3rd Memory
Cecil's POV
Masayang pamilya yan ang aking nakita sa entablado.
Paano kaya kung ako ay makita nila Mama at Papa ngayon, natutuwa kaya sila o ikakahiya nila ako, yan ang laman ng aking isipan kanina pa.
It has been 28 years when I first step foot in the city. Dito ako pinag-aral ng aking mga magulang hoping that I will become the salvation our family, they had high hopes for me pero sinira ko lang iyon dahil nabuntis ako.
I was the talk of the campus noon dahil sa nabuntis ako pero hindi ito naging hadlang at tinapos ko ang aking 1st year with flying colors dahil isa ako sa mga deans lister.
Nagsimula ito noong dumating ang kapatid ko from the province upang mag-aral ng high school, by that time he was 11 at ako ay upcoming 2nd year college student ngunit pinili ko na huminto sa aking pag-aaral dahil 6 months pregnant na ako.
Doon ako nadatnan ng aking kapatid ang aking sitwasyon. Pinaunawa ko sa kanya na kailangan ko munang huminto at alagaan ang aking sarili, sinabihan ko rin siya na wag sabihin sa aming mga magulang ang aking sitwasyon.
Malaking pasalamat ko lang sa Diyos dahil maunawa ang aking kapatid pero nakita ko pa rin kanyang mata ang disappointment dahil alam ko idol na idol ako nang aking kapatid.
Araw-araw na kasama ko siya at nakikita ay tinutusok ang aking puso sa kadahilanan na hindi ko natupad ang aking pangarap para sa aking pamilya.
Nagulat na lang ako ng may humawak sa aking kamay "Ma are you alright? You were spacing out" sabi ni Simon na aking anak
"I'm fine nothing to worry" sabi ko sa kanya at binaling aking tingin sa stage na may bagong painting na nilagay
Umilaw ulit ang projector at lumabas ang itsura ni Ced
"26 years na ang nakalipas noong una akong dumating dito sa lungsod dala-dala ang aking pangarap na magiging katulad ako nang aking Idolo. Ngunit pagdating ko dito iba ang aking nadatnan" sabi nito na nagbigay ng ibayong kaba sa akin dahil alam ko ito ang kwento ko sa buhay ni Cedrick
"Siguro ang alam ng lahat ay nag-iisang anak lang ako, pero mali po kayo. I never told anybody about this but my sister was my Idol and up until now she is still my Idol" patuloy nitong pagsalita at doon ko nakita na tumayo ang aking magulang at mukhang hinahanap ako kaya tumayo ako at lumabas muna upang kumalma
Habang nasa labas ako ay nagulat aki dahil may kumalabit sa akin "Ma balik na tayo sa loob, hinahanap ka ni Atty." sabi ni CC na aking bunso
"Natatakot ako anak, hindi pa ako handa makita ang Lola at Lolo mo" sabi ko at niyakap siya
"Cecilia! Kailan mo ba balak magpakita sa amin" nagulat ako sa sigaw ni Papa
"Lolo bakit kayo sumunod dito, hindi pa handa si Mama" sabi ni CC na ikinagulat ko, hindi ko pa sila pinakilala sa aking mga magulang pero kung mag-usap sila ay parang matagal na silang magkilala
Doon ko lang na realize na all this time na pinapasyal ni Ced ang aking mga anak ay dinadala niya siguro ito sa amin, doon ako napatawa at napatingin silang dalawa sa akin "tignan mo lo, na baliw na si mama dahil nakita ka" sabi nang aking anak
"I miss you pa, sorry po talaga sa lahat" sabi ko sa aking ama at yumakap sa kanya ng mahigpit
"Naiintindihan ka namin anak, pinaliwanag na ni Ceddy ang lahat noon pa" sabi ni Papa at yumakap rin sa akin
"Mamaya na po iyang labing-labing ninyo Ma at Lolo. Excited na akong makita ang painting ni Tito para kay Mama" sabi ni CC na nagpatawa sa aming mag-ama dahil fan na fan talaga ito sa mga gawa ni Cedrick
Pagpasok nami ay kumaway si Simon kay Atty. bilang pagtanda na nandito ako "Ms. Cecilia Porlas pwede niyo po ba kaming samahan sa entablado"
Sinalubong ako ni Atty. habang pa akyat ako sa entablado "Ms. Porlas, I've been waiting for you. Cedrick has already informed me that the incident earlier would happen"
"What's with the formality Sev? It's not like we don't know each other" sagot ko sa kanya
"Please stop this Ces, hindi ako pumunta dito upang gumawa ng gulo. Let's respect the memories of Ced" sabi nito sa akin
Tinignan ko siya ng masama sabay sabi "My brother may not be perfect but you should be thankful because I love him"
"Dont we all" sarkastiko nitong sabi at binigyan ako ng isang papel
Title: Superwoman
Pinabilib mo ko sa iyong determination. Kaya hindi lang kita Idolo kundi isa kang Superwoman sa buhay ko, pinalaki mo ang iyong mga anak habang pinag-aaral mo ang iyong sarili pati kami ni Cookie. You proved them wrong Sis.
Hindi ko inaasahan na ganito ka taas ang pagtingin ni Ced sa akin, dahil mataas rin ang aking pagtingin ko sa kanya.
Noong isinilang ko ang aking unang anak ay sinikap ko na maghanap ng trabaho kahit na binibigyan pa rin ako nila Papa ng pera dahil akala nila ay nag-aaral pa rin ako, ngunit ang pera na kanilang binibigay sa akin ay hindi ko ginamit dahil nahihiya ako sa aking magulang.
Nagtrabaho ako bilang isang singer sa isang sikat na club sa siyudad kung saan malaki ang sweldo, nanatili ako doon for 3 years kung saan naka ipon ako upang pag-aralin ang akin sarili.
Nagulat ako dahil may humawak sa aking balikat "Ces, okey ka lang ba? Natulala ka kasi" sabi ni Atty.
"May naalala lang ako, so sasabihin ko lang yung title diba?" tanong ko sa kanya
"Yes tapos kami na ang bahala sa painting" sabi nito sa akin
"Superwoman" iyan ang lumabas sa aking bibig sabay lantad nila Atty. sa painting na gawa ni Ced at doon ako napaluha
It was me during my college graduation. I was holding my diploma up in the air habang sumigigaw ako sa kanila ni Ced, Cookie at kay Simon na "I did it"
"Hindi naman talaga ako Superwoman kundi si Cookie at Superman si Ced" panimula ko
"Darna! Tagalog version lang po ako ate" sabi ni Cookie kung saan nagpatawa sa amin
"Noong una I was hesitant kung pupunta ako dito dahil wala akong mukhang ipapakita sa aking mga magulang ngunit pinilit lang ako ng aking anak" sabi ko
Bumaba ako mula sa entablado at tumakbo papunta sa aking mga magulang at niyakap sila sabay sabi "I'm so sorry sana noon ko pa ito ginawa pero natakot ako"
"Hindi na mahalaga kung ano man nangyari noon. Ang importante ay ang magkasama na tayong muli" sabi ni Mama habang nakayap sa akin
Palagay ko tama nga si Ced ako nga si Superwoman pero sa mga oras na ito lamang dahil feeling lumilipad ako sa saya dala ng pagtanggap ng aking pamilya. Ang memoryang ito ay mananatiling inspirasyon upang gumawa pa ng maraming masasayang memorya kasama ang aking pamilya.
Just like he said memories are the most important thing because this is the only way we can remember the person we love so dearly.
Cedrick may no longer be with us but one thing is for sure he will be remembered forever.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro