4th Special Memory
Joren's POV
Nandito ako sa bahay mag-isa habang umiinom.
Bakit ba ang hirap-hirap nitong kalimutan?
Bakit ba hindi parin ako maka move on?
Bakit kahit sa loob nang pitong taon ay ito parin ang laman ng puso at isip ko?
Nagulat ako nang bilang nagring ang cellphone ko si Anthony pala
"What do you want?" sabi ko sa kabilang linya
"Punta ka dito sa resort, magpapakain ako. Naalala na niya ako pare" sabi ni Anthony. Ito kasi ang pinakamahabang panahon na inatake si Calvin sa kanyang sakit, minsan 3 or a week ang usual na makalimutan ni Calvin ang lahat pero this time 3 months
"Mabuti naman kung ganoon, titignan ko lang kung makapunta ako" sabi ko
"I want you to be here Pare, sabihin na nating ito na siguro ang closure na hinahanap mo" sabi nito
"Kailan ba yan?" tanong ko
"Bukas makalawa na" sabi nito sa akin
"Sige I'll be there" sabi ko
"Maraming salamat Pare" sabi nito at pinatay ang tawag
Nawala ang gana kong uminom dahil sa binalita ni Anthony sa akin.
Mabait naman akong tao ngayon, nagsisi na ako sa mga kalokohan ko noon pero bakit parang walang magandang nangyari sa buhay ko simula noong nawala siya.
Hindi ko na namalayan na nakatulog pala ako sa may sala, nagulat na lang ako na may tumalon sa aking tiyan.
"Tito Papa!" sigaw nito habang tumatalon sa aking tiyan
"Khael wag mong gisingin ang Tito Papa mo, he's tired" rinig kong sabi ni Ate
Niyakap ko ang batang naka upo sa akin tiyan "Tulog muna tayo baby" sabi ko sabay halik sa kanyang pisngi
"Mommy help! Ang baho ni Tito Papa" sigaw nito
"Uminon ka na naman?" galit na tanong ni Ate sa akin
"Bakit nga pala kayo nandito?" tanong ko dito
"Dont answer my question with another question" sabi nito at kinurot ang aking tagiliran
Bigla akong napa-upo at hinawakan ang parte na kanyang kinurot
"Aray" sigaw ko
"Nandito kami to eat breakfast together" sabi nito at bumalik sa kusina
"Tell your Mommy na maliligo muna si Tito dahil may work pa siya" sabi ko sa bata at dali-dalimg umakyat papuntang banyo upang maligo
Bago ako naligo ay tinignan ko muna ang picture ng babaeng minahal ko "Good morning Love, sorry uminom ako kagabi" sabi ko sabay halik dito
Pagkatapos kong maligo ay bumaba na ako at doon ko nakita si Ate at si Khael sa mesa kumakain.
Umupo ako at sinamahan silang kumain
"Gusto kong lumipat" sabi ko kay Ate
"What? Why?" napasigaw ito dahil sa gulat
"Im trying to move on" sabi ko at napatawa ito
"Ilang beses mo nang sinabi iyan sa akin ngunit wala pa rin, 7 years na Joren. Im tired of seeing you so helpless and weak" sabi nito
"Kaya nga. I'll start everything new, new house, new furnitures, new clothes and I'll have my office changed as well" sabi ko dito
"Bahala ka" sabi nito at pinatuloy ang pagkain
"Tito Papa, iwan mo na ako?" inosenteng tanong ni Khael sa akin
"No baby, love na love ka ni Tito always remember that" sabi ko at hinalikan ito sa pisngi
Matapos akong kumain ay pumunta na ako sa trabaho habang nasa byahe ako ay tinawagan ko si Max ang aking secretary
"Good morning Sir" bati nito sa akin
"Bukaw makalawa dapat open ang schedule ko and it will last for a week, I have something important to do" sabi ko dito
"We have important meetings during those days Sir, I cant resched" sabi nito sa akin
"You better do something about it" sabi ko at pinatay ang tawag
Ilang minuto ang lumipas ay dumating na ako sa office. Tinawag ko si Max at pinapasok to check my schedule for today.
"Sir may meeting po kayo mamaya with Mr. Ramirez at 1PM and with Ms. Escala at 3PM" sabi nang aking secretary sa akin
"Thanks and by the way did you leave my schedule open starting tomorrow?" tanong ko
"Yes for a week and everything has been arranged Sir" sagot nito
"And please contact Ellen's flower shop and have them prepare a boquet of red tulips" sabi ko dito
"Will do Sir, is there anything else?" tanong nito
"You may go, Thanks" sabi ko dito at tuloyang naglaho sa aking paningin
I looked at my clock and its still 10am I still have 3 hours. Kinuha ko ang aking cellphone at doon ko nasilayan ang mukha nang taong nagpapatibok ng aking puso.
"Hi Love! Lagi mo sanang tatandaan na mahal na mahal kita. Wag kang malungkot, heto kiss kita para hindi ka na malungkot mwuah mwuah mwuah" sabi nito at doon ako napaluha
"I miss you" yan ang sabi ko habang humihikbi
"I miss you" sagot rin nito
7 years and counting siya pa rin ang laman ng aking puso at isipan, hindi ko nga rin alam kung ano ang meron sa kanya kung bakit ako na inlove.
Maybe it was her charming sense of humor.
Maybe it was her determination and passion.
Maybe it was her beauty and appeal.
Maybe it was her imperfections.
Maybe it was her, just her.
"Hi Love! Lagi mo sanang tatandaan na mahal na mahal kita. Wag kang malungkot, heto kiss kita para hindi ka na malungkot mwuah mwuah mwuah. I miss you" nag play ulit ang video
Ito na lang ang tanging ala-ala ko sa kanya, ito ang pinakamahalagang bagay para sa akin.
Buong buhay ko ay hinanap ko ito kahit na may trabaho na ako ay nag hire ako nang mga private investigator upang malaman kung saan ito nagpunta ngunit wala parin kaming lead.
Nag ring ang telepono ko sa office kaya sinagot ko ito "What is it Max?" naiirita kong tanong dito
"Sorry to disturb Sir pero I have Mr. Encarnation on the other line" sabi nito
"Sinong Mr. Encarnation?" tanong ko dahil kapag si Anthony naman ito ay hindi ko lang ito papansinin
"Calvin daw po" pagkasabi nito ay tumaas ang balhibo ko sa batok
He can remember now.
"Sige transfer the call" sabi ko
"Hello" sabi sa kabilang linya, si Calvin nga ito
"Mabuti naman at naalala mo na ako" sabi ko at tumawa
"Im worried about you, alam kong tinawagan ka na ni Anthony upang imbitahan dito sa resort. Wag mong pilitin ang sarili mo kung hindi mo kaya" sabi nito
"Wag mo akong intindihin Cal, siguro ito na ang panahon upang bumalik ako diyan kung saan nagsimula at natapos ang lahat" sabi ko
"How long will you be staying?" tanong nito
"1 week kaya reserve mo na ako nang room" sabi ko
"Already done, any other request?" tanong nito
Nagdalawang isip pa ako bago binigkas ang mga katagang "Ang secret spot? Wala pa rin bang nakaka-alam sa pwestong iyon?"
"We kept it well hidden but it has been 7 years Jo, a lot has changed" sagot nito sa akin
"Prepare niyo na ang room ko dahil baka mamayang gabi ang dating ko" sabi ko sa kanya
"Sige, see you later" sabi nito at pinatay ang tawag
"Max!" sigaw ko mula sa office
"Have you already called Ellen?" tanong ko
"Wala pa po Sir" sabi nito
"Call her and tell her I want the flowers to be ready today, I'll pick it up around 3pm. Ask her as well if she knows somebody who has a house and lot for sale" sabi ko dito
"Yes Sir" sabi nito
"And Max, Call Mr. Ramirez and tell him by 11am he should be here at ako na ang bahala kay Ms. Escala" sabi ko sa kanya
"Will do Sir, I'll call Ms. Jimenez right away and have Mr. Ramirez here by 11am" sabi nito
"Good you may now leave" sabi ko
Tinawagan ko na si Ms. Escala, isa ito sa mga talent manager namin sa kompanya
"Magandang umaga Sir" bati nito sa akin
"Remind me again bakit may meeting tayo" sabi ko dito
"Its about one of our talents for the upcoming TV program, nagback-out" sabi nito
"And may I know the reason why?" tanong ko
"He did not like the role that was given to him" sabi nito
"Sino ba ang talent na iyan?" galit kong tanong sa kanya
"Si Mr. Luke Dizon po" sabi nito
"Tell him, hindi porket sikat na siya ay pihikan na siya sa trabaho. Sa ngayon hayaan mo na lang siya, ako ang bahala sa kanya pagbalik ko. Tandaan mo Ms. Escala hindi ito nakabubuti sa imahe nang companya natin, sabihin mo na magpapadala tayo nang bagong talent" sabi ko
"Pero sir theh want Luke to do the role" sagot nito sa akin
"Mr. Dizon is really giving me a headache. Tell them we will provide a new talent from Cedrick Porlas-Natividad Sports and Performing Arts School" sabi ko at natahimik na ito, alam rin naman nila na ang mga mag-aaral doon ay bihasa sa kanilang talento, I should know dahil doon ako nag-aral.
"May iba pa ba tayong pag-uusapan Ms. Escala?" tanong ko
"Wala na po Sir" sabi nito at pinatay ko na ang tawag
Nagring naman ulit ang telepono kaya sinagot ko na ito "This better be good" sabi ko
"Mr. Ramirez is all set for 11am and I have Ms. Jimenez on the other line" sabi nito
"Send her through at tawag mo na rin ang Performing Arts School and ask for Ms. Gretel Orasis, tell her I need assistance" sabi ko
"Yes Sir" sabi nito
"Good morning Ms. Jimenez" bati ko dito
"House and lot Joren? yan ang pinapahanap mo sa akin? Im not a real estate agent" sigaw nito
"Ang gusto ko ay sa isang pribadong subdibisyon. Wag ako Ellen kilala kita at marami kang koneksyon" sabi ko
"Meron akong kaibigan, her name is Heidi. She is a real estate agent" sabi nito
"Kilala mo ba ito?" tanong ko, naninigurado lang
"Safe yan, kilala ni Luis iyan" sagot nito
"Sige, forward mo sa akin ang number niya. Thanks" sabi ko at pinatay na ang tawag
Nagring ulit ang telepono kaya sinagot ko ito "Sir nandito na po si Mr. Ramirez at nasa kabilang linya si Ms. Orasis mula sa Perfoming Arts School" sabi nito
"Sabihin mo kay Mr. Ramirez, I'll be with him shortly and transfer Ms. Orasis" sabi ko
"Okey Sir" sabi nito
"Good morning Ma'am, Si Joren po ito" bati ko
"What is it that you want Mr. Javier?" tanong nito
"I have a problem, Luke Dizon dropped out on an acting gig and I dont want that to ruin my company's image" sabi ko dito
"So you are calling to ask a replacement for Mr. Dizon?" tanong nito
"Yes, please help me" pagmamakaawa ko
"Ofcourse I will, you are all family to the school. Just forward me the phone number of the Talent Manager" sabi nito
"Thank you" sabi ko
"Anytime" sabi nito at pinatay ang tawag
Tinawagan ko ang numero ni Max sa labas at sinagot niya ang tawag "Tawagan mo si Ms. Escala at sabihin mo sa kanya na tatawagan siya ni Ms. Orasis ang Head ng paaralan" sabi ko
"Yes sir" sabi nito
"After kay Mr. Ramirez, clear na ba ang schedule ko?" tanong ko
"Yes sir" sagot nito
"Good after Mr. Ramirez dont entertain any appointment for today and in case a problem will happen while Im gone call me" sabi ko
"Yes sir" sagot nito
"Let Mr. Ramirez in" sabi ko at pinatay ang tawag
Maya-maya ay may kumatok sa pintuan at niluwa nito ang isang lalaki na sa kanyang 30's. Ito ang kinuha kong private investigator.
"Good news?" tanong ko at hindi ito sumagot
"Still no lead Sir" sabi nito
"Leave" yan lang ang sinabi ko at umalis na ito sa aking harapan
"Max!!" sigaw ko ulit
"Yes sir?" natatarantang tanong nito
"Call all the private investigators that I hired and tell them it's over" sabi ko at umalis na sa office at dumiretso sa bahay
Pagdating ko ay may nakita akong mga lalaki sa labas nang aking gate, lumabas ako sa aking sasakyan
"Anong kailangan niyo?" tanong ko
"Pinabibigay po Sir para sa inyo, kayo diba si Mr. Joren Fritz Javier" sabi nito, nakapagtataka kung bakit ako kilala nang mga ito
"Mula kanino yan at anong laman?" tanong ko
"Mula kay Atty. Montalban Sir" sabi nito
"Sige ipasok niyo na iyan" sabi ko at binuksana ang gate pati ang pintuan
"Salamat" sabi ko
Dahan-dahan kong binuksan ang kahon at laman nito ay isang painting, sigurado ako nagmula ito kay Sir Ced.
Dinampot ko ang nahulog na papel at binasa
Title: Positivity
Dont let one negative thing that happend to affect your life. Think of the little things that make you happy. You are a strong and kind man Joren, I salute you for that. Be the change. Go and be free.
Hindi ko akalaing gagawin nila ito. Sabi nga ni Ma'am Gretel na binabantay nila kami ay hindi ko akalaing hahantong sa ganito. Nakakataba sa puso ang kanilang ginawa sa aking, ramdam na ramdam ko ang pagmamahal nila para sa akin.
Doon ko nakita sa painting ay ang sarili ko na tumutugtog ng piano, kitang-kita ko ang kasiyahan ko habang tumutugtog kaya napangiti ako.
Siguro tama nga, tama na ang pitong taong pagdudusa at pangungulila sa kanya. Panahon na para alagaan at mahalin ang aking sarili. Alam kong mahirap itong gawin pero alam kong kakayanin ko, maraming naniniwala at nagmamahal sa akin.
Dinelte ang video niya sa cellphone ko dahil sa ginawa kong iyon ay nakardam ako nang ginhawa at pag-asang makakalimutan ko rin siya.
"Paalam na Tanya" yan ang lumabas sa mga labi kong nakangiti
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro