Chapter 7
-RUSTELE'S POV-
Nandito kami ngayon sa school field pinaguusapan ng mga professor kung anong mga sports ang sasalihan namin sa magaganap na contest laban sa iba't ibang school.
"Okay class dahil konti lang boys natin need nyong mag-participate okay? Bawal humindi." Sabi ni sir Aze.
"So sa girls tayo, sino dito yung magaling sa volleyball? Basketball? Tennis?" Tanong ulit ni sir at hindi man lang pinansin yung mga nagre-reklamo.
Madaming nag-participate sa volleyball sa sobrang dami nilagay ni sir sa basketball game yung iba.
"Sa tennis kulang pa tayo ng dalawa." Dagdag pa ni sir Aze.
"Sir! Si Claire po!" Sigaw ni kelsea sabay kindat sa pinsan nya.
"Oo nga po sir!"
"Mahilig naman po sa sports si Claire sir sya nalang po!"
"Madali naman pong turuan yan!"
Saad ng iilan kaya halos sumang-ayon lahat ng nakarinig. Tinignan ko si Claire at mukhang pasan nya ang mundo sa sobrang lukot ng kanyang mukha.
"Sir, I think you should ask her first." Sabi ko kay sir.
"Ms. Claire?" Tawag pansin ni sir kay Claire.
"Kung wala po talagang makikitang participant sir sige try ko po."
Nag okay sign si sir at ipinagpatuloy ang paghahanap at pag aayos ng mga participants.
-CLAIRE'S POV-
"Sis!! Bakit mo ginawa yon!" Sigaw ko kay kel ng makaalis kami sa field.
"Hehe Sis kalma, magpapaliwanag ako." Saad neto habang nakataas pa ang dalawang kamay na parang sumusuko.
"Ganto kasi yan, diba magaling sa tennis yung babe mo? Si Rustele? Edi magpapaturo tayo sakanya! Diba ang talino ko?" Dagdag pa nya.
"Sis, alam kong madali akong turuan pero kung siya lang rin yung magtuturo sakin baka di ako makapag-concentrate!" Gigil na sabi ko.
"Hay naku Sis huwag mong isipin yan, dapat nga pasalamatan mo pa ako kase magkaka-oras kayo sa isa't isa. Hihi" maarteng tawa pa nito.
"Pano ako magpapaturo neto?"
"Tulungan kitang lapitan siya mamayang break." Sabi neto bago kami makapasok ng room.
Hindi nagturo prof namin at nakipag kwentuhan lang samin tungkol sa papalapit na contest hanggang sa matapos ang oras nya.
Nakita kong tumayo si kelsea at nagbigay ng signal na lalabas na kami ng room kaya tumayo nako at sabay kaming lumabas.
"Di pako ready." Bulong ko sakanya.
"Hoy! Ang hina mo naman? Tatanungin lang eh. Tsaka kakain muna tayo para mabigyan ka ng lakas." tatawa tawang ani nya.
Pagkarating namin sa canteen bumili lang kami ng tinapay tsaka drinks tutal mag la-lunch pa kami mamaya.
Habang kumakain naisipan namin maglakad lakad kaso ilang minuto lang nakita namin sina Rustele at Xavier na magkasamang naglalakad pasalubong sa direksyon namin.
"Sis, eto na pag katabi na natin sila magtanong kana okay?" Bulong sakin ni kel.
"Di ba pwedeng mamaya nalang? Kaklase naman natin sila." Reklamo ko.
"Aish! Para nga wala kanang iniisip mamaya."
Sabay kaming tumingin sa dalawa na ilang hakbang nalang ang layo, napayuko ako nung sabay din silang tumingin sa puwesto namin ni kel.
"Hi Rustele!Hi Xavier!" Bati ni kel sa mga to ng makalapit sila.
"Hi." Tipid na sabi ni Rustele at nag nod lang naman si Xavier bilang tugon.
"May gusto kasing itanong yung pinsan ko." Biglang saad ni kel kaya napatingin sakin yung dalawa.
"Uhm Rustele diba marunong kang mag-tennis? Kung hindi ka busy pwede ba akong magpaturo?" Nahihiyang tanong ko.
Syetttt na malagkettt nakakahiyaaaa.
"Sure ka? Saken?" Nag-aalanganin pa na tanong neto.
Oo sayo, Seye leng eke hehehe.
"Oo? Nakita kasi namin dati kung pano ka maglaro tsaka kasali ka naman sa mga varsity natin sa tennis diba?"
"Yeah, Kasali din tong si Xavier."
Eh ano naman? Ikaw lang tinatanong ko.
"Oh?" Kunyareng gulat na sabi ko.
"Oo, pero sige kung sakin mo talaga pakay magpaturo wala naman sakin yon." Sabi nya at ngumiti.
"Sig—" hindi ko natuloy sasabihin ko ng biglang umalis si Xavier.
"Sige Salamat, sabihin mo nalang sakin kung kelan moko tuturuan. Hehe" nahihiyang sabi ko.
"Sige, maiwan ko na kayo mukhang na bored yung kasama ko." Saad nya tsaka umalis pagkatapos namin mag okay.
Pagkaalis na pagkaalis ni Rustele humarap ako kay kel tsaka kami nag high five.
"Success!" Saad nya.
"Excited nakong magpaturo Sis!" Kinikilig na sabi ko.
"Kaloka ka, may pagalit galit kapa kunyare gusto mo naman pala."
"Haha sorry sis." Tatawa tawang saad ko.
Bumalik na ulit kami sa room dahil tapos na break at naghintay sa susunod naming teacher.
-XAVIER 'S POV-
Umalis nako at nagpaunang pumunta sa room kase feeling ko naglalandian sina Rustele and Claire kanina sa harapan ko.
Naiinis ako ang lalande.
Maya maya lang may humawak na sa balikat ko nakasunod na pala si Rustele.
Kung di pala ako aalis wala siyang balak umalis don? Tss.
"What's wrong bud?" Tanong nya.
"Nothing, I'm just bored." Sagot ko.
Hindi na sya sumagot at naghintay na kami para sa next subject.
-RUSTELE'S POV-
Habang nagklaklase hindi ko maiwasan isipin yung nangyari kanina. Iniisip ko kung kelan ko ba siya tuturuan.
Pwede naman mamaya na, or bukas? Ko-konti kontiin ko nalang ituturo ko para mas matagal kaming magsama. Hehe
Sumulyap ako sa pwesto nila Claire at nakikinig sila ng mabuti, Samantalang ako di ako makapag concentrate.
-CLAIRE'S POV-
"Claire pwede tayong mag practice mamaya." Sabi ni Rustele pagkalapit nya sa pwesto namin.
Agad agad? Kala ko pag-iisipan nya pa.
"Sige, gusto mong umupo muna dito?" Turo ko sa pwesto ko baka may pag uusapan sila ni Xavier tsaka vacant naman namin.
"Sure!" Mabilis na sagot nya kaya umalis nako at nagtungo sa pwesto ni kel.
Buti pa to walang katabi dito nalang kaya ako?
"Sis mag-uumpisa na daw kami mamaya." Balita ko.
"Ows? Atat din pala tong si Rustele eh? Hahaha."
"Kala ko nga rin pag-iisipan nya pa."
"Pinag-isipan nya naman sis, nakapag desisyon nga agad sya na tuturuan ka nya ngayon." Pilosopong sabi nya.
"Baka magiging busy sa mga susunod na araw kaya minadali na nya."
"Pwede rin, dala mo PE Uniform mo?" Tanong nya.
"Oo nandun sa locker ko di ko naman inaalis dun yon baka kung sakaling may emergency."
"Buti naman." Nag-kwentuhan lang kami ng kung ano-ano hanggang sa nagtuloy na klase.
-AUTHOR'S NOTE-
Hi guys! Sorry kung napakabagal kong mag update, pero dahil bakasyon naman na namin baka mas dadalas pag update ko. Haha maraming salamat sainyo! Ingat kayo and Godbless!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro