be a teacher at CPN' sabi nito sa akin na siyang ikinatuwa ko

"Really? Well see each other then" sabi ko

"Talaga, mabuti kung ganoon ay may pamilyar akong mukhang makikita sa CPN" sabi nito sa akin

"I'll be seeing more of you then, masaya rin ako dahil may pamilyar akonng mukhang makakasama" sabi ko dito

"Mabuti pa't umuwi na tayo upang makapagpahinga ka" sabi nito at kinuha ang mga pinamili ko

"Ako na Luis" pagpigil ko sa kanya

"Sus para lang others, magkaibigan naman tayo" sabi nito sa akin at tinahak ang daan papunta sa kanyang sasakyan

Habang binabaybay namin ang daan pauwi ay pinag-usapan namin ang personal na mga bagay.

"Pwede ko bang matanong kung sino ang dahilan kung bakit ka nasasaktan ngayon?" I asked him

"Sure kung sasabihin mo sa akin kung sino ang dahilan kung bakit ka bigo" balik nitong tanong sa akin

"Wag kang magulat kung sabihin ko sayo kung sino" sabi ko dito

"I'm guessing sikat itong karelasyon mo" hula nito

"3 years na rin kaming magkasama ni Luke pero I think it's not going to work out" paglahad ko dito

"Luke? As in Luke Dizon yung sikat na artista?" di makapaniwalang tanong nito sa akin

"Yeah, I did everything in our relationship. I even stopped my career para sa kanya at tinulungan siya upang marating ang kanyang tinatamasang kasikatan ngayon" malungkot kong sabi dito

"Ramdam ko rin iyan, tinigil ko ang pagsasayaw dahil hindi ko nakitang magiging successful ako at mahirap kumita. Naging teacher ako upang matustusan ang aming pangangailangan, nakapundar na ako nang bahay para sa amin pero gag* may iba pala" pagsalaysay nito sa akin

"Hindi talaga ako nakapaniwalang ganyan ka pala mag-isip, may mga plano ka talaga sa buhay mo" bilib kong sabi

"Sabi ko kasi sa sarili ko na, He's the one. Eric Dave Carballo nga pala ang kanyang pangalan and we've been together for 4 years" malungkot nitong sabi

"Ang lungkot pala nang mga kwentong lovelife natin, punta ka mamaya sa bahay at mag-inuman tayo" pag-aya ko dito

"Sige, asahan mong pupunta talaga ako" sabi nito

Dumating na kami sa harap nang isang magandang bahay "Ito pala ang bahay ko, kung may kailangan ka punta ka lang dito" sabi nito sa akin

"Sure, anong house number mo?" tanong ko dito

"Block 13 Lot 5" sagot nito na siyang ikinatuwa ko dahil Block 13 Lot 6 ako

"So kapitbahay pala tayo? Sigurado akong magiging masaya to" sabi ko dito

"Mabuti pa't puntahan mo muna ang bago mong bahay at susunod ako" sabi nito sa akin at pumunta sa bahay na binigay sa akin ni Ma'am

Tinignan ko ito mula sa labas, masasabi kong kuhang-kuha nito ang aking taste pagdating sa design at kulay nang bahay, pumasok na ako at doon ako mas namangha. Fully furnished na pala ito, bawat detalye at desinyo nang bahay ay parang hinanda talaga para sa akin.

Nilibot ko muna ang buong sulok nang bahay at sa isang bakanteng kwarto ay may nakita akong isang bagay na may balot at may sulat kaya dali-dali ko itong binasa.

Title: Change

Mr. Javier, We saw great things ahead for you. Wala na siguro ako ngayon sa mundong ito pero nandiyan kami parati sa iyong likod upang supportahan at tulongan ka. Ang pagbabago ay nagsisimula sa iyo.

Make it right this time.

Binuksan ko kaagad ang regalong nagmula kay Sir Ced. As expected, always sensational. I can't express myself. Doon ko lang namalayan na may luha na palang umaagos sa aking mga mata.

"Ano ba ang ginawa ko sa buhay ko? Miss ko na ang aking pamilya. Parati na lang ba akong mabuhuhay sa takot?" sabi ko sa aking isipan

Pumunta ako sa banyo upang maghilamos ng aking mukha. Habang ginawa ko iyon ay nangyari na naman ang hindi ko inaasahan, bigla na lang himinto ang pagdalos nang tubig.

Ang pangyayaring ito ay hindi na bago sa akin, nitong nakaraang mga taon ko lang ito natuklasan na siyang ikinatakot ko.

Abnormal ba ako? Ito ang dahilan kung bakit takot akong bumalik sa aking pamilya dahil parati kong naramdamang may nagmamasid sa akin.

Naging mas mapagmatyag ako, nililimitahan ko rin ang paglabas noon sa bahay dahil sa takot. Sa ngayon hindi ko pa kilala kung sino ang aking makapagtitiwalaan at kakampi.

Bigla na lang dumaloy ang tubig nang nag-ring ang door bell. "Nathan! Nandito na ako" rinig kong sigaw ni Luis

"Sandali lang, pababa na" sigaw kong sagot

Pero sa ngayon sasabay lang ako sa agos ng panahon at titignan kung saan ako nito dadalhin.

Author's Note:

Happy 1k read guys! Maraming salamat sa patuloy na pagbasa nang kwentong ito.

Kasalukuyan kong ginagawa ang revision nang kwentong ito at isang panibagong kwento.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro