3rd Special Memory
Calvin's POV
I miss the feeling of being truly happy, eventhough stressed I still have a smile plastered all over my face till I go to bed.
But that was before,
I used to have a reason to smile.
I used to have a reason to live life to the fullest.
I used to have a reason to wake up every moring.
I used to have someone who I cherished the most.
I used to have someone who I would go home to.
I used to have someone who loved me for who I really am.
Sino ba naman ang niloloko ko? Siguro sa simula lang yung masaya at sa mga pagsubok na inyong tatahakin ay sigurado akong may isa talagang susuko sa huli.
Sa ating dalawa, Ikaw ang unang sumuko pero kahit na ikaw yung sumuko bakit ako itong labis na naaapektohan?
Hindi ba ako itong gumagawa ng paraan para maging okey lang tayo?
Ako ang parating nagpapakumbaba sa away na hindi ko sinimulan.
Ako ang parating humihingi ng patawad kahit hindi ko kasalanan.
Ako ang parating luhaan sa mga salitang binitawan mo.
Pero kahit ganoon ay ako pa rin ang parating nasasaktan bakit sa kabila ng mga ginawa ko ay wala pa rin?
I am currently overlooking the sea, malapit na ako sa edge ng isang Cliff dito sa resort kung saan ako nagbabakasyon para makalimot
"Hoy bakla! Anong ginagawa mo jan?" sigaw sa akin ni Anthony
Hindi rin ako sure kung saan ko ito nakilala, isang araw tinatawag na lang ako nitong bakla hanggang hindi na ito tumigil
"Magpapakamatay ako!" sagot ko sa kanya
"Baliw! Wag kang magpakamatay dito sa resort namin, doon ka sa kabilang resort. Ako pa magbabayad sa stay mo doon" sabat nito sa akin na ikinagulat ko
Tumayo ako sa aking pwesto at lumapit sa kanya "Wag kang mag-alala aalis talaga ako at tungkol naman sa stay ko doon kayang-kaya kong bayaran iyon" yan lang ang sinabi ko sa kanya at umalis papuntang front office
"Good Afternoon Sir" bati ng front desk sa akin
Ngumiti ako sa kanya "I'd like to vacate the room 602 and check out and I would like to have all of my baggage here in 30-45 minutes. I can be found at the Bar, if you need me" sabi ko at binigay sa kanya ang aking susi
While I was in the bar, I saw a couple who looked really happy. I was thinking to myself siguro ganito rin ako kasaya if he was still here.
Hindi ko ma malayan that they I was staring at them already, nagulat na lang ako ng ngumiti ito sa akin at kinawayan ako para lumapit dito
Wala akong nagawa kundi lumapit sa kanila "Im so sorry, I cant help but stare. Its so refreshing to see na dalawang lalaki having a date" sabi ko sa kanila
"Malapit na actually ang 25th Wedding Anniversary namin, we are planning to celebrate it here sa resort na ito, dito kasi nagsimula ang lahat" sabi ng isa akin
"By the way, Im Vince and this is Calix" pakilala nila sa akin
"Im Calvin and congratulations sa nalalapit ninyong anniversary" bati ko sa kanila
"Would you like to join us?" tanong nila sa akin
"Wag na po, enjoy niyo na lang ang moment niyo. Iinom lang po ako saglit then aalis na" paliwanag ko sa kanila
"Sige, you take care of yourself" sabi nito sa akin at doon na ako umalis papunta sa bar
Patuloy pa rin ang pag-inom ko ng biglang sumulpot ang lalaking nagpainit ng dugo ko
"Hoy bakla! Bat ka nag check out?" tanong nito
"Lilipat ako sa kabilang resort remember? Ikaw nagsabi non" sabi ko sa kanya
"Did you really think I was serious?" tanong nito sa akin
"Sa palagay mo ba nagbibiro ako? Seryoso ako Anthony" sigaw ko sa kanya at mukhang natigilan ito sa akin sinabi
"Kilala mo ako?" tanong nito sa akin at doon ko nakita ang labis na tuwa sa kanyang mukha
Sasabat pa sana ako kaso biglang sumulpot ang babae sa front desk "Sir may dumating package para sa iyo" sabi nito sa akin
"Package? Mamaya na iyan, are all my things good to go?" tanong ko
Hindi sumagot ang babae at tinignan lang ang lalaki na nasa harap ko
"You are not going!" madiin na utos nito sa akin
Tinignan ko lang ito and I noticed na may wedding ring itong suot "Excuse me hindi kita ka ano-ano kaya wag na wag mo akong pigilan, at may asawa kang tao Mr. Encarnation mabuti pa doon mo ituon ang atensyon mo" mukhang natigilan ito sa aking pagsigaw at biglang nawala ang tuwa sa kanyang mukha
Doon ko na notice na biglang nagbago ang ambiance ng kwarto, doon ko napagtanto na nakatingin pala ang lahat sa amin at mukhang alalang-alala sila kay Anthony
"If you'll excuse me" sabi ko at aktong aalis ngunit pinigilan ako ni Mokong
"Walang aalis" sigaw nito at doon talaga napatingin ang lahat sa amin kahit ako nagulat sa kanyang pagsigaw
"Make me" madiin kong sabi sa kanya at doon ko lang nakita ang mga luha g tumutulo mula sa kanyang mata
"Please Cal, wag mo akong iwan" sabi nito at niyakap ako
"Get off, lumayo ka nga sa akin. Pumunta ako dito upang magrelax at unwind, hindi ako pumunta dito upang guluhin mo" sigaw ko sabay tulak sa kanya na siyang ikinatumba nito sa sahig
Nagulat ako sa aking pagtulak sa kanya, hindi ko iyon sinasadya "Sorry" sabi ko at akmang tutulong sana sa kanyag pagtayo ngunit tinakwil nito ang aking kamay at tumayong mag-isa
"Kung iyan ang gusto mo ay lalayo ako sayo basta huwag ka lang aalis dito " sabi nito at umalis sa akin harapan
Hindi ko alam kung ano ang nangyari, nilibot ko aking paningin at doon ko nakita halos maluha-luha ang mga taong nandito
Tinignan ko ang babeng nasa front desk kanina at kahit ito mukhang gulat sa mga nangyari
"Nasaan na ang padala?" tanong ko
"Nasa room mo sir" sagot nito
"Akin na ang susi at dalhan mo ako ng alak sa room ko" sabi ko
"Masusunod sir" sabi nito sabay bigay sa akin ng susi
"At pakibilisan ang alak, Okey?" Sabi ko bumalik na sa room ko
Pagpasok ko doon ko nakita ang isang malaking package at doon ko ito binuksan ng dahan-dahan.
Isang malaking frame na naka balot sa tela yan ang laman ng package, tatangalin ko na sana ang balot kaso biglang may kumatok sa lintuan
"Room Service" rinig ko
Pagbukas ko sa pintuan ay nagulat ako sa aking nakita "Prince?" sabi ko
"Ito na po ang order ninyong alak sir" sabi nito
"Hindi mo ba ako kauusapin?" tanong ko
"Iwan ko na lang po ito sa table ninyo sir" sabi nito at pumasok sa kwarto upang ilagay ang alak
"Bakit mo ba ako iniwan Prince dahil ba may pakakasalan ka na? Di ba ako naman ang mahal mo?" tanong ko at hinawakan ito
"Tignan mo ang kamay ko Cal!" sigaw nito at pinakita ito sa akin
"Wala akong wedding ring, ibig sabihin wala pa akong asawa o kinakasama. Alam mo kung bakit? Dahil mahal parin kita" sigaw nito sa akin
"Mahal rin naman kita eh" sabi ko
"Parang musika sa aking ang mga salitang iya dahil nagmula sa iyong mga labi ngunit tignan mo ang iyong kamay Cal" sabi nito habang umiiling
Dahan-dahan akong napayuko, doon ko nakita sa aking mga daliri isang wedding ring.
"10 years na tayong naghiwalay Cal ngunit mahal pa rin kita kahit pamilyado ka na" sabi nito
"No! No! No! No! No! Hindi ito maaari, youre lying!!" sigaw ko
"Ito ang katotohanan Cal pero....." sabi nito at sinara ang pintuan sabay harap sa akin
"We can both live in the past" dagdag nito at tinulak ako papunta sa kama
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ngayon dahan-dahan nitong ang butones ng aking damit at hinalikan aking leeg
"Prince please" sabi ko habang umiyak
"Please what?" tanong nito habang bumababa ang kanyang halik
Hindi ako nakasagot dahil may kumatok sa pintuan "Room Sevice, sir pasensya na po kung natagalan ang alak ninyo" rinig ko na siyang pinagtataka ko akala ko si Prince ay room attendant dito
Patuloy pa rin ang paghalik sa akin ni Prince hindi ito tumigil kahit may tao sa labas
"Please stop" naiiyak kong sabi at doon lang siya napahinto
"Sir? Okey lang po ba kayo diyan? Papasok po ako" sabi ng boses sa labas at bumukas ang pintuan
Pagbukas ng pintuan ay nakita kami ng lalaki sa ganoong posisyon
"Trey, this is not what you think this is" sabi ni Prince sabay alis sa harap ko at lumapit sa lalaki
Nagulat ako sa mga sumunod na nangyari sinutok ng lalaki si Prince "Tang*na mong matanda ka" sigaw nito
"Let me explain" sabi ni Prince
"Wag ako Tanda! Wag ako" sabi ng lalaki
Habang nakahiga pa rin ako ay tumingin ako sa aking kamay na may singsing at napa-iyak
"Hoy! Tignan mo ang ginawa mo" sabi ng lalaki sabay turo sa direksyon ko
Pinunasan ko ang luha ko at tumayo "10 years na ba talaga ang lumipas?" tanong ko
"Oo at hindi ka ba nagtataka na ako lang ang natatandaan mo?" sabi sagot ni Prince
"Bago ko pa makalimutan, may letra pa lang dala ang package na iyan kaso nakalimutang ibigay ni Anna sa iyo" sabi ng lalaki
"Salamat" sabi ko sabay kuha sa letra
A gift from Cedrick Porlas-Natividad, yan lang ang naka lagay sa letra
Dali-dali kong binnuksan ang lerta at doon may nakita akong mensahe
Title: Remember Me
Nakakalungot ang pinagdadaan mo ngayon, sana sa simpleng regalo kong ito ay may tandaan mo kung sino ka talaga at ang rason kung bakit ka lumalaban.
Ang padalang ito siguro ang sagot sa mga mawawala kong alaala
Dahan-dahan kong tinangal ang telang nakabalot sa frame at doon ako nagulat sa aking nakita
"Iyan ang iyong asawa" sabi ni Prince sa akin
"Hindi! Hindi! Hindi!" sigaw ko sabay hawak sa ulo ko na sumasakit
"I'm sorry to say this sir but you have Alzheimer's Disease" sabi ng Dr.
"Wala po bang lunas Doc?" tanong ng aking asawa
"Sad to say wala pang lunas sa ganyang sakit at ang nakakalungkot isipin at such a young age, sino ba naman ang magaakala" paliwanag ng Dr.
"Mamatay po ba ako Doc?" yan ang tanong ko, alam kong nakakatakot nalaman ang sagot ngunit I want to know the odds and chances of me living
"Nope hindi ka mamatay ngunit ito lang ang masasabi ko sayo inyong mag-asawa magiging mahirap ito para inyo" sagot nito
Yan ang una kong naalala
I'm sorry to say this sir but you have Alzheimer's Disease
I'm sorry to say this sir but you have Alzheimer's Disease
I'm sorry to say this sir but you have Alzheimer's Disease
I'm sorry to say this sir but you have Alzheimer's Disease
I'm sorry to say this sir but you have Alzheimer's Disease
Paulit-ulit itong nag play sa isipan ko
"May Alzheimer's ako" sabi ko
"Oo tama ka, mayroon kang Alzheimer's" paliwanag ni Prince
Dahan-dahan akong lumapit sa kanya "kahit na may Alzheimers's ako....." sabi ako hinaplos ang mukha nito
Hinaplos rin nito ang aking mukha kahit ang si Trey ay nagulat sa kanyang nakita
"Hindi mo ako dapat pinagsamantalahan" sabi ko at sinampal ito na siyan kinatawa ni Trey
"Buti nga sayong matanda ka" sabi nito
"Nasaan na siya Trey?" seryoso kong tanong sa kapatid ng aking asawa
"Natatandaan mo na kami Kuya" masaya nitong sabi
"Oo naman, miss na miss ko kayo" sabi ko at niyakap ito
"Miss na rin kita Kuya at tungkol sa hinahanap mo alam mo ikaw lang naman ang may alam kung saan ito matatagpuan" sabi nito at niyakap ako
"May plano ako pero kailangan ninyong manahinik na nakakaalala na ako" madiin kong utos at dali-dali akong tumakbo papunta sa front desk upang isagawa ang plano ko
Doon sa front desk ay nakita ko ang aking kapatid na si Anna
"Gusto kong mag chek out" madiin kong utos at mukhang nataranta ito
"Kunin niyo ang gamit ko at aalis ako ngayon!!" sigaw ko at dali-dali itong kumuha ng cellphone at may tinawagan
"Sir sandali lang po" kalmado nitong sabi
"Hoy bakla" rinig kong sigaw mula sa likuran ko
"Akala ko aalis ka? Why are you still here?" tanong ko
"Walang aalis" madiin nitong sabi sa akin
"Walang aalis? Sabihin mo sa lalaking pumasok sa kwarto ko at pinagtangkaang halayin ako" sigaw ko sa kanya, halata ang takot at pag-alala sa kanyang mga mata
"Okey ka lang ba? Nasaan ang lalaki? Ano ba ang ginawa nito sayo?" sunod-sunod na tanong nito
"Nasa kwarto ko kung gusto mo dalhin kita doon. Hindi ako makapaniwala sa siguridad ng hotel na ito Mr. Encarnation, sobrang hina" sabi ko sa kanya
"We apologize sir, please lead the way" pormal na sabi nito at tinahak namin ang daan papunta sa kwarto ko
Pagdating namin sa kwarto ko ay wala na ang dalawa dali-dali itong pumasok upang para magcheck
Napahinto lang ito ng makita nito ang painting at doon ko sinara ang pintuan
"Nasaan na ang sinabi mong nagtangkaang halayin ka?" tanong nito
"About that Mr. Encarnation, nasa harapan mo siya" sabi ko at hinarap ito sa akin
"I miss you Mahal" sabi ko niyakap ito
"Miss na miss na rin kita Mahal kahit na ipagtabuyan mo ako babalik at babalik ako sayo" sabi nito habang umiiyak sa aking bisig
"Sorry kung nakalimutan kita ha, hinding-hindi ako makapaniwala na kaya kitang limutin" sabi ko habang umiiyak
"Ang importante ay naalala mo na ako, kanino ba ito galing ang painting?" sabi nito habang umiiyak
Binigay ko sa kanya ang letrang kasama sa painting.
"Kahit kailan talaga" sabi nito kahit umiiyak
"Kakilala mo na kung sino ang nagpadala nito?" tanong ko
"It was sent by an angel to bring you back to me" sabi nito sa akin
"Hindi pa rin ako makapaniwala mahal, how long?" tanong ko
"How long?" balik nitong tanong sa akinn
"How long did I forget you?" tanong ko sa kanya
"Hindi mo na kailangang alamin iyan Cal" sabi nito halata sa kanyang mukha ang lungkot
"I deserve to know the truth" sigaw ko
"3 months. Alam mo ba ang hirap at sakit na pinagdaanan ko? Ang lapit-lapit mo sa akin ngunit hindi kita ma abot" sabi nito habang umiiyak sa akin bisig
"Tahan na. Nandito na ako, wala kang dapat ipag-alala" sabi ko at hinalikan ito
"Natatakot ako, baka bukas makalawa ay kalimutan mo ulit ako" sabi nito
"Wag kang mag-alala, parati kang mananatili sa puso ko at isang tingin ko lang sa painting ay maalala na agad kita" sabi ko
"Lets make new memories" yan ang sabi nito sa akin at hinawakan ang aking kamay
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro