13th Memory
Hannah's POV
"Bakit tayo nandito?" tanong ko sa aking Ama
"Dahil iminbitahan ka ni Sir Cedrick, anak" sagot nito sa akin
4th year Highschool na ako ngayon at nag-aaral ako sa Cedrick Porlas-Natividad Sports and Performing Art School, hindi ko alam kung bakit ako sinama ni Papa dahil siya naman ang inimbitahan nang may-ari ng paaralan sa isang event na ito.
"Pero ayaw kong pumunta dito" sabat ko dito
"Bakit ba ayaw mong pumunta dito? Pwede ma lang ba itong gawin para kay Papa?" tanong nito sa aking
"No! Hindi mo kasi naiintindihan, gusto kong makasama ang mga kaibigan ko" paliwanag ko dito
"Kahit ngayon lang anak" pakiusap nito sa akin
"Hannah?" rinig kong may tumawag sa akin, napalingon ako isa pala ito sa mga classmate ko
"Irene, its good to see you here" sabi ko
"Invited ka pala ni Tito Ced, thats nice" sabi nito
"Nagulat nga ako na inimbitahan ako" kita ko ang pagkagulat nang aking Ama sa aking pagsinungaling
"Are you alone?" tanong nito sa akon
"Kung nandito lang sana si Tatay, hindi sana ako nag-iisa" sagot ko
"You should sit with us" alok nito sa akin
"Sure" sagot ko at hindi nag-dalawang isip na iwan ang aking ama sa kanyang upuan
Pumunta kami sa kanilang table at doon pinakilala niya ako sa mga magulang
"Mamay, Papay ito nga po pala si Hanna Romero classmate ko po" pakilala nito sa akin
"Magandang gabi dear, ako nga pala si Cookie at ito si Henry ang aking asawa" sabi naman nang Ina ni Irene sa akin
"Anng ganda at gwapo naman po ninyo at mukhang bata" puri ko sa kanila
"Wag kang malinlang sa beauty ni Mamay, lalaki yan dati" sabi ni Irene sa akin na siyang ikinagulat ko
"Hon oh, inaaway na naman ako ni Irene" sumbong nang Ina nito sa kanyang Ama, ang cute nilang tignan
"Anak naman, alam mo namang ayaw nang Mamay mo ang ginugulat ang mga kaibigan mo tungkol sa kanyang sexualidad" pangaral nang Ama nito kay Irene
"Sorry Mamay pero nagpakatotoo lang ako sa mga kaibigan ko, ito ang totoong ako at kung hindi nila ito gusto ay okey lang sa akin" sabi ni Irene sabay tingin sa akin
"Ang cute niyo nga pong tignan. Hindi na sa akin iba ang ganyan kasi may dalawang lalaki rin ang magulang ko" paliwanang ko na siyang kininagulat nila
"Really? Bakit hindi mo sinabi ito sa akin" sabi ni Irene
"Nahihiya kasi ako" sagot ko sa kanya
"Para ka naman others" sabi nito sabay gulo sa buhok ko
"Bakla san ka ba pumunta? Di ba sabi ko magpahinga ka muna" rinig kong sabi ni Tita Cookie
"Heto na nga, magpapahinga na nga" sabat naman nang kausap ni Tita kaya napalingon ako kung sino ang sinabihan ni, si Ma'am Orasis pala
"Good evening Ma'am" bati ko dito
"Miss Romero mabuti naman at dumating ka, hindi na ako nahirapang hanapin ka" sabi nito sa akin
"Ano pong ibig sabihin ninyo?" tanong ko
"I'd like to talk to you privately" sabi nito sa akin
"Sure" sabi ko at sinundan ko lang ito
Habang naglakad kami papunta sa isang kwarto ay narinig ko na tinawag sa ang aking Ama sa entablado
"Mr. Ferdinan Romero pwede mo ba kaming samahan dito sa entablado?" rinig ko
"I see that you are with your father, mabuti naman at nakumbinsi ka niyang sumama dito" sabi nito
"Hindi ko ginusto ang sumama dito, hindi ko rin alam kung bakit pinilit-pilit ako ni Papa na sumama. Kung nandito lang si Tatay ay hindi niya ako pipiliting sumama" sabi ko dito
"Kung hindi ka niya sinama ay mahihirapan akong kausapin ka at hindi mo gusto kung ako ang gumawa nang paraan upang mag-usap tayo. Higit sa lahat Miss Romero wala ang Tatay mo dito" madiing sabi nito sa akin
"With all due respect Ma'am, Its not right for you to talk to me like that. Hindi mo alam ang mga pinagdaan ko, hindi mo alam ang hirap ko sa buhay at higit sa lahat hindi mo alam mabuhay na kulang ang iyong pamilya. Wala po kayong karapatang pagsalitaan ako nang ganyan" sabat ko sa kanya, hindi ko akalain may ganitong ugali si Ma'am Orasis medyo natatakot ako sa kanya
"Wala akong panahong makipag-away sa isang teenager at higit sa lahat hindi ako magaling sa ganito" sabi nito na siyang pinagtaka ko
"Ano pong ibig niyong sabihin Ma'am? Hindi magaling sa ano po?" tanong ko
"Maging kontrabida yan ang tinutukoy ko at dahil wala na si Ced ay ako ang pumalit sa kanyang trabaho, napakagaling ni Ced na kontrabida Miss Romero at makikita mo ito mamaya" sabi nito sa akin na siyang nagpakaba sa akin
"Ano po ang ibig ninyong sabihin Ma'am?" tanong ko
"Wag kang kabahan, parati namin tong ginagawa ni Ced sa ibang estudyante upang turaan kayo nang leksyon" sabi nito sa akin
"Sorry po, may mali po ba sa aking mga ginawa sa school? Pagiigihan ko po next time" pagmamakaawa ko dito
"Remember para rin ito sa iyo" sabi nito at tinulak ako papasok sa isang madilin na kwarto at ang tanging ilaw lang ay nagmumula sa bintana sa harapan
Lumapit ako dito at doon ko nakita ang function hall kung saan kami kanina. Dumako ang tingin ko sa stage kung saan ko nakita ang aking Ama, kita ko dito amg lungkot sa kanyang mga mata.
"Magandang gabi Miss Romero mabuti at napilit ka ni Ferdinand na pumunta dito. Isa kasi ito sa utos ko sa kanya" rinig kong may nagsalita kaya hinanap ko kung saan nagmula ang boses at doon ko nakita sa aking likuran ay isang flat screen TV kung saan ang nakangiting mukha ni Sir Cedrick ang iyong makikita
"I demand a reason why I'm here" sigaw ko sa TV
Mula sa TV ay nakita kong mula sa nakangiting mukha ay biglang nagbago sa nakakatakot at mataray na mukha, kinahabahan ako kay Sir Cedrick
"Nagpapatawa ka ba? Konting hiya at respeto naman Miss Romero baka nakalimutan mo kung sino ang kausap mo ngayon. Nandito ka ngayon sa aking harapan dahil ako ang nagpapasok sa iyo sa aking paaralan" sabi nito na siyang ikinahiya ko
"Marami na akong estudyanteng katulad mo na pinangarap na pumasok sa aking paaralan at pagpasok ay akala mo kung sino na" patuloy na paliwanag nito sa akin
"May itatanong ako sa iyo Miss Romero, okey lang ba?. Humihingi ako nang pahintulot mo dahil medyo offensive ang mga tanong ko" sabi nito sa akin
Hindi ako naka sagot kaagad, parang kausap ko talaga harap-harapan ang may-ari nang paaralan
"Im waiting for your respond" sabi nito
"Sure, go ahead" sabi nito sa akin
"Mayaman ba talaga kayo?
Talentado ka ba upang manatili sa paaralan?
Ganyan ka na ba kabilib sa sarili mo?
Alam mo ba ang dahilan kung bakit wala ang Tatay mo dito?
Ganito ka ba pinalaki ni Ferdinand?" sunod-sunod na tanong nito sa akin
"Ano ba aang ibig niyong sabihin?" tanong ko sa kanya
"Let me remind you Miss Romero that the answer to my questions is a No. You are not rich nor talented or smart enough to stay in school, you especially dont have self confidence, you also dont know the reason why your Father left and the most importantly your Father did not raise you to be this kind of girl" madiin nitong sabi sa akin
"Wala kang alam" sigaw ko
"Alam ko ang lahat Miss Romero, sinisigurado ko munang makikilala ko ang mga estudyante ko bago ko sila ipasok sa paaralan at kahit graduate na kayo ay alam ko parin ang inyong ginagawa" paliwanag nito sa akin
"Youre scaring me" sabi ko dito
"You should be afraid and I will no longer tolerate your behaviour any longer Miss Romero. What will you Father say if he will know what you have been doing?" sabi nito sa akin
"I dont care" madiin kong sagot dito
"Kahit si Tatay mo?" sagot nito sa akin
Parang natigilan ako, parati akong nakakarinig nang mga kwento tungkol kay Tatay mula kay Papa pero hindi ko pa ito nakita sa personal kundi sa picture lamang.
"Kilala mo naman siguro ang iyong Tatay diba?" tanong nito
"Leave alone!!" sigaw ko
"Then quit, as simple as that" sabi nito sa akin
"This is getting way out of control Cedrick" may narinig akong sumabat sa loob nang kwarto
"Feeling sorry for your daugther?" rinig kong tanong nito Sir Cedrick sa lalaki kaya napalingon ako kung saan nagmula ang boses kanina
Doon ko nakita ang mukha ni Tatay, kusang tumulo ang aking mga luha.
"Tatay" yan ang lumabas sa aking mha labi
"Wag ka munang magpakasaya Miss Romero, hindi mo pa alam kung bakit ka iniwan nang iyong Ama" sabi ni Sir Cedrick
"Please Cedrick stop this now" sigaw ni Tatay
"Hinding-hindi mo ako maiinda Mr. Louie Laurel-Romero o gusto tawagin kita sa screen name mo na Andres Laurel" madiing sabi ni Sir Cedrick
Hindi ko nasabi na si Tatay ay isang kilalang artista, parati ko itong nakikita sa TV ngunit hindi ko ito nakitang umuwi sa bahay. Mag-uusap lang kami kung birthday ko at minsan kung pasko or new year.
"Alam mo ba kung bakit kita hinayaang makapasok sa paaralan ko?" tanong nito
"Hindi ko alam" sabi ko
"Tama yan Miss Romero, hindi mo alam. Nagmakaawa ang Papa mo upang papasukin lang kita sa paaralan or kahit tignan man lang ang records mo dahil naniniwala ito sa iyong talento" paliwanag nito sa akin, soon ako napaluha nang todo
"Sorry Papa" sabi ko habang umiiyak
"You should be sorry, I dont want any of my student treating their parents the way you treat yours" madiing sabi ni Sir Cedrick sa akin
"Sorry po" patuloy kong sabi habang umiiyak naramdaman ko na may yumakap sa akin at doon ko nakita si Tatay, ang taong matagal kong pinangarap makasama ngunit wala akong naramdaman
"Everything is going to be fine Anak" sabi nito
"Gusto ko si Papa" sabi ko at tinulak ito palayo sa akin at lumabas sa kwartong iyon, tumakbo ako papunta sa entablado kung saan naka tayo si Papa
"Complete" yan narinig kong bigkas ni Papa
"Papa I love you" sigaw ko at niyakap ito nang mahigpit
"Sorry po talaga sa lahat-lahat, babawi po ako sa inyo promise" sabi ko at hinalikan ito sa pisngi
"Ikaw talaga, Mahal na mahal ka rin ni Papa" sabi nito at niyakap ako habang hinalikan ang aking ulo
Nakita kong nakatingin si Papa sa painting na binigay sa kanya ni Sir Cedrick, sa larawan makikita mo Ako, si Papa at si Tatay. Iyan ang gusto ko at gusto ni Papa noon pa na maging completo kami.
"Kahit kulang kami ay nanatili sa aking puso ang pag-asa na isang araw ay magiging kompleto rin itong pamilya namin pero kung hindi pa dumating amg araw na iyong ay kompleto parin ito para sa akin dahil kasama ko ang aking anak" sabi ni Papa
"I love you Papa" sabi ko at niyakap ulit ito nang mahigpit
"Mahal na mahal rin kita anak" sabi nito
"Diba si Andres Laurel iyan?" rinig kong bulong-bulongan nang mga tao
"Pa?" rinig kong may tumawag kay Papa
"Tay?" sagot ni Papa kaya napalingon ako
"Tatay!" sigaw ko at tumakbo sa kanya at niyakap ito
"Miss na miss kita anak" sabi nito at hinalikan ang aking ulo
"Tay bakit ka pumunta dito? Ano na lang ang sasabihin ni Letty niyan" sabi ni Papa
"Wala akong pakialam! pagod na pagod na ako at gusto kong umuwi sa aking pamilya, umiwi sa inyo ni Hannah. Miss na miss ko na ang aking pamilya" sagot nito kay Papa
"Pasensyahan mo na ang Tatay kung matagal ako umuwi pero nandito na ako at sisiguraduhin ko na magiging maayos ang buhay ninyo ni Papa, hindi ako nagtrabaho para lang sa wala" sabi ni Tatay
"Na miss kita Tay" sabi ni Papa
"Hali ka nga dito" sabi ni Tatay at hinila si Papa upang mayakap ito
"Sana ganito tayo parati" sabi ko sa kanila
"Wag kang mag-alala anak, kompleto na tayo at hindi ko hahayaan na kahit sino ang sumira nito" sabi ni Tatay
Ang mga pangyayari ngayong gabing ito ay siyang magiging basehan ko upang magbago para sa ikabubuti ko at kung saan ipagmamalaki ako ni Papa at Tatay.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro