Chapter 6
*BLAG!*BLAG!*BLAG!*
kanina ko pa inuuntog yung ulo ko sa table. Nandito kase ako sa kwarto ko at nag iisip kung anong theme ang gagawin namin ni Xavier para sa wall painting contest, Sinabihan kase ako ni ma'am na sinabing kami na daw ang bahala sa kung anong gagawin namin.
"Aish! xavier kase ayaw makipag cooperate bwisit!" gigil na sabi ko sa sarili ko.
**FLASHBACK**
Katapos akong kausapin ni ma'am Alex bumalik nako sa room para makausap na si Xavier tungkol don.
"Pst!" kalabit ko sa tulog na Xavire.
"hm?" tugon niya kaya umupo nako sa tabi nya.
"Sabi ni ma'am tayo na daw umisip kung ano ilalagay natin sa painting" saad ko.
"Okay. Kaya mo na yan." Sabi nya tsaka mukhang bumalik sa pagtulog.
Eh? Ano yon di nya ko tutulungan?! Aba!
"Wtf?" Bulong ko sa sarili.
"Yah! Dalawa tayong lalaban bwisit ka, Tulungan moko!" Sigaw ko. Pero hindi man lang nya ko pinansin.
**EOF**
"Hayst. Ano ng gagawin ko neto?" Bulong ko. "Tawagan ko kaya si kel? Oo, Tama, tatanong ko kung alam nya number ni Xavier tsk" dagdag ko pa.
*Calling Sis...*
["Hello?"] Sagot neto matapos ang dalawang ring.
"Sis!! Huhu. I need your help!"
["Napano?! May masakit ba sayo?! Sagot! May nangyari ba?!"] aligagang tanong niya.
Tss O.A HAHAHAHAHA
"Wala naman sis hehe. May itatanong lang sana ako."
["Anak ng siopao naman claire! Pinag-alala moko. Ano ba yon?!"]
"May Phone Number ka ba ni Xavier?"
["Omg! Wag mong sabihin na Crush mo sya?! Akala ko ba Rustele ka?"]
Jusq ano bang nangyayari dito sa babaeng to? Hays.
"Errr, Hindi no! Need ko lang syang kausapin tungkol dun sa wall painting"
["Oww okayyyy. Pero sis wala eh? Kay Rustele lang meron ako diba tropa niya yon? Bigay ko number nya tas Try mong itanong kung meron syang number ni Xavier."]
"Uhm? Sigeee send mo nalang sakin yung Number ni Rustele."
["Ayan! Yieeee sige sis goodluck! Bye."] sabi nya tsaka nya ako binabaan.
Hmp. Di man lang ako hinintay magpaalam.
Maya maya lang naramdaman kong nag vibrate yung phone na hawak ko, pagtingin ko nag msg na sakin si kel.
(From Kelie babes~)
- Sis eto na no. ni Rustele 0903******* Galingan mo pakikipag usap sakanya okay? Goodluck! *3*
(To kelie babes~)
- Thanks Sis pero para san yung Goodluck? Magtatanong lang naman ako.
(From Kelie babes~)
- Sis ano ba? Jan nakasalalay lovelife mo tsk.
Hindi na ako nagreply sa last msg nya baka kung san pa umabot pag-uusapan namin.
Sinave ko na yung no. ni Rustele pero di ko alam kung tatawag ba ako o hindi pero para sa contest need kong tumawag.
Kinakabahan na nahihiya ako syettt!
[Dialing 0903******* ....]
["Yes?"] maya mayang sagot ng nasa kabilang linya.
["Hi! Si Claire to, sorry sa abala pero may itatanong lang sana ako."]
["Who gave my number to you? Uh-nvm sure ask me anything."]
May balak kabang ligawan ako sa future? Charr.
["S-sorry hiningi ko kay kel wala kasi akong no. ni Xavier eh, mag kaibigan naman kayo kaya naisipan kong itanong nalang sayo yung no. nya kung okay lang?]
["Okay, send ko nalang. Anything else?]
Chikahan mo muna ako baby, char.
["Okay na salamat! Sorry sa abala"]
["No problem, Goodnight."] huling sabi nya bago patayin yung call.
Omg! Nag goodnight sya!
Kinurot ko sarili ko para malaman ko kung nananaginip ba ako pero nasaktan ako kaya hindi. Napatili ako ng paimpit para maglabas ng kilig.
Kyahhhhhh!!!
Pag ka check ko ng phone ko nakita kong may msg na sya sakin, kaya naman nakangiti kong binasa iyon.
(From 0903*******)
- 0951*******
(To 0903*******)
- Thank you ulit! Goodnight.
Tinawagan ko agad yung no. na binigay ni Rustele pero wala rin akong napala, hindi ko makausap na matino si Xavier kaya naman pinatay ko na agad yung tawag.
-RUSTELE'S POV-
Nagbabasa ako nung biglang mag-ring yung phone ko, may tumatawag pero unknown number sya medyo nagdalawang isip ako kung sasagutin ko pero sa huli sinagot ko din dahil baka importante yung tawag.
["Yes?"] tanong ko agad pagkasagot ko ng tawag.
["Hi! Si Claire to, sorry sa abala pero may itatanong lang sana ako."]
Damn! Yung taong gusto ko! Pero pano nya nalaman number ko?
["Who gave my number to you? Uh-nvm sure ask me anything."]
["S-sorry hiningi ko kay kel wala kasi akong no. ni Xavier eh, mag kaibigan naman kayo kaya naisipan kong itanong nalang sayo yung no. nya kung okay lang?]
Hindi okay sakin. Bakit mo kailangan number nun? Hays.
["Okay, send ko nalang. Anything else?]
["Okay na salamat! Sorry sa abala"]
Kahit abalahin mo pa ako oras oras mas gusto ko yun.
["No problem, Goodnight."] sabi ko nalang bago patayin yung tawag.
Hinanap ko agad yung number ni Xavier tsaka yun sinend kay Claire, baka may importanteng pag uusap yung mga yon.
Pero gano ka-importante? Di ba pwedeng sa school nalang sila mag usap? Hays.
(To 0927*******)
- 0951*******
Pinalitan ko yung name ni Claire sa Contacts ko bago ko naisipan mag basa ulit.
(From Claire❣️)
- Thank you ulit! Goodnight.
Nakangiti kong tinitigan ng ilang segundo msg nya bago ako nagbasa.
Ilang oras ang lumipas nag-ring nanaman ang phone ko, pagkatingin ko si Xavier naman ang tumatawag.
["Bud"] bungad ko.
["Bud i need your help, I don't know what to do anymore ugh."] iritang sabi nito.
["About what?"]
["I don't want to participate to that Damn wall painting contest."] gigil na saad neto.
["Just tell Ms. Alex that you have a lot of things to do."]
["What about Claire?"]
["You should talk to her about it."]
["Alright thanks."] saad nya bago patayin ang tawag.
Wala naman pala syang balak mag participate bakit ngayon nya lang sinabi, dapat nung una palang umangal na sya.
-CLAIRE'S POV-
Umaga nanaman syempre kailangan nanaman naming pumasok sa school. Kanina habang naglalakad ako papasok ng gate napaisip ako kung sasali paba kami ni Xavier sa contest, medyo madami din kasing ginagawa ngayon at isa pa ayaw makipag cooperate nung kasama ko.
Kausapin ko nalang siguro mamaya si ma'am alex na humanap ng kapalit namin habang maaga pa.
Pagpasok ko sa room nakaupo sa upuan ko si Rustele, pag lapit ko sakanila agad syang tumayo at pinapaupo ako.
"Hindi okay lang jan ka muna tatabi muna ako kay Kel" sabi ko. Pumayag naman sya pero pinaiwan nya yung bag ko sa may desk para daw okay na mamaya pag umupo ako don.
"Wait. Hindi ba kayo mag uusap tungkol sa contest ni Xavier?" Pigil neto sakin.
"Kakausapin ko nalang siguro mamaya si Ma'am alex na humanap nalang sya ng ibang participants madami din kase tayong ginagawa ngayon eh." Sagot ko.
"Are you sure about that?" Saad bigla ni Xavier.
"Oo, alam kong madami ka din naman ginagawa kaya ayaw mong sumali."
"Okay, Samahan kitang kausapin si ma'am mamaya." Sabi nya kaya iniwan ko na muna sila at pinuntahan si kel sa pwesto nya.
Pagkaupo ko sa tabi nya napatingin ito sa akin at dun ko lang napansin na kumakain sya.
"Oh Sis? Anong ginagawa mo dito?" Tanong nya habang ngumunguya.
Ininguso ko yung pwesto ko at nakita nyang nandun si Rustele sa upuan ko kaya napatango nalang ito.
"Pag ka-upo mo nyan don di kana tatayo no?" Saad sakin neto.
"Bakit naman?"
"Syempre ano ka ba naman? Paniguradong kakapit yung amoy nya sa upuan mo. Hihi"
"Hoy wag kang maingay baka may makarinig." Sita ko sakanya kaya napatawa nalang sya.
Hays, nababaliw na pinsan ko.
"Nga pala, Anong balita? Close nakayo? Anong pinag usapan nyo kahapon?" Madaming tanong nito.
"Wala sabi ko naman sayo magtatanong lang ako."
"Psh ang hina mo naman."
"Ikaw nga wala kapang natitipuhan" ganti ko.
"Di mo sure"
"What the-? Bat di ka nagkwekwento?!"
"Di pa kasi ako sure, pag sure na sige sasabihin ko na sayo."
Nagtuloy tuloy kwentuhan namin hanggang sa pumasok na yung isa sa mga prof. namin para magturo.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro