Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

1st Memory

Edward's POV

Kilala ko ang nga tao na nandito ngayon mula sa malalapit naming kaibigan, papunta sa kanyang pamilya at sa pamilya ko, pati na rin ang mga tao mula sa paaralan at mga espesyal na panauhin ni Ceddy.

Ngunit ang ikinagulat ko ay ang taong nakatayo sa entablado ngayon. Hinding-hindi ko inaasahan na dito ko pa talaga ito makikitang muli.

"Good evening ladies and gentlemen I'm Atty. Severino Montalban and I will be your host for tonight, nandito po tayong lahat dahil sa isang imbetasyon na nagmula kay Mr. Cedrick Porlas-Natividad. We all know that he passed away last month at ayon dito sa kanyang last will and testament on the 40th day tapos ng kanyang pagkapatay he asked me his Atty. to invite you to the unvieling of his masterpieces"

Hindi ko alam kung parusa ito ni Ceddy sa akin or sadyang laro lang talaga ng tadhana, tuwing tumitingin ako sa kay Sev ay para tinutusok at dinudurog ang puso ko. Pinapaalala sa akin na habang masaya ako sa piling ng iba ang aking kabiyak ay lumalaban para sa kanyang buhay.

"Edward ano ba naman itong pakulo ni Ceddy? Nakatanggap kami ni Papa mo ng isang liham galing sa kanya. Maayos lang ba kayo ng Apo ko? Ikaw kamusta ka na?" sunod-sunod na tanong ni Mama Jenny, Mama ni Cedrick

Nag-beso muna ako sa kanya "Hindi ko nga rin po alam Ma eh, alam mo naman si Ceddy mahilig talaga yan sa pakulo, nasan po pala si Papa?"

"Nandoon sa table natin kasama si Edri at parents mo" sagot nito habang nakatingin sa parin sa entablado dahil may sineset-up sila doon na isang projector.

Ako si Edward Natividad at sa edad kong 39 ay isa na akong biyudo at single parent sa 18 anyos naming anak ni Ceddy na si Edri.

"Kung nagtataka kayo dahil may malaking projector sa ating harap, kasi gusto ni Ced na siya mismo ang bumati sa kanyang mga bisita at magpresenta ng kanyang mga obra maestra" paliwanag ni Atty.

At mula sa projector ay nasilayan ko ang nakangiting mukha ng taong labis kong minahal na siyang naging sanhi ng pagtulo ng luha ko at ng kanyang bisita

"Magandang Gabi sa inyong lahat. Maraming salamat at pinaunlakan ninyo ang aking imbetasyon ngayog ika-40th day ko..." naputol ang pag sasalita nito dahil tumawa ito ng kaunti

"Nakakatawang isipin no? Ako pa itong namatay, ako pa mismo ang bumuo nitong event para sa ika-40th day ko. Wag kayong mag-alala dahil kung nasaan man ako ngayon masaya na ako" habang patuloy ito sa pagsalita at patuloy rin ang pagtulo ng luha mula sa aking mata

"Alam niyo ba kung ano ang pinakamahalagang bagay dito sa ating mundo?" tanong nito

Napatawa na lang kami dahil dali-daling sumigaw ang besfriend ni Ceddy na si Cookie" Pag-ibig!! Sure ako diyan kaibigan kaya kita"

"Mali ka Cookie hindi pag-ibig" sabi nito na ikinagulat naman ng aming kaibigan at kahit ang ibang bisita ni Ceddy

"Friend natatakot na ako ha bakit ka sumasagot eh nasa projector ka? Skype ba to? Video Call? " may pagka-eksaheradang sabi ni Cookie na siyang nagpagaan ng loob at nagpatawa sa amin

"Baliw!! Wag kang matakot, patay na talaga ko. Nakalimutan mo na bestfriend at kapatid na ang turing ko sa iyo syempre alam kong sasagot ka, pag-ibig for the win ka talaga" sabi nito na ikinatawa namin

"Memories, yan ang pinakamahalagang bagay para sa akin. If we dont have memories how can we remember? remember the sorrowful, saddest and happiest moments in our lives, remember the good and the bad experiences we have been through, and most importantly remember the people we love" mahabang paliwanag nito

"Ed, hali ka na doon sa table natin" aya sa akin ni Mama

"Mauna na kayo Ma, susunod lang ako" sagot ko dito

"Pero before we start umupo po muna siguro tayo dahil medyo mahaba-habang usapan to" sabi ni Ceddy

Lumabas si Atty. kasama ang mga lalaking na dala-dala ang isang malaking painting na may takip na tela, dahil busy ako sa kakatinging sa mga nangyari sa entablado ay hindi ko namalayan na ako na lang pala ang nanatiling nakatayo ngunit sa mga oras na ito ay wala akong pakialam sa aking paligid at sa kung ano ang sabihin nila.

"Masaya ko kayong binabati sa panghuli kong Exhibit na aking tinawag na MEMORIES. Lahat kayo na dumalo ngayon dito ay naging bahagi ng buhay ko at sa buhay namin ni Eddy. Lets travel back in time, back to the things that I treasured the most Our Memories" sabi nito at nawala na ang video sa projector

Pumunta sa gitna ng entablado si Atty. sabay sabi "Itong unang painting para kay Mr. Edward Natividad, Mr. Natividad kung pwede niyo po akong samahan dito sa harap to unviel the painting"

Dahan-dahan akong pumunjta sa entablado at sinalubong ako nito habang paakyat ako " Ed its good to see you again, Kamusta ka na?"

"Now is not a good time para magkamustahan Sev" madiin kong sabi sa kanya

"Im worried about you at parang wala naman tayon pinagsamahan" sabi nito sa akin

"Please stop! Ayaw ko nang gumawa pa ng kasalanan, I've already done enough. Hindi ko gusto na maging masama sa mata ng anak namin ni Ced" pakiusap ko sa kanya

"Well sorry for being concerned, here read this" sabi nito sabay abot sa aking papel

"Babasahin ko lang lahat?" tanong ko

"Ang titulo lang then bubuksan na namin ang telang nakabalot sa painting" paliwanag nito sa akin

Patingin ko sa papel na binigay ni Sev ay doon na ako napayuko at napa-iyak

Title: September 05

Eddy alam ko na tandang-tanda mo pa ang araw na ito dahil nanatili ito parati sa puso at isip ko. Alam ko na hindi ka perpekto ngunit iyan ang minahal ko sa iyo, nangako akong mamahalin kita ng buong puso kahit sa likod ng mga problemang dinaanan natin. Lagi mong tandaan mahal na mahal ko kayo ni Edri.

Tumingin ako sa mga taong inimbita ni Ceddy ngayon lahat ay nakatingin sa akin na may pag-alala sa kanilang mukha lalo na ang aming anak na si Edri.

Kinalma ko muna ang sarili ko bago tumingin ako kay Sev at binigay ang signal para tanggalin ang takip na tela "September 05" mga salitang lumabas sa aking labi

Nakatingin ako sa mga tao sa aking harapan, kita ko ang pagkamangha sa kanilang mukha ng tinangal ang tela kahit nga ako nga ako na parating dumadalo sa mga Exhibit ng aking asawa ay parati parin akong nahihiwagaan sa kanyang mga gawa

Sa loob ng malaking frame kung saan kaming lahat ay nakatingin ay ang pinagkasyang tatlo sa pinakamasayang gabi ng buhay ko

September 05 1994 ay ang gabi kung kailan kami naging offical na mag-syota ni Ceddy.

September 05 1998 ang gabi kung kailan ako lumuhod sa kanyang harapan at inalok siyang magpakasal

September 05 1999 ito rin ang gabi kung saan kami nag-isang dibdib at nanumpaan na habang-buhay naming mamahalin ang isat-isa

Huminga muna ako ng malalim bago nagsimulang magsalita

"Magandang Gabi sa inyong lahat. Nandito tayo ngayon at nagtipon dahil sa kagustuhan ni Ceddy, siguro ito ang kanyang tinutukoy na lets travel back in time. Lets all relive the memories together"

"Noon kung inyong itatanong sakin kung kaya ko bang umibig ng isang lalaki siguro ay nakatikim na kayo ng suntok mula sa akin ngunit nagbago ang lahat simula nang makita ko si Ceddy" panimula ko

"Dumating siya at nagsilbing liwanag sa aking madilim na buhay, hindi ko pa nasabi kahit na sino maliban sa besftriend ko pero bago pa kami nagkakilala ni Ceddy ay nakita ko na ito at simula noon ay sinikap ko talagang makilala at malapit dito" patuloy ko

"Ito ang pinaka gusto ko!" sigaw ni Henry na bestfriend, nakatanggap naman ito ng batok mula sa kanyang asawa na si Cookie na bestfriend ni Ceddy. Simula noong naging kami ni Ceddy ay nagsibol rin ang kanilang relasyon.

"Pagpasensyahan niyo na po ang asawa ko, kulang sa bakuna" sabi ni Cookie na siyang nagpatawa sa akin at napakalmot lang sa kanyang ulo si Henry

Kaya nagpatuloy ako sa aking kwento

"Alam naman natin na si Ceddy ay naniniwala sa sinyales at tadhana, maniwala man kayo o hindi pero siya ang sinyales na hinihintay ko.

Nagsimula ito noong nakita ko ito sa parke kung saan ako madalas akong tumtambay, may dala-dala itong mga art supplies at iba pang kagamitan kung saan ginagamit sa drawing at painting.

He looked really captivating that day naka suot lang ito ng plain sleeveless at jumper with matching red shoes.

I cant take my eyes off him that day the way he played and teached, the kids how to draw and paint. It was really inspiring" I stopped talking and scanned my surroundings they were all looking at me while smiling, kitang-kita ko sa kanilang mata ang kagustuhang malaman ang kwento at side ko pagdating sa love story namin ni Ceddy

"Simula nang araw na ay parati na akong tumatabay sa parke upang makita lang ito at halos araw-araw walang palya parati itong nandoon kasama ang mga batang lansangan. Tinuraan ni Ceddy ang mga bata na mangarap at ginabayan upang mamuhay ng mabuti, isa ito sa mga katangian ni Ceddy na siyag hinangaan ko.

Hindi rin nagtagal ay nalaman ko ang kanyang pangalan at kung saan ito nag-aaral, gustong-gusto ko itong kausapin ngunit nahihiya ako. Isang araw ay nakita kong mag-isa lang ito, lalapitan ko na sana ito kaso kinabahan ako. Kontento na akong nakatingin sa kanya sa malayo, doon ko lang napansin na pasimple ako nitong sinusulyapan kaya kumayaw ako sa kanya ngunit hindi ako nito pinansin kundi dali-dali itong tumayo at tumakbo palayo sa akin..." Naputol ang aking pagkwento dahil sumigaw si Cookie

"Ako yan! ako yan!"

"Anong ibig mong sabihin Cooks?" tanong ko sa kanya dahil nagtataka talaga ako sa sinigaw nito

"Ako yan Papa Eds! I remember that day" sabi nito

"What are you talking about?" tanong ko ulit

"Let me tell you kug ano talaga ang nangyari that day, dali-daling tumakbo si Ceddy alam mo ba kung saan ito pumunta? Umiuwi sa bahay, kinilig ang lola mo. Alam mo bang halos mapatay ako ni bakla sa sobrang kilig niya sa araw na iyon? Hinampas niya ako Papa Eds ng bag niya na puno nang mga art materials na sobrang bigat pero sino ba naman ako para tumutol ang saya-saya niya eh at dahil sa kaway mo lang ha, landi rin nitong si Ced noh?" paliwanag nito na siyang nagpangiti sa akin

"Maraming salamat Cooks at nilinaw mo ang lahat, akala ko kasi noon hindi ako nito gusto" sabi ko

"Sus! Patay na patay sa iyo iyang asawa mo Ed" pagkatapos niyang sabihin iyon ay nagpatuloy ako sa kwento

"Muli ko itong nakita sa kanilang paaralan, nalaman ko kasing naghahanap si Mommy nang scholars at nagmungkahi ako na sa paaralan nila kami maghanap at sumangayon naman ito.

Saktong-sakto inimbithan si Mommy ng Principal sa kanilang paaralan dahil Foundation Day nnila at may isang art exhibit itong binida, doon ko narinig ang pangalan ni Ceddy at syempre nagpumilit akong sumama kay Mommy dahil sa unang  pagkakataon ay makikita ko na rin ang likha ng taong hinahangaan ko.

Pagdating namin sa paaralan ay ang art exhibit ang una naming pinuntahan, " First Sight" yan ang pamagat ng kanyang exhibit. Sabi pa ng Principal nila na ang kita sa mga painting ni Ceddy ay mapupunta sa orphange na pinili nito, habang natingin sa kanyang likha ay doon ko na sinabi kay Mommy na kunin ito bilang scholar dahil bukod tangi ang kanyang talento at puso.

Nakita ko itong nakatayo sa harap ng painting, pamilyar sa akin ang nasa larawan dahil ito ang araw na kumaway ako sa kanya. Pinamagatan niya itong "Hello", tinibayan ko ang aking loob at lumapit sa kanya, Hello yan ang sabi ko  sa kanya mukhang nagulat nga ito dahil nandoon ako ngunit ngumiti lang ako sa kanya.

At doon nagsimula ang aming pagkakaibigan hanggang naging College na kami ay doon na akong naglakas loob na ligawan siya hanggang heto nagkapamilya na kami" mahaba kong kwento at doon ko nakita nna lumuluha na pala ang nakikinig sa akin

"Ced and I have been together for 22 years and these past 40 days have been excruciating because I miss him so much" maluha-luha kong sabi

Nabigla na lang ako nang nakaramadam ako ng may yumakap sa akin, si Edri pala kaya yumakap rin ako sa kanya "I miss your Papa so much" sabi ko sa kanya

"I miss him too Dad but you are not alone, you still have me. Ipapadama ko sayo ang sakit na ramdaman ni Papa araw-araw habang ikaw nagpapakasaya sa kabit mo" bulong nito sa akin

Parang huminto anng mundo ko sa narinig ko mula sa aking anak, hindi ko akalain na alam pala nito ang mga kagaguhan ko

"I know mali ang ginawa ko anak but let me atleast make it up, ikaw na lang ang mayroon ako" sabi ko sa kanya

"Sana nga ganoon lang  kadali ang lahat Dad. Nasasaktan parin ako sa ginawa mo dahil I still believe in you, I look up to you, you were my hero. Sana hindi lang ito puro salita ang mga pangako mo Dad" sabi nito sa akin habang nakayakap pa rin

"Mahal na mahal kita anak. Sisiguraduhin ko na mananatiling masaya ang pamilyang binuo ng Papa mo" yan ang sabi ko sa kanya

Gaya nang sabi ni Ceddy ang pinakamahalagang bagay sa buong mundo ay ang ating memories, kahit na nagkasala ako hindi ito ang maging dahilan upang sumuko ako sa buhay.

"The memories of you and me will forever be cherished in my heart and in my mind, ito ang magiging inspirasyon ko sa araw-araw "  sabi ko sa aking isipan habang nakayakap parin kay Edri at nakatingin sa painting

Siguro wala na si Ceddy sa mundong ito pero nandito pa si Edri ang anak namin at siya pinakamahalagang kayamanan na iniwan sa akin ni Ceddy.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro