Chapter 4
"Sis! Kung nakakamatay lang yung tingin kanina pa lasaw si Vianne" sabi sakin ng magaling kong pinsan.
Paano ba naman kasi kanina pa magkasama si rustele and vianne dito sa field and mukhang ang saya saya nila. Btw si vianne old friend ko sya kaso nung nag shs kami medyo madalang nalang kaming mag usap lalo na't close na sya kay rustele magkasama kasi sila sa club kaya ganon.
"Buti pa sila nakakapag usap ng ganon, samantalang ako di ko man lang sya malapitan" malungkot na bulong ko.
"Sus! Edi lapitan mo"
"Kung ganun lang kadali bakit hindi diba? Hays"
"Kawawa ka naman hanggang tingin ka nalang? Mahina HAHAHA" pang-aasar nya saken. Kaya lalo akong napasimangot tsaka muling sumulyap kina rustele.
-RUSTELE'S POV-
"Do you like her?" Tanong ni vianne.
"Who?" Tanong ko.
"Claire? Kanina pa sya nakatingin sayo"
"Am i obvious? Hahaha" napapangiting tanong ko.
"Halatang halata, pero feeling ko di naman nya ramdam. So do you like her?" Tanong nya ulit.
"Yes, but keep it a secret" sabi ko ng nakangiti. Oo gusto ko si claire, actually matagal na ang cute cute nya kase matalino rin naman sya and mabait so wala naman akong dahilan para hindi magkagusto sa babaeng tulad nya ang kaso bawal pa syang ligawan base sa narinig ko istrikto parents nya kaya dinidistansya ko muna yung sarili ko at isa pa kaya kong maghintay.
"Kelan mo balak umamin?" Saad ulit ni vianne.
"Pag pwede na sya?" Sagot ko sabay sulyap kay claire na nahuli kong nakatingin parin samin kaya agad syang nag iwas ng tingin.
Tsh Cute.
"Hindi ka natatakot?"
"Saan?"
"Baka maunahan ka ng iba"
"Imposible yon, lalo na't nasakin lagi atensyon nya" ah yes, alam kong may gusto sakin si claire pero hindi ko ipinapakitang alam ko para hindi sya ma awkward-an pag kaharap nya ako.
Nilingon ko ulit si claire at alam kong alam nyang nakatingin ako dahil di sya mapakali sakanyang pwesto.
-CLAIRE'S POV-
"Sis! Nakatingin sayo!" Sabi ni kel. "Ay wait! Nakatitig hindi nakatingin. Yieeee!" Dagdag pa nito.
"Oy! Sigurado kaba jan?! Baka malabo na mata mo. Jusq, ano ba kasing tinitingin tingin nya?!" Sabi ko ng medyo natataranta.
"Ay ganern? Pag ikaw tumititig okay lang? Pag sya bawal? O.A mo friend!" Tumatawang ani niya.
"Tara pasok na tayo sa room, alam ko may quiz pa tayo e!"
"Ashushuuu kinikilig kalang e! Hahahahaha"
Pag pasok namin sa room nakita kong nakatayo ang aming class president sa gitna mukhang may sasabihin ito.
"Guys! Bibigyan daw tayo ng kalahating oras na mag review para sa quiz mamaya!" Anunsyo neto. Kaya naman umupo na kami ni kel sa aming mga upuan at inumpisahan na ang pag rereview. Kung tatanungin nyo? Si Xavier? Ayun tulog.
Lumipas ang ilang minuto. Nakaramdam ako ng pananakit ng aking puson, kailangan kong pumunta ng washroom kaya naman tumayo na ako.
Bumagsak ang aking mga balikat ng makita kong nakadikit ang upuan ni xavier sa desk ng nasa likod namin tapos nakayuko ang kanyang ulo sa kanyang kamay na nakapatong sa kanyang desk. Sa madaling salita nakaharang sya sa aking dadaanan.
Bat kase ang laking tao neto?huhu.
Tumingin ako sa may likuran namin at nakiusap na pakiurong muna ang kanilang mga desk dahil kailangan ko na talagang gumamit ng washroom. Pinagbigyan naman nila ako kasi tatayo na sana sila upang i urong yung desk ng biglang magising si xavier.
"Bakit ka nakatayo?" Nagtatakang tanong neto.
"Pupunta kase akong washroom" pabulong na saad ko. Tumayo sya at inayos ang kanyang upuan para makadaan ako pagkatapos ay agad akong tumakbo palabas ng room.
Ihing-ihi nako putek.
Agad akong bumalik sa aming room nung matapos ako ang kaso tulog nanaman ang aking katabi walang pinagbago sa kanyang posisyon kanina.
Ayoko syang gisingin dahil kanina ko pa naaabala ang kanyang pagtulog kaya naman dahan-dahan ko nalang kinuha ang aking libro tsaka umupo sa may paanan ko.
-XAVIER'S POV-
Napamulat ako nang maamoy ko yung natural na amoy ni claire sa aking tabi. Nakita ko syang nakaupo sa paanan nya habang seryosong nagbabasa.
Kakaibang babae, hindi man lang ako ginising mas piniling mangalay wag lamang maistorbo ang aking pagtulog. Tsk tsk.
Hindi ko naiwasang mapatitig sa kanyang mukha. Makapal na kilay, medyo singkit na mga mata, may katangusan na ilong at manipis na pinkish ang labi. Bagay sakanya ang may pagkakulot nyang buhok, kulot na maayos parin kung tignan hindi buhaghag.
Maganda sya, maingay ngalang tss.
"Hey" Tawag pansin ko sa kanya. Nag angat naman agad sya ng tingin.
"What are you doing there?" Tanong ko nakapakamot lang sya ng ulo tsaka nag salita.
"Uh.. Mukhang mahimbing kasi tulog mo kaya hindi na ako nag abalang gisingin ka" nag aalinlangan na sabi nya.
Hindi ko alam kung bakit parang may humaplos sa puso ko ng sabihin nya ang mga salitang yon, siguro dahil masyado syang mabait kaya ganon.
"Upo kana dito" itinuro ko ang kanyang upuan bago tumayo para makadaan sya. Sumunod naman agad sya at hindi na nagsalita pa. Tahimik lang sya hanggang matapos ang klase.
-CLAIRE'S POV-
*Kinabukasan*
Pag pasok ko sa room binigyan ko ng nagtatakang tingin si xavier. Baket? Kase nakaupo lang naman sya sa pwesto ko.
"Oy! Anong trip yan?" Tanong ko sakanya pagkalapit na pagkalapit ko.
"Simula ngayon jan kana uupo." Walang ganang saad nito.
"Wtf? Baket?"
Anong trip nanaman netong lalakeng to? Tss.
"Like what you've said yesterday, naiistorbo mo pagtulog ko. Kaya naman makikipagpalit ako ng pwesto para di moko naiistorbo and di ka nahihirapan" medyo mahabang sabi nya.
"Eh? Pano ka? Pag pupunta ng washroom ikaw naman ang mahihirapan?"
"Hindi mo naman ako katulad na panay ang washroom. Wag kanang mag tanong, umupo ka nalang tsk." Tila nauubusan na ang pasensyang ani nito.
Naks. Gentleman naba tawag dine? Hahahahaha.
"Hmkayyy" nakangiting sabi ko bago naupo.
Maya maya habang nagklaklase..
*TOK*
*TOK*
*TOK*
(A/N: Tunog yan ng pagkatok sa pinto wag kang ano.)
Halos mapatingin ang lahat ng marinig ang katok sa pinto. Pag angat ko ng tingin nakita ko si vianne.
"Sorry for interruption Sir, can i excuse Mr. Rustele? May practice po kasi kami sa music club" magalang na tanong nito tsaka tumingin saken.
Anong tinitingin tingin neto? Psh.
"Sure iha, ipinagpaalam na kayo sakin kanina" sagot ni sir habang nakangiti.
Binigyan ko sya ng nagtatanong na tingin dahil di nya parin inaalis ang tingin nya saken pero ngiti lang ang kanyang iginanti. Inilipat nya yung tingin nya kay rustele at bahagyang tumango na para bang sinasabing sumunod ito sakanya.
Tumayo narin si rustele pero bago sya maka labas ng pinto ay huminto muna ito at tumingin din ito sa akin bago tuluyan lumabas.
Ugh?Anong meron?
"May dumi ba ako sa mukha?" Biglang naitanong ko sa katabi ko.
Kunot noong tinignan ako neto na para bang sinusuri ng maigi ang aking mukha.
"Kapangitan lang" saad neto tsaka na yumuko sa desk.
"W-What?! Ang kapal ng mukha mo oy!" Malakas na sabi ko.
"Miss Claire? Anong problema?" Tanong ng prof namin kaya napapahiyang tinikom ko ang aking bibig.
"W-wala po sir.. S-sorry.." binigyan ako ng nagtatakang tingin neto tsaka nagtuloy sa pag tuturo.
Putek di ko naiisip na may teacher pa kami grr.
Tumingin ako sa katabi ko at binigyan ko ito ng matalim tingin kahit di naman nya nakikita.
"Ingay ingay kase, napapahamak tuloy" rinig kong bulong nito kaya napasimangot ako.
"Ang panget mo din psh." Bulong ko tsaka yumuko na din sa aking desk.
"Wtf? Did you just say that im ugly?" Rinig kong nanggigigil na bulong nito kaya nag angat ako ng tingin at binelatan sya.
"Hoy babae, sinabihan mokong panget?" Pabulong parin na tanong neto. Irita ko naman syang tinignan.
"Ay?bingi ka pre? Oo PANGET KA, panget mo" pinagdiinan kong sabi sakanya.
"Ikaw lang ang nagsabi saken na panget ako" galit na bulong nya.
"We? Edi congrats saken, letche" bulong ko ulit tsaka sya tinalikuran. Masama parin tingin nya pero di ko na pinansin nakinig nalang ako sa discussion.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro