Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

2nd Memory

Cookie's POV

Habang tinitignan ko na umiiyak at nagyayakapan ang mag-ama ni Ced ay may naramdam akong kakaibang kirot mula sa akin puso hindi ko na namalayan na tumulo na pala ang aking mga luha

"Wag kang mag-alala Hon, alagang Ced yata yan. Makakayanan rin nila ito" sabi ni Henry na aking kabiyak habang naka-akbay sa akin

Tumingin ako sa kanya doon ko nakita na may mga luha rin na lumabas sa kanyang mga mata habang nakatingin ito kina Ed at Edrick, hinawakan ko ang kanyang kamay kaya napatingin ito sa akin. Ngumiti ako sa kanyang sabay sabi "Wag kan mag-alala Hon, nandito rin tayo to help them" na nagpangiti sa aking asawa

Noong bumaba na sila ay nilapitan namin ang kanilang table "Pare everythings going to be fine" sabi ng aking asawa kay Ed at niyakap ito

"Maraming salamat Pare, alam ko nna nakabanntay sa amin si Ceddt kung nasaan man siya ngayon" sabi nito

"Tito nasaan po pala si Edri?" tanong ni Erwin na aking anak

"Hindi ko alam, kanina magkasama kaming bumaba sa entablado baka gumamit lang nang rest room" paliwanag ni Ed kay Erwin

Napako ang tingin ko sa stage dahil nilagay na ng mga lalaki ang painting sa isang stand at may panibago namang painting na may takip.

"Ms. Cookie Sarmiento, pwede niyo po ba kaming samahan dito sa entablado" sabi ni Atty.

Habang uma-akyat ako sa stage ay kinakabahan ako

"Such an honor meeting you Mrs. Sarmiento. Maraming kwento si sakin ang inyong kapatid. Sabi niya ibigay ko daw ito sayo" sabi ni Atty. habang maluhaluha kong tinanggap ang papel

Title: Embracing Happiness

Maraming salamat sa pagiging totoo at tapat kong kaibigan. Alam mo na tinuring at minahal kita bilang kapatid. Siguro now is your time to be completely happy so embrace it.

"Bago ko muna sabihin ang title ng painting gusto munang magpakilala, Ako si Cookie Sarmiento, 38, Philippines!" may pagka-beauty queen kong pakilala at narinig ko ang kanilang mga tawanan

"Pero kidding a side, Ced and I have been the best of friends for 26 years and we treat each other as sibling. Alam niya ang kwento ng buhay ko kaya habang umaakyat ako sa entablado ay halong kaba at excitement ang aking nadama dahil hindi ko alam kung ano ang kanyang ginawa para sa akin" paliwanag ko

"Embracing Happiness" yan ang lumabas sa aking bibig at tinanggal ang nakarakip sa painting na ginawa ni Ced

Ang obra maestra ni Ced ay walang iba kundi ako na may kayap na isang lalaki at may mga ilaw na lumalabas sa aming likuran. It was such a positive painting, kaya pala Embracing Happiness.

Tumingin ako sa mga tao sa aking harapan, halos ang reaksyon na nakita ko ay nalilito at nagtataka.

"Sus! Akala ko ano na" sigaw ko kaya napatingin sa akin ang mga tao dahil nagulat siguro sila sa aking pagsigaw

"Kahit kailan talaga ay baliw ka talaga Cedrick! kinabahan ako doon ha" sabi ko at nagtawanan ulit ang mga tao

"I have a confession to make, siguro hindi pa ninyo alam ito pero ang lalaki na nasa larawan na iyan ay si Conrad Garcia at abot kamay na niya ang kanyang mga pangarap. Si Conrad Garcia at ako ay iisa. Yes I am a Transgender." mahabang paliwanag ko at doon ko nakita ang kanilang gulat na mga reaksyon

Sino ba naman kasi ang makapaniwala na isa akong transgender. Suot ko ang isang white above the knee dress with matching green belt at ang puting 4 inch heels para talaga akong babae tignan plus may asawa ako at dalawang anak.

"Bata pa lang ako ay bakla na talaga ako pero pilit ko itong binago dahil ang parents ko ay medyo strict and uptight. Nagbago lang lahat when I met Cedrick. He believes in me, sa totoong ako.

Mas lalo pang pinagtibay ang aming pagkakakibigan noong umamin na ako sa parents ko, by that time mag-kokolehiyo na ako. He was there for me supporting me and saying that no matter what happens he will always have my back.

When I came out to my parents as gay doon ko lang nakita ang disappointment sa kanilang mukha, I remember my father said to me "Lumayas ka! Wala akong pinalaking anak na Kahihiyan at Salot sa lipuan" yun talaga ang nagpaluha sa akin but guess what? Ced was there "mawalang galang na po pero dapat unawain at tanggapin niyo si Cookie dahil anak niyo siya at kayo lamang ang kanyang pamilya" magalang ang pagkasabi niya sa parents ko maski ako nagulat sa sinabi niya dahil hindi ko alam na kaya niya akong ipagtangol mula sa panlalain at panliit ng aking ama sa akin pero like every typical gay life pinalayas parin ako ng aking mga magulang.

Doon ko lang nagkita magalit ng todo si Ced "Sinubukan ko na maging mabait sa inyo para kay Cookie pero dahil makikitid ang utak niyo ay kaya niyo na itakwil ang sarili ninyong anak. Sinusumpa ko, hanggang nabubuhay ako ay hindi niyo makikita itong si Cookie at ako na lamang ang kanyang pamilya" iyon lang ang tangging sinabi ni Ced at hinila na niya ako palayo sa aking pamilya" pagkwento ko sa kanila nakita ang iba ay napaluha sa aking pagkwento maski ako ay napaluha na rin

"Mamay!" sigaw ng dalawa kong anak habang tumatakbo palapit sa akin

Nang makalapit sila ay niyakap nila akong dalawa ng mahigpit "We love you Mamay" sabay nilang sabi at doon ako napa-iyak ng todo

"Nakalimutan ko alagang Ced ka rin pala. Wag kang mag-alala, nandito lang kami ng mga anak mo nagmamahal sa iyo" sabi ni Henry at niyakap ako kasama ang aming mga anak

Nagulat kami nang biglang umilaw ang projector at doon lumabas ang itsura ni Ced na nakangiti

"Alam mo Cooks about eight years ago may mag-asawang lumapit sa akin at sinabing miss na miss na raw nila ang kanilang anak at humihingi ng kapatawaran sa kanilang ginawa kay kahit anong galit ko ay wala akong magagawa kasi parents mo sila, ngunit binigyan ko sila nang parusa na hanggang tingin lamang sila sa iyo. Bawat birthday mo, ni Henry at ng kambal for the past eight years ay present sila, pati na rin sa wedding anniversary ninyo. Sa loob ng walong taon nakita ko kung paano sila umiyak at nagmamaka-awa sa akin na maka-usap ka pero ang sinabi ko lang sa kanila ay ngayon kayo nagsisi sa pagtakwil niyo sa kanya? kung hindi niyo siya tinakwil noon siguro masaya tayong nagsamasama at nagdiriwang sa mga araw na mahalaga sa kanya" mahabang paliwanag ni Ced

Kaya pala parati siyang naglaho ng parang bula sa mga celebrations namin at parang kabute na bilang susulpot ulit. Hindi ko ma explain kung ano ang aking nadarama sa mga oras na iyon

Nagulat ako ng bigla na lang umiyak si Ced "Sana mapatawad mo ako, naging makasarili ako at mas nanaig pa ang galit sa aking puso pero ayaw ko kasing masaktan ka nila ulit kasi kapatid kita eh, magkasama tayong bumangon sa hamon ng buhay simula ng tinakwil ka nila at pinatunayan mo na malakas ka Cooks and I'm so proud of you"

Lumapit sa amin si Atty. "Mrs. Sarmiento ang totoo kasi niyan ay painting na ito hindi po talaga totoo" sabi nito na ikinagulat namin

"Bakit po ba Atty. wala po bang painting si Mamay?" tanong ni Erwin na aking anak

"Meron po Sir" sabi ni Atty at may nilabas na panibagong painting na may takip

"Ang painting na una ay idodonate ko sa Art & Sport School naming magkakaibigan at ang panibagong painting sa ating harapan para sa iyo Cookie, ito talaga ang totoong Embracing Happiness" sabi ni Ced at tinanggal ang takip doon na ako napaluha

It was like the painting earlier pero ngayon may kasama na kami, si Tatay at Nanay.

"Noon ko pa sana ito ginawa pero better late than never diba?" sabi ni Ced at mula sa likod ng screen ay lumabas ang aking mga magulang, hindi makagalaw ngunit nabigla lang ako ng tumakbo sila palit sa akin at niyakap ako ng mahigit

"Sorry sa lahat ng ginawa namin anak, sana mapatawad mo ang Tatay at Nanay mo" sabi ng aking Ama habang umiiyak at yumayakap sa akin

"Okey lang po Tay" sabi ko at niyakap na rin sila

"We are so proud of you" sabi sa akin ni Nanay

Nakita ko sa kabilang banda sina Henry at ang kambal nakatingin sa akin, mukhang nag-iisip pa kung ano ang kanilang gagawin kaya ngumiti ako sa kanila sabay sigaw "Group Hug" doon na sila lumapit sa amin at sumali sa aming yakapan

Oo, wala na si Ced sa mundong ito pero parati siyang mananatili sa aking puso at isipan katulad ng mga Memoryang iniwan niya sa akin at pang habambuhay ko tong tatandaan katulad nitong kaligayan na yakap-yakap ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro