Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

14th Memory

Laura's POV

Ang mga likha ni Cedrick ay iba talaga sa ibang painting na nakita ko kaya siguro naging fan na ako nito at kaibigan.

"Mom, nandito siya" bulong sa akin ni Felicia ang aking anak

"Alam ko Felicia, wag muna natin siyang biglain sa katotohanan" sabi ko sa kanya

"Pero matagal na natin siyang hinahanap" sabi nito sa akin

"Walang pero-pero Felicia, makinig ka sa akin. Ang katotohanan ay lalabas rin sa tamang panahon" madiin kong sabi sa kanya

"Sige pero kakapusapin ko siya" tanong nito

"Pwede kang makipag-usap sa kanya pero tandaan mo ang sinabi ko" sabi ko at naglakad ito palayo sa akin

"Mabuti at naka dalo ka" rinig kong may nagsalita sa akig likuran kaya hinarap ko ito

"Ikaw lang pala Bulalakaw, nasaan ba si Muhen?" tanong ko kay Ricky

"Nasa labas, nagbabantay" sagot nito

"Bakit nagbabantay siya? May problema ba Bulalakaw?" tanong ko

"May hindi inaasahang bisita kanina at binalaan siya na hindi dapat magtagpo ang nakaraan at hinaharap"  sabi nito sa akin na siyang kinatakot ko

"Nakaraan at hinaharap? Sigurado ba siya sa kanyang narinig Bulalakaw?" tanong ko ulit

"Teka bakit parang natatakot ka?" tanong nito sa akin

"Sigurado ba siya sa kanyang narinig Bulalakaw?" madiin kong tanong dito

"Oo sigurado ako at bakit parang praning na praning ka?" sabat nito sa akin

"Kailangan kong makausap si Muhen, importante ito" madiin kong sabi sabay punta sa labas

"Muhen!" sigaw ko

"Ano ang kailangan mo? Siguraduhin mong importante ito" sabi nito habang lumilitaw sa aking harapan

"Nakaraan at Hinaharap" yan langang sinabi ko at biglang nag-iba ang kulay nang mata nito

"Ano ang iyon alam?" madiing sabi nito habang sinakal ang aking leeg

"Muhen maghunos dili ka!" sigaw ni Bulalakaw at tinangal ang pagkakasakal nito sa akin

"Wag tayong mag-usap dito baka may maka rinig sa atin" mahinahon kong sabi

"Wag kang mag-alala sinigurado kong walang ibang tao dito" sabi ni Bulalakaw

"Pagpasensya mo na aking padalos-dalos na aksyon" paghingi nito nang paumanhin sa akin

"Kulang pa ang iyong ginawa mo upang masindak ako Muhen" madiin kong sabi dito

"Nakaraan at Hinaharap, ano ang pareho sa kanilang dalawa?" tanong ko

"Pareho silang parte nang panahon" sagot nni Bulalalaw

"Tama ka! sa simpleng salita Oras, pareho silang magkaugnay dahil sa Oras" paliwanag ko sa kanilang dalawa

"Ano ang ibig mong sabihin?" tanong ni Muhen

"Nakaraan at Hinaharap, kung sino man ang may gustong pagtagpuin ito ay nahihibang na. Babalik na ako sa Kaluwalhatian, natatakot ako sa mga susunod na mangyayari dapat rin itong malaman nang iba" sabi ko

"Kanlaon huminahon ka muna" sabi ni Muhen

"Wag na wag niyo akong tawagin sa pangalang iyan. Hindi ako si Kanlaon, hindi ako katulad sa aking Ama" madiin kong sabi sa kanila

"May ibang tao" sabi ni Bulalakaw kaya medyo kinabahan ako

"Magandang gabi sa inyo" rinig kong may bumati sa amin

"Ipakita mo ang iyong sarili" utos ni Bulalakaw

"Kung iyan ang iyong hinihiling Bulalakaw" sagot nito at doon ko nakitang dahan-dahang natumba si Bulalakaw parang nawawalan ito nang lakas

"Oras yan ang kailangan ko upang malayang makatawid sa Nakaraan at Hinaharap" biglang nagsalita si Bulalakaw ngunit parang nag-iba ang kanyang boses

"Sino ka? Ibalik mo si Bulalakaw" sigaw ni Muhen

"Tumahimik ka Muhen kung gusto mong makabalik pa ang iyong minamahal" sabi nito

"Ang salinlahi lamang ni Kanlaon ang siyang makakatulong sa akin" sabi nito habang nakatingin sa akin

"Hindi ko alam kung ano ang ibig mong sabihin" sagot ko dito

"Nasa akin na ang Nakaraan ngunit mukhang naisahan ako nito pero malalaman ko rin ang lahat sa tamang pahon" sabi nito, nagulat na lang kami dahil parang na kuryente ang katawan ni Bulalakaw

"Muhen!" sigaw ni Bulalakaw at biglang tumayo ito

"Bulalakaw, ayos ka lang ba?" tanong ko

"Hindi ko inaasahan ang lakas mo Bulalakaw, hayaan mo magkikita pa tayong mula. Sa tamang panahon at kung nasa akin na ang salinlahi ni Kanlaon" sabi nito na siyang kinakatakot ko, kilala ko kung sino ang kanyang hinahanap

"Kailangan na nating bumalik sa Kaluwalhatian" sabi ni Muhen

"Hindi ko iiwan ang aking pamilya dito Muhen" sabi ni Bulalakaw

"Kailangan nating ipaalam sa kanila ang ating nalalaman" sabi ko

"Ako ay mananatili dito sa mundong aking kinagisnan" sabi ni Bulalakaw sa akin

"Babantayan ko kayo dito Bulalakaw, hindi ko hahayaang may masang mangyari sa inyo" sabi ni Muhen

"Ako na lang ang babalik sa Kaluwalhatian at nanatili doon, natatakot ako sa kaligtasan ko" sabi ko sa kanila

"Paano ang anak mo?" tanong ni Bulalakaw

"Papadala ko muna si Felicia abroad at doon nanatili para sa kanyang kaligtasan" sabi ko sa kanila

"Manatiling mapagmasid sa mga pangyayari, hindi natin alam kung kailan ito lilitaw uli" sabi ni Muhen

"Kailangan ko munang pumasok sa loob, hinahanap na ako ni Felicia" sabi ko at iniwan silang dalawa sa labas

"Mom kanina pa kita hinahanap" sabi ni Felicia sa akin

"Alam ko, bakit mo ba ako hinahanap?" tanong ko dito

"May dapat kang malaman kay ..." naputol ang sabi nito dahil tinakpan ko ang kanyang labi

"Felicia, wag mong sabihin ang kanyang pangalan. May mga masasang taong naghahanap sa ating lahi" sabi ko dito

"Bakit Mom?" tanong nito sa akin

"Wag kang mag-alala anak, sisiguraduhin kong ligtas ka sa pahamak. Ipapadala kita sa ligtas na lugar" sabi ko dito

"Paano ka na niyan?" tanong nito

"Wag kang mag-alala anak, ang importante ay ligtas ka" sabi ko dito

"Wala na po ba tayong pas-asa na makilala ito?" tanong nito sa akin

"May oras tayong makilala ito anak pero hindi pa ito ang tamang panahon. Sisiguraduhin kong magiging malayo kayo sa pahamak" sagot ko dito

"Nandtio po ba si Mrs. Laura Tan, pwede niyo po ba kaming samahan sa entablado?" sabi ni Atty.

"Wag kang aalis sa pwesto mo Felicia, manatili ka lang diyan" sabi ko sa aking anak at pumunta sa entablado

"Magandang gabi, mabuti at pinaunlakan po ninyo ang aking imbitasyong samahan ako dito" sabi ni Atty.

"Walang ano man Atty. hindi na iba sa akin ang pumunta sa mga ganitong pagtitipon" paliwanag ko dito

"Here read this" sabi nito sabay abot ng papel sa akin

Title: Kanlaon

Bago tayo dumating sa mundong ito ay sila muna ang nauna. Bago natin tangapin kung sino tayo ay dapat rin nating tangapin ang ating nakaraan. Tayo ang mga salinlahi, tadaan mo iyan Laura.


Sa huling tanda ko ay walang ka alam-alam ang salinlahi ni Muhen at Bulalakaw sa katotohanan, dito na ako biglang kinabahan.

"Paano niya nalaman ang tungkol sa salinlahi?" yan lang ang tanong ko sa aking isipan

"Kanlaon" bigkas ko sa titulo na likha ni Cedrick

Mula sa likha ni Cedrick ay doon ko nakita ang isang lugar kung saan parati kong pinupuntahan noong dalaga pa ako.

Biglang lumitaw ang mukha ni Cerick sa projector at ang lahat ay nakatingin sa kanya.

"Alam nating dalawa na hinding-hindi natin matatakbuhan ang ating nakaraan at kung sino talaga tayo Laura. Wala kang dapat ikabahala, magiging okey din ang lahat" sabi nito sa akin

Tahimik lang akong nakapanood sa kanya, hindi ako makagalaw.

Misteryoso. Isa ito sa mga katangian ni Cedrick kahit na mabuti itong tao alam kong may kakaiba dito, hindi ko lang alam kung ano.

"Maraming salamat Ced" sabi ko

"Ma'am excuse me po pero pwede niyo po ba kaming samahan kahit sandali lang?" tanong sa aking ni Atty.

"Sure, saan ba tayo pupunta?" tanong ko

"Sa conference room po, nadoon na rin ang ibang bisita" sabi nito sa akin

Pagpasok ko ay para akong nanghina, kilala ko anng mga taong nandito. Mula kina Muhen, Bulalakaw, Bakunawa at ang pinakapinuno sa kaluwalhatian na si Bathala ay nandito ngayon sa aking harapan.

"Ano ang ibig sabihin nito?" tanong ko

"Mabuti pa at umupo ka muna Laura" sabi ni Bathala

"Matagal na rin tayong hindi nagkita Bulalakaw, kamusta ka na?" tanong ni Bakunawa

"Okey lang pero mas gaganda ang aking pakiramdam kung babalik kayo sa inyong pinagmulan" madiin nitong sabi sabay tingin kay Bathala

"Hindi maari iyang hinihiling mo Bulalakaw, nandito kami dahil kay Cedrick" madiin sabi ni Bathala

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko kay Bathala

"Magandang gabi sa inyong lahat" rinig kong sabi mula sa speaker at lumitaw ang mukha ni Cedrick

"Makinig kayong mabuti sa akin, kayo ang inaasahan kong magiging depensa mula sa panganib na paparating. Ginawa ko na ang parte ko at kayo na ang bahala sa natitira" sabi nito

"Anak hindi kita maiintindihan" sabi nni Bulalakaw

"Pasensya na Ama, isang tao lang ang kayang ilahad sa inyo ang lahat. Oras na Laura" sabi nito at dahil doon ay bigla akong natumba

Hindi ko alam kung nasaan ako ngayon, imbis na kabahan ako ay parang gumaan ang aking pakiramdam.

"Laura, palagi mong tandaan ang sinabi ng iyong Ama" rinig kong may bunulong sa akin

Minulat ko ang aking mata at ko nakita ang takot mula sa kanilang mata

"Ano ang ibig sabihin nito Muhen?" galit na sigaw ni Bathala

"Wala akong alam, hindi ako ang kasama ni Cedrick habang lumalaki ito dahil ito ang ginusto mo" madiing sabi ni Muhen

"Hindi ito ang panahon upang mag-away, ang tanda-tanda niyo na" rinig kong sabi ni Bulalalaw

"Kamusta ka kaibigan?" rinig kong tanong ni Cedrick sa akin

"Pinaglauran mo lang ako Cedrick, hinding-hindi ako makapaniwala na kaya mong bilugin ang aking ulo" sigaw ko dito na kininagulat ng lahat

"Tumahimik ka salinlahi ni Kanlaon, sa palagay mo kung hindi ko kinuha ang iyong alaala ay sigurado akong wala na ang Oras sa panahong ito. Kakampi ninyo ako" madiin nitong sabi

"Ano ang iyong ibig sabihin Cedrick?" tanong ni Bathala

"Bakit hindi mo ipaliwanag Laura" sabi ni Cedrick

Sa ganoong posisyon ay biglang may sumagi sa aking isipan ang mga katagang sinabi sa akin ni Ama noon "Pakpak ng Nakaraan, Kaliskis ng Hinaharap at Luha ng Oras. Palagi mo itong tatandaan Anak."

Inulit ko ang mga katagang sinabi sa akin nang aking Ama "Pakpak ng Nakaraan, Kaliskis ng Hinaharap at Luha ng Oras. Ito ang palagi kong tatandaan."

"Mula sa himpapawid, karagatan at sa kalupaan. Ito ang palagi ninyong tatandaan, tayo ay magkaugnay. Iisang pamilya tayo at dapat nating tulungan ang isa't-isa" sabi nito

"Diretsuhin mo na lang kami Cedrick, ano ba ang kaguluhang ito" nagulat ako sa pagsigaw ni Muhen

"Tatlong tanong, yan ang ibibigay ko sa inyo, kahit anong tanong ay sasagutin ko" sabi nito

"Bakit mo kami dinala dito Anak?" tanong ni Bulalakaw

"Pakpak ng Nakaraan, Kaliskis ng Hinaharap at Luha ng Oras. Ito ang propesiya na sinabi sa inyo ni Laura, uulitin ko lahat tayo ay magkaugnay" sabi nito

"Pakpak ng Nakaraan" sabi nito at pinakita ang larawan ng isang ibon, napalingon ako kina Muhen at Bulalakaw

"Kaliskis ng Hinaharap" sabi nito at sabay na pinakita ang larawan ng isda, doon napalingon ako kay Bakunawa

"Luha ng Oras" sabi nito sabay pakita ng larawan ng kalikasang umiiyak, doon ko napagtanto na sila ay napalingon sa akin

"Tayo ang tinutukoy sa propesiya" sabi ni Bulalalaw

"Kung ganoon, bakit ako nandito?" tanong ni Bathala

"Ang propesiyang ito ay tungkol sa iyo Bathala, kung sino man ang bumubuo ng propesiya at sigurado akong ikaw ang kanilang pakay" paliwanag ni Cedrick

"Ako? Nahihibang ka na ba Cedrick? Ako ang namumuno sa Kaluwalhatian, hindi nila ako kaya talunin" madiing sabi ni Bathala, halatang nagalit ito sa sinabi ni Cedrick

Hindi na sumagot si Cedrick sa sinabi ni Bathala. Ang huling tanong ay nagmula kay Bakunawa "Anong kinalamam mo sa propesiya?"

"Ako ay inyong kakampi, hanggang sa abot ng aking makakaya ay pipigilan ko ang sinumang may gustong  kompetuhin ang propesiya" paliwanag nito

"Nasa akin na ang Nakaraan ngunit mukhang naisahan ako nito"

"Nasa akin na ang Nakaraan ngunit mukhang naisahan ako nito"

"Nasa akin na ang Nakaraan ngunit mukhang naisahan ako nito"

"Nasa akin na ang Nakaraan ngunit mukhang naisahan ako nito"

"Nasa akin na ang Nakaraan ngunit mukhang naisahan ako nito"

"Nasa akin na ang Nakaraan ngunit mukhang naisahan ako nito"

"Nasa akin na ang Nakaraan ngunit mukhang naisahan ako nito"

Yan ang paulit-ulit na sa aking isipan, nagulat silang lahat dahil napatayo ako at nagsimulang umiyak

"Laura, anong nangyari sa iyo?" tanong ni Bathala

Umiyak lang ako ng umiyak hindi ko kinaya ang aking natuklasan, tinuro ko lang si Cedrick na nasa projector.

"Sabihin mo ang katotohanan Cedrick, Ikaw ba ang Nakaraan. Ipakita mo ang iyong totoong anyo" sigaw ko dito na siyang gumulat sa kanila

Lahat sila ay nakatingin sa projector, hinihintay kung ano ang mga susunod na mangyayari.

Biglang  nag-iba ang kulay ng mata ni Cedrick at doon kami nagulat sa aking nakita. Isang ang ibong duguan, wala itong pakpak. Narinig kung malakas na pag-iyak ni Bulalakaw dahil alam ko na ang kanilang pakpak ay siyang nagbibigay sa kanila ng kapangyarihan.

"Ama wag kang umiyak, ginawa ko ito para sa ikabubuti nating lahat. Para sa pamilya natin" sabi ni Cedrick

"Hindi! Hindi ito maari! Gagawin ko ang lahat upang maibalik ka sa amin" sigaw ni Muhen

"Hindi na kailangan iyon, babalik ako sa tamang panahon" sabi ni Cedrick at  doon natapos ang video nito sa projector.

Walang kumibo sa kahit sa sino sa amin sa aming nalaman ngayong gabi, kung sino man ang kumuha kay Cedrick ay mahihirap ito dahil wala ang Pakpak ng Nakaraan. Sigurado ako ang susunod ay ang Kaliskis ng Hinaharap kaya napalingon ako kay Bakunawa.

"Kaliskis ng Hinaharap, iyan ang susunod" basag ko sa katahimikan

"Sigurado ka ba diyan Laura?" tanong sa akin ni Bakunawa

"Oo, siguradong-sigurado ako. Kilala mo ba kung sino ang Hinaharap?"  tanong ko dito

"Hindi ko kilala" sagot ni Bakunawa

"Baka anak mo" sabi ni Muhen

"Si Tanya? Impossible. Kung siya man ay sigurado akong sinabihan niya na ako" paliwanag ni Bakunawa

"Si Tanya lang ba anak mo?" tanong ni Bathala

Yan ang tanong na siyang bumabagabag sa amin. Hindi rin namin alam kung si Tanya lang ba ang anak ni Bakunawa, mapusok kasi ito.

"Lapastangan! Natural si Tanya lang ang aking anak" sigaw nito

"Kumalma ka Bakunawa, naninigurado lang ako" utos ni Bathala

"Sigurado akong kilala mo kung sino ang Hinaharap ngunit binura lang ito ni Cedrick mula sa iyong isipan" sabi ko kay Bakunawa

"Kung iyan nga ang nangyari ay sigurado akong ligtas ang Hinaharap, mas mabuti kung walang makakilala dito" sabi ni Bathala

"Kung hindi niyo na ako kailangan ay aalis na ako, wala na tayong pag-uusapan pa" sabi ko sa kanila at umalis pabalik sa Function Hall

"Felicia!" tawag ko sa aking anak habang papalapit ako sa kanya at sa lalaking kausap nito

"Mom?" sabi nito

"Kailangan na nating umalis" sabi ko dito

"Why?" tanong nito

"Just do as I say, I will explain everything later" madiin kong utos dito

"Aalis na kami Nathan, see you around" paalam ni Felicia sa lalaking kausap niya kanina

"Kailangan nating bumalik sa probinsya Felicia" sabi ko

"Mom, ang boring-boring kaya doon" sabi nito

"This is for your safety Felicia, our safety" madiin kong sabi

"Whats going on Mom?" tanong nito sa akin

"Sa tamang panahon anak, lahat ay malalaman mo rin" sabi ko dito at umalis na kami

Hindi ko alam kung ano ang dala nang hinaharap pero isa lang ang bagay na sigurado ako at ito ay dapat kaming maging handa

Author's Note:

Maraming salamat po sa mga taong walang sawang bumabasa sa kwentong ito. Ang next memory ang ang panghuling kwento at pagkatapos ay babasahin ko ang kwentong ito at titignan kung saan ko pa pwedeng baguhin at imomodify.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro